webnovel

My Baby Maker (MayWard)

I only wanted a baby... But he wanted me and the baby.

walakabampira · Selebritas
Peringkat tidak cukup
41 Chs

Baby 17

Hindi ko na alam kung ilang beses pa kaming gumawa ng baby bago kami tuluyang natapos maligo.

Nakakapagod pala ang baby making.

Hindi ko magawang tawagin na love making ang ginagawa namin dahil alam ko naman na walang namamagitan na love sa aming dalawa.

And that realization made me sad.

Nakabihis na ako at nagpapatuyo ng buhok sa harap ng salamin.

Bumaba si Mr. Barton para kumuha ng breakfast namin.

Hindi nya na ako pinababa dahil alam nya daw na pagod ako.

"Just relax mommy! Si daddy na ang bahala sa breakfast mo!"

Kung bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing tinatawag nya akong mommy, para naman kinukurot ang puso ko sa tuwing tinatawag ko syang daddy.

Hindi mararanasan ng baby ko ang may tawagin na daddy.

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin.

Choice mo yan di ba?

My choice.

My decision.

Kaya kailangan kong panindigan.

Anak lang ang kailangan ko.

I repeat, anak lang ang kailangan ko.

"Here's your breakfast mommy!" masiglang sabi ni daddy.

NO!!!

Hindi sya si daddy!

Uulitin ko, hindi sya si daddy!

Si Mr. Barton lang sya!

Tahimik lang ako habang kumakain kami ng almusal.

Tumikhim muna ako bago magsalita.

"Gusto ko ng umuwi sa amin."

Kunot-noong tumingin sya sa akin.

Ang alam nila Mamu ay nasa 3 day seminar ako kasama ng boss ko.

Wala silang kamalay-malay sa pinaggagagawa ko.

"Why?"

Nagulat ako sa sinabi nya.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko before asking her why.

"Sapat na siguro yung mga nangyari sa atin para makabuo ng baby." kibit-balikat nyang sabi.

"Siguro, hindi ka sigurado, what if wala pa rin?"

"Then maybe it's not meant to be."

Hindi ako makakapayag!

Kailangan mabuntis ko sya para wala na syang kawala.

I put on my best poker face.

"Ms. Enriquez, maybe you're forgetting something? You signed a contract. Hindi ko naman na siguro kailangan iexplain sa'yo ang mangyayari kung sakali."

"And if you're worried about your aunts, no need! I already talked to them bago ka pa pumunta dito..."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Kinausap mo sila mamu?!? Anong sinabi mo sa kanila?!? Bakit mo sila kinausap?!? Hindi mo dapat sila kinausap!"

Shet

Hindi nila pwedeng malaman yung balak kong magpabuntis sa boss ko!

Kahit naman sinumpa na ng mga yun ang mga lalaki ay sigurado akong hindi papayag ang mga yun na hindi ako panagutan ng ama ng magiging anak ko.

Na imposible nga mangyari dahil pinilit ko lang naman sya!

"Calm down mommy...I only told them that our 'seminar' will last for 2 weeks instead of just 3 days." inosenteng ngiti nya sa akin.

"2 weeks?!? You mean 2 weeks din tayo gagawa ng baby?!?"

"Wala akong sinabing ganyan mommy but if you really want to then how can I say no."

"As stated in our contract, my body is at your disposal mommy. You can use it in anyway you like para makabuo tayo ng baby."

"Argh..." napasabunot ako ng buhok ko.

Hindi ako pwede magtagal dito ng 2 weeks.

Delikado!

Ngayon pa nga lang nagiging abnormal na yung puso ko.