webnovel

My Husband by Law completed

Naranasan mo na ba ma broken hearted? Naranasan mo na ba ang maloko? Naranasan mo na ba ang masaktan dahil sa pag ibig? Kung oo, parehas kayo ni Isabelle. Ngunit paano kung mag laro muli ang tadhana? 10 years later you met the guy again who broke your heart? And now in the perfect place and prefect time? Susugal ka ba ulit o mas pipiliin mo ang taong bumuo sa'yo ng panahon na sinaktan ka niya? To all the bitters in the World, Cheers to us?

ILoveMongSiya · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
69 Chs

Chapter 24

Please Vote!

"We can also build it the same time in different places. And it will not be time consuming as she wanted it to be. Plus your ROI will get back to you in a sho-- Siya naman ang pumutol sa sinasabi nito.

At mababakas niya dito ang inis. And she just smirk. Si Mr. Torres naman ay napa inom na lamang ng tubig. Grabe kasi ang gipit ng laban nila at wala man lang nagpa padaig sa kanila.

"Yeah, you might be right for saying that I am being so ambitious. But, isn't always good to be ambitious rather than being contented on what we have all the time?" Pa pilospo naman niya na sabi dito. And Mr. Chen gives her a sign to continue.

"We will not gain anything if we'll be just contented on what we have. Every business man should know how to be ambitious and take a risk. Because that's what it takes to become successful."

"Don't you think, Sir?" Naka ngiti niyang tanong dito at tumango naman ito.

"As I was explaining. This would be the largest mall in Asia. And it might take time to build this mall and to return our capital."

"But, still I guarantee you that your money will be ten times more than it is. Or much more than we expected." Confident niya na sabi.

"It's not just our money that is on the line but, also the pride of my family. Giving the best service that they can to our customer."

" So, I'll promise to give my best if you'll sign the contract." Pagtatapos niya nakita naman niya ang labis na tuwa sa mukha ni Mr. Torres mukhang na gustuhan nito ang sinabi niya.

Magsa salita pa sana ang Mendoza na iyon ngunit pinigil ito ni Mr. Chen. Bigla naman siya nagtaka.

"Sorry, Mr. Mendoza. I think I'll sign the contract to the Prime Mall. Just send my regards to your father." Sabi naman nito at siya naman ay hindi makapaniwala.

Speechless pa din siya at hindi makapaniwala na nakuha niya biggest deal in their history. Siniko naman siya ni Mr. Torres para sabihin na totoo ang lahat at hindi siya nananaginip.

"Thank you, Sir." Masigla niyang bati at ngumiti naman ang matanda.

"Just send the necessary papers to my room later and everything's settled. I need to leave. I have a lot of appointments to attend to." Paalam nito at tumango naman siya. Hindi naman niya akalain na makukuha niya ang deal na iyon.

"Ma'am, you did a great job! Congratulations." Masiglang bati nito sa kanya. At hindi pa din maalis ang ngiti sa kanyang labi.

"Congratulations, Ms. Legaspi. I would say that you really are good." Puri naman nito.

"Thank you." Walang emosyon naman niya na sabi.

"Do you mind if we became friends? Hindi naman ata nagka kalayao ang edad natin." Suggestion at marunong pala ito mag tagalog akala niya ay foreigner ito.

"Don't bother. I don't want to friends with my rival." Simple niyang sabi at kahit si Mr. Torres ay na gulat. Tumango naman ang lalaki at kinuha muli ang kamay na inalok sa kanya kanina sa pakikipag kaibigan nito.

"Me neither." Sabi naman nito at saka siya binuhusan ng isang basong tubig.

"Are you out of your mind?!" Naga galit na bulyaw ni Mr. Torres dito. Ngunit he just smirks. At pinagti tinginan naman sila ng lahat ng tao sa restaurant dahil sa ginawa nito.

"Don't get too ahead of yourself. I don't like you either. Marami pa naman deals diyan. Kaya huwag ka mag malaki." Dagdag pa nito sa kanya. Magsa sakita pa sana si Mr. Torre kaya lang ay pinigilan niya ito.

"So, that's your true color?" Naka ngiti pa na sabi niya. Binalewala niya ang pag buhos nito ng tubig dahil mas madami pa ang na buhos na tubig sa kanya ng mga kaawy niya sa eskwelahan.

"Is this the only thing you can do? What a pity." Insulto pa niya dito at nag bago naman ang mata nito.

"But, I like your reaction." Puri pa niya dito habang naka ngiti. And he just frowned.

"I like it, when somebody is being frustrated and pitiful because of me. Don't you dare say that I should not be ahead of myself. Coz I just beat you remember? and I don't want to hear it from a loser like you." Ito ang na uuna kaya papatulan na din niya ito.

Kitang kita naman niya ang galit sa mata nito. At si Mr. Torres naman ay inaawat siya pero ayaw niya pa awat.

"You can never beat Prime Mall as long as I am the CEO in charge, always remember that. By the way.." Putol pa niya.

"In every action there's a consequence. Dapat siguro ay suklian ko ang pag bati mo." Sabi niya dito at nakita naman niya ang taka ito.

"This is my greetings for you, dumbass!" Sabi niya at saka tinapakan ang paa nito gamit ang matulis na bahagi ng kanyang stiletto.

Napa hiyaw naman ito sa sakit at lalo silang nakakuha ng atensyon sa restaurant. May ilan na natawa at ang ilan naman ay napa aww.

"Ouch! You witch! Come back here!" Sigaw nito sa kanya and she just smirk at him. Napa kagat labi naman ito sa sakit.

"Let's go." Yaya niya kay Mr. Torres at saka umalis na ng hotel.

"You should not do that. We're in the restaurant. CEO ka pa man din so you should act one." Sermon sa kanya ni Mr. Torres.

"He started it. Kaya huwag ako ang sisihin mo." Depensa naman niya.

Pag uwi niya ng bahay ay sinalubong siya ni Nana Margarita ng masigla. Pero hindi naman nag tagal ay kumunot ang noo nito. And she knows why.

"Hija! Ano'ng nangyari sa'yo? Bakit basang basa ka? Hindi naman umulan ah?" Naguguluhan na tanong nito.

"Mr. Torres, ano ba ang nangyari?" Nag aalala na tanong nito. Siya naman ang sumagot imbis na ito.

"Gawa lang ito ng incompetent na ka business meeting ko." She explained to her.

"But, I like how he looks ng matalo ko siya." Hindi niya na iwasan sabihin. Nang mapa dako ang mata niya sa itaas ng hagdan ay nandoon si Woodman. Nag lihis naman siya ng tingin.

"He? Ibig sabihin lalaki. Aywan ka ba sa kabataan ngayon napaka wlaang modo ng ka lalakihan."

"Oh siya umakyat ka na at baka sipunan ka may pasok ka pa naman bukas." Utos naman sa kanya nito at umakyat na siya.

"Mr. Torres gusto mo bang mag miryenda?" Untag naman nito kay Mr. Torres. At tumanggi naman ito at nag paalam na.

"As tougher as ever." Iyon naman ang pag bati ni Woodman sa kanya ng magka salubong sila sa hagdan.

(What the hell, does he mean?) Na guguluhan niyang tanong sa sarili.

Well, hindi niya sisirain ang kanyang magandang mood dahil lang dito.

Kina bukasan ay sinuot na niya ang kanyang supporter masakit pa kasi talaga at na ngangalay pa rin siya. Kagaya ng dati ay pa din sila ni Woodman pumasok.

Hanggang kailan kaya ito titira sa bahay niya? Ang balak niya sana ay bigyan na lamang niya ito ng pera pagkatapos ay ito na ang bahala kung ano ang gagawin nito doon.

Pero mukhang wala naman ito ka plano plano. She should ask him mamaya pagka uwi nila. Dahil hindi naman ito puwede habang buhay na tumira sa bahay niya hangga't kasal sila.

She want her privacy at isa pa ay baka makahalata na si Nana sa kanila at ayaw niya ma sermunan nito. Pero ano nga kaya talaga ang plano nito? Hindi niya talaga ito mabasa.

Nasa kalagitnaan pa siya ng pag iisip tungkol sa mga itatanong niya mamaya dito nang pumasok naman ang kanilang teacher at may kasama na estudyante na lalaki. Mukhang late transferee ito.

(Why, does he looks familiar?) Nalilito niyang tanong sa sarili.

"Everyone this is Theodore Mendoza, your new classmate. He just came back from US." Ma sigla naman na pa kilala ng Prof. nila.

(Wait! Mendoza.. Mendoza.. Mendoza the jerk?! The dumbass from yesterday!) Naalala na niya. Ito ang ka meeting niya kahapon.

Dahil guwapo ito ay kinilig naman ang halos lahat na babae na ka klase niya except her. Kung hindi nga lang siya nito binuhusan ng tubig ay baka pati siya ay humanga na din sa ka guwapuhan nito.

(So, she's right. He is young.) Sabi na niya eh, bata pa ito pero mukhang he's younger than she expected.

Why the hell is he her classmate?! Na nanadya ba ito? O baka sinusundan siya?

Pinanalangin niya na hindi siya matandaan at makilala nito. Dahil ayaw niyang masira ang kanyang tahimik na buhay.

"Ms. Legaspi!" Sigaw naman nito ng mapansin siya. At nag lingunan naman ang lahat sa direksyon niya.

~~~~~