webnovel

Chapter Fourteen

KAAGAD na nahanap ni Lucas ang kanyang inang si donya eloi. May pag mamayabang niyang ipinakilala si andrea dito.

"Happy birthday po ma'am.." kaagad na bati ni andrea sa ina ni Lucas, pagka lapit palang nila dito.

"its nice to meet you iha.. Talagang nakaka inlove naman talaga pala ang dalagang ito.. Madalas ka kayang ikuwento sa akin ng anak kong si Lucas..." saad nito kay andrea matapos nilang mag beso-beso.

Nang tapos ng maipa kilala ang dalawang babae sa isa't isa ay nag paalam muna si Lucas sa mga ito na may kakausapin lang.

"salamat po ma'am.. Kayo din naman po madalas na ikuwento sa akin ni Luke.. At madalas niya din po akong patikimim ng luto niyong ulam na talaga naman pong nakaka inlove rin sa sarap niyong mag luto.. " tugon ni andrea sa donya.

Tumawa ang donya sa sinabi ni andrea. Nagkaroon pa silang dalawa ng ka unting kuwentohan bago nag paalam si andrea dito. Dahil nakita niyang kinakawayan siya ni Lucas mula sa malayo upang ipakilala sa mga kaibigan nito. Nang makalapit naman si andrea sa kinaroroonan ni Lucas ay may pag mamayabang din siyang ipinakilala nito sa kaniyang mga dating kaklase sa eskwela. Naka ngiting nakipag kamay si andrea sa mga ito. Nakipag kuwentohan din siya sa mga ito kasama ni Lucas.

Lumipas ang ilang minuto ay narinig na nilang nag sasalita ang ina ni Lucas sa taas ng entablado. Nag papasalamat ito sa lahat ng nag punta sa kanyang kaarawan. Narinig pa nilang tinawag nito ang pangalan kanyang panganay na anak na si Lucas. Agad namang nag paalam si Lucas kay andrea na pupuntahan lang nito ang kanyang mommy.

Habang nag iisa sa kanyang kinatatayuan si andrea ay iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Marami ring mga kaedaran niya ang naging bisita ni donya eloi. Naisip niya na marahil mga kamag anak nina Lucas ang mga ito. Habang iniikot ang kanyang paningin sa kabuuan ng hardin nina Lucas, ay may isang lalaking naka kuha ng kanyang atensyon. Nag iisa din itong naka tayo sa malayo. Naka pasok ang isang kamay nito sa bulsa ng suot nitong pantalon. Habang ang isa naman nitong kamay ay May hawak na baso, na sa tingin ni andrea ay nag lalaman ng alak. Malayo ang tanaw nito na animo'y may malalim na iniisip.

Habang matagal niyang tinititigan ang lalaki ay parang namumukhaan niya ito. Nag pasya si andrea na lapitan ito. Marahan siyang nag lakad papunta sa kinatatayuan ng lalaki. Hindi nga siya nagka mali ng nasa isip. Dahil habang papalapit siya sa lalaki ay unti-unti niyang nakilala ito. Si nicko ang ceo boss ng kumpanyang kanyang pinag tatrabahuan. Hindi siya nakikita ng lalaki dahil malayo parin ang tanaw nito.

Hindi pa kaagad umimik si andrea dito. Mas pinili niyang paka titigan muna itong mabuti, iniisip niya kasi na baka kamukha lang ng kanyang boss. Mas gwapo kasi ang itsura ng lalaki sa kanyang boss. Naka suot ng fitted na khaki pants ang lalaki at Polong kulay puti na stripes ang pang itaas. na pinatungan nito ng coat na kulay Maroon. Naka sapatos ito ng moccasin style na shoes na Maroon din ang kulay at hindi kita ang medyas na suot nito. Naka fringe up ang style ng buhok nito na hindi naman niya nakikita pang naging ayos ng buhok ng kanyang boss kapag pumapasok ito sa opisina. Dahil palaging naka side parted lang ang palagi niyang nakikitang ayos ng buhok nito. Alam ni andrea na hindi parin siya napapansin ng lalaki. Handa na siyang mag salita upang kausapin ito dahil, alam na niyang ito talaga si nicko na boss niya. Nakita niya kasing kinuha nito ang panyo sa bulsa nito at kagaya iyon ng panyong nilabhan niya na ginamit sa kanyang pamunas ng kanyang boss, noong naka sakay sila ng eroplano.

Ngunit nagulat siya dahil bigla nalang itong nag salita.

"tapos ka na bang titigan ako ms. Morales?" narinig niyang saad nito sa kaniya. At pagkasabi niyon ay humarap sa kanya ang lalaki.

"ah—Sir n-nicko, ikaw nga?! Hindi ko kaagad kayo nakilala sir.. Ibang iba po kasi ang itsura niyo ngayon.."

"nag dadalawang isip po kasi ako kung kayo yan.. Kaya hindi ko kayo matawag tawag.." tugon ni andrea sa kaharap.

Ngumiti lang ng tipid si nicko kay andrea. Napansin ni andrea na bukod sa ibang itsura nito ngayon ay may lungkot sa mata ng kanyang boss. Mas lumapit pa si andrea dito.

"ahmm.. Sir, may problema po ba kayo?" hindi na napigilan pang itanong ni andrea kay Nicko.

"yes andrea.." matapos na sabihin iyon ay narinig ni andrea na nag buntong hininga ito.

"sir.. Kung ano man po yang problema niyo ay tiyak po akong may solusyon yan.. Kaya huwag niyo po masyadong paka isipin..."

"oo andrea alam ko naman yun.."

Pagkasabi niyon ay inakbayan ni nicko si andrea.

"may traydor sa kumpanya andrea.." halos pabulong na saad nito kay andrea.

"a-ano po? Traydor?.." ulit ni andrea sa sinabi ni nicko.

"tama ang narinig mo andrea.." tugon nito.

"eh.. Ano po ba ang nangyari sir? Bakit niyo nasabing may traydor sa kumpanya?.."

"malaki ang nawawalang pera ng kumpanya.. At hindi namin malaman kung saan ito napunta.."

Humugot ng malalim na hininga si nicko mula sa kanyang lalamunan bago ito nag salitang muli. Si andrea naman ay naka tingin lang sa mukha ni nicko habang nag sasalita ito.

" at dahil sa malaking pera ang nawawala ay malaki rin ang pangangailangan ng kumpanya ngayon.. Kung hindi maibabalik ang perang nawawala ay kailangan kung maka hanap ng taong malaking mag invest kapalit sana sa pondo ng kumpanya na nawawala.. Natatandaan mo naman siguro si mr. Hamilton andrea diba? "

Pagkatapos sabihin ni nicko iyon ay tumingin ito sa mukha ni andrea. Tumango si andrea bilang tugon sa sinabi ni nicko.

"andrea.. Si mr. Hamilton ang may malaking perang i-iinvest sa ating kumpanya.. Halos singkwenta porsiyento ng investment ay manggagaling kay mr. Hamilton.. Kaya mas mapapadalas ang pag punta niya dito sa maynila.. Kailangan natin siyang paki samahang mabuti dahil sa kanya naka salalay ang estado ng kumpanya.." paliwanag ni nicko kay andrea.

"eh sino naman po kaya sir ang sinasabi niyong nag traydor? May hinala na po ba kayo kung sino?"

"wala pa nga.. Pero oras na malaman ko kung sino siya, ay si siguraduhin kung mag babayad siya ng mahal." pagkatapos sabihin iyon ay nag tiim ang bagang ni nicko.

Akma na sanang iinumin ni nicko ang laman ng basong hawak nito. Ng pinigilan ni andrea ito gamit ang kanyang kamay.

"sir, diba bawal sa inyo ang pag inom ng alak? Kung ipag pa patuloy niyo po ang pag inom ay maaaring mas lumaki pa ang problema ninyo.. Sana naiisip niyo rin yan sir.."

Hindi naka imik si nicko sa sinabi ni andrea. Napa isip din ito na tama naman ang sinabi ng kanyang secretary.

Maya-maya pa ay may matandang babae ang lumapit sa kanila.

"hi son, is she your new girlfriend?"

Sabay silang napa lingon ni nicko sa pinanggalingan ng boses. Naisip ni Andrea na ito na ang ina ni nicko dahil tinawag nitong anak si nicko.

"no mom, she's my secretary.. Her name is Andrea.. "

"oh i see.. I thought she's your new girlfriend.. Bagay na bagay kayo anak.." muli pang saad ng matandang babae.

"ahmm.. Andrea si mommy pala.." pagpapakilala ni nicko sa kanyang ina kay andrea.

Ngumiti ng matamis si andrea dito.

"I'm glad to meet you ma'am.."

Naka ngiting nakipag kamay din ang matandang babae kay andrea.

"i'm glad to meet you too iha.."

At niyakap pa nito si andrea.

"alam mo iha.. I like you.. Kung pwede lang ako na ang manligaw sayo, para sa anak ko.." saad ng matandang babae kay andrea.

"mom! Tumigil nga kayo.. may boyfriend na yang si andrea.." saad ni nicko sa kanyang ina.

"eh ano naman boyfriend palang naman yun ah.." muli pang saad ng ina ni nicko.

Maya-maya pa ay palapit sa kanilang tatlo si Lucas.

"hi tita, nandito lang po pala kayo.. Pinapa hanap po kasi kayo ni Mommy..." saad ni Lucas na sa ina ni nicko naka tingin.

Tumawa ang matandang babae ng marinig ang sinabi ni Lucas.

"ang mommy mo talaga, gusto palagi kaming magka sama.." tugon nito kay Lucas na si donya eloi ang tinutukoy.

"oh siya sige, maiwan ko na muna kayo diyan... Nice to meet you iha.." saad nito at ngumiti pa ito kay andrea bago ito tuluyang umalis.

"hey, nag kita na pala kayo ni kuya nicko andeng.. Mabuti at nakilala niyo ang isa't-isa!" tumawa si nicko pagkatapos sabihin iyon.

"oo naman Luke.. Palagi ba naman kaming mag kasama ni sir nicko sa office.." tugon ni andrea.

Niya-yaya ni Lucas si andrea na sumayaw at nag dadalawang isip siya na iwan si nicko na hindi niya mawari. At Ngayong alam na niya na may mabigat itong problema ay mas nakaramdam siya ng pag aalala para sa binatang amo. Ngunit dahil na mis niya si Lucas dahil dalawang araw niya itong hindi nakita ay sumama siya dito at naiwan si nicko na naka tanaw sa kanila habang palayo silang dalawa.

Dinala nga siya ni Lucas sa dance floor at isinayaw siya nito ng sweet dance. Dahil mahilig talagang sumayaw si andrea mula pa noong nag aaral pa lamang siya ay nag enjoy siya sa pag sayaw kasama ni Lucas. Hindi lang sweet dance ang sinayaw nila pati na rin iba't ibang klase pa ng sayaw. Nang mapagod sa pag sayaw ay kumain sila ni Lucas. Habang kumakain ay nag ku-kwentohan din silang dalawa.

Nang dumating ang alas diyes ng gabi ay nag paalam na si andrea kay Lucas na uuwi na ito. Hinanap niya ng kanyang paningin ang kanyang boss para sana mag paalam din dito, ngunit hindi na niya ito makita. Hinatid naman siya ng binatang si Lucas hanggang sa labas ng gate ng mga ito at pinasakay pa siya nito ng taxi.

Nang maka sakay ng taxi ay hindi mapigilan ni andrea ang mapa ngiti. Natutuwa kasi siya sa ginagawang pag aasikaso sa kanya ni Lucas. Hindi kasi siya iniwan ng binata. Umaalis lang ito kapag kailangan nitong mag banyo. At kaagad din itong bumabalik. Masaya din siya dahil nag enjoy din siyang ka kuwentohan ang mga kaibigan ni Lucas at dahil sa pakikipag kuwentohan niya sa mga kaibigan ni Lucas ay mas nakilala niya pa ang binata.