HINDI alam ni Archer kung tama ba ang naging decision niya na umalis muna at palamigin ang sitwasyon. Nakaupo lang siya ngayon sa office niya at walang balak kumilos kaya ang mga chef niya muna ang nag-aasikaso sa restaurant.
Archer leaves a big sigh at tumayo sa kinauupuan para sana silipin ang nangyayari sa kanyang restaurant nang biglang dumating si Yana.
Nanatili sa position si Archer at napatitig lang siya sa mukha ni Yana.
"She cried. Because of me. Again," sa isip pa nito.
Pilit naman na ngumiti si Yana. Ngiti na halata ang lungkot sa mata. Eyes can't lie indeed.
Pumunta sa couch si Yana at umupo.
Pumikit muna siya at huminga ng malalim bago magsalita. "I want to hear your explanation," maiksi niyang saad.
Lumapit muna si Archer kay Yana at naupo sa tapat nito.
"I'm sorry, Yana. I am sorry," Archer said in a groggy voice. Archer's trying to hold back his tears.
Nakatingin lang si Yana kay Archer with teary eye. Yana tries to hold back her tears but she can't. Parang may something na nakabarado sa lalamunan niya sa sobrang sama ng loob.
"Masyado pa akong immature that time; I am only ten years old. Hindi ko akalain na sa ilang taon natin na pagkakaibigan, 'yung pagkawala ko 'yung tanging naalala mo. It's also painful on my part," pasimulang paliwanag ni Archer and tears fell down on his cheek.
"Di ba I told you, the first time I saw you, gusto na agad kita. 'Yan 'yung time na we're still kids," Archer said and he wiped his tears using his palm. "Masakit na mahiwalay sa 'yo pero pinili ko. Para magkaroon ako ng magandang future. Para making fit ako sa mundo na meron ka. Nagpaampon ako without telling you. Kasi alam kong hindi ka papayag." Archer paused for a while. He's trying to compose himself. "Sumama ako sa outing niyo thinking na kahit papaano masaya tayong naghiwalay. But I'm wrong." Hinayaan muna ni Archer na tumulo ang kanyang luha. "Bumalik ako sa Batangas the next day. Para sana magkaroon ako ng proper farewell sa 'yo. Kaso umuwi na pala kayo. Akala ko one week ang outing kaso napaiksi. I don't have idea what happened that time actually."
"W-What? Edi it's my mother's fa-"
"No. It's entirely my fault." Archer cuts off Yana. "After a year, pinasyal ako ng nag-adopt sa akin dito sa Pilipinas to visit si mama Telma. Doon ko pa lang nalaman what happened. Na sinabing namatay ako sa Batangas para hindi mo na ako hanapin. 'Yun na sana ang chance ko para magpakita at paliwanag sa 'yo. Nagpunta ako sa bahay niyo. I saw you. Masaya na kayong naglalaro ng kambal mo. Akala ko nakalimutan mo na ako at that time kaya minabuti kong hindi na magpakita sa iyo. Aalis din naman kasi ako," mahabang paliwanag ni Archer.
Umiyak lang si Yana sa narinig niya. "Is that the last time na nakita mo ako?" tanong ni Yana in between her sob.
Umiling si Archer and said "No. Taon-taon ako bumibisita kay mama Telma. 'Yun kasi ang pinangako ng nag-ampon sa akin kaya ako pumayag. Ginagamit ko rin 'yung chance na 'yun para pasyalan ka. Kaso hindi ako nagkakalakas ng loob para magpakita sa 'yo. I'm watching you, Yana."
"What about your house? Only Matt and I know about it- the design" tanong ulit ni Yana.
"Hanggang sa University school na pinasukan mo pinapasyalan kita. One time, habang naglalakad ka papunta sa klase mo, a piece of paper fell out on your folder. Pinulot ko. Ibabalik ko sana kasi akala ko notes mo. Kaso I saw your drawing. Tapos nakalagay na dream house. Kaya binulsa ko na lang," paliwanag pa nito.
Napaisip si Yana sa sinabi ni Archer. Yana knows na hindi siya magaling magdrawing. Na pati si Matt hindi maintindihan ang drawing nito. Paano nakuha ang exact na gustong mangyari ni Yana sa dream house niya na gamit lang ang scratch paper na iyon.
Lumapit si Archer kay Yana at umupo sa tabi nito. He wiped Yana's tear using his thumb.
Lalo tuloy napaiyak si Yana.
Archer hugged Yana and started stroking Yana's hair.
"It's all my fault. I'm sorry, Yana." Archer hugged Yana tightly.
They stayed hugging each other for more than five minutes. They let each other feel warm.
Hindi alam ni Yana kung bakit kahit sa kabila ng sakit na nararamdaman niya dahil sa nalaman niya, she still feel safe around Archer's arm.
Kumawala sa yakap si Archer nang maramdaman niyang hindi na humihikbi si Yana. Archer wiped Yana's tear using his hand and he smiled-- Smile with a sad eye. "Hintayin mo ako rito, kukuha lang ako ng warm chocolate drink," saad pa nito.
Tumango-tango lang si Yana as a response.
Archer prepared Yana's favorite chocolate drink. Archer watched Yana from the distance for years kaya he still knows kung ano ang favorite ni Yana.
Sinabihan na rin ni Archer ang mga staff niya na off limits muna ang kanyang office. Walang kakatok, tatawag or whatsoever. Masu-suspend ng one month ang gagawa.
Hindi na nagtanong ang kanyang mga staff at they all agreed.
Pagbalik ni Archer sa kanyang office, he found Yana sleeping soundly. Hindi na nagtaka pa si Archer dahil alam niyang hindi ito nakatulog ng maayos dahil sa mga nangyari.
Nilapag niya ang hot chocolate sa table at inayos na lang niya ang pwesto ni Yana sa paghiga niya sa couch. Kinuha niya ang kumot sa loob ng cabinet niya at inamoy muna kung mabango pa ito bago niya ikinumot kay Yana.
"You're suffering because of me. I feel guilty." Archer removed the hair strand of Yana that covered her face.
Pupunta na sana sa table niya si Archer nang biglang hinawakan ni Yana ang kamay nito. A tight one.
Archer reminded their first night together. Yana grabbed his hand for the second time. But by this time, it feels warmer to him.
Nakatingin lang si Archer kay Yana.
"Don't leave me, Archer," Yana said na nakapikit pa rin ang mata.
Napapaisip tuloy si Archer kung tulog ba talaga si Yana or gising.
"Kaya siguro I feel differently on the first day I saw you here. Kasi may connection na tayong dalawa," dugtong pa ni Yana. By this time, minulat na ni Yana ang mata niya and she looked into Archer's eye and said, "If you're really sorry, then stay by my side."
Umupo muna si Archer para maharap na mabuti si Yana. He hold the hand of Yana tightly at nilagay sa kanyang pisngi. Tumago-tango lang si Archer and said, "I won't leave you again."
Ngumiti lang si Yana sa narinig niyang sagot kay Archer. Sa palagay niya, they can start over if they want to try. Parang natanggal na rin sa wakas ang mabigat na dala-dala ni Yana. She can now breathe lightly.
Archer started to stroke Yana's hair para patulugin ulit ito. Yana needs this rest. Kaya pala laging nakakatulog si Yana every time Archer is around kasi they already have a connection. The safest place of Yana to take a rest is at Acrher's place.
HINDI alam ni Yana kung gano siya katagal na nakatulog sa office ni Archer. It's her first time na nakapagpahinga ng ganito katagal. Tinignan niya ang wrist watch niya and it's already 9:00 pm.
Nanlaki mata ni Yana at napasapo sa noo. She slept for almost 7 hours at Archer's place.
Mabilis nalang inayos ni Yana ang kanyang sarili at sa pagtayo niya, nakita niya na nakadukdok si Archer sa kanyang table. He also fell asleep.
Kinuha ni Yana ang kumot at kinumot it okay Archer mula sa kanyang likuran. Pinagmasdan din muna ni Yana ang kabuuan ng mukha ni Archer.
"You're still the little Jimboy. Hindi ko alam kung bakit hindi ko agad napansin," mahinang saad pa ni Yana habang pinagmamasdan si Archer.
Yana also stroked Archer's hair. Then she started to feel the closed eyes of Archer, down to his nose, his cheek, and to his lips.
Yana shook her head when she reached the lips of Archer.
"Kung ano-ano talaga naiisip mo, Yana," saad pa nito sa sarili.
Medyo lumayo si Yana kay Archer nang maramdaman niyang nag ba-vibrate ang phone niya sa loob ng kanyang sling bag.
James is calling her.
"Yes?" sagot ni Yana sa mahinang boses as she answered the call. Baka kasi magising niya si Archer.
Dahan-dahan din niyang tinungo ang pintuan.
"Andito kasi ako sa tapat ng bahay niyo. I got some of your favorite food," bungad ni James.
"Bakit ayaw mabuksan?" Hindi kasi mabuksan ni Yana ang pintuan. Kahit gaano pa ang pihit nito sa door knob.
"What?" James sa kabilang linya.
"Ha? Ah. Kasi James wal---"
Hindi na natuloy ni Yana ang sasabihin niya dahil napatili siya sa gulat. Bigla na lang kasing may nag back hug sa kanya.
"Are you okay? Asan ka ba?" Nag-aalalang tanong ni James sa kabilang linya.
"I'm sorry, James. I'm okay. Wala ako sa bahay ngayon." Yana ended the call at humarap siya kay Archer.
Yana just rolled her eyes na nakangiti. By this time, ngiti na masaya na.
Niyakap muli ni Archer si Yana.
"I miss you so much," Archer said habang nakayakap kay Yana.
"Okay. I get it. Pero can you just please explain kung bakit hindi ko mabuksan ang pintuan?"
Kumalas sa yakap si Archer sa sinabi ni Yana and he just smirked.
"What?" saad pa uli ni Yana at nagkibit balikat
"I doubled lock it. In case na iwan mo uli ako habang tulog," paliwanag lang ni Archer.
Nahinto si Yana sa sinabi ni Archer and she doesn't know why she suddenly feels hot.
"Are you okay? Ba't parang namumula ka?" Archer in his concern voice.
Tumalikod si Yana at hinawakan ang kanyang pisngi.
"This is embarrassing," sa isip pa ni Yana.
"Please, buksan mo na ang pintuan," Yana in her pleased voice.
"Uuwi ka na ba? Hindi ka pa kumain. I can prepare a food for you," alok ni Archer. Nakatalikod pa rin si Yana sa kanya.
"No need. Actually, James is waiting for me," palusot ni Yana.
Hindi nagsalita si Archer sa sinabi ni Yana.
Unti-unting lumingon si Yana kay Archer to see why he didn't respond.
"C-Can I join?" Archer asked hesitantly. He looked away.
Nag smile lang si Yana at tumango. "Yes, you can join us. Hindi ka pa rin naman kumakain pa," Yana responded.
Tumingin lang si Archer kay Yana at parehas silang napangiti.
HABANG nasa sasakyan sila Yana at Archer, biglang naalala ni Yana na she declined nga pala si James kanina sa phone call.
"Saang restaurant ba dapat kayo magkikita?" Tanong ni Archer while driving.
"Ah… E… Wait lang ha. Nakalimutan ko kasi ang sinabi niyang lugar kanina," palusot ni Yana and he called James.
Yana said the location after niya tawagan si James. Tumago lang si Archer and nagkwento siya about sa restaurant na pupuntahan nila. Since restaurant ang business ni Archer, alam niya kung ano ang mga ka-kompetisyon niya sa business.
Sa totoo lang, medyo awkward ang pakiramdam ngayon ni Yana ngayong alam na nila kung sino ang isa't-isa. Archer also feels the same pero hindi niya lang pipapahalata.
Mabilis lang din silang nakarating sa location dahil medyo malapit lang din naman ito.
Nilibot parehas nila ang kanilang mata sa loob ng restaurant para hanapin si James.
"He's there," turo ni Yana nang makita si James.
Sinundan na lang ni Archer si Yana sa direksyon na pinuntahan nito.
Napangiti si James nang makita si Yana. Sa table, may flower bouquet.
Pero bigla rin nawala ang ngiti ni James nang biglang lumabas si Archer mula sa likuran ni Yana.
James doesn't know how to react. Akala kasi niya, they are not in good terms.
Si Archer naman, nakatitig lang sa flower bouquet sa table. Baka masunog na ang bulaklak sa sama ng tingin nito.
Tatayo palang sana si James to pull the chair for Yana pero Archer did it.
Medium-sized squared ang table. Yana sat across James while Archer sat beside Yana.
-----End of Chapter Eight-----