"Kamusta na si Kate?"
Tanong ni Jaime kay Nicole pagdating na pagdating nito sa ospital.
Nagkita sila ni Nicole sa baba ng bumili ito ng pagkain para sa kanya at sa dalawang bata.
"Kuya Jaime, mabuti at nandito ka na!"
"Okey na si Kate, maayos na sya! Inilipat na sya sa room! Iniwan ko dun si Mel at Eunice!"
Pagdating nila sa silid ni Kate, agad na nilapitan ni Jaime ang anak.
Natutulog pa rin ito epekto marahil ng gamot.
"Anak... anak, andito na si Daddy!"
Gusto nyang akapin ang anak pero hindi nito alam kung ano ang masakit sa kanya, kaya hinawakan na lang nya ang pisngi nito.
Pinipigilan ni Jaime na huwag maiyak pero tumulo pa rin ang luha nya.
Hindi nya kayang makita si Kate ng ganito. Parang sasabog ang dibdib nya.
"Nasaan ang hayup na gumawa nito sa kanya?"
"Kuya, nasa presinto na! Andun din si JR!"
Hinalikan nito ang noo ng anak tapos ay agad itong tumayo at lumabas ng silid.
Napabuntung hininga si Mel ng mawala na sa paningin nya si Jaime.
'Juskolord salamat at buhay pa ako!'
"Huy Beshy, anong nangyayari sa'yo dyan?"
Tanong ni Eunice kay Mel.
Nagtataka ito bakit parang takot na takot at parang guilty! Butil butil pa ang pawis pero ang lakas naman ng aircon.
"Wala Sissy, okey lang ako! Punta lang akong banyo!"
Pagpasok ng banyo.
'Jusmiyo! Hindi ko kaya ang aura ng Daddy ni Kate! Para akong sinasakal kanina! Katakot! Muntik na akong maihi sa salawal!'
Naalala nya bigla ang sinabi ni Kate kanina ng nagdidiliryo pa ito.
'Jusko, sana hindi malaman ng Daddy ni Kate!'
"Eunice, anong nangyari sa Beshy mo?"
Nagtatakang tanong ni Nicole.
"Ewan ko po Mommy natakot ata kay Tito Jaime!"
"Eh, ikaw anak, kamusta ka naman? Napapansin ko nagiging wild ka na lately!"
"Po?!"
Nagulat si Eunice sa tanong ng ina.
'Ano sinasabi nitong si Mommy? Kelan ako naging wild?!'
Maya maya nadinig nila ang isang boses na hindi nila alam kung tumatawa o umiiyak
Si Kate pala!
Mukhang nagising na at nadinig marahil ang tanong ni Nicole.
Gusto na naman sigurong tumawa pero nahihirapan dahil sa sakit na nararamdaman.
"Aba at gising ka na pala! Ano? gusto mong tumawa pero hindi mo magawa dahil masakit?"
Tumango tango lang ito.
"Pamangkin, sino ba naman kasing may sabi sa'yo na magpa sagasa ka?!"
"Tita, water please!"
Si Eunice ang kumuha ng tubig.
"Eto Ate Kate!"
At pagkatapos uminom,
"Nakakatawa kasi ang reaction ni Eunie! Haha!"
Nang madinig ni Mel ang boses ni Kate, bigla itong nabuhayan at tila nabura lahat ng takot at pagaalala.
Lumabas agad sya ng banyo.
"Kate!"
"Melabs! Pa hug naman!"
Patakbong nilapitan nito si Kate at maingat na inakap.
"Teka Kate, bakit Melabs ang tawag mo kay Mel.
"Engage na po kami Tita Ninang!"
Nanlaki ang mga mata ni Mel sa sinabi ni Kate. Hindi nakapagsalita, tila nalunok ang dila.
"Yehey! Congrats!"
Pumapalakpak na tuwa si Eunice.
Sakto namang bumukas ang pinto at nadinig ni Nadine ang sinabi ni Kate.
Parang gusto nya ulit na himatayin.
"Anong engage? Sinong engage kanino?"
Si Mel na hindi pa nahihimasmasan ay tila nakaramdam ng panghihina ng tuhod kaya napaupo na lang sa tabi ni Kate.
"Anak!"
Patakbong nilapitan nito ang anak.
"Jusko anong nangyari sa'yo? Sinong may gawa nito sa'yo? At nasaan na naman ang tatay mo?"
"Mommy, stop crying please! I'm okey! Hindi ko po alam kung nasaan si Daddy!"
Nilapitan naman ni Edmund si Nicole saka pabulong na nagusap.
"Asan si Jaime? Pinauna ko sya dito ah, ba't wala pa?"
"Nagpunta na sya dito kanina pero wala pang malay si Kate! Tapos ayun walang sinabi tumayo na lang at umalis! Nakakatakot nga ang itsura eh!"
Naintindihan ni Edmund si Jaime. Malamang nagpupuyos na ito sa galit.
"Tyak na sa presinto nagpunta yun!"
"E, kayo, bakit ngayon lang kayo?"
Paninita ni Nicole sa asawa.
"Hinimatay si Nadine matapos madinig ang news about Kate kay pinacheck muna namin!"
"Huh?! Bakit?!"
Saka nilapit ang bibig nito sa may tenga at may binulong.
"Ohhh....."
*****
Sa presinto.
Agad na hinarap ni Jaime si Sir Mon.
"Bakit mo ginawa yun!"
"Sinabi ko na, hindi ako magsasalita hangga't wala ang lawyer ko!"
"Matigas ka ha!"
Sinikmuraan nito si Sir Mon ng dalawang beses at sumalampak itong namimilipit sa sahig.
Tatadyakan pa sana ni Jaime ito pero pinigilan sya ni JR.
"Sir! Sir Jaime! Tama na po!"
"Hindi pa ako tapos!"
"Pero Sir, tama na po! Awat na!"
Walang nagawa si Jaime.
"Ikaw, tandaan mo 'to! Siguraduhin mong magaling ang abogadong kukunin mo dahil kakalkalin ko lahat ng baho mo!