webnovel

Musmos [BL]

Si Jeremy Alvarez ay may kaibigang matalik na tinuring siyang nakababatang kapatid na lalake na nagngangalang Dexter Chua ngunit kahit minsan ay hindi pa niya ito nakikita. Matagal niyang inasam ang pagkakataong sila'y magkita ngunit nanatiling hanggang sa pagiging textmates lang ang kanilang pagkakaibigan at kapatirang turingan. Sa kanyang pagnanasang makilalang personal ang kanyang misteryosong kaibigan ay kinailangan niya rin pagdaanan ang lahat ng hirap ng buhay at ang katotohanan sa kanyang sarili na hindi niya unang akalain. Tunghayan kung ano ang pagdaraanan ng isang adik sa paglalaro ng computer at kung paano niya tatanggapin ang mga bagay sa kanyang buhay.

wizlovezchiz · LGBT+
Peringkat tidak cukup
23 Chs

Musmos - Chapter 16

"Christopher Dexter Ronald Alvarez Chua... hindi mo ba ipapakilala sa akin ang iyong panauhin?..." ang malambing na boses na kumausap kay Ron. Hindi ako makapaniwala sa aking nadinig.

Sabay na gulat dahil may ibang tao pa lang nanonood sa amin at sa unang pagkakataon na narinig ko ang buong pangalan ni Ron.

Isang babae na mukhang nasa edad mahigit kumulang marqhil ay abot kuwarenta na ang edad. Nakapambahay lang. Simple lang siya manamit ngunit halata mo sa kanyang kutis na anak mayaman siya.

Hindi ko pa nga pala alam ang buong pangalan niya mula nang kami ay nagkakilala. Siya pala talaga si Dexter Chua ngunit dalawa sila ni Kevin ang nagpanggap sa likod ng pangalang iyon. naguguluhan na ako.

Napatitig ako kay Ron ng matagal. Hindi ko na narinig ang usapan nila ng kumausap sa kanya. Tumigil ang buong mundo ko nang bumulaga sa akin ang isang katotohanang matagal na palang nasa harapan ko. Si Dexter Chua.. Si Ron.. Ang tunay na iisang tao. Peri pano na si Kevin? Nangako ako sa kanya na kailangan kong bigyan silang dalawa ng oras upang ako ay makapili sa kanilang dalawa ng tama.

"Anak... Sino siya?" ang sabi ng babae na ina pala ni Ron.. O ni Dexter. Dexter ko.

"Mommy... Siya po ang matagal ko nang kinukuwento sa iyo na kaibigan ni Kevin... " sabay hatak sa aking kamay si Ron upang ilapit ako sa kanyang ina.

"Jiho... Alam mo bang mula ng makilala ka ni Dexter ay laging masayahin na siya. Hindi siya tulad ng dati na mahiyain. Di pala kibo o pala tawa. Walang sigla mula noon iwanan kami ng kanyang ama. Nagpapasalamat ako sa Diyos na nagkakilala kayo. Ilang buwan ang nakalipas inamin niya sa akin ang lahat sa iyo..." napatigil siya sa kanyang pananalita at ngumiti sa akin habang ako naman ay hiyang hiyang halos hindi makatingin sa kanya.

".. Alam ko buong pagkatao niyo. Walang nililihim sa akin ang anak ko. Mahal na mahal ka daw niya." ang naging pabirong sabi sa akin ng kanyang ina. Lumuwag naman ang aking dibdib dahil kahit papano ay may isang lugar kaming makakagalaw ni Ron kung maging kami man o kahit na habang kinikilala ko pa lang siya.

"Magandang gabi po... O-opo ako po si Jeremy... Ang tinutukoy ni Ron... P-pero... " hindi na ako natuloy sa aking pagsasalita. Si Ron na ang nagkuwento sa kanyang ina ng tungkol sa amin at bumakas naman ang panghihinayang sa kanilang mga mukha.

"... Ganoon ba Jeremy?... Nakakalito nga ang kalagayan mo ngayon... Sabi ko na kasi kay Dexter harapin ka na eh...." ang pawang sinisisi ang anak sa kalagayan namin ngayon.

"Teka... Maiba ako mga anak... Kumain na ba kayo?.." ang nag-aalalang tanong sa amin ng ina ni Ron na sabay naman naming sinagot ng pagtango.

"Kumain na po kami sa tapsihan.. Doon ko po siya nakita... Mommy... Pwede babtayo mag-usap sandali?" ang bigla namang yqya ni Ron na silang dalawa lang ng kanyang ina ang mag-usal ha habang napansin ko naman ang pagkabakas sa biluging mukha ni Debbie na hindi siya makasunod sa aming usapan.

Lumayo sa akin ang mag-ina at nagtatawanang nagbubulungan. Si Debbie naman ay kinarga ko upang lambingin. Ang cute kasi niya at kahit malusog na bata siya ay hindi siya ganoon kabigat buhatin.

"Kuya Je.. Jermy..? Ano po yung pinag-uusapan nila kuya at mama ko?" ang inosente namang tanong sa akin ni Debbie.

Sumimangot ako kunwaring hindi rin makasunod sa usapan ay sibaning "Ako rin Debbie hindi rin maintindihan yung sinasabi nila. Ganyang talaga matatanda iba na mag-usap" sabay halik sa kanyang malusog na pisngi at kiniliti ng ilong ko ang kanyang leeg na galangonisa na sa bilog ang bilbil sa leeg.

"Ang cute cute mo!!! Hnmmm!! Ang taba taba!!! Ang taba taba!!! Hmmmm!!!!" ang nangigigigil na kagat labi kong sabi kay Debbie na tili ng tili at tawa ng tawa sa kiliti.

Nanatili kqming nagkukulitan ni Debbie ng ilang minuto hanggang sa napansin ko na lang na nakatingin sa amin ang mag-ina at nakangiti sa kulitan namin ni Debbie habang ang bata naman ay tuloy pa rin ang hagikgik ng kinikilig na pagtawa.

"Tignan mo mommy... Close na sila ni Debbie agad.." ang maligayang pagmamayabang naman ni Ron sa akin sa kanyang ina.

"Hindi na ako nagtataka anak kung bakit ka nahulog sa kanya kahit di mo pa siya nakikita." ang sagot naman ng kanyang ina na parang sinasabi na "oo naniniwala na ako sa mga sinasabi mo."

Lumapit sa amin si Ron at kinuha sa aking mga bisig si Debbie habang kinikiliti ko naman siya sa tagiliran ng mabitbit na siya ni Ron ng dalawa niyang kamay.

"Pagod sina kuya Debbie sleep ka na rin gabi na. Night time na bed time na natin." ang nanlalambing na sabi ni Ron kay Debbie. Hinalikan niya it to ibinaba na upang paglakarin papunta sa kanilang mommy upang patulugin na siya.

Napansin ko ang kanyang kalambingan at naikumpara ko siya kay Kevin sa kanyang mga kapatid. Palibhasa sunud-sunod silang magkakapatid sa edad kaya hindi ni Kevin nagagawa ang ganitong mga bagay.

"Si Kevin... Paano naman si Kevin?..." ang tanong ko sa aking sarili nang maalala ko si Kevin.

"Nga pala Jemykoy... Nag-usap kami ni mommy... Pwede ka daw dito magstay... Pero may isang kundisyon..." agad namang bumakas kay Ron ang lungkot.

"Kailangan mo daw muna harapin ang mga magulang mo. Matatanggap kanrin daw nila dahil anak ka nila." ang patuloy naman ni Ron sa kanyang sinasabi. Alamkasi niya na hindi ako papayag sa kundisyon na iyon.

"Bukas nga pala... Si Insan naman daw samahan mo... Nagseselos... Nataggap ko text niya habang nag-uusap kami ni mommy." ang kuwento sa akin ni Ron. "Tara punta na tayo sa kuwarto" ang dagdag pa niyang yaya.

Tinungo namin ang kanyang silid at sa aming paglalakad ay tuloy pa rin ang aming pag-uusap.

"Sige.. Bukas si Kevin naman... Nangako akong magiging patas sa inyong dalawa upang makapamili kung sino sa inyong dalawa ang nararapat" ang sagot ko kay Ron.

"Bakit pa kasi kailangang maging ganito ang lahat. Kailangan pang mamili. Nauna ka na Dexter, eh... Bakit kasi ngayon lang at bakit??" ang sabi ko sa aking sarili nang mapag-usapan na namin si Kevin.

"Huy... Ano iniisip ng bunso ko?" ang sabi ni Ron ng mapansin niya ang pagiging seryoso ng aking mukha sa pag-iisip.

"Ah... Wala... Naisip ko lang si Kevin.. Sabi mo kasi nagseselos na..." ang sagot ko na lang kay Ron.

"Ikaw naman pala talaga si Dexter Chua... Bakit hindi mo sa akin sinabi nang magkakilala tayo sa Mapua?... " ang tanong ko kay Ron ng maalala ko ang buo niyang pangalan.

"Ah... Kasi magagalit si insan pag inunahan ko siya... Isa pa... Hindi tayo magkakakilala kung hindi dahil sa kanya..." agad naman akong napaisip sa kanyang sinabi.

"Nahihilo ako... Ang dami na ng umiikot sa aking isipan... Masyafong mabilis ang mga pangyayari." ang wika ko kay Ron.

"Nahihilo na bunso ko?... Baka buntis ka na!!.. Magkakababy na tayo!!! " ang masigla at nagbibirong sabi ni Ron na aking tinawanan.

"Okay ka lang?... Wala pang nangyayari sa atin.... Wala akong matres.. Isa pa... Ang imaculate conception eh di pwedeng maganap sa katawan ng lalake... San ko iluluwa yon?... Sa ano ko?... O sa bibig ko isusuka ang bata??" ang natatawa kong pangangatwiran kay Ron.

"Ang mahal ko talaga!! Nakakagigil!!" ang kagat labi niyang sinabi nang makita niyang salubong ang aking kilay habang nagpapaliwanag. "Kailangan mong magbuntis kung hindi dudutdutin ka lagi ni Junior nang walang tigil makabuo lang" sabay turo sa kanyang namumukol na harapan.

"Loko!... Hindi pa tayo wag ka umasa..." ang pang-aasar ko naman kay Ron na kanyang tinawanan.

"Tara na sa kuwarto at gagaw na tayo ng kalaro ni Debbie..." ang panlalambing ni Ron pagkaakbay niya sa akin upang tumungo na kami sa kanyang kuwarto at makapagpahinga.

"Kumag ka kuya... Sabi ko diba... No touch!!" ang sabi ko kay Ron dahil gusto kong ibigay sa mapipili ko sa kanilang dalawa ang aking pagiging virgin.

"Oh... Tinawag mo na ulit kakong kuya.."ang sabi ni Ron ng marinig ang aking sinabi.

"Eh ano naman?... Sinagot na ba kita?" ang defensive ko namang sagot kay Ron at nginitian lang niya ako ng abot tenga at puno ng kapilyuhan.

"Sisiguraduhin kong ako ang sasagutin mo kapag dumating ang araw. Hindi mo naman magugustuhan si insan eh. Mas naging malapit kayo bilang magkaibigan. Tayo? Si Dexter na tunay na kaharap mo ngayon may kailangan pa bang alamin sa kabila ng lahat ng sinabi mo sa sa akin tungkol sa pagnanasa mong makita na ang tunay na ako?.." ang sabay tawa niyang pagmamalaki sa akin. May point naman siya.

"Hoy.... Hoy... Hoy... malay ko ba kung ginagawa mo na lang yan... Oo ikaw nga si Dexter pero hindi kumpleto ang Dexter na minahal ko kung wala ang pinsan mo... isa pa... since sinabi mo ang tungkol sa Tagaytay... di ba nagpaalam na ako sa iyo technically?" sabay ngisi sa kanya.

"Kay Dexter na textmate mo ka lang nagpaalam hindi sa akin. Technically si Dexter Chua lang iyon hindi si Christopher Dexter Ronald Alvarez Chua. Ang original." at humalakhak si Ron.

"Sira ulo talaga kayo ng pinsan mo. Ah basta... maghihintay ka kung talagang mahal mo ako." pigil na kilig naman ang pilit kumawala sa akin sa mga oras na iyon.

Nang makaating sa kanyang silid, nakita ko ang isang tipikal na silid ng isang binatang lalake hindi nga lang tulad ng kay Kevin na may mga posters ng computer games at anime na gusto niya per malaki ito para sa isang silid tulugan lang. Kulay matingkad na asul ang kanyang silit at puti ang kisame. Carpeted ang sahig.

Sa may computer table nakapatong ang isang iMac at malinis ito hindi tulad ng kay Kevin na puno ng stuffed toys. Ang kama niya ay Queen size. Masarap magpagulong gulong at magpatalbog-talbog sa spring nito. Sa isang kanto ng kuwarto ay may nakalagay na synthesizer na katabi nito ay isang pintuan tungo sa veranda na may nakalagay na telescope. Nakakarelax ang silid ni Ron.

"Tumutugtog ka pala ng keyboards?" ang natanong ko kay Ron nang mapansin ang keyboards sa kanyang silid.

"Oo... nakalimutan mo diba kinuwento mo sa aking nag-aral ka niyan at tumutugtog ka na sa banda sabi ko rin sa iyo na nag-aral din ako noon," ang sagot ni Ron.

Binuksan niya ang keyboards at tinugtog ang intro ng "Isn't there Someone." na nakapatong ang piano piece sa kanyang harap. Ang galing ni Ron.

"Mas magaling ka pa sa akin kasi more on chords lang alam ko at ikaw nagbabasa na ng music sheet." ang sabi ko kay Ron na nginitian lang niya.

Tumungo si Ron sa kanyang kama at inayos ito.

"Ayaw ko pa matulog kakagising ko lang kanina eh... kung gusto mo ikaw na lang, Ron. Dito na lang siguro muna ako sa veranda dala ko naman Macbook ko doon na lang me para presko ang hangin." ang sabi ko kay Ron. Nakakailang oras pa lang nang ako'y gumising kina Alex.

"Hmmm... sige sasamahan kita hanggang sa antukin ka pero may itatanong lang ako..." ang sabi naman ni Ron na parang may pag-aalinlangan na itanong ang kanyang ibig.

"Ano po yun?" ang nakangiti ko namang sagot sa kanya upang masabi niya ang guto niyang itanong sa akin.

"Okay lang ba sa iyo ang nagyoyosi?" ang tanong ni Ron.

"Ano ka ba okay lang iyon sa akin... sa totoo nga niyan eh nagyoyosi din ako at hindi na ako nakapgyosi sa dami ng dumaang... ewan ko ba... pero okay lang sa akin iyon!! Parehas tayong sunog baga.." sabay hawak sa kanyang kamay at pinisil ito. Siya naman ay ngumiti na para bang nabunutan ng isang tinik sa dibdib.

"Saglit lang bunso ha?... kukuha lang ako.." ang paalam ni Ron sabay tungo sa kanyang drawer at hindi man lang dininig ang aking sagot. Nang makabalik na siya ay may dala na siyang isang lighter at isang kaha ng Malboro lights at inabutan niya ako ng isang stick. Nang maisubo ko na ito ay ipinagsindi niya ako ng lighter at siya naman at nagsindi na rin ng isa. Ipinatong niya ang isang kaha at lighter sa ibabaw ng lamesa sa veranda.

Humithit siya ng isa at bumuga bago nagsalita. "Ngayon... kilala mo na si Dexter Chua... at mas makikilala mo na siyang lubos... ano naman ang pakiramdam mo?... anong nasa isipan mo ngayon?.."

Humithit at bumuga muna rin ako mago ako sumagot sa kanya.

"Actually excited pero balisa..." sabay tingin na lang ako sa sahig nang maalala ko si Kevin.

"O.. bakit biglang lumungkot na ang bunso ko?" ang sagot naman ni Ron habang itinataas niya ang aking mukha habang hawak ang aking baba.

"Okay lang si Kevin..." at biglang tumunog ang kanyang telepono. May pumasok na mensahe.

Kinuha niya ito sa kanyang bulsa at binasa ang mensahe. Bigla siyang tumawa matapos itong basahin at ipinakita sa akin ang text. Galing kay Kevin.

"Oi utoy walang tikiman ha?! Magagalit yan. Sabay tyo kng d p cya nkkpili para fair." ang mensahe ni Kevin na tinawanan ko rin.

"Utoy?... Ikaw?... Ang dami mo naman pangalan Ron... at isa pa... ang libog niyong magpinsan no?" ang kinikilig kong sinabi kay Ron habang abot tenga ang aking ngiti. Natutuwa akong isiping unti-untian kong nakikilala ang tunay na Dexter Chua. Sobrang saya ng aking damdamin.

"Nga pala bakit naman Ron at di na lang Dexter ang tawag sa'yo? Mas bagay kaya..." ang dagdag ko pa sa aking sinabi.

"Eh di kung yun ang pakilala sa akin ni Kevin eh di nagkaalalaman na sa Mapua pa lang..." sabay tawa siya ng malakas. "Dex o Tope ang tawag nila sa akin sa school... sa La Salle Taft ako nag-aaral.. ang ibang detalye ni Dexter na nakilala mo... karamihan pa... ay totoo at ako iyon." ang dagdag pa ni Ron sa kanyang sinabi.

"Sabagay... tama ka... kaya nga nagkarigudon pa sa utak ko eh..." ang sabi ko sa aking sarili na may halong pagsisisi nanaman kay Ron sa kanilang pagpapanggap niya ng kaniyang pinsan.

Tinapon ni Ron ang kanyang sigarilyo at inabot ni Ron ang aking kamay at lumuhod sa aking harapan habang nanatiling nakahawak dito. Nakatitig ang kanyang mga mata sa akin na nangungusap. Napabuntong hininga ako sa kanyang ginawa. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hinalikan niya ng mariin ang aking kamay.

"Jeremy... mahal na mahal kita... sana kakaunti na lang ang kailangan kong patunayan sa iyo." ang wika ni Ron.

"Ron... mahal ko kayo pareho ng pinsan mo... kahit alam mo na pinakamamahal ko si Dexter na... " natigil ako sa aking sasabihin. "Gusto kong malaman kung sino sa inyong dalawa at gusto ko kayo mahalin hindi dahil sa hinahanap ko ang Dexter na textmate ko sa inyong dalawa. Gusto ko kayong mahalin sa kung ano talaga ang pagkatao niyo."

Tumayo si Dexter at inabot ang magkabila kong pisngi. Dahan dahan niyang inilapit ang kanyang mukha habang mariing pinipisil ang aking mga pisngi hanggang sa magkadikit na ang aming mga labi. Nahulog ko ang aking yosi. Mapusok ang kanyang mga binibigay na halik sa aking mga labi. Mainit-init ang kanyang bibig at malalim ang kanyang paghinga.

Lumapat na lang ang kanyang katawan sa akin nang ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig. Hindi pa rin kami natigil sa aming halikan. Humihigpit ang yakap ni Ron. Nakailang minuto rin kami siguro ng maramdaman kong binubuhat-buhat pa niya ako habang kami ay naghahalikan.

Naramdaman kong kumalas si Ron sa kanyang pagyakap sa akin at humihimas na ang kanyang mga kamay sa aking mga balikat. Bumaba ito at bigla na niya akong binuhat na parang sanggol. Hindi siya natigil sa paghalik. Itinuloy niya ang maririing halik niya sa aking mga labi nang ako ay mabuhat na niya. Nakapikit na kami pareho. Naramdaman kong naglakad si Ron habang buhat niya ako.

Napadilat ako at nakita kong nakatingin siya sa kanyang tutunguhin. Sa kama. Naramdaman ko sa aking tagiligan na pumipiglas na ang kanyang alaga. Nang maabot na namin ang harap ng kanyang kama ay dahan dahan niyang ikinayod ang aking tagilirang kumikiskis sa kanyang alaga habang ito namay ay pumipiglas sa bawat pagkayod niya sa akin sa kanyang alaga.

"Sabik na sabik na akong makapiling ang aking bunso..." ang sinabi ni Ron sa akin habang nakatitig ang mga namumungay niyang mga mata sa akin. Namumula ang kanyang mukha at mga labi. Pilit ko nang pinipigilan ang aking sarili nang bigla nanaman niya akong sinunggaban ng isang mainit na halik na sa pagkakataon iyon ay lumulusong na ang kanyang dila sa loob ng aking bibig.

Nagtutulakan ang aming mga dila sa loob ng aming bibig. Sinisipsip niya ang dila ko kapag nananalo ang dila ko sa tulakang nagaganap sa loob ng aming mga bibig. Nakukuryente ako.

Agad kong itinigil ang aking halik ng maramdaman kong naibaba na pala niya ako sa kanyang kama at nakapatong na sa aking alaga ang kamay niya.

"Nagwawala na mga junior natin oh.. " sabay tawa ni Ron. Ngunit hindi nawala sa kanyang mukha ang pamumula at nantiling mapupungay ang kanyang mga matang nagmamakaawa sa sabik.

"Dexter... ano ba ang sabi ko?... diba bawal?" ang wika ko kay Ron.

"Sorry ha..." ang sagot na lang sa akin ni Ron ngunit nanatiling nakangiti.

"Kung papakasalan mo ako... talaga... dun na natin gagawin sa honeymoon natin.. ito..." sabay sunggab ko sa nanghuhumidig niyang alaga.

Napaliyad siya sa aking ginawa at kumawala sa kanyang mga labi ang isang malalim na ungol.

Natawa ako at hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang nag-iinit na rin ako ng sobra pero kailangan kong magpigil. Lubos ang kilig na kumikiliti sa buo kong katawan.

"Tulog na tayo kuya..." ang paanyaya ko naman kay Ron. Ngumiti lang siya at kinindatan ako.

Umusog ako sa gilid ng kama upang makahiga na rin siya. Nakagilid na nakatalikod ako sa kanya at siya naman ay nakatagilid na nakaharap sa aking likod. Naramdaman kong bigla niyang ibinaba ang harap ng kanyang salawa at tumusok sa pisngi ng aking likuran ang naglalaway niyang alaga.

"Kuya naman eeehhhhhHHH!!! tulog na tayo!!! Tama na tusok tusok!!!! Saka na yan... please...??" ang malambing ko namang sabi kay Ron sa kanyang ginawa.

Natawa lang si Ron. "Sige... papayag na akong walang mangyari sa atin hanggang sa dumating ang araw na sagutin mo ako... " ang mayabang naman na kundisyon ni Ron. "Pero... hahawakan mo si junior pag tayo natutulog ng magkatabi.... nagwawala kasi yan... sa iyo lang yan magbebehave..." inabot niya ang kaliwa kong kamay na malayang maaabot ang kanya sa aming pagkakahiga at halos hindi ko na mabalot ang kamay ko dito. Mabilis namang ikinayod ni Ron ang kanya sa aking kamay saglit at nagpupumiglas ito.

"Kuya naman eh!!! Ang kulit!!! Pumayag na nga ako eh... kamay ko naman titirahin mo... sabi mo hawak lang!!!" ang nanlalambing ko namang sinabi kay Ron. Natawa siyang parang demonyo.

"Oo na sige na... hawak lang..." at naramdaman kong lumapit ang kanyang mukha sa aking batok at tumuka-tuka siya ng ilang mga halik at ilang nangigigil na pagkagat-kagat na hindi masakit. Sa katunayan, nakakakiliti ang kanyang mga kagat.

Ibinalot niya ang kanyang braso sa akin at sa kanang braso na niya ako nag-uunan habang ang kaliwa naman niyang kamay ay umabot na pumasok sa loob ng aking shorts at humawak sa aking alaga.

Nanatili kaming ganon ang pusisyon hanggang sa kami ay nakatulog na.

Kinaumagahan sa aking pag-gising, halos wala akong makita sa aking paligid. Tulog pa rin si Ron. May isang anino ng taong nakatayo sa dulo ng aming higaan. Pilit kong ipinokus ang aking paningin upang luminaw ito para makilala ang taong nakatayo sa ibaba ng aming kama.