webnovel

My Brother's Bestfriend

Are you ready to be thrilled? Are you ready to love? Are you ready to sacrifice? Are you ready to get hurt? If NO? Don't read this story it's your choice Then, If YES? Be ready to feel it and read NOW.

Hilarious10 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
30 Chs

Chapter 28❤️?

❤️❤️❤️❤️

Kinabukasan ay maaga ako nagising para ipag gawa ng sandwich si harry, peace offering ika nga..  Kahit na hindi ko alam kung ano talaga ang kinagalit nito sakin. Siguro dahil sa pangungulit ko sa kanya na maglapit sila ni she.

"oh anak? Para kanino yan?" tanong sakin ni nanay habang nilalapag ang bagong lutong pritong itlog sa lamesa.

"kay harry po.. Pasasalamat kasi lagi nalang niya akong hinahatid at sundo dito sa bahay natin po" kaila ko kay nanay para hindi na nya ako tanungin ng tanungin.

"aba! Ay baka maging totoo na pag papanggap nyo ah? Kung sakali man ay balansehin ninyo ang pagaaral ninyo sa relasyon na meron kayo ngayon" oh.. Yan na naman si nanay nagsisimula na naman.

"nay! Walang kami! Pasasalamat ko nga lang po!"pag gigiit ko dito na nagkibit balikat lamang ito.

Maya maya pa ay may tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay namin. "ang aga naman nito ata?" habang patuloy parin ako sa pag gawa ng sandwich.

Maya maya pa ay may naramdaman akong naglalakad sa papunta sa likod na pwesto ko "oh.. Ang aga mo naman ata?" sabi ko ng hindi sya nililingon. Hindi ito umimik kaya pinabayaan ko nalang kasi baka may saltik na naman ito agang aga. Nabigla nalang ako ng may humapit sa bewang ko at humalik sa pisnge ko.

Yung amoy na'to… Hindi ako nagkamali ng pagbaling ko ay mukha nito ang makita ko."para ba sakin yan?" nanunoot ang boses nito sa tenga ko habang ang hininga nito malapit sa tenga ko ang nagpapatayo ng balahibo ko Habang naka ngisi ito. Ang lalo kong kinagulat  ay ng marinig ko na may parating kaya agad akong umikot sa kanya kaya magkaharap na ang mukha namin at dali-dali ko syang itinulak.

Napatingin ako dito na sa sobrang lakas ng tulak ko ay napaupo ito sa upuan habang shock na shock ang anyo nito sa pag tulak ko sa kanya.

"oh! Hijo.. Kanina ka pa ba dyan?" napalingon naman ito ng magsalita si nanay at bahagyang napatingin sakin. Ngayon alam na nya kung bakit bigla ko nalang syang naitulak. Baka bigla nalang himatayin si nanay kung makikita kami sa ganong posisyon.

"ahm.. Kadarating ko lang po nay!" at lumapit naman ito kay nanay para magmano. "ngayon lang ata kita nakita ulit dito?" tanong pa ni nay dito. "sa totoo lang po may pinagkaabalahan lang po ako nung nakaraan kaya ngayon lang po ulit ako nakapunta, may namiss po kasi ako" biglang tumingin ito sakin kaya feeling ko namula ako kaya tumalikod ulit ako para abalahin ang sarili sa pag gawa ng sandwich.

"aba! Si sean ba tinutukoy mo? Ay tulog pa.. Humayo ka sa kwarto nya kung gusto mo makausap" sabi pa ni inay dito. "naku! Hindi na po.. Siguro mamaya nalang po akong hapon pupunta dito para makapagusap po kami" sabi pa nito kay nanay. Tss.. Pag katapos nung nangyari samin bigla bigla nalang itong nawawala ng walang pasabi ni paramdam wala! Bwisit!

"ay sya sige hijo.. Ikaw ba winnie ay tapos na dyan? Ay wag mo na kagandahan pag prepare nyan at si kakainin naman ni harry iyan"baling naman sakin ni nanay. Nakakainis talaga ito! Nanunudyo pa sakin sa harap ni jesthle!

"nay!" sita ko dito at humarap sa bahagi nila para talaga tingnan ang reaksyon ni jesthle na masama na ang tingin sakin ngayon at naka smirk. Tsk! Yan na nga sinasabi eh..

"oo na! Sya dyan muna kayo at akoy magaasikaso ng nilabhan natin!" sabi ni nanay na nanunudyo ang tingin sakin bago ito umalis.

Nung kami nalang ang matira ay akala mo'y may dumaan na anghel sa sobrang tahimik. Umupo ito bahagya sa upuan na malapit sa likuran ko at hindi ko malaman kung bakit bigla nalang akong kinabahan. Ramdam ko ang paninitig nito sa likuran ko sakin kaya hindi ako mapakali sa ginagawa ko. Narinig ko naman na nagbuntong hininga ito bigla.

"mukhang sa ilang araw ko na nawala ay mas naging okay pa kayo ah?!tss.." ewan ko ba kung bakit parang nahimigan ko sa bawat pag sasalita nito na may pag kabitter ito. Hindi nalang ako umimik at baka kung saan na naman mapunta ang usapan.

Itunoon ko nalang ang pansin sa pag gawa ng sandwich at hindi ito inintindi. Nang ilalagay ko na ang huling sandwich sa lalagyan ay namalayan ko nalang na hinablot na nito ang last na ginawa ko at kinain. Bawat nguya ay masama ang tingin na pinupukol nito sakin. Kailan pa sya nandito sa likuran ko? Halos hindi ko naramdaman kaya yung biglang paghalbot nya ay di ko din namalayan.

"tss.. Hindi masarap!" at kinuha nito ang lalagyan ng sandwich at pinagkakagatan ito isa-isa kaya hindi ko na ito maibibigay kay harry sa ginawa nito.

"ano ba! Ba't mo pinagkakagatan?!"naiinis ako sa ginawa nya dahil hindi ko na maibibigay ito kay harry dahil puro kagat na! "hindi masarap! Bakit mo pa ibibigay?" habang umiinom ito ng tubig at nakakunot ang noo nito na nakatingin pagkatapos uminom.

"kung magbibigay ka ay yung masarap na! Atsaka bakit mo bibigyan yung isang yun ah?!"  masama itong nakatitig sakin habang nakikipaglaban ako ng titigan dine.

"tss..ewan ko sayo! Puro ka kalokohan!" aalis na ako para maligo dahil wala na din naman ako magagawa dahil sinira nito ang plano ko. "san ka pupunta?!" tanong nito sakin.

"may pasok ako kaya maliligo na ako! Susunduin pa ako ni harry! Kakahiya naman kung pagaantayin ko yung tao tapos yung ibibigay ko sana ay pinagkakagatan mo! " sarcastic na sagot ko dito. Hindi ko na hinayaan na makapagsalita ito kaya nagmadali na ako umalis para makapaligo. Bwisit talaga ito! Syang lang pag gising ko ng maaga para ipag gawa ng sandwich si harry tapos sisirain lang nung isang yun! Naku!

Naliligo na ako ng maisip ko kung pano ako nito halikan kanina.. Shit! Kinikilig ako! Kaya kahit naliligo ay nanayo parin ang baliho ko hindi dahil sa lamig ng tubig.. Kundi sa halik nito kanina pag naiisip ko. Hays.. Ano kayang inasikaso nito nung nakaraan? Nung nakaraan kasi  nawala din ito ng matagal pero ang kasama nito ay si juliet? Baka naman..? Tsk! Walang hiya talaga ang lalakeng yun! Pag katapos nya kay juliet ay sakin naman!

Pagkatapos ko maligo ay naiinis parin ako sa tuwing maiisip ko na ginagawa lang akong laruan nito na pag na bored sakin ay sa iba naman! Tsk! Nanalamin muna ako para makapagayos "umalis na kaya ito?" napatanong nalang ako bigla sa sarili ko habang kinukuha ang bag sa kama.

Makakain na nga muna bago makaalis at baka gutumin na naman ako sa school mamaya. Papasok na ako sa kusina ng mabungaran ko ito na nakaupo habang parang may hinihintay. Akala ko umalis na ito? Napatingin naman ito sakin mula ulo hanggang baba, tapos mula baba hanggang ulo.. Paulit ulit na ginawa nito tapos napakunot naman ito. Ano na naman kaya ang problema nito?!.

Umupo ako sa harap nya at kumain ng hinanda ni nanay. "hindi mo man lang ba ako aalukin?" seryosong sabi nito sakin. Tsk! Eh di kumain ka! "kumain ka na din" wlang emosyon na sabi ko dito.

"tss.." at kumain na din ito kaya ang eksena ay breakfast with him Kasi kaming dalawa lang ngayon ang kumakain. "bakit napaikli ata ang palda mo? Sinadya mo ba na ganyan kaikli ang tabas?!" masungit na naman na sabi nito habang nanguya. Eh ano ngayon?! Gustong gusto ko itong sungitan pero hanggat maari eh pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil baka masira na naman appetite ko.

"alam mo.. Eto talaga ang tabas nito! Kung may reklamo ka.. Pumunta ka sa school at magcomplain!" walang ganang sabi ko dito ng hindi tinitingnan. "tss.. Hindi mo ba alam na mababastos ka ng ganyan kaikli ang palda mo?! " iritable na reaksyon nito at nagpatuloy sa pagkain.

"eh ano nga magagawa ko?! Kung may reklamo ka ay magpunta ka sa designer ng school!" halos magtalsikan ang kanin sa bunganga ko. Napatawa naman ito kasi mukha siguro akong tanga kanina sa harap nito. "haha...kumain ka na nga lang! Ang sama mo tingnan kapag nagagalit at puno ng pagkain ang bunganga mo hahaha.." nandito na naman ba ito para mang asar sakin?!

"kung mangaasar ka lang ay umalis kana!" pinanlakihan ko ito ng mata at inirapan. "tsk! Oo na! Pero wag mo na ulit tangkain gumawa ng sandwich!"pagbabanta nito sakin. Huh?! Sino ba ito sa palagay nya? Hindi porke patay na patay ako dine ay madidiktahan na ako nito! Mukha mo!

"Para kasi sa mga tao yun na nageeffort sakin kaya sinusuklian ko lang.. Masama ba?!" nakangiting pilit ko dito habang nangangalaiti sa inis. "tss.. Wag masyado mabait! Baka pagsamantalahan yang kabaitan mo!" nangiinis na sabi nito sakin. "pupunta ako sa president ng school mamaya at ipababago ko yang length ng palda ng department nyo!" simpleng sabi nito sakin. Seriously? Ano yun joke?! Yabang! Kala mo naman kaya nyang gawin! Bwisit! Hindi lahat magagawa mo! Gustong gusto ko na isigaw sa mukha nya.

"I'm not joking!" at nagkibit balikat ito sakin. "WHATEVER!" yabang! Hindi ko nalang pinatulan yung - I'm not joking nya!-

Natapos kami kumain ng hindi na nagiimikan pa. Nagpaalam ako kay nanay at lumabas ng bahay habang hinhintay ang pagdating ni harry.

Pasakay na ng saaakyan si jesthle ng hindi ito tinitingnan at kunyari busy ako sa pagtanaw ng pagdating ni harry sa may kantuhan namin. "sino pa ang hinihintay mo?!" napatingin naman ako dito na nakatayo sa nakabukas na pinto ng passenger seat habang nakataas ang kilay nito. Pinantaasan ko din ito ng kilay "sorry kay harry ako sasabay" at inismiran ko na ito.

May bigla naman na humila sa braso ko at kinaladkad ako nito papasok ng kotse. "ano ba?!" pagpupumiglas ko dito dahil maya maya ay darating na yung isa. "papasok ka o papasok ka?!" pinagtaasan na ako ng boses nito kaya napapasok naman ako ng wala pang ilang segundo sa kotse nito kesa mag eskandalo pa ito sa harap ng bahay namin.

Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at minessage si harry na wag na ako sunduin nito sa bahay. Pagkatapos ko isend ang message ay binaling ko ang paningin kay jesthle na masama pa ang tingin sakin. "hindi pa ba tayo aalis?!" pagsusungit ko dito! Binaling ko nalang ang mga paningin ko sa iba at baka magsalpukan na naman ang inis namin sa isa't isa.

Bago nito pinaandar ang koste ay sinungitan na naman ako nito "huwag mo hahawakan ang cellphone pag ako ang kasama mo!" lumapit ito sakin kaya napahigit naman ako ng hininga. Naamoy ko na naman ang pabango nito takte! Natutuliro na naman ang utak ko! Nakaharap na ang mukha nito sakin samantalang ang katawan nito ay nakalapat na din sa katawan ko. Magkatitigan kami ngayon na hindi ko na nababasa ang anyo nito ang galit at ngayon ay malumanay na nakatingin sakin. Ang lapit lapit ng mukha namin sa isa't isa kaya napapikit nalang ako ng bahagya at inaantay na lumapit ang labi nito sakin.

"magseatbelt ka.." napabukas naman bigla ang mga mata ko at bahagya akong namula sa hiya. Shit! Akala ko hahalikan nya ako...dahil lang pala sa seatbelt! Nagmukha pa akong tanga dito.. Nakikita ko naman na pangiti ngiti ito ng nakakaloko na lalo kong kinahiya.

Nakakahiya! Agang aga pinahiya ko ang sarili ko jusko!

Read. Comment. Vote😉

Thank you po! 😘😘😘