webnovel

My Native Wife 2:Jason and Lara [Tagalog Completed]

How really important it is to follow even the simplest of instruction? Well, it could mean life and death. Lara Sandoval, a newbie journalist slash meticulous woman was assigned to cover her first ever magazine show in Benguet. The supposed to be work with pleasure turned to be a disaster. Her life became miserable after she disobeyed the simplest of instruction. And the only way to get away from the mess was to marry a marrying age man in the clan. However somewhere middle of it the man fell in love with her but she just wanted to pretend to save her career. ✔This story is a sequel to My Native Wife. ⓓDISCLAIMER: This story is not intended to publicize someone's life. Please be informed that I created this based on my wildest imagination. Again and again, THIS STORY IS MERELY A FICTION. Like this story on Facebook! ⓕ http://www.facebook.com/mynativewife

AZKHA · Sejarah
Peringkat tidak cukup
9 Chs

Chapter 9

Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Lara habang lulan siya ng kotse pabalik sa tahanan ng mga Attiw. Magkahalong kaba at hiya ang ang nararamdaman niya. Paano ba naman kasi, kani-kanila lang ay napakatatag ng paninindigan at determinasyon niya. Eh ngayon mukhang kinain na niya lahat ng mga sinabi niya. Pero naisip niya, kung ang kaniyang mga kasama handang magsakripisyo para sa kaniya kahit palpak ang ginawa nila, bakit siya hindi? Nakasalalay sa kaniya ang kaligtasan ng mga kasama niya. Kailangan masuklian niya ang kabutihan ng mga ito. Sa bagay dalawa lang naman ang makakaalam sa magaganap na kasalan maliban sa pamilyang Attiw. At pagkatapos ng isang buwan ay magpapa-annul din maman sila. Iyon nga lang, magiging separada siya. Makakapag-asawa pa kaya siya pagkatapos niyon? Paano nalang ang iniingat-ingatan niyang reputasyon? Napapangiwi na lamang siya sa mga naiisip niya.

"Wait!" Bigla siyang napabulalas sa mga naiisip niya.

"Lara naman, huwag ka ng magback out. Malapit na tayo oh, ilang minuto nalang makikita mo si apo na nag-aabang sa atin." Angal ni Jason dahil nahulaan niya ang iginawi ng babae.

"Lara? Feeling close ah! Ang bagal naman kasi ng utak ko. Bakit parang ang bilis naman ng biyahe? O talagang mabagal lang kaming naglakad kanina?'' Wika ni Lara sa sarili.

"Hindi ba puwedeng gawing peke nalang ang kasal natin? Iniisip ko 'yong reputasyon ko, no! Ayaw kong maging separada! Baka wala ng magkakagusto sa'kin niyan!" Napakaprangka at inosente ang pagkakasabi ni Lara. Natawa tuloy ang dalawang kasama niya. Napailing nalang si Jason sa itinuran nito.

"Look! Do you think na hindi ko naisip gawin 'yan? Last year, ginawa namin ni Gab 'yan pero pumalpak kami. Hindi lang naman ikaw ang maging separada ah."

"To think na babae ako, anong dignidad pa ang mayroon ako? Ano ba 'yang lolo mo, mangkukulam? At minamaneobra niya ang lahat sa pamamagitan ng orasyon?" Napipikang wika niya.

"He has the authority and power." Maikling sagot ni Jason,

"Wala na ba talagang ibang paraan? I'm sure mayroon pa 'yan!"

"Eh 'di sana kung mayroon, ginawa ko na. Wala akong laban kay apo. Mahal ko ang pamilya at ang aming tradisyon." Seryosong tugon ni Jason.

"My gosh! Ano bang ginawa ko? Bakit nangyari sa'kin ito?'' Nasapo ni Lara ang kaniyang noo. Hindi pa niya talaga lubusang tangap ang mga nangyayari.

"Lara naman, akala ko nagkasundo na tayo kanina? Ngayon pa ba tayo magtatalo na nasa harapan na tayo ng bahay?"

"What! Anong gagawin ko! Anong gagawin ko!" Nagpanic siya at hindi mapalagay sa loob ng kotse.

"Ms. Lara, it's okay." Alo ni Ria.

"Relax. It will be fine, believe me. Now look into my eyes." Humarap si Jason mula sa driver's seat at bumaling kay Lara sa likuran. Hinawakan nito ang kaniyang magkabilang balikat.

"Yeah...That's it. Look into my eyes. Good! Now smile..."

Para namang bata si Lara na sumunod sa utos kahit at pilit ang ngiti.

"Good girl. Now, smile bigger...That's it...bigger. Now, say: I'm okay."

"I~Im okay." Nauutal niyang sambit.

"Louder!" Utos pa muli ni Jason.

"I'M OKAY!" Sa wakas, bumalik din siya sa kaniyang katinuan.

"Good! Then let's get out here." Nauna si Jason na bumaba ng kotse at pinagbuksan pa sila ng pinto na para bagang mga VIPs.

Hindi talaga nagkamali ng hinala si Jason at talaga palang naghihintay si Apo Endo. Pagkababa ng kotse, nakinikinita na ni Lara ang may-edad sa may bungad na nakapalapad ang ngiti. Parang ngiting tagumpay. Halos 'di niya maihakbang ang kaniyang mga paa sa kaniyang kinatatayuan sa pagkakataong iyon. Pero magaagap naman itong si Jason at inaalalayan siya nito habang papasok ng gate.

"So! I know, right?" Masayang bulalas ng may-edad nang makapasok na sila.

Hindi nakahagilap ng maisasagot sila Lara dahil sa sobrang hiya. Ang dalawang kasama naman niya ay bumati sa may-edad.

"Sinundo ko po sila, apo. We talked and both agreed to do the wedding." Si Jason na ang nagsalita para kay Lara dahil natameme pa rin ito.

"Good! Kung ganoon wala na tayong magiging problema. Bukas, pupunta ako ng Baguio para kausapin ang kakilala ko na huwes at ang dalawang representante galing Civil Registrar's Office. Kahit Sabado bukas, tiyak na hindi nila ako tatangihan at sa Linggo mismo ang kasal niyo." Masayang litanya nito.

"Ho!"..."Po?" Magkasabay na tugon nila Lara at Jason sa sobrang pagkabigla.

"Ang bilis naman po ata. Wala man lang seminar?" Sa wakas, nakahagilap na rin si Lara ng sasabihin.

"Apok, tribe wedding ito. Anumang oras puwede ko kayong ikasal at legal iyon. Pero para kaayon sa batas, kailangan lang itong maging dokumentado at kukuha ako ng dalawang representante galing Civil Rigistar's Office at siyempre ang saksi ay ang kakilala kung huwes. May dalawa ka pang kasama na puwede sumaksi, hindi ba?'' Bumaling ito ng tingin sa dalawa niyang kasama.

"Ay, opo! Puwede po kami." Sagot naman ng cameraman. At tumango lang si Ria.

"Kailangan niyo ng umuwi sa Lunes, hindi ba? Ano pa ang aantayin natin?" Humirit pa uli ang may-edad.

Totoo nga naman! Kailangan na nilang makauwi dahil marami pang i-edit sa kanilang documentary bago matapos ang itinakda nitong panahon.

"Kayong dalawa, sumama kayo sa'kin bukas para puntahan niyo sa ospital ang mga kasamahan niyo. Para 'di sila mangamba, sabihin niyo sa kanila na gusto niyo pang mag-extend ng dalawang araw dito. Paunahin niyo nalang silang umuwi sa Maynila." Baling nito sa dalawang kasama ni Lara.

"I'll take you guys tomorrow." Pagkukusa ni Jason.

"Hindi. Dito ka lang at bantayan mo si Ms. Lara, baka magbago pa ang isip eh."

Sigurista talaga itong may-edad na ito! Sa bagay, malay nga naman kung biglang mag-bago ang isip ni Lara at lalayas ito nang maaga. Maigi na ang maagap baka mapornada pa ang kasalan. Nakakahiya iyon sa mga iimbitahan kapag nagkatotoo.

Nagulantang ang lahat nang may narinig silang tunog. Tunog iyon ng kumakalam na sikmura ni Lara. Nakaramdan siya lalo ng hiya nang 'di na niya napigilan ang kanina pa nagrereklamong sikmura.

"Tingnan niyo? Hindi pa pala kayo kumain. Pumasok na kayo at nang makakain na. Kanina pa nag-aantay ang mag-asawa." Naunang namang pumasok ang may-edad.

Para namang walang nangyari dahil magiliw parin silang tinangap ng pamilya. Pinagsilbihan pa rin sila tulad noong mga nakaraang mga araw. Kung tutuusin, sobrang bait talaga ng pamilyang ito. Wala talaga siyang masabi maliban na lamang sa kanilang nakakalokang tradisyon na hangang ngayo'y pinagpupunyagiang pa ring tangapin ng kaniyang kalooban. Wala namang siyang magagawa pa at napasubo na siya sitwasyon.

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin dinalaw ng antok si Lara, samantalang si Ria ay humihilik na. Siguro dahil abala ang kaniyang utak sa kaiisip kung ano na mangyayari sa kaniyang buhay kapag naging separada na siya. Nang hindi na niya nakayaan pa ang kaniyang imahinasyon at waring sasabog na ang kaniyang utak, lumabas siya at pumunta sa balkonahe. Kailangan na niyang makalanghap ng preskong simoy ng hangin para kumalma. Madilim ang paligid dahil wala namang kuryente kaya hindi niya naaninag na may tao sa dulo ng balkonahe. Akmang uupo siya nang may,

"Eheerm!"

"Anak ng!'' Sa gulat ay halos matimbuwang si Lara sa upuan. Mabuti nalang at napakapit siya sa balusters.

"Nanay ko.'' Dinugtungan naman nito ang sinabi ni Lara, kaya napag-alaman niya kung sino ito.

"Talaga bang gusto mo akong patayin, ha?!!!" Singhal ni Lara dito dahil hindi na niya naitago pa ang pagkairita.

"Hindi, ikakasal pa tayo bukas eh. Bakit naman kasi laging bigla ka nalang sumusulpot? Ah, hindi ka makatulog, ano? Normal daw 'yan sa ikakasal." Biro ang naging tugon ni Jason dahil ayaw nitong makipagtalo. Tumawa pa ito ng pagak.

"Talaga bang ganiyan ka antipatiko? Grrr! Makaalis na nga lang, baka hindi kita matantiya diyan eh." Piping wika ni Lara. Akmang aalis siya ng bigla siyang pinigilan nito.

"Lara, wait!"

Huminga muna ng malalim si Lara baka masagad ang kaniyang pagtitimpi at mahampas na niya ito nang tuluyan.

"Ano pa ba ang gusto mo, ha? Pumayag na ako sa gusto niyo, 'di ba? Please lang, huwag mo ng dagdagan ang stress ko. Utang na loob."

Nagulat ata si Jason sa sinabi ni Lara at hindi agad ito nakasagot.

"Uhm...Well, ah...'' Nagkibit-balikat ito. ''I just wanted to introduce myself formally. Hindi naging maganda ang unang pagkikita natin. Naisip ko, kailangan nating kilalanin ang isa't-isa kahit isang buwan lang tayong maging mag-asawa. Para kahit papaano eh hindi tayo totally stranger sa isa't-isa." Dagdag pa nito.

Sa pagkakataong ito, si Lara naman ang medyo nagulat sa naging pahayag ng binata. May punto din naman ito, yamang hindi na niya matatakasan ang gusot na ito.

"Hi, I'm Jason Attiw. I'm 31 years old, dermatologist and proud to be native. Nag-iisang anak at mapagmahal sa pamilya." Inihalad nito ang kamay niya kay Lara. Pero hindi agad inabot ni Lara ang kamay nito.

"Uhm...Lara Sandoval, 28 years old and junior journalist. Probinsiyana, raised in a poor family and hardworking.''

Nang nagdaupan ang kanilang mga palad, animo'y nakaramdam si Lara ng kuryenteng gumagapang sa kaniyang braso. Hindi niya mawari ang sensasyong nadarama. Ang tagal bago binitiwan nila ang kanilang mga palad sa pagkakadaop.

''Akala ko city girl ka talaga, hindi kasi halata na probinsiyana ka rin pala. Naalala mo noong pumunta ka sa shop ko? Naghysterical ka dahil sa pimples, sabi mo pa may pinagdaanan ka. What is it?" Osyosong tanong ni Jason.

"Hindi kita close kaya bakit ko sasabihin sa'yo? Isa pa, unang tinging ko sa'yo, isa kang antipatiko, arogante at mayabang." Diretsahang wika ni Lara.

"Well, diyan ka nagkakamali. Hindi lang talaga oobra sa'kin ang mga maaarte kaya akala nila antipatiko ako." Depensa naman ni Jason At umupo ito, sumunod naman si Lara.

"So maarte pala ako, ha? Hoy, hindi mo lang alam pero marunong akong mag-araro." Pagmamalaki ni Lara.

"Talaga? Pimples nga lang halos maglupasay ka na eh." Parang 'di makapaniwala si Jason sa sinabi niya, dahilan para matawa ito.

"Hindi mo kasi alam ang pinagdaanan ko. Aissh! Tama na nga 'yan!" Mukhang napikon si Lara.

"Alright. Alright. Uhm...What about your parents?" Iniba ni Jason ang usapan dahil nahalata niyang pikon na ito.

"Well, nasa Bohol sila. I moved in Manila when I was 18 years old para mag-aral. Ikaw?"

Hindi na nila namalayan ang oras dahil napasarap ang kanilang kuwentuhan. Sa unang pagkakataon, nagkuwentuhan sila ng maayos.

*************************

To continue reading the complete stories head over to my Facebook page: (AZKHA - Author) nandun po ang link kung san po ninyo mamabasa ng free ang dalawang book na Ito. Salamat sa unawa.

or

magdownload ng Dreame app... please search my username: This Is Azkha, or you simply search My Native Wife 1 and 2. I scheduled update every day. it's free. You can also check my other stories here, they're free and completed