webnovel

My Brutal Wife (Tagalog)

Kilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo sya masisisi dahil sa angkin nitong kagwapuhan na kahit sino ay talagang mapapalingon. Hanggang sa wakasan ng Ama nya ang maliligayang araw ng ipakasal sya kay Alexandra. Amasonang babae, walang inaatrasan. Hindi sya katulad ng ibang babae na kapag nasaktan ay mananahimik na lang sa isang tabi. Kapag tama ay dapat ipaglaban, bawal magpa api. Nakahanap na ba ng katapat si Stan? Magkakasundo ba ang dalawa kung salungat ang ugali nila? Abangan!!

maria_basa · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
36 Chs

Double Celebration

Stan's POV

Panalo kami.

'Woah! Double Celebration tayo! Birthday ni Martin at nanalo tayo!' 

Sigaw ng mga team mate ko. Buti pa sila naalala.

"San tayo pare?"  Tanong sakin ni James sabay akbay.

"Sa bar ni Alfred. Pinareserve ko yun para sa atin."

"Yun oh.. Guys! 7pm @ Chill Night Bar!"

'Yeah!'

'Kasama daw ang girl's volleyball team.'

"Una na ako sa inyo. Kita-kita na lang sa bar."

Paalam ko sa kanila.

"Pare!"

Lumingon ako. Si James.

"Bakit?"

"Anong problema mo?"

"Wala."

"Tut mo pare! Kanina ka pa wala sa mood. Tignan mo yung labi mo, putok!"

Napahawak ako sa labi ko. Masakit.

Nawala kasi ako sa concentration kanina, kaya nung ipapasa sa akin ni James yung bola hindi ko nasalo. Ayun sapol sa mukha.

Hindi kasi mawala sa isip ko yung ginawa ni Alex.

Mas pinili pa nya si Felix. Ang sakit nun. Sapol ang ego  ko.

"Na distract lang ako sa ingay."

"Lokohin mo lelang mo! Mamaya na lang natin pag-usapan yan sa bar. Bye!"

"Sige."

KRINGG. KRINGG.

Tumatawag si Dad.

[Happy Birthday Son.]

"Thanks Dad."

[Dito na kayo mag dinner ni Alex.]

"Dad may celebration kami ng team ko, champion kami eh."

[Really? Congrats.]

"Thanks."

"What's with your voice? May problema ka?"

"Wala po."

[Ah sige. Bukas na lang kayo mag dinner dito. Yayayain ko na rin sila Kumpadre.]

"Sige dad. Bye."

TOOT. TOOT. TOOT.

Sumakay na ako sa kotse.

Ano na kayang ginagawa nila Alex?

Siguro sila na ulit.

Siguro ang saya-saya na nila.

Siguro nag dedate na sila.

Siguro mag kayakap sila.

Siguro nag kikiss na sila.

Siguro--

I shook my head.

Iniisip ko pa lang ang pwede nilang gawin ngayon. Para na akong pinapatay.

Gustong-gusto ko syang habulin kanina para pigilan. Kaso hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko yung narinig kong sinabi nya. 

I'm sorry. 

Bakit Alex? Bakit ganito na lang ang epekto mo sa akin?

Ok naman ako nung wala ka. Flirt kung kani-kanino. 

Pero nung dumating ka. Nagulo ang buhay ko, not in a bad way. Nagulo mo ako, nagulo mo ang puso ko.

Mababaliw na ata ako.

Pag dating ko sa bahay, wala akong nadatnan na Alex.

Nagbihis na lang ako at umalis agad.

Alex's POV

Umuwi ako kanina sa bahay para magbihis. Kaso wala dun si Stan.

Nandito kami ni felix sa isang restaurant. Friendly date daw. Sige pagbigyan.

KRINGG. KRINGG.

"Wait lang."  Paalam ko kay Felix.

"Hello tito?"

[Alex dear. Iimbitahan sana kita sa dinner dito bukas, kasama ang parents mo. Ngayon sana kaso may double celebration sina Stan eh.]

"Double celebration po?"

[Yeah. Nag champion ang team nila, kaya isasabay nila yun sa birthday ni Stan.]

Sh*t! Birthday ni Stan! Nakalimutan ko!

"A-Ano.. Sige po tito, pupunta kami bukas. Bye po."

"Bye."

TOOT. TOOT. TOOT.

MyGulay! Doble rin ang kasalanan ko kay Stan ngayon!

"What happen Alexandra?"

"Birthday ni Stan ngayon."

"You forget?"

Tumango ako.

"What are you waiting for?"

"T-Teka. Hindi ko alam kung nasaan sila."

Tinawagan ko si Stan. Naka off ang phone. Si james!

"Hell James?"

Ang ingay ng background. 

[Hey Alex!]

"Nasaan kayo ngayon?"

[Sa bar ng kuya mo.]

[Jame~! Naghuhubad na sila!]

"Si Stanley ba yun?"

[A-Ano.. Alex hindi kita marinig. Nawawalan ka ng signal!]

"Loko ka James ah! Gusto mong mawala ng tuluyan?"

[Ah.. S-Si Stan nga yun.]

"Papunta na ako dyan."

[What?!!]

"Anong what?"

[H-Hindi. S-Sige. Hoy Stanle papu--]

TOOT. TOOT. TOOT.

"Nasaan daw sila?"

"Sa bar ni kuya."

"Let's go."