webnovel

My Fiancee is a Prostitute (Filipino)

Romano "Ram" Santiago is a well known businessman, kilalang kilala siya bilang isang magaling na negosyante at lahat halos ay kaya niyang paikutin sa kanyang mga kamay, hanggang iwanan siya nang kanyang pinakamamahal na nobya, at sa sobrang kalungkutan na nararamdaman ay nagawa niyang sumama sa isang prostitute a prostitute that turned out to be a virgin. Paano ang perpekto niyang mundo ay magugulo nang dahil sa isang prostitute na nagngangalang Atilla Salvador

jspanlilio · perkotaan
Peringkat tidak cukup
64 Chs

Big Responsibility

CHAPTER 45

-=Atilla's POV=-

Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa kaba nang tuluyan akong makalabas nang kuwartong iyon, hindi ako makapaniwala na agad ko siyang makikita ngayong kakabalik ko lang galing sa Australia ngunit mas hindi ako makapaniwala sa impact nang pagkikita naming dalawa, mabuti na lang talaga at nakakilos ako nang maayos, ayokong isipin ng taong iyon na sobra pa din akong apektado dito.

"Stop it Atilla, wala ka na dapat nararamdaman sa taong iyon." kastigo ko sa sarili ko ngunit kahit anong pilit kong pagpapaalala sa sarili ko ang bagay na iyon ay hindi pa din tumitigil ang kakaibang pagtibok nang dibdib ko sa muli naming pagkikita.

Sakto naman at naramdaman ko ang pagvibrate nang phone na nasa bulsa nang pantalon ko, at agad ko iyong sinagot nang makita ko ang pangalan ni Ang na nakaregister na tumatawag.

"Hi!" pilit ang ngiting gumuhit sa mga labi ko nang sinagot ko ang tawag na iyon.

"Hi Babe, oh bakit parang hinihingal ka?" tanong nito at bigla naman akong natahimik sa sinabi nito dahil ramdam ko pa din ang mabilis na kabog nang dibdib ko sa muli naming pagkikita ni Ram, kaya naman isang malalim na hininga ang ginawa ko bago muling magsalita.

"Wala naman mahaba kasi ang nilakad ko." pagdadahilan ko dito, umaasa akong hindi nito mahalata na nagsisinungaling ako.

"Ahhh ganoon ba magpahinga ka na muna, by the way kamusta naman ang kapatid mo?" tanong nito na halata ang pag-aalala sa boses, hindi ko tuloy maiwasang hindi mangiti dahil alam kong totoo ang pag-aalala mula dito, dahil bago pa man kami magkakilala nito ay naging magkaibigan na din ito at si Henry.

Naglakad na ako sa sakayan nang taxi at sakto naman na may kakababa lang na taxi na naghatid nang pasahero nito at matapos makasakay sa taxi ay nagpatuloy na ang pakikipag-usap ko dito.

"He had an operation with his head at kailangan magising siya sa binigay na taning nang doctor dahil kung hindi ay kakailanganin niya nang panibagong operasyon at nirecommend nang doctor na sa US gawin ang operation." bigla ang pagbalik nang pag-aalala ko para sa kapatid.

"Tibayan mo ang loob mo Hon, kung sana ay nandiyan ako para man lang mabawasan ko ang nararamdaman mong pag-aalala." naiinis nitong sinabi na kahit paano ay nakapagpangiti sa akin.

"Me too kung sana lang ay kasama kita, by the way kamusta na pala ang kapatid mo? Anong nangyari?" bigla kong naalala ang dahilan nang biglaan nitong pag-alis.

Isang mahabang buntung hininga ang narinig ko mula dito bago ito nagsalita. "I'm still trying to convince him not to marry that girl." sagot nito na lalong nagpacurious sa akin kung ano ba talaga ang nangyayari sa kapatid nito.

"Bakit mo naman nasabi yan? Don't you trust your brother's judgement?" tanong ko dito.

"May tiwala ako sa kanya pagdating sa ibang bagay but not this one, that woman is a gold digger and I will not let my brother fall from her trap." matigas nitong sinabi, sandali pa kaming nag-usap sa iba't ibang bagay bago ito nagpaalam.

"Sige need to go na muna, miss you so much, I love you." malambing nitong sinabi.

"Miss you.... I...love you too." nag-aalangan kong sinabi dito at bigla akong nakaramdam nang guilt sa dibdib ko nang sinabi ko ang bagay na iyon.

Kung kanina ay gustong gusto nang magpahinga nang isip ko dahil sa pagod at antok ngayon naman ay patuloy ito sa pag-iisip sa isang taong hindi ko naman dapat isipin.

"Stop it Atilla!" inis na inis kong sinabi nang nasa loob na ako nang kuwartong tinutuluyan ko kapag sa bahay ako nila Henry tumutuloy.

Kahit anong pilit kong pinapaalala sa sarili ko na hindi ko dapat isipin ang binata ay patuloy pa din itong nagsusumiksin sa isipan ko.

Sobrang gulat talaga ang naramdaman ko nang muli kaming nagkita ni Ram, mas lalo atang naging guwapo ang binata sa nakalipas na dalawang taon at mukhang naging maayos naman ang nakalipas na dalawang taon para dito, kanina nang magkita kami ay ramdam na ramdam ko ang pagtitig nito sa akin at pinilit kong huwag ipahalata dito na wala lang sa akin ang presensya nito na mahirap gawin.

Finally naramdaman ko ang pamimigat nang mga talukap ng mga mata ko at ilang sandali lang ay nakatulog na ako.

Pakiramdam ko sandali pa lang akong nakakatulog nang magising ako mula sa tunog nang cellphone ko at nang tignan ko ang oras sa nakasabit na relo sa dinding ay saka ko lang napagtanto na wala pa atang isang oras ako nakakatulog, sandali akong pumikit habang hinahanap nang kamay ko ang phone ko hanggang finally ay maabot ko iyon at agad iyong sinagot na nakapikit pa din ang mga mata.

"Hello?" medyo paos pa ang boses ko dala nang naudlot na pagtulog ngunit parang biglang nawala ang antok ko nang marinig ko ang boses ni Ellaine na umiiyak.

"Atilla, I need you here....." hindi na nito natapos ang sinasabi nang tuluyan nang humulagpos ang nararamdaman nito.

"Ellaine anong nangyari Ellaine....." pagtawag ko dito ngunit hindi na ito makausap nang matino kaya naman ilang sandali lang ay narinig ko na ang boses ni Ram.

"Henry had another attack at kailangan na niyang madala sa US para sa panibagong operasyon." paliwanag nito at binalot na naman nang takot ang dibdib ko sa narinig at dali dali akong nagbihis at nagpahatid sa isa sa mga driver ni Henry pabalik sa ospital.

Pagkadating sa ospital ay naabutan kong hinahanda na si Henry para isakay sa isa sa mga ambulansya kung saan dadalhin ito sa NAIA kung saan naghihintay ang private plane ni Henry para ihatid ito nang diretso sa US.

"Thank God Atilla nakaabot ka." salubong sa akin ni Ellaine na kitang kita ang pamumula nang mga mata dahil sa pag-iyak.

"I don't have my things yet pero kung kailangan na nating umalis ay handa na ako." sinabi ko dito at nagtaka ako nang bigla itong umiling.

"We need to leave really soon Atilla, but you need to stay here." malungkot nitong sinabi na lalong nagpagulo sa isip ko, dahil hindi ko akalain na hihilingin nito ang isang bagay na hindi ko maaring pagbigyan lalo na't kaligtasan nang kapatid ko ang pinag-uusapan.

"Hindi kita maintindihan Ellaine, bakit ayaw mo akong sumama? Kailangan lalo ni Henry nang suporta sa pinagdadaanan niya, my brother needs me." nagtataka kong tanong dito.

"Believe me Atilla, gusto kong makasama ka sa pag-aalaga sa kapatid mo ngunit mas kailangan ka dito, dahil ikaw lang ang isa mga pinagkakatiwalaan ni Henry na mamahala sa mga negosyo niya." paliwanag nito.

"But.... I don't think kaya kong ihandle na mag-isa ang lahat nang negosyo ni Henry, yes I had an experience handling one of Henry's businesses pero kakaiba ito sa gusto niyong pamahalaan ko." sagot ko dito habang umiiling, hindi pa din ako kumbinsido sa sinasabi nito dahil kung ako ang papipiliin ay mas gusto kong makasama si Henry, marahil ay ganito ang naramdaman ni Henry nang maaksidente ako noong bata pa ako dahil sa ginawa kong pagliligtas noon kay Ram.

"Believe me Atilla sobrang laki nang tiwala sa yo ni Henry kung alam mo lang na naging bukambibig ka niya dahil sa mga napatunayan mo sa nakalipas na dalawang taon." patuloy nitong pangungumbinsi.

"I don't.... know Ellaine, I'm still not convice na kaya ko nga ang napakalaking responsibilidad na inaatang mo sa balikat ko." hindi pa din kasi ako kumbinsido ngunit naiintindihan ko na ang sinasabi nito.

"You need to have more faith in yourself Atilla, you accomplished so much in the past two years and besides may tutulong sa iyo sa paghahandle sa negosyo." nakangiti nitong sagot 

"Sino naman ang tutulong sa akin?" tanong ko kahit na  nga ba may pakiramdam na ako kung sino ang magiging katulong ko sa pagpapatakbo nang mga negosyo ni Henry.

And right on cue naman ay dumating ang taong magiging katulong ko.

"Handa na ang ambulansyang maghahatid sa inyo ni Henry Ellaine." narinig kong sinabi ni Ram sa bandang likuran ko.

Ilang sandali lang ay nakatingin lang ako sa papalayong ambulance kung saan nakasakay ang kapatid ko.

"Kailangan mong gumaling Henry." bulong ko sa hangin habang patuloy na sinusundan ang papalayong sasakyan hanggang tuluyan itong mawala sa paningin ko.

"Atilla..." narinig kong tawag nang binata sa gilid ko.

"Well it seems tayong dalawa ang magpapamahala sa mga negosyo ni Henry kaya umaasa akong magtutulungan tayo." pilit na ngiti ang binigay ko habang hinihintay na abutin ng binata ang kamay ko for a shakehands.

Nag-aatubili man ay inabot na din nito ang kamay.

I did my best to ignore the spark that I'm feeling sa pagkakadaop nang aming mga palad.