webnovel

CHAPTER 28

Now playing: Hello - Aqyila

Elena's POV

Hindi ko mapigilan ang magtitili habang pumapadyak pa ang mga paa noong makapasok na ako ng tuluyan sa kwarto.

Mabuti na lang din at hindi pa pumapasok si Kassandra.

Oh my gulay!

Hindi ko alam tuloy kung paano siya titignan at haharapin ngayon. Kung bakit ko naman kasi siya hinalikan na lang bigla?

Waaaaah! Pero hindi ko naman kasi masisisi ang sarili ko eh. Nadala na ako ng sobrang emosyon at hindi ko na kaya pang pigilan ang sayang nararamdaman ko.

Hays! Bahala na nga! Ang mahalaga...

Natigilan ako sandali bago napatakip sa sariling bibig.

Inamin niya sa akin na gusto niya ako?

Gusto niya ako bilang isang Elena. Pero hindi niya alam na ako at si Piggy ay iisa.

Hays! Parang tanga na ginugulo ko ang aking sariling buhok. Ano ba naman kasi itong pinasok ko? Ang komplikado naman.

What if aminin ko na lang kaya sa kanya ang totoo?

What if sabihin kong.... HINDI.

Hindi pa pwede. Alam ko kasi na hindi pa ito ang tamang panahon para i-distract siya sa ibang bagay. Lalo at patapos pa lamang ang series na ginagawa niya.

"Are you okay?"

"Ay! Anak ka ng ina mo!" Gulat na wika ko noong biglang pumasok si Kassandra sa kwarto at pagkatapos ay natawa ito ng mahina dahil sa naging reaksyon ko.

Kagat lagi itong lumapit sa higaan bago ngingiti-ngiti na muli akong tinignan.

"Nagsisisi ka na bang hinalikan mo'ko?" Paawa effect na tukso nito sa akin. At diretsahan ding tanong niya.

Wala man lang paligoy-ligoy mga bes!

Juice colored mabuti na lang at napakagandda niya kundi babatukan ko ito eh.

Awtomatikong namula ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya kaya sa sobrang kahihiyan ay magwa-walk out sana ako nang mabilis niya akong mahawakan at pigilan sa aking braso kaya paupo na muling bumagsak ako sa higaan.

Atsaka walang sabi na hinawakan niya ako sa aking pisngi at mabilis pa sa alas kwatro na muling ipinagdikit nito ang aming labi.

My mind wants to protest ngunit walang magawa ang katawang lupa ko kundi ang hayaan lamang siya sa kanyang ginagawa. Hanggang sa tuluyang magsimulang gumalaw ang kanyang mga labi kaya napapikit na lamang din ako at dahan-dahan na sinabayan ang paggalaw ng kanyang labi sa akin.

Napakalambot ng labi niya at nalalasahan ko pa 'yung lasa ng toothpaste na ginamit niya.

Mas lalong nilaliman nito ang paghalik sa akin kaya hindi ko maiwasan ang mapa-moan ng mahina, especially when she gently bit my lower lip, it became an opportunity for her to slip her tongue in and start exploring my mouth.

Gosh! Para bang napaka-expert niya sa panghahalik. Samantalang ako hindi ko alam kung paano ko nagagawang sabayan ang mga ginagawa niya, pero sa totoo lang nalulunod na ako.

Nakakapanghina ng tuhod at katawan ang ginagawa niya. Ngunit alam ko sa sarili ko na nagugustuhan ko naman ito at ang hindi ko maintindihan eh kung bakit parang nagki-crave pa ako for more.

Hanggang sa namalayan ko na lang na unti-unti na niya akong inihihiga sa kama habang nasa ibabaw ko siya. Hindi pa rin naghihiwalay ang aming mga labi, rinig na rinig ko ang tunog ng bawat halik na ibinigay namin sa isa't isa.

Shit! Ang sarap sa ears mga bes! Ito na yata 'yung sinasabi nilang nakaka-turn on na halik? Plus, napakalikot na ng kamay ni Kassandra. Kung saang-saang parte na ito ng katawan ko napupunta, kaya hindi ko na naman napigilan ang mapaungol noong ipinasok nito ang isang kamay niya sa loob ng shirt ko at dahan-dahan na ipinagapang iyon sa kanang bahagi ng dibdib ko.

Gosh! Ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya noong hawakan niya ako roon at marahan niya itong minasahe. Para bang ginawa talaga 'yung mga palad n'ya para sa dibdib ko, saktong sakto eh.

Kusang napapaliyad ang likod ko lalo na noong nahanap ng daliri niya ang nipple ko, habang patuloy niya akong hinahalikan sa aking labi. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, nakakabaliw.

Nakakapanghina.

Pero alam ko at ramdam ko na I want to do this with her. Kaya napapaungol na lang ako ng disoras.

Ang init na sa pakiramdam na tila ba gusto ko na ring maghubad sa harap niya. Pero nahihiya ako. Hanggang sa tumigil si Kassandra sa paghalik sa akin at sandaling natawa ito ng mahina.

"Ssshhh. You're too loud, baby. Baka marinig tayo ni Kuya Jake."

Awtomatiko namang naramdaman ko ang pamumula ng buong mukha ko at parang biglang binuhusan ako ng malamig na tubig noong sabihin niya iyon.

Malakas ba akong mag-moan?

NAKAKAHIYA!

Dahil sa sobrang kahihiyan ay basta ko na lang siyang niyakap at ibinaon ang aking mukha sa may leeg niya. Natawa na lamang din akong katulad niya hanggang sa maramahan na hinalikan niya ako sa aking noo.

"I want to take it slow, Elena. Especially sa part na ito. Sorry, masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Gusto ko kung gagawin man natin ito eh 'yung ready ka na---"

"Ready naman ako ah!" Mabilis na putol ko sa kanya.

Mataman na tinitigan niya ako sa aking mga mata bago nito hinaplos ang pisngi ko.

"For now, we'll rest. Alam kong napagod ka sa biyahe and you will need that energy again sa biyahe bukas pabalik ng Manila." Ani nito bago inayos ang kanyang paghiga sa tabi ko.

Walang nagawa na napa-pout na lamang ako habang tumatango.

"Okay."

"Good night, Elena." Malambing na sabi niya.

"Good night, Kassandra."

Hanggang sa 'di ko na lang namalayan ang pagpikit ng aking mga mata.

---

Kinabukasan, maaga kaming bumiyahe ni Kassandra pabalik ng Manila.

Antok na antok pa nga ako eh. Kaya wala siyang magawa kundi hayaan akong matulog sa buong biyahe. Nagising na lamang ako noong nasa labas na kami ng building ng apartment ko.

Mukhang nagmamadali siya sa pag-alis kaya hindi na ako nito naihatid sa mismong unit ko.

Pero ang hindi ko inaasahan eh bago ako tuluyang makalabas ng sasakyan niya eh may pabaon na halik ang ante ninyo sa aking labi at noo.

Kaya itong pa inosente ninyong Chef ay panay ang paghawak sa labi at pati na rin ang pag ngiti habang naglalakad papasok ng gate ng apartment.

Jusko! Papatayin talaga ako ng babaeng iyon sa kilig.

Nakakailang hakbang pa lamang ako noong basta na lamang may humablot sa buhok ko at sinabunutan ako.

"Walanghiya ka! At saan mo naman dinala si Kassandra kagabi?! Mamamatay na ako sa pag-aalala tapos ikaw lang pala ang kasama niya?!" Galit na galit at umuusok ang ilong na singal nito sa akin.

Sino pa nga ba ang may lakas ng loob na gumawa noon sa akin kundi si Annia lamang.

"A-A-Annia, bitiwan mo ako o puputulin ko 'yang kamay mo!" Aba! Hindi na ako magpapatalo sa kanya ano? Sumosobra na siya.

"Ah Gano'n! Sumasagot ka na ngayon." Atsaka lalo nitong hinila ang buhok ko na para bang mapupunit na pati 'yung anit ko. Hinila pa niya ako hanggang sa may kalsada. Jusko! Nakakahiya sa mga makakakita sa amin.

Hindi ko siya mahawakan ng maayos dahil sa likod ko talaga siya pumwesto.

Bwisit talaga 'yung babaeng ito kahit kailan. Napaka-bitter at kontrabida sa buhay ko! Hays!

Maya-maya lamang ay biglang may mabilis na sasakyan ang paparating na biglang huminto sa tapat namin dahilan para tumilapon kami pareho ni Annia. Tumilapon sa nerbyos at gulat na baka kami ay masagasahan.

Ano ba namang araw ito! Reklamo ko habang dahan-dahan na itinatayo ang aking sarili.

Habang si Annia naman ay kaagad na sinugod ang driver ng sasakyan.

"What the hell is your problem? If you're going to kill yourself, just kill yourself! 'Wag ka nang mandamay ng iba!" Sigaw nito sa papalabas na driver.

Ngunit pinalakpakan lamang siya nito. Hindi ko masyadong makilala ang mukha ng babae dahil blonde ang kulay ng buhok nito at saksakan sa puti at kinis ng balat.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Napaka-inggitera mo pa rin at bully." Komento nito habang nakatingin ng diretso kay Annia.

"Cybele!" Nanlalaki ang mga mata na pagbanggit ni Annia sa pangalan ng babae. Bago mabilis niya itong nilapitan at niyakap.

C-Cybele?

'Yung isang kaibigan nila na nang-bu-bully rin sa akin noon? Walangya! Bakit ba unti-unti silang nakokompleto ngayon?

Napalingon si Cybele sa akin kaya agad na napatingin ako sa ibang direksyon. Sa takot na baka pati siya ay makilala rin ako.

"And who's this chic?"

Napapadyak lamang ng paa si Annia bago nag-walk out patungo sa kanyang sasakyan.

"She's just nobody." Pahabol na sabi nito.

Noong makaalis na ang sasakyan ni Annia ay narinig kong natawa ng mahina si Cybele. I was about to ignore her when she spoke again.

"Just don't mind her. Ganun lang talaga yun. Ayaw niya ng nalalamangan." Wika niya at tinignan ako ng mula ulo hanggang paa habang inihahakbang ang kanyang mga paa palapit sa aking harapan.

"Eh sa gandang mong yan tiyak na pag-iinitan ka talaga ni Annia." Bago siya napangiti at napataas baba pa ng kanyang kilay habang pinagmamasdan ako.

Hindi ko mapigilan ang mapaismid. Is that an insult or compliment? Talagang saksakan sila ng kaplastikan, ano? Hindi ko pa rin kaya nakakalimutan 'yung mga nagawa nila sa akin noon. Hmp!

Pero mabuti na rin iyon na hindi niya ata ako nakikilala. Medyo napahinga ako ng maluwag.

"Piggy girl." Hindi ko inaasahan na babanggitin niya iyon. At pagkatapos ay biglang inilapit nito ang kanyang mukha sa akin, as in 'yung malapit na malapit.

Kaya naman awtomatikong bumilis ang pagtibok ng aking puso dahil sa pag-aakalang hindi niya ako makikilala pero nagkamali ako.

"Don't worry. I won't tell Kassandra." Sabay kindat nito at muling umalis sa harapan ko, lumapit siya sa kanyang sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Come on, get in..."

Ngunit napapatulala pa rin ako. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Bakit sila ang bilis lamang nila akong makilala samantalang si Kassandra...

"I said, get in." Pag-ulit nito sa kanyang sinabi.

Napaturo ako sa aking sarili bago nagpalingon-lingon sa paligid. "A-Ako ba?"

"Don't make me repeat, Elena." Wika niya. "Sasakay ka ba ng kusa o kailangang buhatin pa kita." May halong pagbabanta na wika niya.

Hindi ko mapigilan ang mapa-rolled eyes.

"Fine."

Walang nagawa na sumakay na lamang ako. Bahala na, Hindi ko dapat siya pinagkakatiwalaan pero 'yung guts ko ang nagsasabihing magtiwala ako sa kanya kahit na hindi ko alam kung bakit at paano.

Halos isang oras din kaming tahimik sa biyahe. Wala kahit na isa sa amin ang nagsasalita. Hindi ko siya kakausapin kahit na kausapin niya pa ako 'no? Hindi naman kami close.

"Cybele, bakit tayo nasa Airport?" Biglang basag ko sa katahimikan noong mai-park nito ang sasakyan.

"Relax, Princess! I'm not going to kidnap you." Mayabang na sagot nito bago tuluyang lumabas ng kotse. Kaagad din namang sumunod ako. "Susunduin lang natin ang girlfriend ko." Dagdag pa niya.

"G-Girlfriend mo?" Gulat na tanong ko habang nanlalaki ang mga mata bago napatakip ng dalawang kamay sa aking bibig.

Napatango ito. Nakasunod lamang ako sa kanya habang naglalakad.

"Yes!"

"Eh bakit ako ang isinama mo pwede namang iyong mga kaibigan mo na lang." Pagmamaktol ko.

"Because my girl is your biggest fan." Muling sagot niya bago napahinto sa paglalakad at tumango sa may unahan.

"Huh?"

"ELENAAAAAAAAAA!"

Awtomatikong napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Kusang naglaglagan ang mga luha mula sa mga mata ko nang makita ko ang babaeng tumatakbo habang hila-hila ang kanyang maleta patungo sa kinatatayuan ko.

"M-Mae?!" Naiiyak na pagbanggit ko sa pangalan niya dahil ilang taon din kaming hindi nagkita. At hindi ko maitatago na sobrang miss na miss ko siya.

"See? I told you, she's your biggest fan." Rinig kong sabi ni Cybele bago sinalubong nito ng yakap at halik sa noo sa Mae.

"Hey, babe."

Errr...biglang naudlot ang pagpatak ng mga luha ko.

P-Paanong...

Wait...

Magjowa sila?

Sina Cybele at Mae? In a relationship? As in...MAG JOWA?