webnovel

Chapter 14 A Capture Of The Heart

Napatingin ako sa cellphone kong kanina pa nag ri-ring. Di-necline ko ito sabay patay sa cellphone ko at nilagay na sa bulsa ko.

Nasa condo na kami ni Tashya, gusto pa sana kami ni Tart na mag stay sa condo niya ang kaso ay tumangi na ako dahil nakakahiya. atsaka hindi magandang tignan sa mata ng ibang tao na may lalaki kaming kasama lalo na sa panahon ngayon. sobrang ma-issue na ng mga tao ngayon kahit sa mali-liit na bagay lang.

At ngayon ko lang nalaman na sa iisang building lang pala nakatira si Tart at Tashya ang kaso ay sa pinaka taas ito, sa fourteen floor kasi ang condo ni tashya at ang kay Tart ay 16.

"Hindi mo ba sasagutin yan? Kanina pa nag riring yan" sabi ni Macy habang nag sinusuklayan ang basa nitong buhok.

Nag hahanda na kasi kami para pumasok ngayon, parang gusto ko nalang mag stay dito ang kaso ay may quize kami sa tatlong subject at ayoko ng ma-miss ito dahil sayang rin ang points nun.

Uminom na rin ako ng gamot kanina dahil sini-sinat at nahihilo ako.