webnovel

MY POOR PRINCESS (TAGALOG)

My Poor Princess written by Hanjmie Sofia Fe Cathylyn Dela Costa is the sole owner of Fia Flowery Shop and one of the heir of DL Enterprises Inc.. Sofia dreams to meet her prince, who will love her by who she was. And then, she meets Dennis Renzo Madrigal, a guy who insulted her and thought that she is a simple sales lady at her flower shop. Pero isang pangyayari ang nagpalapit sa kanila. They become friends until Dennis court her and she realizes, she is falling-in-love with Dennis. But is there a chance for a forever if she found out that Dennis is engaged and soon-to-be-married with another girl? Not just another girl but her older sister. (c) 2020

HanjMie · perkotaan
Peringkat tidak cukup
13 Chs

CHAPTER TWO

NAGMAMANEHO si Cathy papunta sa kanyang flower shop ng may nahagip ang kanyang mga mata. Nakita niya ang isang lalaki na nakatayo sa tabi ng daan at kinakausap ang isang matandang babae. Bahagya niyang itinabi ang kanyang sasakyan para mapagmasdan ang lalaki. Nagsalubong ang kilay niya ng kinuha nito ang wallet sa likurang bulsa nito ay may kinuhang pera doon. Iniabot nito sa matanda at ngumiti. Tumayo ang matanda at yumuko sa lalaki. Nakita niyang biglang nailing ang lalaki at para sinuway ang matanda gamit ang kamay. Mamaya ay iniayos ng matanda ang paninda nito nasa tingin niya ay pagkain. Puti kasi ang nakikita niya. Tinulungan ng lalaki ang matanda, ito ang nagbuhat ng paninda ng matandang babae at ipinasok sa likuran ng kotse nito.

Tumaas ang kilay niya ng mapatanto kung anong ginawa ng lalaki. Isang ngiti ang sumilay ang kanyang mga labi dahil sa nakita. May umusbong na paghanga sa puso niya dahil sa ginawang iyon ng lalaki.

'May kabutihan ka din pala sa puso ng lalaking ito.' Sabi niya at binuhay ang sasakyan niya.

Hindi niya akalain na ang lalaking nakasagutan sa flower shop niya kahapon ay may ganoong ugali. Muli niyang sinulyapan ang lalaki. Tapos na itong maglagay ng binili nito sa sasakyan at nakikipag-usap na lang ito sa matanda.

'You chance my point of view on you.'

Linisan niya ang lugar na iyon na may ngiti sa labi. Hanggang sa makarating siya sa kanyang flower shop ay hindi mawala ang ngiti sa labi niya. At habang inaasikaso niya ang mga customer na dumating ay hindi maalis sa isipan niya ang lalaking iyon. Mukhang hanggang sa matapos ang araw na iyon ay manunuluyan muna ito sa kanyang isipan. She just let it. Ayaw niyang masira ang araw niya kapag mag-iisip siya o papansinin niya ang kakaibang damdamin sa loob niya. Something is new to her. Iyon ang unang pagkakataon na may lalaking na mamalagi sa isipan niya dahil lang sa may nakita siyang kabutihan dito. Hindi lang naman ito ang unang lalaking nakita niya na umasta ng ganoon. Even Sancho is like that to others.

"Ma'am Cathy, may tumatawag po sa inyo." Tawag ni Wilma na nagpagising sa naglalakbay niyang isipan.

Napakurap siya at muling tinitigan ang babaeng tumitingin sa mga bulaklak na binibinta nila. Ngumiti siya sa customer bago ito iniwan para lapitan ang staff niya. "Please, assist her." Sabi niya bago kinuha ang phone niya rito.

Agad naman sinunod ni Wilma ang utos niya. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag at napataas ang kilay niya ng mabasa ang pangalan ng kanyang Ate Cathness.

"Hello, Ate."

"Cathy..." umiiyak na banggit ng Ate niya sa pangalan niya.

Bigla ay naging alerto siya. There something happen to her older sister. "What happen?"

"Pwede ba kitang maka-usap ngayon? Hindi kaba busy sa shop mo?"

"Hindi naman. Mamaya darating ang isa kung staff at pwede ko naman sila iwan." Sagot niya.

"Salamat, Cathy. I see you at Harold's restaurant."

"Okay." Napatitig siya sa phone niya. Anong nangyari sa Ate Cathness niya? Sigurado siyang mabigat ang dinadala itong problema. Isa ang Ate niya sa matapang na taong nakilala niya, sa iisang tao lang takot ang ate niya at iyon ay ang ama nila. Hindi nito kayang suwayin ang ama nila. Nang tinahak nito ang pagiging doctor ay doon niya lang unang nakita na sinagot ng Ate niya ang kanilang ama. Mahal nito ang profession dahil iyon din ang trabaho ng kanilang lola.

Hinintay niya muna si Ary bago linisan ang flower shop niya. Nakita niyang nakaupo malayo sa pinto ang ate niya ng dumating siya. Malalim ang iniisip nito kaya hindi siya na pansin na dumating.

"Hi Ate." Bati niya ng makaupo sa upuang nakaharap dito.

Napakurap ng ilang beses ang Ate niya at kitang kita ang gulat sa mga mata nito. Something is not right with her Ate Cathnes. At hindi niya gusto ang gumugulo dito. Hindi siya sanay na ganoon ang kinikilos ng Ate niya.

"Cathy, ikaw na pala." Sabi ng ate niya.

"Is there something wrong? Hindi mo yata na malayan na dumating ako. Sa atin magkakapatid ikaw ang malakas ang pakiramdam."

Umiwas ng tingin ang ate niya. Hindi maitago ang lungkot sa mga mata nito. Matamlay din ang aura nito.

Napabunting-hininga siya. "Ate, may nangyari ba na dapat kong malaman?"

Muling bumalik ang tingin ng Ate niya sa kanya. May namumuong luha sa mga mata nito. Bigla nitong hinawakan ang kamay niya naikinagulat niya. "I need your help, Cathy."

"Help? Bakit kailangan mo ang tulong ko?"

"Cathy, ipakakasal ako ni Dad sa taong hindi ko kilala at hindi ko mahal." Pumatak ang mga luha nito.

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi nito. "Ano?"

Hindi sumagot ang ate niya bugkus ay mas umiyak pa ito ng malakas. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Cathy. Kinuha ni Dad ang passport ko at kina-usap niya din si Tito Xander na wag akong hayaang makalabas ng bansa."

Hindi siya agad naka-imik. Nanatili siyang nakatingin sa umiiyak na kapatid. Hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ng ama niya sa Ate Cathness niya. Arrange marriage? Meron pa ba iyon sa panahon nila? Hindi naman sila Chinese para gawin iyon ng kanilang ama.

"Paanong ipapakasal ka ni Dad sa isang lalaki? Alam niyang may nobyo ka?" sa wakas ay nahagilap niya din ang kanyang dila.

Umangat ng tingin ang Ate Cathness niya. "Naghiwalay kami ni Timmy apat na buwan na ang nakakaraan at nalaman iyon ni Daddy ngunit hindi nakarating dito na nagkaayos din agad kami ni Tim. Sinabi ko sa kanya na nagkabalikan kami ni Timmy at nagbabalak ng magpakasal ngunit naging matigas si Daddy. Nakapangako na daw siya kay Tito Eric at hindi na pwedeng bawiin pa. Hindi na pwedeng umatras si Daddy dahil dito nakasalalay ang pagsasama ng kompanya ng Dela Costa at Madrigal."

Napapa-iling siya habang nakikinig sa sinasabi sa kanya ng Ate niya. Hindi siya makapaniwala na gagamitin ng ama nila ang Ate Cathnes niya para sa negosyo nito. Hindi pa pala ito tapos sa paninipula sa buhay nila. Hindi nasunod ang plano nito kahit isa sa kanila magkakapatid kaya ngayon ay gagamit na ito ng kapangyarihan. Ikukulong nito ang Ate Cathness niya sa Pilipinas dahil makapangyarihan ito roon.

"How could Daddy did this to you? Gusto niya bang sirain ang buhay mo?" napasigaw na siya sa inis sa ama.

Oo nga at may utang na loob kami sa kanya dahil pinalaki sila nito ngunit wala itong karapatan na paghimasukan ang buhay nila. Future ng ate niya ang pinag-uusapan dito at hindi sila isang bagay para gamitin sa  negosyo nito. May buhay at sariling pag-iisip ang ate niya, kaya paano iyon nagawa ng kanilang ama?

Tumayo siya at balak sanang umalis ng agad siyang hinawakan ng Ate Cathness niya sa braso. "Wag, Cathy. Baka pati ikaw ay madamay. Tandaan mo may anak ka na nasa ibang bansa. Isipin mo si Mary Ann, kapag nilabanan mo si Daddy ng dahil sa akin ay siguradong gagamitin niya si Mary Ann. Alam mong hindi mo makakita si Mary Ann kapag kinalaban mo si Dad at alam kong iyon ang ayaw mong mangyari. Tulungan mo na lang ako, please!"

Natigilan siya ng marinig mula dito ang pangalan ng anak niya. Alam niya kung anong sinasabi ng ate niya. Ang ama niya ay dahilan kung bakit nasa Australia ngayon si Mary Ann at ligtas. Ginamit nila ang koneksyon ng ama para makaalis ng bansa si Mary Ann ng walang nakaka-alam noon. Ang ama niya din ang gumagawa ngayon ng paraan para hindi mahanap ng mga taong nais itong saktan. Oo nga at hindi siya ang humahawak sa negosyo ng ama ngunit hawak naman siya nito sa leeg. At kapag naisipan nitong ipamahala sa kanya ang buong kompanya ay wala siyang magagawa.

Huminga siya ng malalim at naikuyom ang kamay. Napakatuso talaga ng ama nila. Hindi na talaga sila makakawala sa anino nito kahit kailan. Muli siyang umupo at madilim ang mukha na hinarap ito. "Paano kita matutulungan, Ate? Paano kita maililigtas ng hindi napapahamak ang anak ko?"

"Can you steal my passport at Dad's office?"

Nasalubong ang kilay niya sa tanong nito.

"Nalaman ko na doon itinago ni Daddy ang passport ko at alam natin na tanging ikaw lang ang labas masok doon na hindi pinupuna ni Daddy. Pero natural, palalabasin natin na ako ang kumuha noon at hindi ikaw."

"Paano natin gagawin iyon?"

Ngumiti ang ate niya at ang simulang magsalita para sa naisip nitong plano. At habang nagsasalita ang Ate niya ay hinihiling niya na sana ay magtagumpay ang plano nito dahil dito nakasalalay ang kaligtasan ng anak niyang nasa Australia. Nais niyang makasama ang anak kapag nagtapos na ito ng kolehiyo sa Australia at mangyayari lang iyon kapag hindi nagalit ang kanyang ama sa kanila.

NATIGILAN si Dennis ng makita ang lalaking naka-upo ngayon sa visitor couch ng opisina niya. Mukhang pumuslit na naman ito mula sa opisina nito na nasa taas. Hindi niya pinansin ang taong nakaupo doon at deritsong umupo sa swivel chair niya. Binuksan niya ang laptop at nagsimulang magtrabaho. Marami pa siyang gagawin ngayong araw.

May meeting pa siya mamayang lunch at kailangan na niyang matapos ang monthly report na isusubmit mamayang hapon sa general meeting. Napasimangot si Dennis ng maalala ang meeting mamayang hapon. Hindi tuloy siya makapunta sa puntod ng kanyang ina. Sigurado kasi siyang aabutin ng gabi ang meeting nila. Nakasanayan na niya pumunta sa puntod ng ina simula ng mamatay ito dalawang taon na ang nakakaraan. Pumanaw ang ina dahil sa sakit sa puso at lahat sila ay nagluksa dahil doon. Mas malaki ang epekto noon sa kanilang ama na ngayon ay masyadong nilulunod ang sarili sa trabaho. Kahit magbakasyon ay ayaw nitong gawin. Hindi niya maiwasan na hindi malungkot para sa ama.

"Dennis."

Natigil siya sa ginagawang report ng sa wakas ay magsalita ang taong kanina ay nakapikit sa sofa. Napatingin siya dito. Maayos na itong naka-upo at nakatingin sa coffee table na nasa unahan nito. Napabuntong hininga siya ng makita ang problemado nitong mukha. Tumayo siya at nilapitan ito.

"Bakit nandito ka? Hindi ba dapat ay nasa taas ka at naghahanda para sa turn over." Umupo siya sa pang-isahang upuan.

Matamlay na tumingin sa kanya ang lalaki. Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. "Dapat ba akong matuwa ngayong ako na ang magiging CEO ng kompanya ni Dad?"

"Bakit mo na tanong iyan, Kuya? Alam natin dalawa na simula palang pagkabata natin pangarap mo na ang maging CEO ng kompanya na galing pa sa ninuno natin."

Ang Kuya Lorenzo niya ang Vice President ng kompanya ng ama nila. May-ari ang ama nila ng isang airline at ilang mall dito sa Pilipinas. Maliban doon ay may ilang investment din sila sa mga kilalang kompanya dito sa Pilipinas. Siya ang namamahala ng mga mall ng kanyang ama. So far, maayos ang pamamahala niya.

"Alam mo naman kung anong kapalit ng pagiging president ko. Ano bang makukuha ng ama natin sa mga Dela Costa?" tumingala ang kuya niya. Kitang-kita sa mukha nito ang paghihirap sa loob nito.

"Dela Costa is very powerful family. May-ari sila ng mga hospital at law firm dito sa Pilipinas. Maliban doon ay nag-export din sila ng mga aircraft na kailangan ng kompanya na pamamahalaan mo. Your wedding will hold a lot to our company." Sagot niya sa tanong nito na lalong nagpasimangot sa kuya niya.

Hindi sumagot ang kapatid niya. Ilang sandali ay umayos ito ng upo. "Thanks for reminding me." May inis na sabi nito.

Pinagmasdan niyang mabuti ang Kuya Lorenzo niya. "Ano bang problema? Tatlong buwan mo ng alam na ikakasal ka isa sa mga anak ng Dela Costa at sabi mo nga ay tanggap mo ang iniatas sa iyo ni Dad. Bakit ngayon ay parang pasan mo ang mundo dahil sa responsibilidad mo sa kompanya?"

Tumingin sa kanya ang kapatid. "Ashley confessed to me."

Tumaas ang kilay niya ng marinig ang sinabi nito. His bestfriend confess to his big brother. Problema nga ito. Noon pa gusto ng Kuya niya ang best friend niya. Hindi lang nito maligawan dahil sinabihan niya na wag papatulan ang kaibigan niya kung hindi lang naman ito magseseryuso sa isang relasyon.

"Anong sinabi sa iyo ni Ashley? Hindi ba sinabi ko sa iyo na iwasan mo na siya ngayon ikakasal ka na?" inis niyang sabi.

"Hindi sinasadyang makita ko siya sa isang bar kagabi. She was drunk and I offer her a ride. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Ngayon hindi ko alam kung anong gagawin ko para makawala sa nalalapit kong pagpapakasal. Alam mong noon ko pa gusto si Ashley, Dennis."

Napayuko siya. "Kaya mo ba siyang ipaglaban kay Daddy? Alam natin pareho na hindi gusto ni Dad si Ashley. Sa ugali palang ni Ashley turn off na agad si Daddy. Kung hindi lang matigas ang ulo ko noon sana ay hindi ko siya kaibigan ngayon. Kilala mo si Daddy, kapag gusto niya, gusto niya. At alam mong mawawala sa iyo ang lahat kapag sinunod mo ang gusto mo."

Hindi sumagot ang Kuya niya. Alam nito kung anong sinasabi niya. Mawawala ang lahat ng pinaghirapan ng Kuya niya kapag nagpumilit ito sa gusto nito. Ang pinaghihirapan nitong posisyon ay siguradong mawawala dito at ganoon din ang karangyaan sa buhay. Hindi lang iyon, siguradong itatakwil ito ng ama nila. Oo nga at mayaman din ang pamilya ni Ashley ngunit ayaw dito ng ama. Nanggaling si Ashley sa pamilya ng mga Cortez at kilala ang mga Cortez bilang isang makapangyarihang pamilya. Nakakatakot maging kalaban sa negosyo ang mga Cortez dahil siguradong tatalunin ka nito. Isa na doon si Lincoln Aries Cortez - Saavadra na minsan na niyang nakasalamuha sa isang charity event. Nakakatakot ang aura nito at hindi niya gusto ang ganoon. Ganoon din ang pinsan ni Ashley na si Alexander Cortez – Kim na kilalang isang tusong negosyante.

Tumayo siya at tinapik ang balikat nito. "Think about everything. Alam natin pareho na ayaw din ng mga Cortez sa pamilya natin. Madrigal won't do business with Cortez. Ashley is the sole heir of Cortez Empire. Kapag sinaktan mo si Ashley, alam mo kung anong mangyayari sa pinaghirapan ng pamilya natin." Pinaalala niya sa kuya niya kung saan galing ang babaeng iniibig nito.

"Mahihirapan na akong layuan ngayon si Ashley."

Napatigil siya sa paglapit sa mesa niya. Napalingon siya sa kuya niya at nakita niya ang lungkot, pighati at pagsisisi sa mukha nito. "Anong ibig mong sabihin na mahihirapan ka?"

Umangat ng tingin ang Kuya at nagtagpo ang mga mata nila. Kitang-kita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito. "May nangyari sa amin ni Ashley, Dennis. I make love with her last night."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Binundol ng kaba ang puso niya sa narinig. Hindi ito mamaari. Malaking gulo nga ang pinasok ng Kuya niya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan dahil sa narinig. Bakit ginawa iyon ng Kuya Lorenzo niya? Hindi ba ito nag-iisip? Alam nitong mapanganig kapag ginalaw nito si Ashley, kahit nga ligawan ay mapanganig dahil sa pamilya nito.

"ANO!??" sigaw niya pagkalipas ng ilang sandali.

Umiwas ng tingin ang Kuya niya. "Alam kong mali ang ginawa ko kagabi ngunit nangyari na. Mahal ko siya at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Pagkatapos niyang sabihin sa akin na gusto niya ako ay hindi na ako makakapayag na mawala siya sa akin.

"Pero ikakasal ka na, Kuya. Nangako ka kay Dad na pakakasalan mo si Cathness Fia Dela Costa at hindi ka na pwedeng umatras pa." sigaw niya. "Gusto mo ba talagang ilagay ang Madrigal sa alanganing sitwasyon. Hindi ka ba natatakot sa maaring gawin ng magpinsang Cortez kapag nalaman nilang sinaktan mo ang nag-iisang babae nilang pinsan. Lincoln will kill you and also Alex. Kilala mo ang magpinsang iyon lalo na si Lincoln."

Hindi sumagot ang kuya niya. Isa lang silang sisiw sa mata ng mga Cortez kung sakaling maisipan ng mga ito na patumbahin ang negosyo nila. Pumapangalawa ang Cortez-Saavadra sa mga makapangyarihang pamilya sa Pilipinas. Ang tanging makakatapat lang dito sa kapangyarihan ay ang mga Lu-Wang. Wala silang koneksyon sa mga ito at nitong huling taon ay sinusubukan pa lang niya makalapit kay Shilo Chauzou Wang na humahawak sa shoe company na nakabase sa China.

"Nag-iisip ka ba talaga, Kuya."

"Oo! Nag-isip ako, Dennis. Alam kong maari kong ikapahamak ang ginawa ko kagabi ngunit mahal ko si Ashley. Ngayong alam ko na maykatugunan din naman ang pagmamahal ko sa kanya ay gagawin ko ang lahat para siya ang mapakasalan ko at hindi ang Dela Costa na iyon."

Umiling siya dahil sa sinabi nito. "Mawawala lahat ng pinaghirapan mo kapag kinalaban mo si Dad. Alam mong itatakwil ka niya bilang anak. Kuya, handa ka bang umuwi sa kalsada kapag pinag---"

"Handa akong magsakripisyo kung ang magiging kabayaran niyon ay makasama ko si Ashley, Dennis. Oo at mahal ko ang pangarap ko. Pinaglaanan ko iyon ng oras, at panahon. Buong buhay ko tanging nais ko lang ay mahawakan ang kompanya ng mga ninuno natin ngunit ngayon ay iba na." Tumingin sa mga mata niya ang Kuya Lorenzo niya. "Hindi ako makakapayag na mawala sa akin si Ashley. Ikababaliw ko iyon, Dennis. Kaya gagawin ko ang lahat makasama lang siya."

Napailing siya at puno ng pagtutul na tinitigan sa mata ang Kuya Lorenzo ngunit mukhang wala na siyang magagawa pa sa desisyon nito ngayon. Sa nakikita niyang determinasyon ng Kuya Lorenzo niya, mukhang walang mangyayaring kasal sa pagitan ng mga Dela Costa at Madrigal bugkos ay isang gulo at pag-aaway ng pamilya.

NASA Quiapo Church si Cathy para sa lingguhang samba niya. Iyon ang unang pagkakataon niya na pumunta ng Quiapo Church. Madalas ay sa Manila Cathedral siya, nagkataon lang na may pupuntahan siya sa banda roon at na isipan niyang dumaan na lang doon. Nasa second reading na ang mesa ng may umupo sa tabi niya. Napatingin siya sa bagong upo at napasinghap siya ng makita ang gwapong mukha ng lalaking nakasagutan niya noon sa flower shop. Bakit ito naruruon? Nagsisimba din pala ang lalaking ito.

Bigla ay naramdaman niya ang kakaibang saya sa puso niya habang nakakatitig sa gwapong mukha ng lalaking ito. Bakit ba laging naapektuhan ang puso niya sa tuwing makikita ito? Kay bilis ng tibok ng puso niya at parang anumang oras ay maari itong kumawala sa katawan niya.

"Miss, alam kung gwapo ako at nakakatulala ang angkin kung kagwapuhan pero hindi ka dapat ganyan sa loob ng simbahan." Tumingin ang lalaki sa kanya at binigyan siya ng isang mapanuksong ngiti. "Sige ka, magagalit si God kapag hindi ka tumigil. Ayaw ko pa naman magkasala sa loob ng bahay sambahan niya at lalo na sa harapan niya."

Nakaramdam ng pang-iinit ng kanyang mukha si Cathy dahil sa narinig. Napakalakas talaga ng loob ng lalaki. Ang yabang ng dating nito sa kanya ngunit kahit ganoon ay sumasang-ayon ang puso niya na talagang napakagwapo ng lalaki at kahit sinong babae ay mapapatulala dito. This is not good. Kailangan niyang bantayan ang puso. At kailangan din na iyon ang huling pagkikita nilang dalawa. Walang hatid na maganda sa kanya ang lalaking ito.