webnovel

Chapter 2

"Weh?" Di makapaniwalang tanong ko. kay Mira dahil sa sinabi neto.

Kasi nandito daw yung Teacher na inasist namin sa Pageant. Yung gwapong teacher at magiging Guro pa namin sa isang subject.

"Oo nga. Papunta nadaw dito. Gavin yung pangalan" dugtong pa niya.

Agad akong sumilip sa pinto para kumpermahin at bumulaga nga sa akin yung mukha neto kaya agad akong napa atras at mabilis na umupo sa pinakamalapit na upuan.

Nakaka gulat naman sya.

At pagkapasok neto ay tinignan niya ang halos walang tao naming Classroom.

Hindi mo naman kasi masisisi yung kaklase kong nag cutting kasi halos walang pumasok na mga Guro ngayong araw kasi First Week ng Second Semester.

"Where's your Classmate's?" agad na tanong neto.

"Cutting po sir" wika ni Cian.

Tumango lang ito at naglakad papunta sa Teacher's Table na parang nag iisip ng gagawin.

"Well, hindi tayo magsisimula ng lesson kung kayo lang." Saad neto.

May point naman sya dahil sampu nalang ata kaming natira dito. 35 ata kami lahat eh.

"Sir? Magiging Teacher ka po ba namin?" tanong ko

Tumingin ito sa akin at nakataas pa ang kilay. Ang sungit hmp.

"Yes. I'm your Spanish Teacher Why?" sagot nito

"Eh paano nangyari yun sir? Si ma'am Cherry kaya ang Teacher namin " dugtong ko pa.

"Ako ang ipinalit. May problema ka Miss?"

"Wala naman po Sir"

"Then why with that face?" wika nito.

Napasimangot ako sa sagot nito. Ano bang meron sa mukha ko? tsk

"Eh bat pinalitan si Ma'am?"

" Ask her"

Burned.

At tinawanan ako nila Mira. Okay payn. FO

Inirapan ko nalang ito ng palihim bago tumayo at papunta sa upuan ko.

Nakakainis sya. Pwedi bang umakto ng ganun ang isang Guro? tsk nakakabanas.

"Hey miss, mag sulat ka ng attendance" utos nito maya-maya.

Tinignan ko ito at ngayon ay naka upo na ito sa Mesa sa harap. Anong trip neto?

"Ba't ako?" walang modong sagot ko.

Bahala siya dyan. At Lumingon ako sa gawi ni Mira

" Ikaw nalang Mira. Sge na" sabi ko sa kanya kaso umiling ito.

"Panget handwritten ko noh" sagot nito.

"Eh lalo na ako no?" nakasimangot na tugon ko.

"Just do it. At paki bilisan" masungit na utos nito.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Aba kahit teacher to papatulan ko to.

"Pwedi naman po silang magsulat sa iisang papel tapos---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maglagay ng papel si Mira sa harap ko at binigyan ako ng Ballpen.

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Pero imbis na magsalita ay ngumiti lang ito at tinapik ako.

Traydor!

At mas lalo akong nainis ng makita kong naka smirk si Sir. ha! ibang klase.

Kaya wala akong nagawa kundi ang mag umpisang magsulat. Sinulat ko silang lahat kahit inis na inis ako. Ang tatamad ng mga kupal.

"Cresza Gonzales?" pagbasa niya sa name ko.

Dahil sa sobrang inis ko Nagulat pa ako dahil hindi ko ito napansing lumapit sa akin.

"oh bakit po?" walang ganang sagot ko habang nagsusulat.

"Nothing" then  a smile plastered on his face.

Ha! Bwesiiiit