webnovel

MY POOR PRINCESS (TAGALOG)

My Poor Princess written by Hanjmie Sofia Fe Cathylyn Dela Costa is the sole owner of Fia Flowery Shop and one of the heir of DL Enterprises Inc.. Sofia dreams to meet her prince, who will love her by who she was. And then, she meets Dennis Renzo Madrigal, a guy who insulted her and thought that she is a simple sales lady at her flower shop. Pero isang pangyayari ang nagpalapit sa kanila. They become friends until Dennis court her and she realizes, she is falling-in-love with Dennis. But is there a chance for a forever if she found out that Dennis is engaged and soon-to-be-married with another girl? Not just another girl but her older sister. (c) 2020

HanjMie · perkotaan
Peringkat tidak cukup
13 Chs

PROLOGUE

KASAMA ni Cathy ang kanyang ama sa sasakyan. Patungo sila sa airport para sunduin ang kanya ate na galing ng Australia. Tahimik lang siya sa likuran habang abala sa pagsagot ng mga email galing sa mga supplier ng kanyang flower shop. Katabi niya ang ama na tahimik lang nakatingin sa labas ng kotse. At dahil traffic sa Edsa, hindi niya alam kung gaano katagal na silang naruroon. Buti na lang talaga at may pinagkakaabalahan siya.

"Mang Kaloy, pwede bang maghanap ka ng ibang daan? Baka maghintay si Cathness sa airport." Narinig niyang sabi ng ama.

Patuloy lang siya sa ginagawa. May tiwala naman siya kay Mang Kaloy na makakarating sila sa airport sa tamang oras. Itong ama lang naman niya ang walang tiwala sa matagal na nilang family driver. Wala pa siya sa mundong ibabaw ay katiwala na ng kanyang ama si Mang Kaloy. Hindi nga niya alam kong bakit sumama ang kanyang ama sa pagsundo sa ate niya gayong hindi naman ito ganoon dati. Her father only care about his company and money. Kahit kailan ay hindi nila ito nakasama sa mga importanting kabanata ng buhay nila. Lahat kaming makakapatid ay malayo ang loob sa ama. Kaya nga mas pinili namin na mag aral sa ibang bansa. Si Ate Cathness ay nag-aral sa U.S ng Medicine. Nag-aral naman siya sa Europe ng Florist at Photography. Ang bunso nila na si Leo John ay isang abogado. Kaso mas pinili ni LJ ang mamuhay sa Australia kasama ang tita nila

"Kaloy, ihinto mo." Narinig niyang sigaw ng ama.

Natigilan siya sa ginagawa at tumingin sa ama. Nakita niyang nakatingin ito sa labas. Sinundan niya iyon ng tingin at nakita niya ang isang babae na hila-hila ng isang lalaki di kalayuan sa kanila. Napataas ang kilay niya habang nakatingin sa dalawang tao. The guy looks like he is forcing the girl to come with him. Pilit na tinatanggal ng babae ang kamay nitong hawak ng lalaki. Iyong lalaki naman ay may sinasabi sa babae. Ng tumapat ang mukha ng babae sa ilaw ng posti na naruroon ay doon niya nakita ang mukha nito. Puno ng luha ang mukha nito. Nasa mukha din nito ang takot at pagmamakaawa. Hindi lang iyon ang napansin niya. Mukha ding bata ang babae, sa tingin niya ay high school student lang ito. Maybe a grade 7 student. Napatingin siya sa lalaki. Nakita niya din ang mukha nito. Galit itong nakatingin sa babae habang may sinasabing kung ano. Habang ang mga tao sa paligid ay walang pakialam sa nangyayari. Walang balak ang mga ito na tulungan o iligtas ang kawawang babae.

"Mga tao nga naman ginagawang hanap buhay ang pagbinta ng aliw. Nakakaawa naman ang babaeng kagaya niya. Sigurado pinilit iyan ng magulang na magtrabaho sa ganyang lugar para lang may makain." Sabi ni Mang Kaloy na halata sa boses ang awa para sa batang babae.

Biglang nabuhay ang galit sa puso niya. Napatingin ulit siya sa babae. She looks so helpless and weak. Mga ganoong tao ang laging pinagsasamantalahan. Bakit ba may mga taong gumagawa ng masama para mabuhay sa mundo? Pinipili nila iyong mahina para walang laban sa katulad nitong malakas. At ayaw niya ng ganoon. Ayaw niyang may taong nasasaktan at inaapi.

Itinabi niya ang hawak na netbook at walang pagdalawang isip na lumabas ng kotse. Hindi niya kaya ang nakikita ng mga sandaling iyon.

"Ma'am Cathy, saan po kayo pupunta?" tawag sa kanya ni Mang Kaloy.

Ngunit hindi niya ito pinansin. Narinig niya rin ang pagbukas ng pinto ng kotse.

"Sofia Fe Cathylyn Dela Costa, come back here young lady." Galit na sigaw ng ama niya.

Napahinto siya. Nakita niya na nakatingin na sa kanya ang mga taong naruroon. Pati ang lalaking hila-hila ang batang babae ay natigilan din. Ngunit saglit lang iyon at muling hinatak ang babae. Nailapat niya ang mga labi para pigilan ang galit. Mahigpit niyang na ikuyom ang mga kamao. Lumingon siya sa ama. Akala niya ay tutulungan nito ang babae kaya ito huminto ngunit hindi pala. Gaya pa rin ito ng dati. Walang pakialam sa kapwa nito, lalo na kapag walang maibibigay dito at sa negosyo nito.

"Call a police for me, dad." Sabi niya sa ama bago naglakad palapit sa lalaking nagpapakulo ng dugo niya ng mga sandaling iyon.

Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya sa lalaki. Agad niyang hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa kamay ng babae. Naagaw niya ang atensyon nito kaya napatingin ito sa kanya.

"Let go of her." May diing sabi niya rito.

"Anong sabi mo?" sigaw nito. Madilim din ang mukha nito at nalilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Hindi nito nagustuhan ang pangingi-alam niya." Miss, wag kang makialam dito kung ayaw mong madamay." Dagdag nito na may kasamang pagbabanta.

Instead of feeling fear for what he said, she saw blood. Anong karapatan nitong pagbantaan siya? Akala ba nito ay natatakot siya rito. Humigpit ang pagkahawak niya sa kamay nito. He senses that she will not back off.

"Let her go." Muling sabi niya. May bahid ng galit ang boses niya.

Tumawa ang lalaki at pinakawalan ang batang babae. Humarap ito sa kanya na puno ng galit. Nanlilisik lalo ang mga mata nito. Pinakawalan niya ang kamay nito. Nagtago naman ang batang babae sa likuran niya. Matapang niyang hinarap ang lalaki. Inaakala ba nito ay matatakot siya dito. Well, nagkakamali ito. Walang kinatatakotan ang isang Sofia Fe Cathylyn Dela Costa. Kahit ang ama niya ay kinakalaban niya.

"Miss, hindi mo ba ako kilala? Hindi ka dapat nakikialam sa mga bagay na wala kang kinalaman. Baka pagsisihan mo. Umalis ka na Miss." Sabi ng lalaki at tumingin sa likuran niya. "Mary Ann, halika na. May customer ka na sa loob. Malaki ang ibinayad niya kaya halika na."

"A-ayoko ko. Hindi ako sasama sayo." Umiiyak na sabi ng batang babae.

Nakita niyang umigting ang panga ng lalaki. "Mary Ann, tandaan mo may utang ka sa akin. Pinagbigyan na kita ng isang linggo. Tapos na ang palugit mo. Kaya wala ka ng magagawa pa. Halika dito."

"She said NO."

Tumingin sa kanya ang lalaki. Umaapoy na sa galit ang mga mata nito. Ilang saglit nalang ay maari na siya nitong masakal. Mukhang nasagad na nila ang galit nito pero hindi pa rin siya nagpakita ng takot.

"Alam mo Miss. Kanina ka pa." Hinawakan niya ang braso ko. "Sumama ka na rin at ibibinta na rin kita. Mukhang gusto mo din naman makatikim."

Hinatak siya ng lalaki ngunit agad ko siyang sinuntok sa may dibdib. Nabitawan nito ang braso niya. Napaatras ito ng bahagya. Mukhang hindi nito inasahan ang ginawa niyang ataki. Nag-aral din naman siya ng self defense sa Europe. Mag-isa lang siya noon sa Europe kaya naman nag-aral talaga siya na proteksyonan ang sarili.

"Hindi porket lalaki ka ay mamimilit ka ng mahinang babae. Ang isang katulad mo ay dapat tinuturoon ng leksyon. Hindi ako makakapayag na ibinta mo ang batang ito. Kung may utang man siya sa iyo sabihin mo sa akin ngayon at babayaran ko."

Ngumisi ang lalaki. Hindi manlang ito nagulat o natinag sa sinabi niya. "Miss, wala kang kinalaman sa usapan namin ni Mary Ann. Kahit magbayad ka pa ng double sa utang ni Mary Ann sa akin ay hindi na pwede. Isang kilalang lalaki ang nakabili na sa kanya at hindi ako pwedeng umatras sa usapan namin. At ikaw, ibibinta ko din ng malaki. Siguradong tiba tiba ako sayo." Hinagod siya mula ulo hangang paa ng lalaki. Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito.

Umangat ito ng tingin. Nagsalubong ang mga mata nila. Nakita niya ang pagnanasa sa mga mata nito. Bigla siyang kinalibutan sa titig nito ngunit hindi niya hinayaan na makita nito ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Umatras siya ng bahagya.

"Don't worry Miss. Babayaran din naman kita." Tumingin ito sa mga lalaking nakatambay doon.

Napatingin siya ng tumayo ang mga ito. Tama ba ang pagkakaintindi niya. Kasamahan nito ang mga lalaking naroroon.

"Boys, get them. Dalhin niyo pagkatapos sa loob ng bar ko."

Lumapit sa amin ang mga lalaking naroroon. Lima sila at parehong malalaki ang mga katawan. Hindi sapat ang nalalaman niya para mapatumba ang mga ito. Umatras siya habang nasa likuran naman niya ang batang babae. Hinawakan niya ang braso nito. Naramdaman niya ang panginginig nito. Kailangan makaalis sila doon. Tatakbo na sana siya ng may narinig siyang serina ng pulis.

Mukhang sinunod nga ng ama ang sinabi niyang tumawag ito ng pulis. Hindi na natuloy ang pagtakbo niya. Tumingin siya sa lalaki. Nakita niya ang takot sa mukha nito. Mukhang narinig din nito ang paparating na mga pulis.

"Boss!" tawag ng isang kasamahan nito.

"Boss, mukhang may parak."

Patingin ang mga ito sa paparating na mga pulis.

"Boss, parak nga. Sibat na tayo." Sabi ng isa at tumakbo.

Ganoon din ang ginawa ng mga kasama nito. Naiwan ang pinuno ng mga ito. Galit na galit itong humarap sa kanya. "Tandaan mo ito Miss. Hindi ko patatahimikin ang buhay mo. Pagbabayaran mo ito." Banta nito bago tumakbo.

Tumaas lang ang kilay niya. Alam niyang dapat siyang matakot sa banta nito ngunit binaliwala niya na lang. Kaya niya naman pangalagaan ang sarili. She is not a worthless and weak woman. Hindi siya basta-basta matatakot sa isang banta lang. At iyon ang ituturo niya sa babaeng katabi niya na hanggang sa mga sandaling iyon ay nanginginig pa rin sa takot. Humarap siya sa babae. Matuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha nito. May humaplos sa puso niya ng makita ang takot at pangamba sa mga mata nito. Masuyo kong pinunasaan ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya.

"Tahan na. Anong pangalan mo?" Masuyong tanong niya dito.

"M-Mary Ann Padilla po."

"Mary Ann, ligtas ka na. Kaya wag ka ng matakot. Hindi ka na niya babalikan. At kung sakaling bumalik man siya ay hindi ako papayag na kunin ka niya sa akin. Mula ngayon ay aalagaan at iingatan kita." Pangako niya rito. Hindi niya alam kung bakit iyon ang nasabi niya. Marahil ay naawa siya rito at ayaw niyang may babaeng naa-api.

"M-maraming salamat po." Pinunasan nito ang mga luha gamit ang braso. "Miss, napakabait niyo at ang tapang niyo din po. Maraming salamat at niligtas niyo po ako. Utang ko po sa inyo ang buhay ko."

Ngumiti siya sa babae at niyakap ito. Hindi niya alam kung bakit ang gaan ng loob niya sa kay Mary Ann. At habang yakap niya ito ay may isang damdamin siyang naramdaman na hindi niya mapangalanan. Isang estranghirong pakiramdam.