Nagising ako sa ingay sa labas, sumilip ako sa bintanan.
Magpipista na pala, kaya abala ang barangay captain sa pagpapalagay ng palamuti sa kalsada. Makulay na mga banderitas ang aking nakikita mula dito sa kinatatayuan ko. Napansin ko rin na nasa labas na si Daisy, tumutulong sila sa pagkakabit ng mga banderitas. Pinagmamasdan ko lang sila, tuwang-tuwa si Daisy sa pagtulong. May mga napadaan na siga-siga galing ibang bayan. Balak nilang manggulo, kinausap na sila ng maayos ng kapitan pero tinulak lang nila ito. Natumba si kapitan, walang nagawa ang mga tanod niya.
Pero di parin umalis ang mga masasamang loob, nakita nila si Daisy na abala sa pagkakabit ng mga palamuti para sa pista.
Alam kong lalapitan nila ito kaya naghanda ako, mabilis akong lumabas, papalapit sa kinaroroonan ni Daisy.
Hi miss! Ang sexy mo naman at ang ganda-ganda mo, sabay hawak nito sa buhok pababa sa balakang ni Daisy.
Di na ako nakapag-pigil,!walo silang lahat, pero naiwan ang tatlo sa sasakyan.
Tinapik ni Daisy ang kamay ng lalaki at sinabing, "isusumbong ko kayo kay kapitan".!!!
Tawanan ang mga lalaki at pinagpatuloy ang paghipo nito kay Daisy. Tumakbo si Daisy sa tabi ko.
"Bakit, siya ba pinagmamalaki mo ha.?"
Nang susuntukin na ako ng lalaki, mabilis ang kamao at siko ko na tumama sa panga niya. Bagsak ang lalaki, kala ko napano ko na siya. Napatulog ko lang pala sa lakas at kombinasyon na ginawa ko.
Sumugod ang dalawa pa niyang kasama, pero di pa nakakaporma, ay para na silang lasing na naglumpasay sa lupa.
Susugod pa sana ang dalawa, pero sabi ko ayaw kong masaktan ko din kayo, kaya hangga't maaari ay iuwi niyo na ang tatlo niyong kasama.
Dali-dali naman nilang pinagtulungan ang mga kasamahan nilang knock-out.
Ok ka lang ba? tanong ko kay Daisy
Oo ayos lang ako, salamat sa pagtatanggol mo sa akin.
Yumakap siyang muli sakin, nakita kami ng mga magulang niya na kagigisibg lang din.
Aning nangyayare dito? tanong ng dad niya.
Aah, dad! may mga lalaki pong nanggulo kanina, binastos nga nila ako Dad eh. Buti nalang ipinagtanggol ako ni Dhon.
Mr. Delgado, totoo po ang sinasabi ng anak niyo. Itinulak nga din nila ako eh, masama ata pagkakabagsak ko, masakit tuloy ang balakang ko. Wala po kaming nagawa, biglaan po ang pangyayari eh. Paliwanag ni kap.
Wala nabang ibang nasaktan? Eh kung wala na eh di tuloy ang pagkakabit ng banderitas. Siya nga pala kap, magdodonate ako ng tatlong baboy para sa pista. Pang-lechon natin, kunin niyo nalang dito kapag kailanganin niyo na, sinabihan ko na din yung nagaalaga. sabi ng dad ni Daisy
Maraming salamat po kung ganun, taun-taon na po kayo nagdodonate ng panghanda,
Salamat iho ha, kung di dahil sayo marahil di makuntento yung mga yun. Sila din ang nanggulo sa kabilang bario. Sabi ni kapitan.
Napangiti lang ako kay kap.
Siya pala si kapitan Benny, isa siyang mabait na kapitan. Pero active sa mga barangay activities, may mga tanod siya pero walabg sahod ang mga tanod gawa nang mahirap lang ang barangay nila. Sa donasyon at tulong lang ng mga mamamayan sila nakakabawi. Madalas mga gulay, bigas at mga delata ang tulong na natatanggap nila kada linggo. Kapag may okasyon, madalas ang mga taumbayan lang din ang nagaambag-ambag para matuloy lang ang okasyon. Yun ang hinangaan ko dito, di masyadong mahalaga ang pera,, ang mahalaga ay ang bayanihang nagaganap dito. Mapa-bata man o matanda ay may tungkulin sa bayan.
Napili din si Daisy bilang kandidata ng kanilang bario, yun nga lang di ako ang naging escort niya. Kasi daw di ako taga doon, pero nagpresenta akong ako din ay tutugtog ng gitara sabay kakanta na rin.
Walang problema, sabi ng kapitan, may mga gitara namang pwedeng gamitin.
Nagseset-up na kami sa stage,, mga ilaw, sound system, at mga upuan sa ibabaw ng stage,. Uupuan kasi yun ng hiranging King and Queen ng bario.
Pagkatapos bg kainan, ay inanunsyo na ang mapalad na nanalo bilang Queen at King sa bario.. Si Daisy at yung Escort niya, sila ang nanalo. Sabagay, di na ako nagtaka,, makikita namang nasa kaniya na lahat ng kalidad bilang reyna.
Maguumpisa na din ako sa pagtugtog, tinugtog ko ang "passenger seat". Habang kinakanta ko yun ay lagi ako sumusulyap kay Daisy. Naka-titig naman siya sakin na parang pinapakinggan niya ng husto ang bawat lirikong binabanggit ko. Gustong gusto ko ang ginagawa niyang pagtitig, kasi pakiramdam ko akin lang siya, at mahal niya din ako. Tahimik din ang mga nanonood sa akin. Siguro nga ay nakukuha ko din atensyon nila. Tapos na ang kanta pero bigla silang nagsigawan ng....
"ISA PA! ISA PA! ISA PA! "
Gusto pa nila ng isang kanta. Kaya pinagbigyan ko sila kaya ginawa kong parang nagcoconcert nalang ako sa stage.
Kinanta ko yung isa sa paborito kong kanta ang "Let me be the one" ni Jimmy Bondoc.
Pagkaintro ko palang sa gitata, sigawan na agad sila, parang alam na alam nila ang kanta.
Titig na titig talaga sakin si Daisy. Nakakatunaw na talaga, gumaganti nalang ako ng kindat sakanya pampalakas loob. Nagpalakpakan ulit sila ng matapos na ang kanta.
Bumaba ako ng stage, pero tinawag ako ni Daisy, anjan paba sila dad? tanobg niya
Di ko alam eh, pero hahanapin ko, baka anjan pa sila. sagot ko.
Wag mo ako iiwan ha! Sabay nalang tayong umuwi. pakisuyo niya.
"Oo naman po! Di kita iiwan, ni pababayaan man." Sabi ko.
Ang korni mo tseee!!! pabiro niya.
Time check:11:35 na ng matapos ang program,, pero wala na sila mom and dad niya.
Naglalakad lang kaming umuwi, madilim, at nakiki-sabay lang kami sa mga taong pauwi na rin. Si Daisy, halata ko ang takot niya sa dilim. Kasi kanina pa naka-hawak sa braso ko. Malapit na sa bahay nila Daisy, ng biglang hinarang kami ng mga kalalakihan. Parang talagang pinaghandaan nila ang paguwi namin. Sabi ko,iba na ito, may dala silang patalim. Atras ka muna, pakikiusapan ko lang muna sila.
"Mawalang galang na po mga bossing! Hating gabi na po, baka pwede pong makikiraan muna kami."
Ngunit, nanlilisik ang mata ng lalaki, halata pa ang kaniyang pasa sa mukha kahit gabi, kaya natitiyak kong sila ang nakalaban ko bago ang pista.
Inilabas niya ang kutsilyo niya at isasak-sak niya ito sa akin ng walang pakundangan.
At ginawa nga niya, kaso nagkamali siya, kasi bago niya gawin iyon ay naagaw ko ang kutsilyo sakanya saka ko tinapon.
Hinawakan nila ako, pero mabilis kong natanggal ang mahigpit na pagkakahawak sakin. Itinulak ko lang yung lalake para magbanggaan silang lima. Kaso naisahan nila ako, kasi hawak ng isang lalake ang kahinaan ko,, hawak niya si Daisy.
Kung lumaban daw ako ay may masamang mangyayari sakaniya. Sa totoo lang blanko ang utak ko, wala na akong ibang gawin. Pinabayaan ko nalang na bugbugin nila ako kesa masaktan ang mahal ko.
Sipa, tadyak, suntok palo sa ulo,, yan ang dinanas ko, akala nila patay na ako, kaya iniwan nila kami.
Iyak ng iyak si Daisy, Dhoooonnn!! Gumising ka! wag mo akong iwan!!! Mahal na mahal kita Dhoooonnn!!! Di ko kayang mawala ka sa akinnn! Please!!! naman bumangin kana jan!!!
Iyak siya ng iyak. Di niya alam, naririnig ko lavat ng sinabi niya.
Dumating ang dad niya at agad nila akong dinala sa Ospital.
Himala at wala manlang akong bali. Pero may pasa. Nagtutulog tulugan lang ako pero di parin tumitigil sa pag-iyak si Daisy.
"Doc, kelan po ba siya magigising? ligtas na po ba siya?
Ligtas naman talaga siya! Wala namang malalang tama ang kaibigan mo.
Kaanu-ano niyo po ba ang pasyente? tanong ng doctor.
Boyfriend ko po siya, sagot ni Daisy.
Ligtas na ang boyfriend mo at wala kang dapat ipag-alala, sige iha at nay iba pa akong aasikasuhin. sabi ng doctor
Pagkaalis ng doctor, nakakahalata na ata siyang nagtutulog tulugan lang ako.
Kaya niya ako kinurot sa tagiliran.
Arrraaayyy!!!! Bakit mo ako kinurot? tanong ko
"Eh ikaw eh, pinag-alala mo ako masyado eh" sagot naman niya.
Pakiss nga jan! pabirong sabi ko
Ikaw ah, di pa nga tayo eh! pakipot na sabi niya.
Eh ano yung sinabi mo kanina sa doctor na bf mo ako? usisa ko
Aaahh eehh.. basta, pipisilin ko yang mga pasa mo. palusot nalang niya.
Hindi na,! binibiro ka lang eh. Alam mo, kung di ka lang nila nahawakan, di talaga ako magpapatalo sa mga yun. Kaso ikaw ang kahinaan ko eh. sabi ko.
Ha? talaga? bakit di mo ako turuan ng self defense?
Saka na! Tuturuan parin naman kita eh, pero sa pag-uwi nalang natin. Wag dito sa Ospital. pabiro ko sa kanya.
Tumawa din siya pero biglang naputol ang tawa niya nung magkasalubong ang mga mata namin. Parang nagkakaintindihan, iisa lang ang sinisigaw.
Dahan-dahang papalapit ang mukha niya sa mukha ko.
Kaso biglang dumating mga magulang niya kaya di natuloy ang first kiss naming dalawa.
May dala silang mga prutas, dahil akala nila, magtatagal pa bago maakauwi,
Wala pang tulog si Daisy kakabantay sa akin. Kaya alam ko ang sakripisyo niya sa akin. Gayun din ang mga magulang niya.
Pauwi na kami nun, pero nagpaalam muna ako na sa simbahan muna ako didiretso. Upang magpasalamat.