Nakahalumbaba ako ngayon at tinitingnan ang mga folder na dinala ko dito sa bahay. Ang dami. Nagsisisi tuloy akong wala akong ginawa ni isa kanina sa office. Dapat pala tinuloy ko na yung pagbusisi dun sa isang folder kanina para kahit papaano naman nabawasan ng isa.
Mabuti na lang magpupuyat ako a walang ibang gagawin kundi gawin lahat ng paperworks na inuwi ko.
Tumayo ako para kumuha ng pagkain sa kusina. Alas dyes na ng gabi at ako na lang ang gising dahil pinatulog ko na ang mga kasambahay.
Naghanda ako ng pagkain at dinala iyon sa sala. Bumukas ang front door at kita ko ang pagpasok ni Caeruz. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang aking ginagawa.
Pinatong ko ang pagkaing dala ko sa coffee table katabi ng mga folder. Bumalik ako sa kusina at naghanda ng kape.
Kahit gumagawa ako ng kape ay ramdam ko ang pagpasok niya sa kusina.
"Still not sleeping?"
Hindi ko siya nilingon at parang walang narinig at pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.
I'm not in the mood to talk to him paniguradong maaaway ko lang siya pagnagkataon.
"What the heck is wrong with you Astraea? Napipi ka na ba?" Inis na tanong nito sa akin.
Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay nilagpasan ko lang siya at dumiretso na ulit papunta sa sala.
Sinundan niya ulit ako.
"Wala ka talagang balak magsalita?" Nakakatakot na ang boses nito at dahil wala talaga ako sa mood ay hindi pa rin ako sumagot at nakafocus lang ang atensyon sa folder na nirereview ko habang nakain ng sandwich na hinanda ko.
Naramdaman ko ang paglapit nito dahilan upang mapatingin ako. Tumabi ito sa akin kaya agad akong tumayo at lumayo dito.
"Kung di pa ako lalapit hindi ko makukuha ang atensyon mo." Wika nito.
"What the hell?"
"Ano bang problema mo Astraea?"
"Nagtanong ka pa, matagal ng ikaw ang problema ko." Sagot ko dito at dahil doon ay bakas na bakas ngayon sa mukha niya ang galit dahilan para mas lalo akong lumayo dito.
"Are you starting it again? Nakita mo lang si Yaeruz, nagkaganito na naman ang ugali mo." Inis nitong singhal at tumayo mula sa pagkakaupo nito.
"Kahit hindi ko pa nakikita si Yaeruz ay ganito na ako. Don't expect na I'll change my attitude to you, and again, don't expect that this marriage will be happy as you expected." Agad akong martsa papunta sa kwarto ko.
Gusto na namang tumulo ng luha sa mga mata ko pero pinigilan ko yun. Caeruz is right. Nagkakaganito ako dahil nakita ko si Yaeruz.
Who wouldn't be like this?
Nagpuyat ako para matapos ang mga papeles na dinala ko dito sa bahay. Tiningnan ko ang oras sa phone ko at alas tres na ng madaling araw.
Niligpit ko na ang mga kalat sa coffee table at nilagay na rin sa kusina ang pinagkainan ko at umakyat na patungong kwarto.
***
Ngayon na ang araw kung kailan. magaganap ang reunion na hinanda ng mga kaklase ko nung college
Nagpaalam na naman ako kay Caeruz about this event and pinayagan niya naman ako as long as I don't wear any revealing swimsuits.
"Ma'am saan po ba ang lakad natin?" Tanong sa akin nung driver ko pero umiling iling lang ako dito.
"Keia will be my chaperone for this event. Hindi mo na kailangan pang sumama dito."
"Pero Ma'am sabi po kasi ni Sir ako daw p-"
"Kuya alam niya naman pong si Keia ang kasama ko kaya okay na yun. I'll just text him the address, okay?"
Walang nagawa ang driver ko kung hindi ang tumango. Ginawa ko naman ang sinabi ko, tinext ko kay Caeruz ang address kung saang resort magaganap ang reunion namin.
Lumabas ako ng front door dala dala ang mga maleta ko. May dumating namang sasakyan at sakto ang pagtigil nito sa harap ko.
"Nakamaleta ka talaga? Huy Astraea Isang araw lang tayo sa Quezon Province." Bungad ni Keia pagkababa na pagkababa ng bintana ng passenger seat. Nginisian ko lang siya at nilagay na sa likod ng sasakyan niya ang mga maletang dala ko.
Bago ako sumakay ay hinarap ko ang kasambahay namin. "Kayo na ho muna ang maiwan sa bahay ha, alam naman po ni Caeruz na aalis ako ngayon." Pagpapaalam ko dito.
Tumango ang matanda. "Nako Ma'am Astraea mag-iingat ho kayo roon ha. Huwag na lang po kayong gumawa ng ikagagalit ni Sir baka ho ikulong lang kayo non ulit." Paalala sa akin nito.
Ngumiti lang ako dito at sumakay na sa back seat.
"Huy Astraea Blaire! Ano na naman ba yang naiisip mo? Lahat kami nasesense yung hindi magandang gagawin mo e." Bungad nito pagkasaradong pagkasarado ko ng pinto. Pinaandar na niya ang kotse at umalis na.
"Kaibigan talaga kita Keia." Napailing iling na lang ako at tinext si Ashia na paalis na kami at patungo na sa Quezon Province.
"So ano na nga yang hindi maganda mong plano? Baka mamaya madamay pa ako dyan sa gagawin mo ha."
"Ashia and I planned on staying in Quezon for a week at dahil sumama ka din sa reunion ay idadawit ka na namin."
"What do you mean? Madami akong trabahong maiiwan kapag bigla akong nagleave ng isang linggo." Agad nitong hindi pagsang-ayon sa sinabi ko.
"You know what? Kailangan mo to! Alam kong puro ka trabaho this past few months. Kailangan mo ding mag-unwind no! Atsaka kung iniisip mo na wala kang enough na gamit ay wag kang mag-alala kaya nga dalawang maleta yang dala ko dahil sayo yung isa. I bought clothes for you kahapon."
"What the hell? Totoo ba ito? Are you really Astraea?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.
"I think I just really need some time to unwind you know? Alam mo namang stress na stress na ako sa lahat."
Itinigil niya ang kotse at hinarap ako.
"Okay ka lang ba talaga? Ano bang nangyari? Tell me, para naman matulungan kita."
Nag-iba ang itsura ng mukha ko at umiwas ng tingin. Bumuntong hininga ito at inistart ulit ang kanyang sasakyan.
"Sige isang linggo tayo sa Quezon. I'll tell my secretary about it." Umandar na ulit ang sasakyan at tahimik na lang kami at walang imik buong byahe.
Ilang oras din ang byahe bago kami nakarating sa aming destinasyon. Buong byahe ay tinulugan ko lang si Keia dahil sa pag-iwas ko sa mga tanong niya.
Ayoko namang everytime na may problema ako ay namomroblema din siya at hindi sa lahat ng oras ay kailangan niyang tulungan ako. May sarili siyang mga problema at ayoko ng dagdagan pa yun at pag-isipin siya nang dahil sa mga problema ko.
"You want some drinks?" Nilingon ko si Keia dahil sa gulat. Tumango ako at tiningnan siya. Ngayon lang niya ako kinausap.
"Ate kindly bring us some wine and juice po sa aming room." Sabi nito sa receptionist. Kinuha ko na ang susi ng kwarto namin at nauna ng maglakad. Nawala yung lakas na meron ako kanina.
Pinlano ko ng magiging iba ako ngayong linggong ito pero bakit parang naubos na naman yung lakas ko.
"Keia! Blaire!" Agad akong napangiti ng makita ko si Ashia na papalapit sa amin.
"Ashia!" Tuwang tuwa na sabi ni Keia ng makita ang aming kaibigan. Nagyakapan ang dalawa kaya wala akong nagawa kundi sumali sa yakapan.
"Mamayang alas sais pa ang event samahan ko muna kayo sa kwarto niyo! Chikahan tayo." Magiliw na sabi ni Ashia at tinulangan kaming dalawa ni Keia sa pagdadala ng mga gamit namin.
Dumating kami sa kwarto ng maingay ang dalawa at puno ng kwento tungkol sa isa't isa. Dahil nga nawala ako sa mood ay hindi ko magawang makisali at parang batang saling pusa lang sa dalawa.
Dalawa ang kama ng kwarto, may banyo, mini kitchen, sala at balcony. Nasa pangatlong palapag kasi kami ng building.
Binagsak ko ang sarili ko sa kamang napili ko.
"So jowa mo pala talaga yung pinsan nyang si Astraea?" Pang-uusisang tanong ni Keia kay Ashia kaya napatingin ako sa dalawa at kita kong nakatingin sila sa akin.
May kasamang kilig ang pagtango tango ni Keia. Napailing na lang ako at inubob ang mukha ko sa unan.
"E ikaw Keia? Kamusta naman ang lovelife mo?" Bumangon ako at kinuha ang maleta ko para magpalit ng damit.
"Akala ko ba hindi dapat revealing ang suot mo bakit magwa-one piece ka?" Nilingon ko si Keia.
"Nakasee through shirt naman ako atsaka wala naman akong balak lumangoy, isusuot ko lang to kasi bagay sa lugar." Sagot ko.
"Saan ka ba pupunta?"
"Maglalakad lakad lang."
"Samahan ka na namin." Kita ko naman ang kamay ni Ashia na pinigilan si Keia.
"Sige pahangin ka na sa labas at nang maenjoy mo naman tong unexpected trip natin." Napipilitang sabi ni Keia at ngumuso.
"Ano ka ba naman Keia, hindi na bata yang si Astraea para bantayan mo lagi lagi." Rinig kong bulong ni Ashia kay Keia bago ako pumasok ng banyo.
Nagpalit na ako. Nakamaong shorts ako at see through shirt. Sa loob ay suot suot ko yung black na one piece swimsuit.
Nang lumabas ako ay wala na sa kwarto ang dalawa.
Kinuha ko na lang ang tsinelas ko sa maleta ko at sinuot iyon. Lumabas ako ng kwarto at dinala ang spare key.
Nang makalabas ako ay naramdaman ko agad ang sariwang hangin na dumampi sa balat ko.
Ito nga talaga ang kailangan ko. Kailangan kong magpahinga sa lahat. Naglakad ako patungo sa may beach at kita ko agad ang mga naglalangoy doon.
Naglakad ako sa buhanginan at inenjoy ang tanawin. Tinitingnan ko din ang mga taong nadadaanan ko, lahat sila nageenjoy at masasaya.
Huminga ako ng malalim at tumigil sa paglalakad. Naupo ako sa buhanginan at tiningnan ang buong tanawin.
"Ang lalim ng iniisip mo ah?" Napatingin ako sa likod ko ng makarinig ako ng di pamilyar na boses. Kinunutan ko ito ng noo.
"William Velasquez."
Hindi ko ito pinansin at binalik ang tingin sa dagat.
"Hindi mo ba ako naaalala?" Tanong nito pero hindi ko siya nilingon. "I'm your cheatmate before you know."
This time ay napalingon ako dito. I really don't know him kaya kinunutan ko ulit siya ng noo.
"William Aiden Velasquez." Pakilala ulit nito at this time ay iniabot niya ang kanyang kamay sa akin.
"Aiden? You mean that nerdy boy before?"
"Yup. The one and only famous nerd, Aiden Velasquez."
Tinanggap ko ang kamay niya at hindi makapaniwalang tiningnan siya. Ibang iba sa seatmate ko dating sobrang payatot na nakabrace at makakapal na salamin.
Ngayon matipuno na ang katawan nito, mukhang ayos na din ang kanyang ngipin at wala na yung makapal niyang salamin.
"Oh anong nangyari sayo?" Di makapaniwala pa ring tanong ko dito.
"Ito gumwapo." Confident nitong sagot dahilan para mapangiwi ako.
"Ang yabang." Bulong ko.
"Gumwapo naman." Tumabi ito sa akin at tiningnan din ang dagat na kanina ko pang tinitingnan.
"Kamusta?" Tanong ko dito at binalik din ang tingin sa dagat.
"Ito restaurant owner na sa Makati, ikaw kamusta?"
"Congrats. I'm a vice president of my dad's company." Sagot ko na nakatuon pa din sa dagat ang tingin.
"Totoo bang sakal ka na? Ay este kasal ka na?" Natawa ako ngunit tumango din kalaunan.
"Congrats! May papatol pala sayo?"
Nagkibit balikat ako. "Sayo mukhang walang papatol."
"Aray naman! Grabe ka naman don." Nagkunwari pa itong napahawak sa dibdib niya at kunwang nasasaktan.
"Anong oras na ba? Baka mamaya hinahanap na ako ng mga kaibigan ko." Nilingon ko siya at tiningnan kung may relo ba siyang suot.
"Di mo kasama si Berell?" Napatigil ako at napatitig dito. Napalunok ako ng dahil sa tanong niyang iyon.
"Astraea!" Napalingon ako kay Ashia ng marinig ko ang boses nito. Agad akong napatayo dahil doon.
"Sige Aiden hinahanap na ako e." Paalam ko sa lalaki at naglakad na papalapit kay Ashia. Hindi ko na siya inantay pang magsalita pa dahil baka kung ano pa ang itanong nito sa akin.
"Sino yun?" Pang-uusisa agad sa akin ni Ashia ng makalapit ako sa kanya.
"Si Aiden yung katabi ko dati at kakopyahan ko."
"Di ko na siya naaalala."
"Naku! Huwag mo ng alalahanin. Teka anong oras na ba?"
"Alas singko na. Pinapahanap ka na sa akin ni Keia para daw makapaghanda ka na."
"Huh? Okay naman na itong suot ko di ba?"
"Ewan ko ba dun kay Keia! Grabe kung mag-ayos at pati tayong dalawa ay gustong idamay. Pakiramdam ko nga'y may manliligaw yun ngayon at dati nating kaklase o kabatch e."
"Alam mo naman yung si Keia, simula una pa lang ay palaayos na. Hindi ka pa nasanay doon."
Napailing lang siya at dumiretso na sa kwarto niya. Kaya dumiretso na din ako sa kwarto namin ni Keia para silipin ito.
Pagkapasok ko ay nakita ko agad itong namimili ng kanyang susuotin.
"What to wear Astraea?"
"Magtwo piece ka tapos magcrop top ka tsaka nakamaong shorts. Okay na yun, paniguradong inuman tapos swimming din naman ang magaganap mamaya."
"Sabagay. Ikaw ba? Hindi ka pa ba mag-aayos? Palit ka ng hindi see through na shirt para hindi kita yang suot mo sa loob."
"Okay na ako sa suot ko." Sinarado ko ang pinto at umupo sa kama ko at tinitigan si Astraea na mukhang hindi pa din sure sa sinuggest ko.
"Di ba sabi ni Caeruz e huwag ka raw magsusuot ng revealing na damit?"
"Duh di naman to ganoon karevealing ah?"
"Nako ikaw ang bahala. Basta kilala mo naman si Caeruz madaming mata yun."
"Huwag mo ngang ipaalala sa akin yun. Nandito nga ako para kalimutan yung taong yun ng panandalian e."
"Nakalimutan mo ba?" Pambabara nito. Inirapan ko lang siya at humiga.
"Asa namang makalimutan ko yung demonyong yun."
"Mag-ayos ka na nga lang at kung maaari ay magpalit ka ng shirt at huwag yang see through ang suotin mo."
"Ano ka ba, okay na ako dito. Mas kumportable ako. Magbihis ka na dahil mukhang aabutin ka pa dyan ng siyam siyam."
"Ang hirap kayang pumili." Dahilan nito na napakamot pa sa kanyang ulo.
"Nagsuggest na ako ah. Bakit di mo kasi itry? Okay naman sayo yun pagnagkataon."
"Ito na! Ito na!" Dinampot niya sa kanyang maleta yung two piece at yung crop top pati na yung shorts.
"Tingnan mo, yun din naman pala pipiliin mo nagpakahirap ka pa."
"Shut up." Sabi pa nito bago pumasok ng banyo upang magpalit. Kinuha ko ang phone ko para icheck kung may messages ba.
Meron nga at galing ito kay Caeruz kaya binasa ko yun.
'Why didn't you bring your driver with you?'
Hindi ko siya sinagot at nilagay sa may ilalim ng unan ang phone ko.
"Astraea, look!" Napatingin naman ako kay Keia na kalalabas lang ng banyo. Bumagay naman sa kanya.
Nagthumbs up lang ako tsaka ngumiti. "I told you."
"Thank you Astraea, the best ka talaga." Nginitian ko lang siya.
***
Dumating kami sa party ng medyo late na dahil nag-ayos pa si Keia ng make up niya. Samantalang kami ni Ashia ay wala man lang koloreteng nilagay sa mga mukha namin dahil paniguradong hindi naman namin maiiwasang magswimming mamaya.
"Ganyan ba lagi si Keia? Laki ng pinagbago niyan ah." Bulong sa akin ni Ashia nung lumayo sa amin si Keia dahil may kausap na agad na kaklase namin dati.
They are talking about business again. Ewan ko ba hanggang dito dinadala niya yung pagiging workaholic niya.
"Hindi ko nga din alam e. Basta after nung makipagbreak sa kanya yung last boyfriend niya nag-aayos na yan lagi tapos mas lalong naging workaholic."
"Baka kaya hiniwalayan? Manang na manang pa din naman yan dati kahit palaayos e."
"Tigilan mo nga yan. Baka mamaya marinig ka non at masaktan pa yun sa mga pinagsasasabi mo." Naupo kami sa may stool ng bar.
"Inarkila ba nila itong buong resort na ito?" Tanong ko kay Ashia dahil lahat ng nakita ko kaninang mga nagswiswimming sa may dagat ay nandidito sa party.
"Yup. Yung iba ay dinala yung pamilya nila kaya may mga bata kaninang mga nagswiswimming sa dagat."
"Bigatin na talaga ang mga kaklase natin dati noh? Lalo na yung mga siraulo at mga kaklase nating di nag-aaral dati. Akala ko nga walang mararating yung nga yun sa buhay nila e."
"Sinabi mo pa! Tingnan mo, kita mo yang si Anthony? Tatamad tamad yan dati noh? Akalain mong makakapagpatayo ng mga fast food chains sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas."
"Ang chismosa mo pa rin talaga kahit kailan Ashia." Natawa naman ito.
"Naikwento lang din yun sa akin noh!" Pagdadahilan nito.
"You what? We should get some food bago tayo mag-inom." Suhestyon ko dahil nakikita ko na ang iba na kumakain na.
"Yeah your right. Si Keia ba? Yayain ba natin?" Napatingin naman ako sa direksyon kung nasaan si Keia at nakita ko itong nakikipag-usap pa rin kung kanino.
"Yeah you should ask her at uuna na ako dahil kanina pa ako nagugutom."
"Sige." Umalis si Ashia at lumapit kay Keia samantalang tumungo ako sa buffet at kumuha ng pagkain.
"Hey Astraea." Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin.
"Oh ikaw pala Aiden. Tara let's eat."
"Sure. Gutom na din ako e."
Kumuha na din ito ng kanyang pagkain. Tinulungan din niya akong lagyan ang plato ko ng kung ano anong pagkain.
Napapansin ko ang mga galawan niya pero pinagsawalang bahala ko na lang yun. Alam niya na naman kasing kasal na ako at wala na siyang chance pang manligaw sa akin.
Naupo kami sa bakanteng table at doon nagsimulang kumain.
"You know what? I've heard na kinasal ka daw pala kay Caeruz?" Agad akong napatingin sa kanya and he is looking at me.
Ngumiti ako ng peke at tumango tango. "Oh? I thought si Yaeruz ang boyfriend mo dati? How come si Caeruz ang pinakasalan mo?"
"Ahm.."
"It's none of your business bro." Agad akong napapitlag ng marinig ang boses sa likod ko.
Nilingon ko agad kung tama ba ang pagkakarinig ko at halos mainis ako nang makumpirma ko nga kung siya talaga.
"What are you doing here Caeruz?" Tumayo ako at hinarap siya.
"Baka hindi mo naaalala na magkabatch tayo at parehas ang course na kinuha nating dalawa wife." Mahinang sagot nito sapat na para marinig ko. Bumuntong hininga ako at bumalik sa pagkakaupo.
"So you are with your husband pala Astraea. What's up Caeruz. Tara let's eat." Pagaaya ni Aiden kay Caeruz na sapalagay ko ay mukhang wala sa mood dahil kita ko ang pagkakalukot ng mukha nito.
"Nah bro. I'm good, sinamahan ko lang dito yung wife ko, baka kasi may mga umaaligid e." Sinamaan ko agad ng tingin si Caeruz. He's being rude.
"What?" Tanong nito sa akin at ako ang sinamaan ng tingin.
"Oh Caeruz nandito ka pala." Lumapit sa table na inuupuan namin si Ashia habang dala dala ang pagkain niya. Naupo ito sa tabi ni Aiden at naupo din si Caeruz sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"What are you wearing Astraea?" Bulong sa akin ni Caeruz at ramdam kong ipinatong niya sa upuan ko ang mga braso niya. Para tuloy siyang nakaakbay sa akin.
"My body, my rules." Balik kong bulong dito.
"Ilang beses na kitang pinapalampas sa mga hindi magandang mga ginawa mo. Sinundan kita dito para singilin ka, ano ba talagang gusto mo? Ikulong ulit kita sa bahay?" Bulong nito.
Sumubo ako ng pagkain at hindi pinahalatang nagsisimula na naman kaming mag-away ni Caeruz.
"I'm just enjoying myself. Ilang taon ko din namang hindi magawang magenjoy di ba?"
"Magpalit ka after mong kumain kung hindi kakaladkadin kita papauwi ng Manila."
Umirap ako. Tumayo naman ito at nagpaalam na may kakausapin lang daw siya. Umalis din si Aiden matapos kumain kaya naiwan kaming dalawa ni Ashia sa table.
"What's that? Patago na naman ba kayong nagsasagutan?" Tanong ni Ashia sa akin habang nakain pa din.
"Sort of."
"Mukhang lumabag ka na naman sa isa sa mga kautusan non ah." Natatawang sabi nito.
"Magpapalit lang ako ng damit. Nagagalit ang demonyong asawa ko e." Pagpapaalam ko dito. Natawa lang ito dahil sa pagiging sarkastiko ko.
Bumalik ako sa tinutuluyan namin ni Keia at kumuha ng shirt at pinalitan ang suot suot kong see through.
Uminom ako ng isang kupitang wine bago bumalik sa party.
***