Habang nakaupo sila sa may damuhan sa ilalim ng puno, nakatanggap siya ng text galing kay Kent.
" I saw your entry pic, hehe. Ganda mo ah! Yun ba yun pic ng kasal natin?" Tanong ni Kent.
"Ah... thanks! Oo, ikaw ba nagjoin ka na?" text ni Ada.
"Yup." reply ni Kent.
"Okay." reply ni Ada.
"Where are you?" text ni Kent.
"Nasa may puno, malapit sa field, bakit?" text ni Ada.
"Sige, pupuntahan kita." text ni Kent.
"Teka, kasama ko si Joice, tinutulungan niya ako kung paano daw dumami ang boto ko." text ni Ada.
"Ah, okay." text ni Kent.
Samantala, nakita sila ni Mark habang padaan ito sa field. Lumapit ito sa kanila at nagtanong.
"Ano ginagawa nyo dito?" tanong ni Mark sakanila habang umupo ito sa tabi ni Ada.
"Nagplaplano kami, para dumami ang boto ni Ada." Sagot ni Joice.
"Boto? Bakit? Para saan?" tanong ni Mark.
"Sumali kasi siya sa Ms. Campus." Nakangiting sabi ni Joice.
"What? Sumali ka?" gulat na tanong ni Mark kay Ada.
"Oo, pinilit ako ni Joice eh." Sagot ni Ada.
"Sabagay, may ipagmamalaki ka naman eh." Wika ni Mark habang kumindat ito sa kanya.
Maya-maya pa ay biglang sininok naman si Ada.
"Oh, wala ka na bang inumin?" tanong ni Mark sa kanya.
"Wala na eh." Sagot ni Ada habang umiling siya kay Mark.
"Sige, bibilhan ko muna kayo ng inumin." wika ni Mark at tumayo ito at nagpaalam sa kanila.
"Okay, salamat." Sabi ni Ada habang kumaway kay Mark at umalis na si Mark papunta sa Canteen.
Habang busy sila Ada at Joice sa pakikipagkwentuhan sa damuhan. Biglang may naglapag ng itim na bag sa gilid ni Ada, akala nila si Mark ngunit ng tiningnan nila ito, ay nagulat sila kung sino.
"K-Kent...!" nagulat na wika ni Joice.
"Oh, bakit parang nakakita kayo ng multo?" Pagkatapos ay umupo na rin ito sa damuhan katabi ni Ada.
Kinakabahan naman si Ada, nagtataka naman siya kung bakit ito nandito at tumabi pa sa kanya si Kent.
"So, anong plano?" Tanong ni Kent sa kanilang dalawa.
"Ah, ito oh." Iniabot ni Joice ang sinusulatan na notebook kay Kent.
"Anong masasabi mo?" Tanong niya kay Kent habang binabasa nito ang sulat niya sa notebook.
"Okay naman 'to, pero parang hindi pa enough para dumami ang votes niya. Kailangan makilala siya sa Campus, para dumami ang boto niya." Sagot ni Kent.
"What if... mag muse ka sa amin, maglalaro kami sa Lunes." Tanong ni Kent habang nakatingin kay Ada.
"Ha? Muse?" Nagulat naman si Ada sa suggestion ni Kent.
"Right! Tama si Kent, maraming manunuod sa Lunes. Kapag mag muse ka sa kanila, makikilala ka at dadami din ang boto mo. Isasabay na din natin ang pagbibigay ng balota sa mga estudyanteng manunuod ng laro." Excited na sabi ni Joice.
"Ha? Sigurado ba kayo diyan? Hindi ba maikli ang palda ng muse?" Agad na nagtanong si Ada dahil alam niyang ayaw ito ni Kent.
"Uhm, huwag kang mag-alala, ako na bahala sa susuotin mo." sabi ni Kent.
"Ako naman, iinvite ko yun friend ko na bading para ayusan ka." Sabi ni Joice.
"Okey, sige na nga." Napipilitang sabi ni Ada.
Matapos sumang-ayon si Ada, ay agad na tinawagan ni Kent ang kanilang Coach para ipaalam dito na meron na siyang nakuhang muse para sa foot ball team nila.
"Hello! Yes, nakakuha na ako ng muse natin." sabi ni Kent.
"Yes! Sure na sure! Hahaha!" Nakangiting sabi ni Kent habang kausap ang Coach nila.
"Okey. Matutulungan mo ba ako para sa kanyang costume, yun hindi masyadong daring." sabi ni Kent.
"Okey. Salamat!" sabi ni Kent.
Nang binaba na ni Kent ang phone, sabay naman ang pagdating muli ni Mark sakanila na may dalang inumin. Umupo naman si Mark sa tabi ni Joice, dahil nakaupo na si Kent sa tabi ni Ada. Nagtaka naman si Mark ng makita si Kent na kausap sila Ada at Joice, hindi naman ito nakikipad-usap sa ibang tao.
"Here, ito na ang drinks niyo." Sabi ni Mark at iniabot ang mineral water kay Ada at Joice, ngunit mabilis itong kinuha ni Kent.
"Thank!" Sabi ni Kent at agad niya itong ininom.
"Uy! Hindi yan para sa iyo!" sigaw ni Mark kay Kent habang naiinis na pinagmamasdan si Kent habang iniinom ang binili niyang tubig para kay Ada.
"Okey lang." Agad naman na sabi ni Ada kay Mark.
Ngumiti si Kent kay Mark pagkatapos niyang uminom at ibinigay ni Kent ang kalahating tira kay Ada.
Pagkatapos ay agad itong tumayo at nagpaalam, "Let's go."
Pagkatapos ng sinabi ni Kent ay hinila niya sa braso si Ada, halos matumba-tumba naman si Ada sa pagkabigla, dahil hindi pa siya ready na tumayo.
Nagulat sina Ada, pati na sina Joice at Mark, sa biglaang paghila ni Kent kay Ada.
"Sandali, saan tayo pupunta?" Agad na tanong ni Ada, pero hindi sumagot si Kent at patuloy lang ito sa paglalakad na hila-hila ang braso niya.
"Wait lang Kent, wait." Halos madapa-dapa na si Ada, habang hinihila ni Kent ang kanyang braso.
"Ada!" Sigaw naman ni Joice.
"Sige Joice, mauna na ako, text na lang kita. Bye!" Sagot ni Ada sabay kaway sa kanila.
"Ok-bye..." Mahinang sinabi ni Joice, habang kumaway na din sa kanya.
Pareho silang naiwan na tulala ni Mark sa may damuha, at pareho nilang iniisip kung bakit bigla na lang hinila ni Kent si Ada? Sinabi rin ni Joice kay Mark na magiging muse si Ada sa kanilang football team. At nagulat si Mark ng malaman ito.
"Wait lang Kent, bitawan mo nga ako, tingnan mo, ang daming nakatingin sa atin." Pakiusap ni Ada, habang pilit na kumakawa sa mahigpit na hawak ni Kent sa kanyang braso.
"Ayaw mo ba ng bumoto?" Tanong ni Kent.
"Gusto ko, pero hindi sa ganitong paraan. Imbes na iboto nila ako ay lalo silang magalit, dahil sa ginagawa mo." Sabi ni Ada.
Huminto si Kent at niluwagan ang paghawak sa kanyang braso at tumingin sa kanya.
Huminga ng malalim si Kent bago nagsalita, "Ang gusto ko lang naman ay layuan mo ang mokong na yun! Tsk!"
Pagkatapos ay binitawan niya si Ada ay tumuloy sa paglalakad palabas ng gate ng school at nagtungo sa parking lot.
Sinundan siya ni Ada habang naglalakad sa likuran niya, bumaling si Kent sa kanya, at tiningnan niya kung susunod siya.
Pagdating nila sa intersection, naghihintay ang kotse. Binuksan ni Kent ang pintuan sa likod at hinintay si Ada na pumasok at sumunod siya.
Habang nasa sasakyan ay tahimik lamang silang dalawa at hindi nag-uusap, tiningnan ni Ada ang bintana at pinag mamasdan ang daaan. Alam ni Ada ang tinutukoy ni Kent, at naiintindihan niya si Kent at ang saloobin nito. Huminga siya ng malalim at inisip na dapat nga siguro ay layuan niya muna si Mark upang hindi magalit si Kent, dahil nagseselos ito.
Habang nakatingin si Ada sa salamin, ay may naisip si Kent, biglang kiniss siya ni Kent sa mga labi. Nagulat naman si Ada rito, kaya itinulak niya ito.
"You!" Naiinis na sabi ni Ada habang dinuro niya si Kent.
"Bakit? Wala ba akong karapatang halikan ang asawa ko?" Sagot naman ni Kent habang matalas na nagtitigan ang dalawa.
Unang nagbawi ng tingin si Ada at umiling-iling nalamang siya at muling tumingin sa labas ng bintana. Pinagmasdan niya ang magandang paglubog ng araw.
Huminga lang si Kent ng mallim at kinuha ang kanyang telepono. At lihim niyang kinuhaan si Ada ng picture nakatingin ito sa labas.
At agad niya itong pinost sa kanyang fb account na may caption na -
"My sunset is always beautiful with you!"
Pagkatapos ay ngumiti si Kent, habang pinagmamasdan ang naka side view na picture ni Ada. Kahit hindi kita ang mukha ni Ada sa post niyang ito, ay masaya ang kanyang pakiramdam na makasama araw-araw ang taong pinakamamahal niya.
Subalit, ilang sandali pa ay napakarami na ngcomment sa kanyang post, kaya inalis niya ang comment option. Nagunlantang ang mga may crush sa kanya at tinatanong kung sino ang babaeng kasama niya.
Subalit ni isa, ay wala siyang sinagot sa mga nagtanong sa kanya. Itinago niya ulit ang phone at hinawakan si Ada sa kamay. Tumingin naman sa kanya si Ada, subalit nginitian lang niya ito ng matamis. Hanggang sa makarating na sila sa kanilang mansyon.