webnovel

Musmos [BL]

Si Jeremy Alvarez ay may kaibigang matalik na tinuring siyang nakababatang kapatid na lalake na nagngangalang Dexter Chua ngunit kahit minsan ay hindi pa niya ito nakikita. Matagal niyang inasam ang pagkakataong sila'y magkita ngunit nanatiling hanggang sa pagiging textmates lang ang kanilang pagkakaibigan at kapatirang turingan. Sa kanyang pagnanasang makilalang personal ang kanyang misteryosong kaibigan ay kinailangan niya rin pagdaanan ang lahat ng hirap ng buhay at ang katotohanan sa kanyang sarili na hindi niya unang akalain. Tunghayan kung ano ang pagdaraanan ng isang adik sa paglalaro ng computer at kung paano niya tatanggapin ang mga bagay sa kanyang buhay.

wizlovezchiz · LGBT+
Peringkat tidak cukup
23 Chs

Musmos - Chapter 18

"Ikaw lang ang laman ng puso at isipan ko.. Alam mong ako ang nauna sa iyo.." ang wika ni Kevin habang umaagos ang mga luha.

"... Kevin.. Hindi ko kasi makita ang ating kinabukasan bilang tayo.. Mas nananaig sa akin ang ating mabuting pagiging magkaibigan..." ang pagsisinungaling ko naman sa kanya . Nang makawala ang kanang kamay ko ay pinisil ko ang ilong niya.

".. Maging masaya ka sana kay insan pero hindi ko maipapangako na magiging maganda ang samahan namin sa oras na saktan ka niya.." ang huling sinabi ni Kevin.

Bumangon na siya sa kama Upang kami ay umupo. Nakaharap siya sa akin at inabot ang aking mga kamay. "Maipapangako mo ba sa akin na balang araw ay sa akin ka na lalapit kung matapos man kayo ni Ron mo.... Dexter mo?"

"Oo... Sa'yo ako unang tatakbo kung masaktan man ako pero sana wag ka naman magsalita ng ganyan dahil pakiramdam ko tuloy ay mali ang desisyon ko."

Tumayo si Kevin at nagpaalam nang uuwi na sa kanila. Yun na ang huling pagkakataon na nagkausap kami ni Kevin. Malungkot ngunit hindi naman nating talaga makukuha ang lahat ng gusto natin.

Nang dumating na ang ina ni Dexter kinahapunan ay nagpaalam na akong uuwi sa aming bahay. Hindi ko isinama si Dexter at sinabi sa kanyang balang araw ipapakilala ko rin siya sa tamang oras at panahon. Kahit papano sa aking paglalayo ay may naayos akong mabahagi ng aking buhay.

Sa bahay, nagpaumanhin sila mama at papa sa kanilang ipinakita sa aking noong gabi na nagharap kami tungkol sa tunay kong pagkatao. Hindi daw matanggap ni papa na ang nagiisa niyang anak na lalake na inaasahan niyang magmarino na tulad niya ay naging isa pang binabae.

Pinagusapan namin ang aking kinabukasan. Tuloy ang lahat ng bagay sa aking buhay ngunit hindi ko maipapangakong mabibigyan ko sila ng apo at dadalhin ang namamatay na naming apelyido.

Lumipas ang nga araw na si mama ay napadalas ang pagpunta sa mga parokya umaasang ako ay magiging normal pa. Si papa naman ay ganun din ngunit hindi ito nagtagal sa bansa.

Napansin na siguro ni mama ang madalas kong pag-alis ng bahay buong sem-break. Alam nila kasing hindi ako lumalabas ng bahay ng walang dahilan noon maliban kay Camille. Nakutuban na siguro ni mama na may kinakatagpo na ako ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay si Dexter ang lagi kong kasama.

Minsan isang umaga nang takdang pakikipagkita ko kay Dexter sa bahay nila Kevin upang ako ay sunduin. Nagkasalubong kami ng aking ina habang kausap ko si Kevin at Dexter sa gutter sa harap ng bakuran nila Kevin.

"O kala ko ba ay may lakad ka ngayon?..." ang tanong ng aking ina ng ako'y kanyang makita at malapitan. Hindi ko siya sinagot. Kabadong ako ay baka pagalitan kapag nalaman niyang nakikipagtagpo ako ibanv lalaki na ang akala niya ay si Alex na unang nagsabi sa kanya ng pagtingin niya sa akin.

"Kevin.. Ang laki mo nang bata hindi ka na bumibisita sa bahay.. Buti naman at nagkikita na ulit kayo ni Jeremy.. Isama mo nga yan sa mga lakad mo nang matuto.." hindi alam ni mama na ang kausap niya ang unang nagmahal sa akin at kasama namin ang pinsan niyang nobyo ko.

"Ah.. Opo naman tita... Naging busy kasi ako sa school.. Sa Mapua po ako kumukuha ng.." hindi na natuloy si Kevin sa kanyang sasabihin at sumabat na lang ako sa usapan.

"Nagkakasabay kami ni Kevin pumasok at umuwi halos parehas kasi kami ng schedule. Dito ako tumatambay sa kanila nitong huli tulad ng gusto niyo ni papa... Ang maglalalabas muna ako ng bahay at makipagbarkada." ang sabi ko kay mama.

Lingid din sa kaalaman ni mama na katulad ko rin si Kevin kaya siguro gusto niya ang nakikitang kasama ko siya.

"Ay tita nga pala.. Si Ron po ang pinsan ko.." ang bigla niyang pakilala kay Dexter. Talagang Ron ang tawag ni Kevin sa kanya kasi lahat daw ng kakilala ni Dexter ay Tope, Chris, o Dexter ang tawag sa kanya. Pinili ni Kevin na Ron ang itawag sa kanya dahil yun ang pangalan niyang hindi nagagamit sa kanya.

"Magandang araw po tita... Christopher Dexter Ronald po.. Pero Dexter na lang po ang itawag niyo sa akin.." habang umaabot siya upang makipagkamayan kay mama. Nang makapagkamay ang dalawa navulat kami ni Ron sa kanyang sinabi kay mama.

".. Ako po ang unang boyfriend ng anak niyong si Jeremy.. Mahal ko po siya..."

Natulala si mama sa kanyang nalaman.

"Ah.. Ikinalulugod kong makilala ka Ro... Dexter... Ingatan mo ang anak ko ha?... Wag mo siyang sasaktan... At may isang kahilingan lang ako mula sa inyong dalawa... Please lang.. Wag kayo sa kalsada magpapakita ng... Alam mo na ibig kong sabihin.. Tanggap ko na ang anak ko.. Kaligayahan lang niya ang hangad ko.. Basta maging kagalang galang pa rin kayo ha?" ang sinabi bigla ni mama sa kanya na pareho naming ikinagulat ni Kevin.

Tumakbong niyakap ko si mama sa aking narinig at nagpasalamat sa kanya.

"Thank you mama!! Ang saya saya ko!! I love you mama!!" ang sigaw ko sa kaligayahan.

Napansin kong biglang nagmistulang nagluluksa naman ang mukha ni Kevin sa kabila ng lahat.

"Mare! Andiyan ka pala! Pumasok ka muna dito sa loob ng bahay." ang wika ng ina ni Kevin na nasa itaas lang pala ng roof deck. Narinig kaya niya ang aming usapan kanina?

"Ay.. Mare hindi na napadaan lang ako pauwi na sana ako nakita ko lang mga jiho natin nandito pala nakaistambay." ang sagot ni mama sa ina ni Kevin at nagpaalam na sa aming lahat na uuwi na siya ng aming tahanan.

"Narinig mo iyon Jeremy?... Legal na tayo!!" ang masayang wika ni Dexter habang nakakapit ang magkabilang kamay sa aking mga balikat.

"Oo kuya.. Hindi ko inaasahang sasabihin ni mama iyon..." ang sagot ko kay Dexter sabay halik sa kanyang pisngi.

Nang mapansin namin ni Dexter si Kevinna nakatingin sa malayopaiwas sa amin.

"Insan... Huy.. Wag ka na malungkot diyan hindi ko naman ipinagdadamot si Jemykoy sa iyo eh.." ang sabi ni Dexter kay Kevin.

Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.

"Vinvinpot.. Wag ka na sad... Love din naman kita diba?.. Ako ang pinakabestfriend mo diba?" ang panlalambing ko sa kanya. Hindi ko malaman ngunit may kakaibang kirot sa aking dibdib nang makita siyang malungkot. Mahal ko rin si Kevin pero isa lang dapat sa kanilang dalawa.

"Tigilan niyo nga ako." sabay kalas niya sa aking mga yakap. "may tinitignan ako sa bumababa ng jeep eh."

Ngunit wala naman kaming nakitang jeep sa kanilang kanto na nagbababa ng jeep.

"Kevin! Ron! Jeremy!... Dumito nga kayo sa loob at wag diyan sa harap ng bahay. Gusto niyk ba kayong panooring ng buong baranggay?" ang pabirong imbita sa amin ng ina ni Kevin.

"opo... Papasok na po.." ang sagot naman ni Kevin habang nagdadabog na naglakad papasok ng bahay. Sumunod lang kami ni Dexter sa kanya.

"oh... Wala ba kayong lakad?... Diba enrollment niyo na ngayon sa Dasma?... " ang naiiritang paalala ni Kevin.

"oo nga pala bunso.. Dala mo ba requirements mo?" ang tanong ni Dexter.

"opo kuya Dex... Nasa bag ko lahat.." ang sagot kong malambing sa kanyang parang bata.

"hmph.... Magjowa na nga schoolmate pa... Parang highschool lang... Ang korny niyo ha.." ang natatawangsabi sa amin ni Kevin. Ngunit bakas sa kanyang mga mata na nasasaktan siya sa kanyang sinabi.

"buti naman nagsmile na kuya Vinvinpot ko..." sabay yakap ko sa kanya. "i love you kuya Vinvinpot!"

"naku! Magtigil ka nga... I love you ka diyan... Sa kanya ka lang maga-i love you ha?" ang sagot ni Kevin sabay turo kay Dexter.

"Tampururot si Vinvinpot.. " ang parang bata ring sabi ni Dexter. "Tara na Jemykoy ko punta na tayo sa Dasma mainit na mahihirapan tayo mag-enroll."

"Opo kuya Dex.. Tara na po.."

Sumunod ako kay Dexter papuntang kotse at tinungo na namin ang Dasmarinas, Cavite tulad ng aming pakay.

Papasok pa lang ng De La Salle University Dasmarinas sa gate three ay hindi namin ni Dexter maiwasang mamangha sa lawak ng campus. Puno ito ng puno na nagpapalilim sa karamihan ng lugar ng campus. May mga lumang buildings at may mga bago rin. Presko ang lugar dahil na rin siguro sa mataas na lugar ito.

"Manong saan po dito ang registration office?" ang tanong ni Dexter sa guard na nagbukas ng gate.

"Tumbukin niyo Po ang gitna ng campus lalagpas ka lang po ng canteen registrar's office na po iyon. Magdrive na lang po kayo tungo doon kung ayaw niyo po maglakad medyo may kalayuan po kasi papunta doon. Paiwan na lang po ng driver's license." ang sabi ng guard kay Dexter. Nanonood lang akong katabi ni Dexter habang paminsan minsang kinikilatis ang paligid habang nakayakap sa unan ni Dexter na nasa kotse niya lagi.

"Salamat po" ang sagot na lang ni Dexter habang inaabot ang kanyang lisesiya sa manong.

"Ang laki pala dito no? Sa taft parang eskinita na lang ng skuwater ang pathway doon pero dito kalsada talaga kung kalsada!" ang kuwento ni Dexter sa akin.

"Oo nga... Wala yata sa Manila ang ganitong school.. Ang swerte naman natin kuya!!" ang sagot ko sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi habang nakaharap pa rin siya sa kalsada sa pagmamaneho ng dahan dahan.

Inabot ni Dexter ang kaliwa kong kamay at habang hawak ito ay ipinatong sa kanyang kanang hita at pinipisil-pisil.

Nang paglusong ng kotse ni Dexter sa hump ay inilapit niya ang aking kamay at ipinatong ito sa galit na pala niyang alaga at biglang tumawa ng malakas.

"kuya naman eh!! Bakit galit yan?!" ang painosente ko naman sinabi kay Dexter.

"Sabik na si Junior eh.. Tayo na pero hindi pa kayo naglalaro ni Junior.." sabay ngiti ng pilyo habang nanatiling nakatitig siya sa kalsada. Nabigla ako sa sinabi ni Dexter. Wala pa rin nga nagaganap sa amin.

".. Kuya.. Sa ibang lugar na lang mag-enroll muna tayo..." ang sagot ko sa kanya upang umiwas. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya. Nag-iinit ako pero pano namin gagawin iyon?

Nakarating kami sa registrar's office at pinahinahon muna niya si junior bago kami bumaba at pumila.

Ang daming nageenroll.. May koreano.. Chinese.. Pinoy.. At mga may halo ang dugo.. Ngqyon lang ako nakakita ng ganito parang nasa airport na mga young adults.

May dalawang oras din kaming nagpipila at nagpabalik-balik sa cashier sa kabilang banda ng building at ng registrar's office at sa registration hanggang kami ay nakapagenroll na rin sa wakas.

Masakit ang mga paa naming dalawa at nagpasyang umuwi na muna sa amin.

Halos gabi na nang makarating sa aming tahanang munti.

"Ma.. Nakapag-enroll na po ako..." ang sigaw ko habang pumapasok ng pintuan ng aming bahay. Tumungo na si mama sa sala upang kami ay salubungin.

"Mabuti naman.. " timingin si mama kay Dexter "jiho gusto mo na ba maghapunan? Ipagluluto ko kayo ng paborito ni Jeremy na Laing." ang paanyaya ni mama kay Dexter.

"Sige po tita.. " ang sagot ni Dexter habang sabay kaming umupo sa sofa.

Binuksan ko muna ang TV at nanood kami ng balita habang hinihintay si mama na makapagluto ng hapunan.

"Mga jiho tara na sa hapag at kumain na kayo." ang sigaw na imbita ni mama mula sa kusina.

Pinatay na namin ang TV at tumyngo na sa mesa.

Inilalapag pa lang ni mama ang ulam sa mesa at naamoy na agad ni Dexter ang pinaghalong gata at dahon ng gabi na sinahugan ng hipon.

"Tita ang bago po ng luto mo... Amoy pa lang masarap na..." ang bola naman ni Dexter sa aking ina na napangiti sa kanyang sinabi.

"Nako.. Baka ipagpalit mo ko kay mama pag natikman mo iyan." ang sabi ko kay Dexter.

"Mabuti naman at mukhang mabait na tao ang pinili mo Jeremy... Akala ko noon ay si Alex na ang kinakatagpo po mo sa lagian mong paglalabas." ang sabinsa akin ni mama na nagpangiti naman sa pumapalakpak nang tenga ni Dexter.

"Ma.. Medyo magulo ang buong istorya pero namili pa ako sa kanilang magpinsan.. Ang gulo kasi nila... Silang dalawa pala ni Kevin yung dati kong katextmate na nagpapadala ng nakaLBC sa akin pero identity ni Dexter ang ginamit nila para daw hindi mabuko si Kevin." ang kuwento ko kay mama habang sinasandukan ng kanin si Dexter sa kanyang plato.

"Ha?!!.. Ang ibig mong sabihin.. Pareho kayong tatlo ni Kevin na ganyan?!" ang gulat na sabi ni mama. Natawa lang kaming tumango sa kanyang reaksyon.

"Hindi ko nahalata iyon ha.. Ang guwapo pa naman niya.. Tulad mo Dexter... Di ko talaga akalain.." ang dagdag ni mama.

"Mas gwapo kaya si Dexter dun.. Mas malambing pa.." ang pagbida ko naman kay Dexter kay mama na sumabay na rin sa pagkain ng hapunan.

"Nangyari sa inyo ni Kevin??" ang gulat nanamang sabi ni mama.

"Wala ma... Kahit kay Dexter wala pa... " ang sagot ko naman kay mama.

"Buti naman... Kinabahan ako sa sinabi mo.. Madalas ka pa naman magpunta at magpaumaga doon nung mga highschool pa kayo." ang sabi ni mama.

Umiling na lang ako at si Dexter naman ay tawa lang ng tawa habang kumakain.

Natapos kaming kumain at tumungo na sa sala.

Habang si mama ay nagliligpit ng mesa at kami ni Kevin at nagpapababa ng kinain habang nakaupo sa sofa hindi naman niya mapigilan ang kanyang panggigigil sa ligaya.

"Ang swerte ko talaga! Biruin mo ipinagluto pa ako ni tita." ang sabi ni Dexter sa aking habang nakangiti ng napakalambing sa akin at nakatitig na para bang gusto akong harutin.

"Swerte din naman ako at ikaw ang minahal ko... Hindi ako nagkamali sa aking desisyon.." ang malambing na sagot ko kay Dexter sabay halik sa kanyang mga labi.

"Mga jiho... May isang house rule lang ako ha... Bawal dito sa bahay yan... Ang pakilala mo sa kanya pagdating ng papa mo ay kaibigan lang ha?.. Alam mo na iyon baka di lang bible ibato non sa iyo..." ang sigaw na sabi ni mama mula sa kusina. Nakaramdam yata siya sa lampungan namin.

"Oho!! Nanonood lang ng TV!!" ang sagot ko at nagtawanan lang kami ni Dexter.

Nang matapos si mama sa paghuhugas ng aming pinagkainan ay nakisalo na rin siya sa panonood ng telebisyon. Nagkuwentuhan ang dalawa habang ako naman ay nakikinig lang sa kanila. Kinikilala ni mama si Dexter mabuti at namamangha naman siya sa kanyang mga naririnig.

Ang saya ng pakiramdam ko. Walang problema na iniisip at higit sa lahat hindi na ako parang musmos na sabik sa pagmamahal ng taong matagal ko nang hinahanap hanap. Na ngayon ay katabi ko na at nayayakap.

Nasa ganoon kaming lagay nang biglang nagring ang aming landline at ako na ang sumagot para hindi maistorbo ang dalawang nagkakasundo na sa kanilang paguusap.

"Hello?!.. " Ang malambing kong bati sa di kilalang tumatawag. Hindi ko na napigilan dahil sobrang saya ko ng mga oras na iyon.

Walang sumasagot sa kabilang linya at tanging pagsinghot lang ang aking naririnig. Nakailang bati ako ngunit tanging pagsinghot lang ang isinasagot sa akin ng taong nasa kabilang linya. Nairita na ako kaya ibinaba ko na lang ang telepono at nagpatuloy sa pakikinig sa dalawa habang nanonood ng TV.

"Sino daw yun?" ang tanong ni mama.

"Ah ewan ko dun.. Puro singhot lang ang sagot sa akin parang may sipon yata yung tumatawag." ang sabi ko kay mama na walang pakialam sa tumawag.

"Baka hindi makapagsalita kasi natitikman niya yung uhog niya pag magsasalita siya kaya singhot lang siya ng singhot?" ang patawa naman ni Dexter.

"Kuya ang korny mo.." sabay kiliti sa kanyang tagiliran.

Biglang napansin ni Dexter na malalim na ang gabi.

"Ay tita mauuna na po ako... Gabi na pala... Salamat po sa hapunan napakasarap mo ng lutuin nyo." ang magalang na sabi ni Dexter kay mama habang umaabot ng kamay upang magmano.

"hindi pa ako lola.. Beso na lang jiho sa pisngi.. " ang hirit ni mama kay Dexter upang ipahatid sa kanya na magaang ang loob nito sa kanya.

Nagbeso ang dalawa at nakaramdam ako ng pagungulila.

Nakita nilang dalawa ang nakasibangot kong mukha habang ako'y nanatiling nanonood ng TV.

"ah.. Tita.. Puwede ko po bang ipagpaalam sa inyo si Jeremy?... Na sumama sa amin muna?.." ang nahihiyang pagpapaalam niya kay mama. Hindi ko mapigilang ngumiti ng abot twnga sa aking narinig.

"ano pa ba magagawa ko kesa buong gabi kong makita mukha niyan na ganyan kaiisip sa iyo? Ngayon lang gumanyan yan na nagdadalaga.. Basta ba iuuwi mo ng buo yan okay lang sa akin.." ang pagpayag ni mama.

Napalundag akong tumayo sa sofa sa tindi ng aking galak at tinungo si mama upag tadtadin ng halik at bigyan ng mahigpit na yakap.

"Thank you mama!! Ang saya ko talaga!! Thank you po!!!" ang lubos kong pasasalamat sa kanya naparang dalagang nakalabas sa puder ng striktong magulang.

"Thank you po tita.. Iingatan ko po si Jeremy.. Maaasahan niyo po yan.." ang malambing na pangako ni Dexter kay mama.

"Ikaw na bahala sa kanya.. Basta sa school pag-aaral ang aatupagin niyo ha? Panahon na rin upang lumabas labas ng bahay itong si Jeremy bukod sa school para nakakagala naman." ang dagdag ni mama.

Hinila ko si Dexter paungo sa aking silid upang maglagay ng ilang damit sa aking bag. Nagmamadali kaming nagempake ng aking gamit at pagbalik namin sa sala kung saan nandoon pa rin si mama.

"Anak marami yata masyado ang dala mo.. Magtatatanan na ba kayo?" ang birong sabi ni mama na sinagot ko lang ng isang malambing na ngiti na may halong kilig.

"Mag-iingat kayo ha.." ang paalam ni mama hanggang sa lumabas na kami ni Dexter ng bahay.

"Magtatanan na talaga tayo..." ang sabi ni Dexter na pabiro at tumatawa na parang komtrabida sa pelikula.

Nagpaakbay lang ako s kanya at niyakap siya ng mahigpit habang kami ay palabas ng gate upang sumakay na sa kanyang kotse.

Ipinagbukas niya ako ng pinto at unang pinasakay sa tabi ng driver's seat tulad ng lagi niyang ginagawa bago siya sumakay.

Nang makasakay na si Dexter ay Hinalikan niya ako sa pisngi at ngumiti.

"I love you Jeremy!!!" ang gigil na pasigaw na sinabi ni Dexter sabay abot sa kaliwa kong kamay upang hawakan lang itong nakapatong ulit sa kanyang kanang hita.

"I love you to Ron..!" ang pabiro kong sagot sa kanya na kanyang biglang sinumangutan.

"Sabi sa'yo Dexter eh... Ikaw ba si Kevin?... Diba asawa kita?" ang nagtatampong sabi sa akin ni Dexter.

"eto naman di na mabiro.. I love you Dexter for ever!" ang malambing kong sambit sa kanya.

"Para ka namang taga fans club niyan bunso eh." ang natatawang sagot siya sa akin at sabay halik sa aking kamay na kanina pa niya hawak.

"eh ano nga kuya Dex gusto mo?" ang tanong ko sa kanya.

"Eto..." sabay bitiw niya sa aking kamay at hawak sa aking mukha at hinalikan niya ako nang punong puno ng ibig sabihin.

"... Ah.. Yun pala... Kuya naman eh.." ang sabi ko sa kanya sabay ngiti at hinawakan ang kanyang kanang kamay at ipinatong ulit sa kayang kanang hita.

Pinaandar na niya ang makinang nakangiti at tinungo na namin ang kalsada paluwas.

Sa kalsadang malapit sa kantong sakayan kina Kevin ay napansin namin si Kevin na nakaupo sa gutter nang mailawan siya ng headlights ng kotse. Pumara si Dexter sa harapan niya at ibinaba ang bintana upang kausapin si Kevin.

"Kevin.. Ano ginagawa mo diyan bakit ka nag-iisa?" nagulat naman si Kevin nang kami ay nakitang magkasama sa kotse.

"Ah.. Wala nagpapahangin lang dito maganda kasi view dito sa gabi kaya lang hinaharangan mo na eh.." ang sagot naman ni Kevin.

"Sama ka sa amin?" ang anyaya ni Dexter may Kevin.

"Huwag na... May tinatapos pa akong laro ngayon at may sinusundan pa akong story sa internet.. Okay lang ako dito... Mag-enjoy lang kayo." ang sabi ni Kevin.

"Sige na po.. Sama ka sa amin.." ang aking yaya kay Kevin nang makaramdam ako ng lubos na kalungkutan nang makita si Kevin sa kanyang kalagayan. Gusto ko siyang pasayahin tulad ng mga oras na kami ay laging magkasama bilang magkaibigan.

"Next time na lang Jemimi.." sabay bitiw niya ng isang pilit na ngiti. Kita sa kanyang mga tingin ang lubos na kalungkutan. Napansin kong may pasa at sugat ang kanyang kamao ay may kaunting dugo pa na tutulo na yata. Hindi ko na lang ito pinansin baka mag-alala rin si Dexter.

"Sige tol... Una na kami.. Text mo ko kung gusto mo lumabas ha? Payag kami ni Jemykoy.. Puntahan ka namin dito." ang paalala ni Dexter.

"Kila Dexter ka ba muna ngayong sem-break?" ang biglang nag-aalalang tanong sa akin ni Kevin.

"Pumayag si tita na sumama muna sa akin si Jemykoy." ang sabi ni Dexter sa kanya at nagbago na ng tuluyan ang mukha ni Kevin sa kanyang narinig.

"Sige... Una na kayo.. Uwi na ako... Baka updated na yung blogsite na titignan ko." ang sabi naman ni Kevin at tumayong umalis tungo sa kanilang bahay.

Bumyahe na kami ni Dexter papuntang Las Pinas.

Nanatiling nakahawak ang kamay ko sa kanyang kamay at nakapatong sa kanyang kanang hita. Bumibitiw lang siya pag nagpapalit ng gear ang kotse ngunit agad naman niyang inaabot ang aking kaliwang kamay at hinahakikan muna bago ibalik sa pagkakapatong nito sa kanyang hita.

Pinatugtog ni Kevin ang kanyang awiting "Isn't there Someone" ni Luther Vandross at panakanakang sumasabay sa kanta. Minsanan naman siyang lumilingon sa akin habang nagmamaneho at kumikindat kapag nahuhuli niyang tinititigan ko siya sa mukha.

Lubos na pagmamahalan ang nararamdaman ko sa pagitan namin ni Dexter ngayon at ligayang hindi na sana matapos magpakailan pa man. Mahal na mahal ko na si Dexter ngayon. Hindi na ako nagdududa sa akin sariling nararamdaman.

Halos isang oras lang ang binyahe namin nang maabot na namin ang harap ng SM South Mall. May mga bukas pa ring mga bar at karinderya o tindahan sa harap ng mall. Bumili muna kami ng beer tutal wala naman kaming iniintinding lalakarin kinabukasan. Gusto naming sulitin ang pagkakataong magkasama na kami ni Dexter. Ang matagal ko nang pinangarap.

Sa harap ng tindahang binibilhan namin ng beer ay hindi ko maiwasang tumitig sa mall na wala nang ilaw. Minamasdan ko ang entrance nito.

"Bakit tinititigan mo ang SM?.. May mumu ba bunso ko?.." ang biro ni Dexter sa akin habang hihintay ang tindero na mailagay sa isang kahot ang anim na mucho ng red horse.

"... Naaalala ko lang ang pagkakataon na sana ay nakilala na kita.. kung naparating ka lang sana noon ng maaga.. siguro kung naging maayos ang ating tagpo noon dun sa Yoshinoya..." napatigil ako sa aking sinasabi at hindi napigilang lumuha sa kaligayahan "siguro sabay tatong kumakain noon doon no?"

"Oh... bunso naman eh... wag ka na umiyak.. nandito naman na ako diba?.. kung gusto mo... kain tayo sa Yoshinoya ha?..Tahan na mahal ko..." sabay halik sa akin nang hindi pinapansin ang tinderong nakaharap na pala sa amin at inaabot ang isang karton ng beer.

Natulala lang ang tindero sa amin. Nakangiti namang binuhat ni Dexter ang karton mula sa mga bisig ng tindero.

"Secret lang natin yan manong ha?... misis ko nga pala ang kasama ko.." sabay tungo na kami sa compartment ng koste niya upang ilagay ang beer. Ako ang nagbukas upang matulungan si Dexter sa kanyang dala.

Tulad ng dati, pinauna niya akong makasakay ng kotse at nasa hita nanaman niya ang kang kamay ko.

Malapit-lapit lang ang Venice Street kaya mabilis kaming nakarating kila Dexter.

Ako na ang nagbuhat ng isang box ng beer at siya naman ay nakaalalay sa akin matapos na magpark ng kotse sa kanilang garahe.

Tinumbok na namin ang kanyang silid nang makapasok sa bahay. Pinauna na niya akong dalhin ang mga beer sa kanyang silid dahil kukuha daw siya ng ice chest para may yelo kami para sa aming inumin.

Ibinaba ko lang sa sahig ang mga beer nang maabot ko ang veranda ng kanyang silid at naupo sa sahig habang nakatingala sa madilim na langit.

Hindi nagtagal ay dumating na si Dexter na may dalang ice chest tulad nang kanyang sinabi at may kasama pang isang malaking baso na kasya ang laman ng isang litro.

Ibinaba niya iyon sa aking harapan at umupo sa aking tabi. Inakbayan niya ako at parang niyakap ng mahipig gamit ang brasong nakaakbay sa akin at sabay halik ng mariin sa aking pisngi.

"I love you Jeremy.. tumingin ka naman sa akin... please?" ang malambing na sinabi ni Dexter.

Humarap ako't seryosong tumitig sa kanyang mga mata. Hindi ko agad siya sinagot sa halip ay kinilatis ko ang bawat bahagi ng kanyang mukha, leeg at balikat.

"Ang init!!!" sabay hubad ni Dexter ng kanyang suot na t-shirt na itim. Initinaas rin niya ang aking t-shirt hanggang sa ito ay mahubad na rin sa aking katawan. Hinayaan ko lang siya at nanatiling pinagmamasdan ang bawat detailye ni Dexter.

Muling umakbay si Kevin at nadama sa aking balat ko mainit-init niyang kalamnan. Natutunaw na ako sa aming lagay. Wala akong pagpipigil sa aking sarili sa mga oras na iyon. Handa na akong magpaubaya kay Dexter.

Nagsimula na kami sa pag-inom hanggang sa pareho na kaming hilong hilo sa kalasingan.

Biglang nagring ang cellphone ko at walang number na nakalagay sa caller ID. Kakaiba dahil iyon ang unang pagkakataon na may tumawag sa akin na hindi lumabas ang number sa ID.

Sinagot ko ito ngunit tugtog na "Back To Me" ng Cueshe lang ang aking narinig. Walang nagsasalita sa kabilang linya. Hindi ko na ito pinansin pa at ibinaba na lang ang tawag.

"Sino yun?.." ang lasing na tanong sa akin ni Dexter.

"Hindi ko alam mahal ko... tugtog lang ang naririnig ko eh.. walang sumasagot..."ˆ

"Hayan mo na siya.." at tumayo si Dexter sa pagkakaupo at sumusuray na itinayo ako sa aking kinauupuan.

"Diyan ka lang mahal ko..." ang sabi ni Dexter.

Tunungo niya ang CD player at pinatugtog ang nakakindak na kanta ni Jennifer Lopez na "Waiting For Tonight".

Agaran siyang bumalik na pasuray-suray at ako ay niyakap na parang nasa prom lang. Kami ay nagsayaw sa saliw ng musika.

"Mahal... pang sayaw man yang tugtugin na yan... sana ang linya ng kanta ang intindihin mo... yan ang gustong sabihin ng puso ko sa iyo..." ang nakakakiliting bulong ni Dexter sa aking kaliwang tenga.

"Kuya.... nakikiliti ako... hindi ko na maiintindihan yung kanta... nahihilo na ko sobra..." ang sagot ko kay Dexter sabay abot naman siya ng aming baso na may lamang beer at yelo at uminom.. matapos niya at pinainom niya rin ako.

Nang ibaba na niya ang baso ay agaran niyang mariing idinikit ang kanyang katawan sa akin at naramdaman ko na lang ang galit niyang si junior malapit sa aking pusod na kumakalabit.

Hinalikan niya ako sa aking mga labi. Ang dulas ng aming mga labi gawa ng aming iniimon na beer.