webnovel

My Lover, Intruder - TAGALOG

Masaya na si Violet sa buhay niya kasama ang asawa na si Adrian. Wala na siyang mahihiling pa. Adrian was almost a perfect husband. May magandang trabaho, walang bisyo at maasikasong asawa. But when Gino came back like a ghost. Muli ay nabasag ang katahimikan ng nakaraan nila. Gino was her ex boyfriend, the one that got away. At sa pagbabalik nito ay magdudulot ng pagkalito sa kaniya sa pagiging tapat na asawa o sa isang babaeng puno ng katanungan ang isipan tungkol sa biglang pagkawala ng dating minamahal. Ano ba ang mas matimbang sa isang babaeng tulad ni Violet? Ang pamilya na binubuo niya kasama si Adrian? O mga kasagutan sa naudlot nilang pagmamahalan ni Gino? Bakit siya nagbalik? Ano ang dahilan ng pagkawala niya? Is he a friend, a lover or an intruder? - iamnyldechan

Iamnyldechan · perkotaan
Peringkat tidak cukup
33 Chs

Three

Bumili ako ng isang Cornetto at binuksan iyon. Naupo ako sandali, sa isang bakanteng mesa at lumingon sa malasalamin bintana. Nagpalipas ako ng oras, dahil wala naman akong kasama sa bahay. Wala din akong gana kumain dahil wala si Adrian.

Bumili na din ako ng dalawang beer in can at isang Pringles. Binuksan ko iyon at nanatili ako sa pwesto ko. Walang gaanong tao ang dumadaan sa 7-11 na ito na nakapwesto sa labas ng kanto namin. Kapag ganitong oras, iilan nalang ang dumadaan dito. Mga workers na papauwi at ilan kabataan tumatambay para uminom.

Iniisip ko kung ano na ang nagaganap sa Alumni Homecoming namin. For sure, Gino will be there. Magiging malaking usap-usapan ang pagbabalik niya. Pero ang ipinagtataka ko, paano niya ako nakontak. Hindi kaya kay Regine, Rica o kay Joseph? Pumikit ako. Ayoko na siyang isipin. Ano pa ba ang aasahan ko sa pagbabalik niya? Hopefully he is married now.

"Isa ngang Djarum Black." I heard a customer asking for cigarettes. Nanatili ang mga mata ko sa malayo. At panay sa pagtunog ang notifications ng phone ko. Its almost, nine in the evening. Nagsisimula na sigurado ang event. At alam kong inuulan na si Adrian ng tanong kung bakit hindi ako sumama.

Naubos ko na ang isang beer in can. Bubuksan ko na sana ang isa when I saw a man standing in front of me. Nakikita ko ang usok mula sa itim na sigarilyong hawak niya. Though hindi ito amoy nicotine because its an original tobacco brand. Pero nakakalunod pa din ang usok nito.

"Please I hate cigar smokes. And this seat was taken also." pagtataray ko sa kaniya. But he won't leave. Nakatayo pa din ito sa harapan ko habang pinapaikot sa paligid ko ang usok ng sigarilyo niya.

Nagtitimpi na ako sa inis. This fella won't leave the hell. Tumayo ako.

"Just stop bursting smoke around me!" sigaw ko. And I saw his delicate smile.

"Really, Kristine? Allergic ka pa din sa sigarilyo hanggang ngayon? Hindi ba naninigarilyo si Adrian?" nagulat ako at tila umurong ang dila ko. Hindi ako makapagsalita and most of all, I was stunned. Hindi dahil sa epekto ng beer but because of the cigars smoke.

"G-Gino.." nasambit ko. Tuyong tuyo ang lalamunan ko kaya't parang nagagasgas ang pagsasalita ko when I tried to say his name.

"You recognize me after all these years." wika pa niya at saka muling ibinuga ang huling usok sa bibig niya. Its really suffocating.

"I-I thought y-you were..." naputol ako sa pagsasalita when he is glaring at me. "You thought me that I'll attend that reunion? Kaya hindi ka sumama." lumunok ako. Nababasa ba niya ang iniisip ko.

Gusto kong tumakbo palabas ng convenient store. Pero nakalock ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. He knows where I lived. He knows my number. Ano pa ang alam niya tungkol sa akin!

"Leave me alone, Gino. Masaya na kami ni Adrian." pilit kong inilabas iyon sa bibig ko so he will stop intruding my life.

"I was just starting.." nakangiti niyang sagot. What does he mean by that?

Nanatiling nasa mukha niya ang mga mata ko. He changed alot.. From the college boy we admire to an arrogant stranger. Hindi na siya ang Gino na kilala ko. He aged beautifully. And the build of his body remains the same na para bang hindi nadagdagan ang taon ng edad niya. Does he still workout?

Pero ngayon, alam na niyang manigarilyo. He always taught me how to live healthy. Bawal ang cholesterol, too much carbs, bawal sa sweets and be considerate in drinking alcohol.

"Please, Gino. I'm happy now. Uuwi na ako." sabi ko at sabay kinuha ang wallet at phone ko. Yumuko ako at dumaan sa harapan niya para magtungo sa pinto. Nakikiusap ako na huwag na siyang sumunod.

"Kristine!" tawag niya sa pangalan ko. Sandali akong tumigil sa paglalakad. Pero hindi ko siya nilingon.

"I returned..because.." he stopped.. Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin then I turned to him.

"What is it..!" galit kong tanong. Then he smiles."I returned to get what's mine." namutla ako sa narinig. He really emphasize the word "mine". Is he referring to me?

Nagmadali ako sa paglalakad pauwi sa bahay. Ni hindi ako lumilingon at basta dire diretso ako sa paglalakad. Hingal na hingal ako hanggang sa makarating sa gate. At doon nanghina na ng tuluyan ang mga paa ko. Napaupo ako sa sahig. Sinilip ko ang phone ko. Walang text galing kay Adrian.

Pinunasan ko ang mukha ko na naligo sa pawis. Para akong hinahabol ng magnanakaw kanina sa bilis ko lumakad. I pray na hindi na ako sundan pa ni Gino. He's a big threat.

Muli ay sumagi sa isipan ko ang mga huli niyang sinabi. Bakit niya ako kukunin? Hindi na niya ako pag-aari mula nang umalis siya. How could he say that?

Matamlay akong tumayo at nanginginig pa ang mga kamay ko habang sinususian ko ang lock ng gate. Hindi ko alam paano ko ito sasabihin sa asawa ko. Gino is threatening me. Bakit? Naghihiganti ba siya? Pero wala akong ginawa sa kaniya.

Because after that scandal nawala siya. Nawala ang kaisa isang taong mahal ko na inaasahan kong masasandalan ko sa gitna ng mga pagdurusa ko.

He left.

He left me..

__

Nagising ako sa pagyakap ni Adrian sa akin. Pagsilip ko sa alarm clock. Its almost four in the morning. Hindi na nakapagpalit pa o nakapaghubad man lang ng sapatos ang asawa ko. Basta humiga siya sa kama at yumakap sa akin. I still smell the liquor in his mouth. Nakainom sigurado ito kaya't hindi na niya ako ginising pa. Tinanggal ko ang braso niyang nakapatong sa dibdib ko. Saka ako bumaba ng kama at naghanap ng flippers. Pagsuot ko ay inayos ko sa pagkakahiga si Adrian. He is drunk. Kaya ayaw ko siya payagan uminom dahil madali siyang malasing. At kapag nalalasing siya, napapabayaan niya ang pangangatawan.

Naisipan kong mag init ng tubig para sana magkape. Sumakit ang ulo ko dahil sa pag inom ng ilan beer kagabi. At hindi ako nakakain ng dinner. For sure, sesermunan ako ni Adrian kapag nalaman niyang nagpalipas ako ng gutom.

Wala na talaga akong gana kumain kahapon. Lalo ng personal na kaming magkita ni Gino. Nanlalamig ako at tila magulong magulo ang isip. Para bang gusto ko na muna humiga buong araw at huwag umuwi ng Cavite.

But Adrian will ask. I don't want him to worry. Kung kaya ko naman lusutan ito ay yun nalang ang gagawin ko. I'll just need to avoid Gino.. na hindi nalalaman ni Adrian.

Pagkakulo ng tubig ay nagtimpla ako ng kape. Nagbukas ako ng phone to check notifications. I saw Rica's post last night. It was selfies of our friends. Nandoon sina Joseph, Sandra at Rejie. Nalulungkot ako dahil hindi ako nakasama. Pero kung nandoon man ako, Gino will be there too. Wala din akong choice.

Naisipan kong imessage si Regine. Nakaonline na siya ng ganitong oras.

Goodmorning Regine. I just wanna ask something. Did Gino came back? Alam mo na ba?

Iyon ang iniwan kong message sa chatbox namin. Hindi ko na muna siya hinintay magreply. Bumalik ako sa kwarto para ayusin ang mga dadalhin gamit sa Cavite.

__

__

Ibinaba ni Gino ang goblet na may laman tequila. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya nang makita ang dating kasintahan. Still, Violet looks beautiful kahit ito ay nagkaedad na. He admires its beauty. Pero ang hindi niya matanggap ay makita itong umiiwas sa kaniya. Sa pagkakatanda niya, Kristine loved him more than anything in this world. Magsasampung taon na sila sana noon kung hindi nangyari ang eskandalong iyon. At siguro mag-asawa na sila ngayon.

"What happened to us, Kristine.." tanong niya sa sarili. He sighed and rests his body. Dahan dahan bumukas ang pinto ng kwarto. Isang binata ang pumasok at dala ang isang dokumento.

He saw a face of an old friend.

"Sir. Ito na po yon inuutos niyo. Mr. Castro already send this." anito at inabot sa amo ang papel. Its an old school newspaper from his former university. The paper shows a highlight of a scandal.

Kumulubot ang noo niya sa nabasa. The scandal of Violet and Lawrence. Ito ang rason bakit siya umalis.

Pero hindi niya alam na hindi doon nagtatapos ang lahat.

"Pinagkaisahan nila si Kristine.." matigas niyang sambit. Nanginginig ang mga kamao niya. Hindi niya malaman kung paano niya ikukubli ang galit sa mga taong gumawa sa kanila nito.

"Malalaman ko kung sino kayo.. At babawiin ko siya sa iyo." pagbabanta niya mula sa hangin at saka ibinasura ang papel na natanggap. Nagsalin siyang muli ng tequila at mabilis itong inubos. Ipinatawag niya ang driver na si Rowell.

__

iamnyldechan