Walang mapaglagyan ang pagkabanas ni Lara kaya padabog siyang naglakad pabalik ng kuwarto nila. Pinaghahablot niya ang mga gamit at pilit pinagkakasya sa maleta niya. Wala siyang pakialam kung kaniya ba ang ibang gamit o kay Ria, basta ang mahalaga ay makapag-impake na at makalayas. Gustong-gusto na niyang makalayo sa lugar na iyon. Isa pa, ayaw niyang abutan sila ng gabi sa daan dahil dalawang oras pa bago nila marating ang Baguio.
"Ria, pakibilisan baka abutan tayo ng gabi sa daan. Tulungan mo na si Kuya Isme sa labas sa ibang mga gamit. Ako nalang dito." Ang tinutukoy ni Lara ay ang cameraman.
"Yes, Ms. Lara. Pupuntahan ko na po si Kuya Isme sa kabilang kuwarto." Dali-dali nitong sinalansan ang mga gamit sa maleta at lumabas.
Nang matapos sa pag-iimpake ay agad-agad siyang lumabas at tinungo ang kinaroonan nina Ria at ng cameraman. Hindi na talaga siya nakapag-antay pa.
"Ria, Kuya Isme, matagal pa ba 'yan? Kailangan na nating makaalis." Bungad niya sa dalawa na abala sa pag-iimpake.
"Ito nalang po, ma'am." Tugon naman ng cameraman.
"Sige, tulungan ko na kayong mailabas ang mga iyan."
"Ay huwag na po, Ms. Lara." Maagap na wika ni Ria, ngunit sadyang mapilit si Lara kaya hinayaan nalang siya nito.
Ilang sandali pa'y nailabas na nila lahat ang mga gamit. Wala silang inaksayang sandali at agad tinungo ang may-edad. Hindi naman sila walang utang na loob para umalis nang 'di nagpapaalam. Kahit papaano'y naging maayos din naman ang pagtanggap nito sa kanila. Tamang-tama namang nandoon silang lahat sa balkonahe, maging si Gab. Parang may pinag-uusapan silang mahalaga at napakaseryoso ng mga aura nito. Anuman iyon, wala siyang paki-alam. Ang mas mahalaga ay makasibat sila sa isinumpang lugar na iyon.
"Lo, aalis na po kami. Salamat sa lahat ng kabutihan niyo sa amin pero kung tungkol sa tradisyon ninyo, hindi ko po kayang gawin. Sana igalang niyo po ang pasya ko." Lakas-loob na wika ni Lara.
Nananatili namang tahimik ang lahat. Ni isa sa kanila'y walang nagsalita. Dinakuan niya ng tingin ang hambog na doktor pero hindi niya mawari ang reaksiyon nito. Parang galit o dismayado o blangko na ewan.
"Kung 'yan na ang pasiya mo sa ngayon, igagalang ko. Pero sinasabi ko sa'yo, hindi mo kailanman matatakasan ang ginawa mo." Banta nito sa kaniya.
"Hindi po mangyayari iyon." Agad niyang tugon.
"Tingnan natin. Pero ikanalulungkot kong sabihing hindi na kayo maihahatid sa Baguio."
Hindi na nagulat si Lara sa tinuran ng may-edad. Dahil inaasahan na niyang ganoon ang mangyayari.
"I expected that but we're going even with barefoot. Again, thanks for accommodating." At tumalikod na si Lara at nakita niya ang reakisyon ng P.A. niya.
Ang problema ay kung paano nila dadalhin ang tatlong maletang de-gulong at apat na de-gulong na kahon na pinaglagyan ng mga gamit sa taping kasama ang cam coder, lights at iba pa.
"Ms. Lara, marami po tayong dala. Paano natin to dadalhin kung 'di tayo sasakay?" Halos pabulong nitong sambit.
"We came here as a team, so let's have teamwork, okay? Ako na ang bahala sa tatlong maleta ng damit, kayo nalang sa mga gamit."
Ganoon na lamang ka lakas ang kaniyang loob dahil determinado talaga siyang makauwi na. Kinuha niya ang tatlong maletang de-gulong at tig-dadalawa naman ng kahon na de-gulong ang P.A. at ang cameraman at tuluyang nilisan ang lugar.
Napailing nalang si Ariya habang pinagmamasdan ang tatlong papalayo. Naisip niya kung kakayanin kaya ng mga ito ang pagod at haba ng lalakarin. Daig pa nilang sasabak sa Amazing Race sa gagawin nila. Pero hanga talaga siya sa paninindigan ni Lara. Kung sana ay magkakatuluyan sila ng pinsan niya, mas maganda sana.
"Haay, sayang siya kuya!" Napabulalas nang wala sa loob si Ariya. Napatinging tuloy sa kaniya ang tatlo.
"Hindi, cuz. Hindi natin siya kilala kung sino talaga siya." Tugon naman ni Jason.
"Nagkakamali ka! Hindi talaga sayang kasi hindi niya malulusutan ang ginawa niya. Hindi siya makakauwi ng ganoon-ganoon nalang." Sabi naman ni Apo Endo.
"Bakit po, apo? May ginawa po ba kayo?" Tanong naman ni Gab.
"Wala. Pero tinitiyak ko sa inyo, babalik ang mga iyon." Pagkatapos ay tumalikod na ang may-edad at tumungo sa silid nito. At nagkanya-kanya na rin ang tatlo. Si Gab na karga-karga ang anak ay pumunta sa rose farm. Si Ariya nama'y sa kusina. At si Jason ay bumalik na din sa kaniyang silid.
Isang oras ang lumipas, hindi pa rin nakakalayo sila Lara. Paano ba naman, hindi man lang nila naisip na hindi pa pala espaltado ang kalsada. Nahirapan talaga silang hilahin ang mga bagahe. Kung pupuwersahin naman nila sa paghila, baka masira ang mga gulong at tiyak na hindi nila kayang buhatin ang mga maleta at maglakbay ng malayo.
"Ms. Lara baka gagabihin tayo sa lagay na'to." Hindi maiwasan ni Ria na mangamba.
"Hindi mangyayari 'yan kung bilis-bilisan pa natin."
"'Eh malapit na ngang bumigay 'to oh." Tinuro nito ang dalawang kahong hila-hila niya.
"Ingatan mo lang, makakarating din tayo sa bayan.''
Wala naman silang ibang mapagpipilian kaya nagpatuloy pa rin sila paglalakbay. Pero nakaramdam na sila ng pagod, uhaw at gutom. Isang bagay ang nakaligtaan nila bago sila umalis. Dapat nakapagdala man lang sila kahit isang boteng tubig. Wala man lang dumaang sasakyan ng mga oras na iyon. Sabagay baka iilan lang may sasakyan sa lugar na iyon.
Takip-silim nang marating nila ang sangang-daan. Sa wakas espaltado na ang daanan, kahit papaano ay mapapagaan na ang buhay nila. Pero ang problema ay kung alin sa mga ito ang daan papunta Baguio. Halos tulog lahat sila noong araw na marating nila sa bahay ng mga Attiw kaya wala ni isa sa kanila ang nakakaalam. Wala ding bahay na magpagtatanungan, ni sasakyan mang dumaan kaya nagpalabunutan nalang silang tatlo. Kung ano ang mapipili ay siyang dadaanan nila.
Samantalang si Jason ay paroo't parito sa balkonahe. Panay silip sa kaniyang relos. Hindi talaga siya mapakali. Hindi niya mawari kung bakit siya nag-aalala sa babaeng iyon. Siguro dahil nakokonensiya at muntik pa niya itong mapatay nang 'di kaninang umaga. Hindi na siya nakatiis pa at dali-daling kinuha ang susi ng kaniyang kotse at pinaharurot ito.
Hindi na talaga biro ang pinagdaanan nila ni Lara. Tuluyan nang bumigay ang isang gulong ng kahon anupa't nahirapan na si Ria sa kakahila. Idagdag pa ang masakit na binti, kumakalam na sikmura at tuyong lalamunan. At hindi na maliwanag ang kanilang dinadaanan at gabi na nga. Samu't-saring emosyon ang naramdaman ni Lara hangang sa humagulgol siya at umupo sa gitna ng kalsada.
"Ria, why is this happening to me?" Tumigil ang dalawa sa paglalakad nang matunugang humagulgol si Lara.
"Ms, Lara...okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Ria.
"How can I be okay? Argh!...I'm so stupid! It's just a simple instructions but I screwed it up! I drag you guys in this freaking situation..."
Natigil si Lara sa kangangawa nang lumapit ang P.A. niya niyakap siya.
"It's okay Ms. Lara, lahat tayo ay parte ng project na 'to kaya 'di dapat ikaw lang ang mahirapn."
"Oo nga po, Ms. Lara. Team tayo kaya dapat magtutulungan tayo. Hindi naman puwedeng pilitin kang magpakasal kung 'di mo gusto." Wika naman ng cameraman.
Nagulat ang tatlo nang matunugang may sasakyang paparating. Nagdiwang ang kalooban ni Lara at nabuhayan siya ng pag-asang makauwi. Nang malapit na ito ay kaniyang pinara. Huminto naman ito, at nang akmang lalapit si Lara, nagulat nalang siya nang makitang ang taong iniluwal ng pinto ng kotse ang tao mismong kinamumuhian niya. Ang pag-asa ay napalitan ngayon ng pagkadismaya.
"What are you doing here?!" Singhal niya dito pero tuloy-tuloy itong naglalakad patungo sa kaniyang direksiyon. At mas nagulat pa siya sa sunod na ginawa nito. Buong suyo siyang niyakap.
"Are you okay?" Hinihingal pa si Jason habang sinabi niya ang mga katagang iyon. Parang tumigil sandali ang pag-inog ng mundo ni Lara. Para siyang tuod na napako ang tayo. Ilang segundo ang lumipas bago manauli sa katinuan sila at itinulak si Jason.
"Paano mo nalamang nandito kami?"
"I found this near at the intersection." Ipinakita nito ang gulong na natangal sa kahon ni Ria.
"Eheem. Mabuti nakita niyo. Puwede niyo ba kaming maihatid sa Baguio?" Biglang sumingit si Ria.
"I'm afraid I can't. We keep our tradition..."
"Then what are you doing here?" Sabad ni Lara.
"I have a proposition for you."
"Proposition! Proposition!"
"Look! I'm serious. Let's do the wedding, after one month we will file annulment. I will transfer the ownership of my clinic plus a hectare of my land to you. I need this wedding to save my lolo, please."
"I don't need your property. Ano ako, maging separada sa huli? Huwag na lang, kaya na naming maglakad papuntang Baguio."
"But you need to get out here. This way is not going to Baguio, you took the wrong way. Maraming gumagala-galang wild life dito tuwing gabi. Baka mapahamak kayo sa katigasan mo."
"Tinatakot mo ba ako?"
"No. I'm telling you the truth. Look! If you really loathe me, please, not tonight because I'm last person who is coming to look for you. Hindi lang naman ikaw ang ayaw magpakasal, ako din naman pero alang-alang kay lolo, magsasakripisyo ako." Mahinahong wika nito.
Napaisip si Lara sa sinabi ni Jason. Ngayon niya lang napansing ganoon nalang pala ang pagpapahalaga nito sa pamilya niya at handa nitong isakripisiyo ang kaligayahan niya. Kahanga-hanga ang ganoong klaseng tao. Napaisip tuloy siya kung may naisakripisiyo na ba siya para sa pamilya niya.
"Ma'am ano na? Payag ka na ba? Pinapak na ako ng lamok." Biglang sumingit cameraman palibhasa'y hindi nakuhang maghagilap ng maisasagot kay Jason.
"S~Sige na nga." Alangan niyang tugon.
Nagpalakpakan ang dalawang kasamahan niya na tila ba nasiyahan sa nangyayari.
"Great! So, let's go." Masayang wika ni Jason.
At sinimulan nilang ilagay ang mga gamit sa loob ng kotse saka bumalik sa bahay ng mga Attiw.