webnovel

Chapter 2 First Talk

4 am palang ginising nako ni Nara sa pamamagitan ng pag tawag sakin sa cellphone sabay sabi nya na " gising na papasok ka na", bumangon naman ako agad at nag asikaso na katulad ng routine araw araw.

"aalis nako" sambit ko sa aking nanay at chat ko kay nara, habang naglalakad ako papasok nakasabay ko yung mga classmate ko na taga saamin lang " anggaling mo pala? kala namin tatanga tanga ka kase yan tingin sayu ng mga kapatid mo at ng mga taga saaten, halos isa ka sa laging sunasagut sa recitation at matataas yung score sa mga pinapagawa" nagulat pala sila aaking performance sa school kase alam nila na d ako lumalabas ng bahay at lagi ako nasasabihan ng mga kapatid ko na bobo ako kahit ng mga magulang ko,aminado naman ako na bobo ako sa english grammar pero nakakaintindi naman ako ng english natuto pako nun hinde dahil sa school o pag aaral na yan natuto ako dahil sa pag lalaro ko ng mga online games, mga nakakausap ko doon mga ay mga englishero kaya pag may sinasabi sila na d ko maintindihan napapa search ko ng meaning at unti unti ko silang naiintindihan.

nang makapasok na kami sa room nag chat ako kay Nara na " andito nako sa room madame gagawin siguro ngayun baka hinde ako masyado makapag update", hindi nga ako nagkamali unang subject palang andame na namin pinaggagawa.

pumasok na yung teacher namin sa genmath halos lahat ng mga classmate ko ay naiiyak na sa hirap daw ng genmath at napansin ko na naman yung babaeng tahimik sa harapan ng upuan ko sya nakaupo pero lumilipat ako dahil sa electric fan na asa malayu upuan ko, napansin ko sya na parang nagugulohan sya sa genmath kinakausap nya si tris pero hindi ko marinig dahil sa napakahinang boses nya,nagtanung sakin si tris tungkol sa genmath lesson kase pati sya hindi sure sa kanyang sagut lumapit naman agad ako para i check, "tama naman yung una pero dito mali na mga tuh" sabi ko kay tris, nagulat ako sa boses bata na nagsalita ng mahina " hinde ko maintindihan" sya yung babae na tahimik angcute ng boses nya na parang japanese voice na bata, tinuruan ko naman sya pero nahihiya ako kase hindi ko sya ka close or kahit pangalan nya hindi ko pa alam dahil nung nag pakilala as in hindi ko marinig boses nya kase lumipat ako ng upuan tapat ng electric fan, bawat salita nya nilalapit ko yung tenga ko sakanya kase apaka hina ng boses nya,tinuruan ko sya pero sabi nya ayaw nya talaga ng numbers kaya hindi nya na intindihan kaya sinagutan ko nalang agad yung paper nya.

unang beses ko palang sya nakausap at hindi ko pa natanung yung pangalan nya,napakahina rin ng boses nya pero kahit ganun napapansin kung cute sya kahit naka mask sya.

uwean na nag chat agad ako kay Nara "uwean na pauwe nako para makapag laro na tayu", nakauwe nako nag asikaso muna ako ng sarili ko bago ko tinawagan si Nara para maglaro.

tapos na ako sa lahat ng dapat kung gawin kaya naglaro na kami, sa online games lang kami nagkakilala ni Nara hanggang sa napalagay kami sa isat isa at nagka aminan na gusto namin ang isat isa at doon na naging kami ni Nara, sunod sunod na talo kami hindi sa ako or si Nara yung nag papatalo sa totoo lang kami dalawa madalas nag bubuhat sa laro subrang bigat lang talaga ng mga kakampi kaya sunod sunod kami natalo badtrip nako nun pero mas badtrip si Nara nagalit sya sakin at hindi na nakipaglaro.

nagsorry ako ng nag sorry nun pero wala hindi nya ako kinakausap hanggang sa nakatulog nalang ako,nagising ako ng 3am agad kung tiningnan kung nag reply na ba si Nara pero kahit seen sa mga message ko wala talaga, nag open ako ng nilalaro namin at nakita ko syang online at playing,tiningnan ko yung history nya puro panalo pero may kasama sya duo sila,puro mvp si Nara sa mga laro nila at yung ka duo nya ay pabigat rin pero hindi sila natatalo,hinayaan ko lang sya at natulog uli ako nag chat lang ako sakanya bago ako matulog "grind well enjoy".

hindi ako makatulog dahil kakagising ko lang at napapa overthink rin ako sa kasama ni Nara,kaya naglaro nalang ren ako pag online ko nakita ko sya na tapos na maglaro, inaantay ko sya mag invite pero nag start sya kaya nag laro nalang ako mag isa, weekend na naman kaya naglaro na ako.

"may araw na pala" sambit ko paglabas ko ng aking kwarto, tiningnan ko yung oras sa cellphone ko at 7am na pala,kumain muna ako at bumalik agad sa kwarto dahil usto kung matulog,nakakaramdam na rin kase ako ng antok kaya natulog na ako.