webnovel

My Download Boyfriend

Genevie_Zapa · Fantasi
Peringkat tidak cukup
4 Chs

Chapter 1

|01| Where it all started

| Samantha's P.O.V. |

One year ago...

"Sammy!" Nagising ang diwa ko dahil sa narinig kong malakas na boses na nanggagaling sa kung saan.

"Samantha!" Napakunot lang ang noo ko tsaka tumagilid bago nag-patuloy sa pag-tulog at hindi pinansin ang naririnig.

"SAMANTHA MHINA LOPEZ!!" Napabangon ako dahil lakas ng boses na narinig ko. Bumungad sakin ang galit na galit na mukha ni Haizel na nakatayo ngayon sa harapan ng kamang hinihigaan ko kanina.

"Gumising ka na!" Sigaw pa nya sabay mulat ng mga mata at inis na tumingin sakin.

Bored ko lang syang tiningnan bago pabirong at walang ganang sumaludo sa kanya. "A-yo-ko-pa-nga." Tsaka binagsak ang katawan sa kama.

"Ayan kasi eh! Iinom-inom ng alak, tapos isang baso palang tumba na agad. Tapos ngayon, tatamad-tamad kang bumangon? Ano ha, papaapekto ka na lang ng ganon sa oh-so-called mong 'ex-boyfriend'?!" Bulyaw pa nya sakin kaya inis akong napataklob ng kumot.

"Ang totoo? Kaibigan ba talaga kita?" Umirap ako. "O nanay?"

"Syempre hindi mo 'ko nanay! Pinag-sasabihan lang kkta dahil dyan sa kagagahan mo!"

"Mukha ka kasing nanay. Tsk, ang gurang mo namang nanay." Pagbabaliwala ko sa sinasabi nya.

"Abat-Hoy! Ang pretty-pretty ko pa para maging mukhang matanda!"

Paano ko ba naging nanay-este kaibigan 'to?

"Sinabi ko bang ikaw iyon?" Sabi ko tsaka tinanggal ang pagkakataklob ng kumot sakin dahil umiinit na.

Hindi yung panahon, ha?

Yung ulo ng kaibigan kong maagang naging ina.

"Syempre ako iyon! Ako lang naman ang kausap mo dito eh!" Hirit pa nya.

"So, inaamin mo nang mukha kang gurang na nanay?" Mapang-asar na sabi ko. "At tsaka hindi lang naman ikaw yung kausap ko eh," Sabay baling sa gilid ko. "Si kitty din kaya. Good morning, hello kitty!" Napangiti ako tsaka niyakap ang hello kitty kong unan habang nakatingin sa kanya.

Dumila ako sa kanya nang makitang naiinis na sya.

"Hmph!" Inis na sabi nya tsaka akmang lalabas na ng kwarto nang bigla syang naglakad paatras-papalapit ulit sa pwesto nya kanina. "Speaking of 'nanay', hindi ba ngayon ang death anniversary ng Mommy mo?" Mahnahon nyang sabi.

Napabangon ako. "Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan!" Tumayo ako at napakamot ng ulo bago tiningnan sya ng nagtataka.

Tiningnan nya lang din ako ng paraan kung paano ko sya tingnan. "Ano?"

Ginalaw-galaw ko ang kamay ko bilang sign na pinapaalis ko na sya. "Tsupi! Tsupi! Bawal aso dito!"

Aagd nya kong sinamaan ng tingin tsaka padabog na umalis sa kwarto ko. Natawa na lang ako tsaka pumunta sa banyo para maligo.

***

Nang matapos maligo ay agad kong pinatuyo ang buhok ko. Tiningnan ko ang oras at nakitang ala-syete pa lang ng umaga kaya napag-pasyahan kong mamaya na lang aalis at pupunta sa puntod ni Mommy dahil mukhang maaga pa naman.

Umupo muna ako sa upuan katapat ng isang lamesa sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa lamesa at tiningnan iyon ng mabuti.

May box pa ang cellphone na hawak ko ngayon na kabibili lang kahapon ng boy-friend-I mean, ex-boyfriend ko. Kahihiwalay lang namin kahapon kaya tuloy umiyak ako ng umiyak at nag-pakalasing kahapon sa isang bar.

Kaya nga lang...

Gaya ng sinabi ni Haizel, isang baso pa lang ang naiinom ko ay bagsak na agad ako. First time ko lang din kasing mag-inon kaya ganon. At siguro dahil hindi sanay ang katawan ko sa alak kaya agad bumagsak.

"Hmm... Ibalik ko kaya sa kanya 'to?" Tanong ko sa sarili ko.

*Iling-iling* "Hindi! Ayoko na kayang makita ang pagmumukha ng lalaking yun!" Inis na sabi ko sa sarili.

"Eh kung... Itapon ko na lang kaya?"

Napangiti ako ng mag-isa na parang baliw. "Sige! Itatapon ko na lang 'to! Hmph! Deserved lang naman ng gagong yun ang sayangin ang mga bagay na binigay nya. Walang hiya sya! Shameless!"

Tumayo ako at lumapit sa bintana ng kwarto ko at akmang itatapon na iyon.

Wait...

Teka nga!

Nang may maalala akong isang bagay.

"Ay, sayang naman itong cellphone, mahal pa naman. Isa pa, akin naman ito." Ngumiti ako ng mapang-asar. "At tsaka, wala namang kasalanan itong cutie cellphone sa ginawa nyang kagaguhan sakin eh."

Umupo akong muli at pinag-pagan ang cellphone. In-on ko iyon at tiningnan ang mga app na nandoon.

Huh?

Napakunot ang noo ko at tsak mas nilapit pa ng kaunti ang mukha sa cellphone.

"Ano 'to?" Sabay turo-turo sa screen.

May nakita kasi akong app na bago lang sa paningin ko. Inisip ko na lang na wala lang iyon at hindi na lang sana papansin pero mas naunahan ako ng kuryosidad. Kaya sa huli ay naisipan ko iyon pindutin.

Nagulat ako ng bumungad sakin ang nakakasilaw na liwanag kaya agad akong napapikit dahil sa silaw. Nang makalipas ang ilang segundong nakapikit ay naisipan ko na ding idilat ang mga mata ko.

Napakunot ang noo ko nang bumungat sakin ang isang puting background lang. Tinap-tap, sinwipe-swipe, at shinake-shake ko pa pero wala talagang nangyari.

Ano? Ganito lang ang app na 'to? Walangjoke! Pang-frank lang yata to eh!

Pinindutin ko na sana yung home nang biglang may lumabas sa screen na kanina ay puting background lang.

App could not be loaded because:

Net::ERR_INTERNET_DISCONNECTED

"Ano na namang kalokohan ito?" Pinaikot ko ang mata ko tsaka in-on ang data network ng cellphone na ito.

Please, click this:

|Download|

Hindi na ako nag-dalawang isip pa at pinindot na lang ang 'download' na nakalagay doon.

Downloading...

Nag-hintay ako ng ilang minuto. At ang masasabi ko lang ay iyon na yata ang pinaka-ayaw ko sa araw na ito. Ayoko kasi ng mga loading-loading, etc-etc na yan. Mainipin kasi akong tao. Gustong-gusto ko na sanang ibato itong cellphone kaya lang sayang eh.

Installing...

Download completed

Naghintay ako ng ilang segundo pero pagkatapos lumabas ng 'Download completed' ay wala nang muling nangyari sa app.

"Sabi na eh! Frank yan! Ang lokal naman eh! Local-local yang app na yan! Argh!" Sabi ko tsaka dinutdot yung screen dahil sa inis.

"Argh!" Napabaling na lang ako sa may pinto dahil sa inis. Ang lokal talaga ng app na yun! Made in china-

"Hey."

Napakurap-kurap ako.

"Hey!"

Muli akong napakurap-kurap at hindi agad nakapag-salita.

"Hey?" Napakurap-kurap sya at bahagyang napatagilid ng ulo.

Balitang-balita sa radyong sira, isang babaeng hindi nakapag-salita dahil sa nakita ay napasabi na lang ng 'At doon na nga po ako nakapag-salita'.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Sigaw ko dahil sa gulat at sa nakikita ko ngayon.

May nakikita akong... Oh. My. God. Isang lalaki. Hindi lang iyon, nakatop-less pa sya! Ahhhh!

"A-Anong ginagawa mo dito?! Paano ka nakapasok dito?! Mag-nanakaw ka noh?! Magnanakaw ka! Ay hindi! Murderer ka noh?! Ay hindi pala! Rapist ka! Ahhh! Raaapppiiissstttt!" Tarantang sigaw ko.

"Rapist?" Takang tanong nya kasabay ng pagtawa.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?! Hindi ka nakakatawa!"

"Bakit naman kita ra-rape-in? Eh wala namang mara-rape sayo." Kaswal nyang sabi.

"Abat— Anong walang mara-rape sakin?! Meron kaya!"

"Really?"

"Meron nga sabi!"

"Really? Where?"

"Dito!" Sabay turo sa hinaharap ko. "At dito!" Sabay turo sa ibaba.

"Masarap ba yan?"

"Oo naman! Huh! Sobrang sarap! Kahit tikman mo pa—" Natigilan ako. "Abat— Ginagago mo ba talaga ako?!"

Bigla syang tumawa, kulang na lang ay humiga na sya sa sahig habang hawak-hawak ang tiyan nya sa lakas ng tawa nya.

"Sige huwag kang tumigil! Ide-demanda talaga kita! Trespassing yung ginawa mo! Tapos rapist ka pa! Ni-rape mo ko!"

Bigla syang napatigil sa pagtawa.

Huh! Talino ko talaga, napatigil ko sya agad!

"Huh? Kailan kita ni-rape?"

"Kanina!"

"Huh? Hindi naman ah, 'ni hindi nga kita hinahawakan dyan eh." Sagot naman nya tsaka tiningnan ako na kulang na lang ay sabihing 'Ang-illusyonada-mo-girl'.

"Ni-rarape mo ko sa isip mo!" Sabay irap. Unang tingin pa lang sa lalaking 'to, manyak na. Paano pa kaya sa isip? Edi green minded na.

"Hahahaha!" Agad ko syang sinamaan ng tingin nang bigla na naman syang tumawa.

"Ikaw ah—" Napatigil ako sa pag-sasalita nang marinig ko ang boses ni Haizel.

"Sammy! Tapos ka na bang maligo?" Tanong ni Haizel na kasalukuyang nasa labas ng pinto ng kwarto ko.

Nagkatinginan kami ni-Ano bang pangalan nito? Ah, hindi ko nga pala kilala. It's okay—

ANO?

HINDI KO SYA KILALA?

SO, IBIG SABIHIN—

"Lagot!" Bulaslas ko. Bigla na lang akong nataranta dahil sa kaba. Buti na lang at sound proof itong kwarto ko kaya hindi naririnig nila Haizel kanina ang mga sigaw ko.

Pero papaano kung pumasok dito si Haizel? Tapos makita nya itong lalaking ito at kung ano pang isipin dahil naka-topless lang sya? Anong gagawin ko?! Lagot na! Lagot na talaga!

Lumapit ako sa pinto at ilo-lock na sana iyon kaso biglang nalaglag yung cellphone na kanina ko pa hawak mula sa kamay kong namamasma na dahil sa kaba. Agad ko iyong pinulot at aksidenteng napindot ang on/off button sa gilid nun.

"Sammy?"

Blag!

Bigla akong napaupo sa sahig dahil sa pag-kakatama ng ulo ko sa pinto nang biglang buksan iyon ni Haizel.

"Lagot na..." Bulong ko.

Green minded pa naman ang gaga!

"W-Walang isang gwapong lalaking naka-topless na nandito ngayon!" Tarantang sigaw ko sabay hawak sa ulo ko dahil medyo sumakit iyon. "Ouch."

"Ano bang sinasabi mo dyan?" Takang tanong nya pero agad napakunot ang noo nya nang mapatingin sakin. Napatingin ako sa loob ng kwarto ko.

Huh? Nasaan na sya?

Nakapag-tago ba sya?

O talagang illusyon ko lang ang lahat?

Imposible!

"Sammy! Anong nangyari sayo?! Sino gumawa nito sayo?! Sabihin mo! Sabihin mo para masabunutan ko!" Gigil na sabi nya tsaka nag-aalalang lumapit sakin.

"Lapit ka," Sabi ko tsaka ginalaw ang darili ko para maging sign para palapitin sya. "Sasabihin ko kung sino."

Lumapit naman agad sya sakin at agad kong itinapat sa tenga nya ang labi ko.

"IKAW GAGA!" Inis na sigaw ko sabay tayo at napatingin sa kanya.

Ngumuso sya sakin.

Yuck, napaka-ugly duckling nito.

"Balak mo pa yatang sirain ang ear drums ko eh," Sabi nya habang hinihimas-himas ang tenga nya na naging dahilan ng pag-irap ko. "By the way, kung tapos ka nang maligo, halika na, punta na tayo sa puntod ni Tita." Nakangiti nyang saad.

"Sinong may sabing kasama ka?"

Muli syang ngumuso. "Sammy Mommy, naman eh. You know, I miss your Mom. Ilang buwan ko na rin syang hindi nadalaw."

I-rap mo lang yan, girl. (Iirap mo lang yan, self.)

"Ang dami mong alam, gusto mo lang makita yung crush mong nakita mo sa katabing puntod ni Mommy noong nakaraang taon eh." Sabi ko sabay tinulak sya sa likod.

"Oo na! Oo na! Bakit kailan mong manulak?! Ano bang connect nung crush ko sa pag-tulak mo sakin?! Teka... Wag mong sabihing..."

"Wag mong sabihing... May gusto ka sa kanya?!" Dagdag pa nya.

"Hoy! Kung ano-ano na naman yang iniisip ng madumi mong utak!" Bulyaw ko. "At tsaka, bakit ko naman magugustuhan yung weird mong crush? Eh, may pagka-fortune teller yun! Bukod sa may pagka-fortune teller, nag-sisindi rin yun ng sigarilyong may tatak fortune!"

"Eh, bakit ka kasi nanunulak?!"

"Syempre, pinapaalis na kita dito sa kwarto ko! Ano pa ba?!" Ganti ko.

"Eh, bakit kailan mo kong itulak? Pwede mo namang sabihin sakin!"

"Wag mo nga kong sigawan!"

"Wag mo din akong sigawan!"

"Bakit mo ba ako sinisigawan?!"

"Eh, kasi sinisigawan mo ko!"

"Teka! Bakit mo ba nililihis ang usapan?!" Sigaw nya.

"Hindi ko nililihis! Sige na, alis!" Sigaw ko sabay tulak sakanya papalabas ng kwarto ko.

"Hay, safe narin." Bumuntong hininga ako sabay umupo sa kama ko. Balak ko pa sanang humiga doon pero may bigla akong maalala.

"Asaan na nga pala ang lalaking yun?"

Tiningnan ko ang buong paligid pero wala sya. Tumingin din ako sa ilalim ng kama, sa kabinet, at sa kung saan saan pa. Pero...

WALA TALAGA SYA!

Nasaan na sya?

Illusyon ko lang ba sya?

Pero napaka-laking imposible naman nun! Nakikita ko sya! Nakakausap! At nahahawakan-Ay, hindi ko pala sya nahawakan.

Sana pala nahawakan ko kahit yung abs lang nya!

Charot!

Teka lang! Bakit parang nagiging kaugali ko na si Haizel?!

"Hindi ako green minded!" Sigaw ko sa sarili ko sabay pukpok sa ulo ko. "Aray ah."

***

"Weirdo," Bulaslas ko habang nakatingin kay Haizel na nakatingin-este nakatitig naman kay Nilo. "Addict-Hindi lang mukha, addict talaga. Addict na addict ka din sa kanya. Naka-drugs ka ba? O sadyang sya yung drugs mo kaya nawawala ka sa katinuan? Ay shabu!"

Liningon nya ko. "Grabe ka naman sa drugs. Hindi ba pwedeng sya yung antidote sa wasak kong puso?"

"Gaga, hindi ka pa nahe-heart broken, 'wag kang masyadong maging illusyonada."

"K fine. Ano pa?"

"Buhay pa ba yan?" Tanong ko.

"Oo naman! Ano ka ba! Pamatay lang yan sa kagwapuhan pero buhay na buhay pa sya noh." Nakangiti nyang aniya na ikinaikot ng mga mata ko. "Bakit mo ba naitanong?"

"Dahil bukod sa pamatay yung mukha nya at amoy, pamatay din yung suot."

"Ibig sabihin ba non, napaka-perfect nya?" Biglang kuminang ang mga mata nya.

"Hindi. Ang creppy ng mukha nya, ang sang-sang ng amoy na animo'y hindi naligo ng isang taon at ang pinakamalala sa lahat, nakaitim sya." Sagot ko.

"Grabe ka naman, Sammy. Hindi naman creepy-crawly yung mukha nya, yung amoy nga nya ay napakabango kaso nasobrahan yata sa pabango. At tsaka-Ano bang problema sa suot nyang itim?"

Ay nag-dudrug nga yata talaga ito.

Malakas na yung tama eh.

"A-attend ba yan sa patay para mag-suot ng itim?"

"Bakit? Ang cool nga noon eh." Komento nya.

"Ano sya? Men in black? Ang sarap tuloy pumatay ngayon. Huh, kulang na lang kabaong s akanya eh." Sabi ko

"Tama na nga yang ganyang usapan, ano pa?"

"At mukha pa lang mukhang wala nang magagawang maganda. Sabihin mo nga, membro ba yan ng isang gang?" Sagot ko kay Haizel. Tinatanong kasi nya kung anong tingin ko kay Nilo her loves daw. Kasalukuyan kaming nandito sa puntod ni Mommy. Nagkataong nandito din ang mokong na nagngangalang Nilo kaya nag-karoon tuloy ng oh-so-called heart-heart sa mga mata nya. Si Nilo daw ay may namatay na kapatid, 2 years ago. Siguro ay nagkataong parehas ng date ang death anniversary ng kapatid nya at si Mommy kaya tuloy nangyaring nag-kita sila ni Haizel dito at ang gaga naman ay nag-kacrush agad kay Nilo na halos gusto na nyang i-milo dahil sa pag-nanasa-etse kahangaan dito.

"Siguro, hindi ko alam eh. Bakit? Sa sobra ba nyang gwapo ay tingin mo gangster sya?" Kinikilig na sabi nya.

"Oo, gwapo sya. Sobrang gwapo." Bulaslas ko habang nakatingin kay Nilo.

"Wait! Anong klaseng tingin yan?! May pagnanasa ka sa Nilo my labs ko noh?!" Bulyaw nya.

Tumingin ako sa kanya. "Sa sobrang gwapo nya, halos manginig na ko at mangisay." Sarkastikong sabi ko sabay irap. "Malabo na ba ang mata mo? Halika, punta tayong EO, papagawa tayo ng salamin."

Ngumuso sya. "Sammy naman, don't judge a book by its cover nga diba? Ang judgemental mo naman kay Nilo."

Umirap ako. "Bakit libro ba sya?"

Napa-face palm sya. "Ay, wala na."

"Ang ibig ko lang namang iparating-" Pagsisimula ko ngunit bigla nyang pinutol.

"Wow, purong taglog yun ah?" Natawa nyang aniya kaya agad ko syang binatukan.

Umirap ako. "Edi ikaw na 'anghel'. Maaga ka sanang kunin ni Lord-Aray!" Daing ko nang bigla nya akong hampasin.

"Grabe ka naman sakin, Sammy!"

"Tsk. Uwi na nga tayo."

"Sige! Papaalam lang ako kay Nilo may labs ko."

"Whatever." Lumingon ako sa puntod ni Mommy at ngumiti. "Bye, Mommy."

***

"Hay, kapagod kaladkarin nung bruha." Komento ko matapos ibagsak ang katawan ko sa kama. Nakakapagod talagang kaladkarin ni Haizel papunta dito sa condo. Ba naman, hindi na nagpaawat noong nakita nya muli si Nilo'ng mukhang Milo.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko at tsaka in-open iyon. May kakaiba akong naramdaman matapos nun. Muli kong tiningnan yung kakaibang app.

Wala naman yatang kwenta ito eh.

Ma-delete na nga lang.

Akmang idedelete ko na sana iyon nang may maramdaman akong hininga sa gilid ko.

"Hello, Master!" Dinig kong bati nya sa kung sino. Ramdam ko ang presensya nya sa gilid ko. At nang harapin ko sya...

*tsup*

Agad nanlaki ang mga mata ko pati na rin ang mga mata nya. Ilang segundo akong natulala at hindi nakapagsalita dahil sa nangyari.

Nang matauhan ay napasigaw na lang ako.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! Sigaw ko sabay tulak sa kanya papalayo sakin. Pinunasan ko ang labi ko dahil lumapat iyon sa labi nya.

Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa at mas lalo akong nagulat nang makitang ito parin ang lalaki kanina. Pero ang talagang kinagulat ko ay...

Naka-topless parin sya!

Gosh! Sino bang matinong tao ang mag-OOTD ng ganyan?

Edi sya!

"Ano na namang ginagawa mo dito?! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot! Yan tuloy ang nangyari!" Sigaw ko sa kanya habang tinuturo-turo sya.

"Bakit? Ano bang nangyari?" Tanong nya tsaka mapang-asar na ngimisi.

"N-Nayari... Yung ano... Yung... Basta yung nangyari!"

Mas lumaki yung ngisi nya. "Gusto mong ulitin natin yung nangyari-Aray! Ano ba! Masakit na!" Daing nya nang paghahampasin ko sya ng unan kong kulay puti. Ayoko nung hello kitty kong unan dahil baka mas masaktan pa iyon.

"Kawawa naman." Komento ko.

"Talagang dapat kang maawa sakin! Ang lalakas kaya ng hampas mo! Sa ulo pa talaga!"

Agad ko syang nilingon at sinamaan ng tingin. "Hindi ko hinihingi opinyon mo. At tsaka, ikaw ba yung tinutukoy ko? Yung hello kitty yun!" Sabay turo sa unan kong hello kitty. Kawawa talaga si Hello kitty kapag pinamhampas ko sya sa kumag na 'to.

Diba?

Diba-diba?

Sarap diva?

"Pero... Teka nga! Saang lumpalop ka ba ng mundo nanggaling ha?! Alien ka ba ha?! UFO?! Angel?! Superhero?!" Tanong ko.

Narinig ko syang tumawa. "Bakit? Ano ba sa tingin mo ako?"

Nanliit ang mga mata at muli syang tiningnan mula ulo hanggang paa.

Tinanong mo pa talaga!

"EDI PORNSTAR!" Sigaw ko sa kanya sabay umatras papalayo sa kanya.

Mas lalo syang natawa. "Hindi ako pornstar. Pero, phonestar ako."

Mas lalong nanliit ang mga mata ko.

Chinese na ko, 'tol!

"Eh? Meron ba nun?" Tanong ko. "Teka nga! Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko eh! Saan ka ba nanggaling? Tsaka sino ka?"

Bigla nyang tinuro yung bandang ibaba ko. Sinundan ko yun ng tingin at nakitang...

Yung cellphone yung tinuturo nya.

Dear mga readers,

-I, Samantha Lopez, binabalita sa inyo na may nababaliw na po dito. Sayang gwapo pa naman. Amps. Hahaha.

P.S. Kung ano-ano po siguro inisip nyo sa tinuro nya noh? Hahaha.

"Dyan ako nanggaling. I'm Xian Lee III." Sabi nya na ikinatahimik ko.

Eh?

Pfft!

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa ko at napahawak pa ako sa tiyan ko at napaturo-turo pa sa kanya. "Ahahah. Ang galing mong mag-joke. Hahaha!" Natatawang sabi ko tsaka hinili sya papunta sa comfort room ng kwarto ko.

"Hindi ako nagbibiro." Seryosong aniya.

"Bakit? Ako ba, nagbibiro?" Seryoso ding aniya ko. Nang hindi na sya nagsalita ay ako na ang nagkusang magsalita. "By the way, dyan ka lang muna." Sabi ko at akmang aalis na sa Cr ng bigla nyang hilahin ang braso ko.

"Saan ka pupunta?"

Walang imik na tinanggal ko ang pagkakahawka ng kamay nya sa braso ko. "Dtm."

"Huh? May ganon bang lugar?"

"Wala. Pero ibig sabihin nun, Dont touch me!" Singhal ko sa kanya tsaka nilisan yung Cr. Sinigaw-sigawan pa nya ako na parang tanga pero sinasabi ko na lang...

"Sige! Pag-sumunod ka! Sisipain talaga kita hanggang sa bumalik ka sa kung saang lupalop ka man nanggaling! Baliw na 'to."

Umirap na lang ako tsaka naghanap ng damit sa cabinet ko. Habang naghahanap ay may nakita akong isang damit na kulay blue at isang pantalon. Alam kong hindi akin iyon dahil sobrang laki nun para sakin. Agad ko yung kinuha at tiningnang mabuti.

Natigilan ako nang mapagtanto kung kanino yun. Pero agad kong naikuyom ang mga kamao ko at akmang itatapon na sana iyon dahil sa galit nang may bigla akong maalala.

Napabuntong hininga na lang ako tsaka naglakad papunta sa cr kaaama ang mga damit na iyon.

"Oh!" Sabay abot sa kanya nung mga damit. "Isuot mo iyan! At tsaka nga paka may pupuntahan tayo—"

Natigilan kami pareho nang may malaglag.

dO_Ob

Yung twalya sa ibaba nya.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Sigaw ko tsaka tumakbo papunta sa kama ko at doon ko ibinagsak ang katawan ko. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan dahil ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko.

Gosh!

***

"What kind of place is this?" Takang tanong ni Xian, Xiansya na talaga sya!-nang makarating na kami sa pupuntahan namin.

Hindi ako sumagot dahil sa dami ng iniisip ko.

"Wait, Bakit namumula yung tenga mo?" Takang tanong nya na mas lalong ikinamula ko. Kaya hinila ko na lang sya papunta sa loob.

"Miss, Sir, what can I do for you?" Tanong ng isang lalaki nang makaupo na kami sa isang silya.

"Sir, kayo na po bahala sa kanya ah?" Sabi ko sa kanya na syang ikinatango naman nya. Nag-usap na kami nito kanina sa telephono kaya alam kong naiintindihan na nya ang ibig kong sabihin.

Akmang aalis na ako nang muli na namang hawakan ni Xiansya ang kamay ko. Bagay talaga ang pangalan nyang 'Xiansya' kaysa 'Xian'. Hahaha.

"Where are you going?" Takang tanong nya. Tumingin ako sa lalaking nagngangalang 'Dion' at sinenyasan syang tulungan ako.

"Sir, bitawan nyo na po si Ma'am. Aalis muna siguro po sya para bilhan kayo ng makakain."

Kaya agad nya namang hinila si Xian papalo sakin. Kumaway na lang ako sa kanya at tsaka tuluyan nang nilisan ang lugar na iyon.

Third Person's P.O.V.

"It's already five thirty-three pm. Where the hell is she now?!" Iritadong sabi ni Xian matapos syang dahlin ng isang lalaki sa isang kwarto.

"Sir, huminahon po kayo. Mabuti pa, matulog na po kayo." Suhesyon ng isang lalaki sa kanya pero agad nya itong sinamaan ng tingin.

"Where the hell am I?!"

"Nasa mental hospital po kayo." Mahinahon nitong sagot sa kanya.

"What?!" Bigla syang napatayo. "Aalis na ako dito!" Sigaw nya tsaka pumunta sa may pintuan ng kwarto at tsaka binuksan iyon.

'Anong iniisip ng babaeng iyon?! At pinadala nya ako sa Mental hospital?!' Inis na tanong nya sa sarili.

"Sir, dito lang po kayo. Hindi po kayo pwedeng umalis." Sabi ng lalaking nagngangalang 'Dion' tsaka pinigilan sya gamit ang pagkawak sa braso nya pero agad din naman nya itong tinanggal.

Lalabas na sana sya nang makaramdam nya ng pagkahina. Agad syang sinalo ni Dion nang matutumba na ito at hirap na hirap na hinila papunta sa kama nito. At doon nagdilim ang lahat sa paningin ni Xian.

Agad nang inilagay ni Dion sa bulsa nya ang panturok na ginamit nya kay Xian upang makatulog ito. Ito yung ginagamit para sa mga pasyente ng Mental hospotal, lalo na kung nagwawala sila.

Samantha's P.O.V.

Nang makaalis sa lugar na iyon ay agad akong pumara ng taxi papauwi sa condo namin ni Haizel.

"Saan kayo, Miss?" Tanong ni Manong sakin nang makapask na ako sa sasakyan nya. Agad ko namang sinabi kung saan ako pupunta.

Hay. Nadala ko na din sa Mental yung lalaking yun. Grabe talaga yung nangyari kanina!

Yung ano...

Basta yung ano!

Bigla kong naramdaman ang pamumula ng buong mukha ko kaya napatakip na lang ako doon gamit ang mga kamay ko.

Makalipas ang ilang minutong byahe ay sa wakas nasabi na din ni Manong ang magic word.

"Nandito na po tayo, Miss." Sabi nya kaya tumango na lang ako at akmang lalabas na sana ng sasakyan nya nang may bigla akong naalala.

Napahawak ako sa noo ko. "Sorry, manong. Sa Cementery po tayo." Sabi ko kaya agad syang tumango at nagsimula na namang mag-drive.

Habang nagda-drive ay may bigla akong narinig na ringtone kaya agad kong tiningnan ang cellphone na binigay sakin ng ex-boyfriend ko.

From: Geron Buenavista

Message: Samantha, let's talk...

Napakagat ako ng ibabang labi ko para pigilan ang mga luhang nagbabantang bumagsak mula sa mga mata ko. Tatlong salita lang iyon pero sobra akong naapektuhan.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko tsaka in-off yung cellphone kagit hindi ko pa sya narereply-an.

Third Person's P.O.V.

Mental hospital

8:00 PM

Nang makalipas ang dalawang oras ay agad na bumalik si Dion sa kwarto ni Xian dito sa Mental Hospital para pagdalhan ito ng pagkain. Kinuha nya ang susi sa bulsa nya tsaka sinusian iyon.

Pagbukas ng pinto...

*Bogsh*

Bigla nyang nabitawan ang mga pagkain na dala nya. Kaya agad na nabasag ang pinggan at baso na parehas na babasagin.

"Nawawala ang pasyente sa room 202!" Sigaw nya tsaka lumabas para ipaalam iyon sa mga kasamahan nya.

-

@Yue_Perez