webnovel

My CEO Wife (Filipino)

Ang Xander at Parker Family ay ilan lang sa mga kilalang apelyido sa larangan ng Jewelry at Fashion Industry. Ang dalawang pamilya ay malapit rin sa isa't-isa dahil sa mga business na kanilang pinagsasamahan kaya naman upang mas mapatatag pa ang kani-kanilang kumpanya, nag desisyon ang mga ito na ipakasal ang kanilang mga anak. Being an independent woman, she never relies on anyone including her family. Sahara Xander, CEO of her own business, the Timeless Fashion Trends. Gorgeous, seductive and hot, iyan ang ilang salita na naglalarawan sa pisikal niyang pangangatawan. Napaka low-key na icon kaya naman kilala lang siya sa pangalan ng karamihan. She hates manipulating ngunit masunurin at mapagmahal sa kanyang pamilya. Ngunit iba ang ugali sa trabaho at sa tao na kaharap nito. Kung ano ang nasa kanyang isip at puso ay maluwag niyang ipinapahayag ito. Ronan is one of the hottest, handsome, and rich sons of the Parker Family. He's the CEO of high-quality and excellent jewelry around Asia, the Innovative Jewelry and Accessories. He thinks that all women who surrounded him are gold diggers. Iniisip nito na attracted lang sa kanya ang mga babae dahil sa kanyang yaman at para mapabilang sa magandang pamilya. Proven na niya iyan, dahil lahat ng mga babae na nakakarelasyon niya ay ganyan ang pag-uugali, ngunit maiiba ang pananaw nito kapag nakatapat na niya ang babaeng magpapabago sa kanyang buhay.

cloudymichiqoh · perkotaan
Peringkat tidak cukup
5 Chs

Kabanata Isa

Sahara Xander a.k.a Avyanna

Napabuntong hininga ako ng makita kung sino ang tumatawag sa aking telepono. I answered it quickly.

"BAKIT HINDI MO NA NAMAN SINIPOT YUNG KA-DATE MO?"

Sa sobrang tining at lakas ng boses ng kabilang linya halos mailayo ko na iyon sa tenga. Inilapit ko lang muli ito sa aking tenga ng wala na akong marinig kundi ang kanyang paghinga.

"Ma, pwede ba kalma ka lang? Halos mabasag na ang eardrum ko dahil sa sigaw niyo! Ma, nandito lang ako sa kabilang linya, rinig na rinig ko kayo."

"Aba! Sahara nagkaka-edad ka na. Ano? Papanisin mo na lang yang gandang babae mo? Anak naman, 27 years old ka na!"

Here we go again! Memorize ko na ang paulit-ulit na linya ni Mama. "Mag-asawa ka na. Hindi ka na bumabata.. Blah.. Blah.. Blah.." Umay na umay na ako. Kung hindi ko lang siya ina! Naku!

"Kasi naman, Ma. Wala ka naman ka taste-taste sa mga pinipili mong lalaki. Ma naman! Ganun ba ang standard mo na dapat mapangasawa ko?! Ano na lang ang kalalabasan ng magiging mga anak ko!"

"Masyado lang mataas ang standard mo. Kaya lahat ng lalaki na pinapakilala ko ayaw mo. Aba! Kung masyado ka mapili, tatanda ka nang dalaga niyan. Gusto mo bang tumanda mag-isa? Hindi sa lahat ng oras nandito kami ng daddy mo."

"Kung tatanda akong dalaga, let it be. Kasya naman piliptin ko ang sarili ko sa mga lalaking hindi ko gusto. Beside, nandyan ang mga pamangkin ko. Sila na lang ang mag-aalaga sa akin."

"Ikaw talagang bata ka!"

Napangisi ako dahil alam kong nanggagalaiti na naman sa galit si Mama. Ang hilig kasing i-set ako sa mga lalaking natitipuhan niya pero hindi ko naman nagugustuhan.

"Ma, I have to go. I love you. Bye."

I hung up the phone at bago tuluyan umalis sa restaurant na sinasabi ni Mama, tinignan ko ang lalaking nakaupo roon at hinihintay ako.

"Manigas ka dyan!" Bulong ko. Inirapan ko ito at nag walk-out. I have so many things to do, pero dahil sa magaling kong ina, nasira na naman ang schedule ko.

"Ma, last mo na 'to!" Text ko kay Mama.

"No! Expect another date next week! Love you."

I am already 27 pero kung itrato ako parang batang walang alam sa mundo. I already live on my own. I have a successful career and business. In the past years, I worked on my own and didn't rely upon my parent's money.

"Bad mood?" bati ng aking sekretarya. "Huhulaan ko! Hindi mo na naman type ang lalaking nirereto ng Mama mo?!" Napangisi ito.

Matalim ko itong tinignan at pilit na ngumiti.

"Hahaha. Funny!" Irap ko.

"Ito namang bff ko, oh! Mainit na naman ang ulo." Habang naglalakad papunta sa aking opisina ay minamasahe nito ang aking balikat. Alam niya kung gaano ako na pre-pressure sa mga ginagawa ng Mama ko.

Chandy is my best friend. Nakilala ko ito sa state nang mag-aral ako abroad. Siya ang kasama ko sa hirap at ginhawa ng aking buhay. Lahat ng napagdaanan kong hirap at pagsisikap, saksi ito sa lahat ng oras.

"Iniisip lang ni Tita Joana ang kapakanan mo. You've been working so hard para maabot ang pangarap mo pero napabayaan mo naman ang sarili mo."

"Chandy, I know. Hindi naman ako nagmamadali sa ganyang bagay. Alam mo na lahat ng gustong manligaw sa akin binigyan ko ng chance, but in the end sino ba ang nasasaktan? Hindi ba't ako?

"Alam ko naman iyon! They can't stand you dahil napaka independent mo. Okay! Let's cut the conversation here. Here is your schedule today at kung sino ang mga kailangan mong i-meet."

"Thanks, Chan. You're the best."

"I know right, love you!"

Sumandal ako sa aking swivel chair. Wala pa naman ako nagagawa ngayong araw na ito ay pagod na pagod na ako.

"Everybody is ready in the meeting room." Paalala ni Chandy.

Tinignan ko ito at pinirmahan ang huling papales sa table bago sumunod.

"Good morning, Ma'am Sahara." Bati ng mga ito pagpasok ko sa meeting room.

"You may sit done, guys. Hindi niyo kailangan maging formal. We are family here!" I flip the folder in the table. "So, what should I expect from our upcoming fashion show? I have already given you the details I want. My designs are already handed para sa mga materials na kakailanganin."

"Ma'am, we are sure that we can surpass our previous sales. This Avyanna Clothing Series is indeed high-class and elegant. The design is perfect for all ages." Tugon ni Brandy. "Na contact ko na ang suppliers natin and everything is under control. By next month pwede na natin i-launch ang bagong series ng Avyanna."

Sa bawat bagay na ginagawa ko, binibigay ko lahat ang best na makakaya ko. Kaya nga naging successful ang business na ito dahil hindi ako ang taong, "PWEDE NA". I value all my design at tinuturing ko itong mga anak. Dugo, pawis at pagmamahal ang ginugugol ko para dito.

"Thanks, everyone. You did a great job today." I always compliment my staff para pagbutihin ang kanilang trabaho. Well, lahat naman talaga sila ay maasahan, masipag at magagaling.

"Thank you, Ma'am." Tugon ng mga ito bago ako lumabas ng meeting room.

After a tiring day, binibigyan ko ng time ang aking pamilya na puntahan ito sa Mansion. May sarili man akong condo, hindi maaaring lumipas ang araw na hindi ko sila makasama, kahit every dinner lang.

"Good evening, Ma'am." Bati ng guard na si Eljin sa akin.

"Magandang gabi, Kuya Eljin. Nandyan na ba sila lahat? Medyo na late ata ako ngayon."

"Kakarating lang po ng Papa at Kuya ninyo."

"Salamat po. Pasok na po ako."

Empleyado man sa opisina o sa bahay, pamilya ang turing ko sa mga ito. Naranasan ko ang magtrabaho kagaya nila para mapantustos sa pag-aaral ko abroad. Si Mama at Papa lang ang sagot sa aking allowance.

"Tita Yanna, I miss you." Malambing na salubong sa akin ng anak ni Kuya Frank na si Eunice.

Happily married naman si Kuya Franklin kay Ate Janine. May tatlo na itong supling. Sina Harry, Eunice at Jackson.Dito sila sa bahay nakatira kasama ang aming magulang at ang nakababata namin kapatid na si Kaira.

"Hi, baby. I'm sorry, Tita forgot your present." Hinimas ko ang ulo nito. She's like a sweet angel.

Kinuha ko ang mumunting kamay nito papunta sa kinaroroonan ng aming pamilya. Isa-isa ko itong hinagkan at hinalikan. Kahit araw-araw ko ito nakikita, nakakaramdam pa rin ako ng pagka-miss sa kanila.

"Pa, Ma." Bati ko.

Nakita ko ang pagsimangot ni Mama sa akin. Galit pa rin ito. Kung noon sumasama ang loob ko sa inaasal niya, hindi na ngayon dahil nasanay na ako. Mahal ko ang aking pamilya kaya naman ang simpleng bagay na kayang ipagsawalang bahala ay hindi ko na iniintindi.

"Hija, ano ba itong kinakagalit ng Mama mo? Hindi mo na naman raw sinipot ang lalaki na gusto niya para sayo?" tanong ni Papa.

Sa aming lahat, neutral lang si Papa. Wala siyang kinakampihan sa amin at kung kaya niya mamagitan ay doon lang siya. Kapag may point ka, ipaglaban mo.

"Pa, hindi ko talaga gusto ang lalaking iyon. Sabi ko kay Mama tigilan na ang pag se-setup ng date sa akin. Kaya ko naman po ang aking sarili."

"Wala akong duda sa sinasabi mo, dahil noon pa man kaya munang mabuhay sa sarili mong mga paa. Siguro naiintindihan mo naman ang Mama mo kung bakit pinipilit niya na makahanap ng lalaki para sayo. Gusto ka niya maging masaya. Mawala man kami dito sa mundo, may mag-aalaga sayo."

"Anak, tell me. Kaya ba hindi ka nagkakagusto sa lalaki dahil mas gusto mo ang babae? I mean the way you treat Chandy as your friend." Sabat ni Mama.

"Ma! Ang dumi naman ng isip mo sa akin. Do I act like a lesbian? Bestfriend ko si Chandy. Pati ba naman yung pagkakaibigan namin binigyan niyo pa ng malisya."

"Naninigurado lang ako, anak. Aba! May mga nakita akong kabataan na babae kung manamit, iyon pala kapwa babae din ang gusto."

Mauubusan na ako ng hininga sa nanay ko. 'Jusko naman! Bakit ba ganito na siya mag-isip ngayon.' Gabi-gabi na lang binubuyo ako nito na mag pakasal na. Gabi-gabi binubuksan nito sa harap ko ang kanyang social media para lang ipakilala ang mga anak ng kanyang mga amiga.

"Ma, wag mo masyado i-pressure si Sahara. Bata pa naman siya at hayaan niyo na muna siya mag-enjoy sa kanyang pagiging dalaga. Sooner or later, mai-isipan din niyan na magpakasal. Hintayin niyo na lang."

I smiled and look at Kuya. I give him a thumbs up. Isa na siya sa nakakaintindi sa saloobin ng aking puso.