webnovel

Musmos [BL]

Si Jeremy Alvarez ay may kaibigang matalik na tinuring siyang nakababatang kapatid na lalake na nagngangalang Dexter Chua ngunit kahit minsan ay hindi pa niya ito nakikita. Matagal niyang inasam ang pagkakataong sila'y magkita ngunit nanatiling hanggang sa pagiging textmates lang ang kanilang pagkakaibigan at kapatirang turingan. Sa kanyang pagnanasang makilalang personal ang kanyang misteryosong kaibigan ay kinailangan niya rin pagdaanan ang lahat ng hirap ng buhay at ang katotohanan sa kanyang sarili na hindi niya unang akalain. Tunghayan kung ano ang pagdaraanan ng isang adik sa paglalaro ng computer at kung paano niya tatanggapin ang mga bagay sa kanyang buhay.

wizlovezchiz · LGBT+
Peringkat tidak cukup
23 Chs

Musmos - Chapter 03

Hindi ko na natapos pa ang aking pagsabi ng aking palusot na kumain ako ng calamares. Alam ni Camille na maliban sa isda, tahong, at talaba ay allergic ako sa lahat ng seafood. Alam din niyang kahit bawal ay kumakain pa rin ako. Masarap ang bawal diba? Ngunit nakita siguro niya ang mga kagat ni Alex.

"Akala ko ba umuwi ka na sa inyo kagabi pagkagaling kila Alex kahapon? Sino ang malanding gumawa sa iyo niyan? Sana sinabi mo na lang sa akin na kating kati ka na pala para hindi na natin sinunod pa ang sumpaan nating walang PMS hangga't di tayo kasal. Umamin ka sa akin! Sino siya?!?" ang malakas na pasigaw na mga salita ni Camille. Halata sa kanya ang matinding galit at nanginginig na ang kanyang maliit na mga kamay na parang gusto uling magpanding sa aking mga pisngi.

Hindi ako makatingin ng direcho sa mga nanlilisik na dati'y maamong mapupungay na mata ni Camille. Hindi ko napansing lumuluha na pala ako dahil sobrang tindi ng takot ko kay Camille na ako'y iwan at sinabayan pa ito ng galit na tumindi para kay Alex.

Tumitig na lang ako ng hindi maganda kay Alex. Bakas ang aking paninisi sa kanyang pangaakit para ako'y magpaubaya sa kamunduhan.

Ngunit ako'y nagtaka sa aking napansin. Galit din ay bakas sa mata ni Alex at masama ang kanyang titig kay Camille.

"Walang ibang kasama si Jeremy mula ng magkita kami after ka niyang ihatid.Magkasama kami buong araw kinabukasan dahil kami ay umikot pa sa Don Galo para makita niya ang lugar since minsan lang siya pumunta don. Hapon na kami umuwi sa kanila kahapon ako mismo ang naghatid sa kanya" ang biglang sabi ni Alex kay Camille.

"Niloko niya ako at ikaw pagtatakpan mo pa siya?!? Gago ka ba?" habang nabaling na ang titig ni Camillee kay Alex. Galit pa rin ngunit may bakas na ng pagkalito.

"Hindi kita niloloko. Tingin mo pagtatakpan ko si Jeremy sa'yo? Magisip ka nga. Wala siyanh ibang kasamang babae! Sino pa ba sa palagay mo ang gagawa niyan sa kanya?" ang sagot ni Alex kay Camille bakas pa rin sa mukha niya ang inis.

Natatakot na ako sa maaaring kahihinatnan ng eksena naming iyon.

Nanlaki bigla ang mga mata ni Camille ng bigla niyang mapagtanto ang mga sinabi sa kanya ni Alex. Hindi na siya nagsalita pa at bigla na lang din sinampal si Alex sa mukha at nagmamadaling lumakad papalayo sa amin.

Nanlumo ako sa pag alis ni Camille. Lalong lumaki ang galit ko kay Alex.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. "Tahan na. Tinulungan lang kitang lumaya para sa totoo mong nararamdaman na hindi naman para sa kanya balang araw". Ang malambing na panunuyo niya sa akin. Tinitigan ko si Alex at kitang kita ko ang mala anghel niyang ngiti. Ngunit matindi talaga ang galit ko sa kanya. Naglakad ako papaalis. Gusto ko na umuwi at nagmamadali ako.

Hindi ko na pansin kung nababangga ko na mga kasalubong kong maglakad sa mall at di ko na rin pansin na tuloy pa rin ang daloy ng aking mga luha.

Palabas na ako ng SM noon at malapit lang naman siya sa Lawton kaya nilakad ko na papuntang central terminal. Umiiyak pa rin na binaybay ang daan patungo roon. Wala na akong pakielam sa paligid ko.

Ng makarating ng Lawton hindi ko malaman kung bakit sumakay ako ng jeep papuntang Taft at hindi sumakay ng bus sa terminal. Natauhan na lang ako ng malaman kong nasa tapat na pala ako ng KFC sa University Mall sa tabi ng La Salle. Pinahid ko ang aking luha bago pumasok at naisipan ko na lang umorder ng fries kahit wala akong balak kainin yon para lang makapagtambay doon at makapagisip.

Sa aking pagiisip hindi ko mapigilang lumuha. Wala akong paki kung mga sosyal na estudyante ng La Salle at Benilde ay nakikita ako sa kalagayan ko.

Napagisipan ko rin umuwi matapos ang ilang oras na pagtambay doon. 10:00 PM na ako nakarating ng Cavite. Di ko pa rin gusto umuwi. Napunta na lang ako sa bahay ng isang kaibigan ko nung highschool pa na malapit lang sa aking binababaan ng jeep... si Kevin.

Isang taon ang tanda niya kesa sa akin. 6'1 ang taas,mestiso,mapupula't pouted ang mga labi,chinito at super kinis ng kutis. Japanese boynext door kumbaga ang kanyang imahe. Sa UPHS sa Las Pinas siya nagaaral nung highschool at ngayon sa Mapua sa Intramuros na siya kumukuha ng degree. Nagkakilala lang kami noon sa simbahan malapit sa bahay nila. Member ako ng choir noon at siya naman ay lagi kong napupuna sa labas ng bintana ng simbahan nakatayo at nagiisa lagi nakapwesto malapit sa altar. Nagkausap lang kami noong nagkatabi kami ng upuan nong simbang gabi. Parehas na marino ang aming mga ama.

Bagama't puro computer games lang at anime ang aming madalas na pagusapan, nagbaka sakali akong sa pagkakataon na yon ay siya lang ang tanging tao na aking malalapitan ng walang panghuhusga sa lahat ng gusto kong kumawala sa aking dibdib.

Sa labas pa lang ng kanilang bahay nakita ko siya sa roof deck ng bahay nila at nagiisang nakatingin sa malayo. Marahil ay malalim ang iniisip.

"...Kevin?" ang nagdadalawang isip kong pagtawag sa kanya. Naniniguro lang kasi baka si Mark na kapatid niya lang yung nakikita ko.

"Jeremy?!? Uy!! Long time no see!!! Akyat ka dito tol!!"

Kitang kita sa kanyang mga mata ang sabik na ako'y muli niyang nakita. Ako naman ay ganun din. Taon na rin ng huli kaming magkita. Kahit sa kabilang village lang sila mula sa amin.

Binaybay ko ang gate na direcho sa hagdan patungo sa kanilang roof deck. Nagmadali ako.

"Tol buti napabisita ka at tamang tama dating mo! Hinihintay ko lang dumating yung isang case ng red horse na grande na pinabili ko kay Mark" ang masayang bati niya sa akin at pangimbita.

"San kagaling? Bihis na bihis ka yata? Inuman tayo pre. Umiinom ka naman na siguro sa edad mo na yan diba? Ito ang unang pagkakataon na iinom tayo!" ang tulo tuloy niyang pagsasalita sa galak.

"Oo naman!! Sige ba inuman tayo!! Tagal na rin nating di nagbabonding. Tamang tama kailangan kong uminom ngayon." ang sagot ko na lang sa kanya. Hindi maitago ang bahid ng magkahalong lungkot at galit na akin dinadala. Alam kong napuna ni Kevin iyon.

"Bakit mukhang nalugi ka sa negosyo at namamaga mga mata mo?... nako pare kailangan mong ilabas yan. Tamang tama magiinuman tayo ngayon pre!!" Nakangisi niyang sabi sa akin.

Maya-maya lang ay dumating na si Mark buhat-buhat ang isang case ng grande. "Hi kuya Jeremy!" ang bati niya sa akin sa sinabayan ng ngiti.

"Kuya Kevin, eto na ha kapalit niyan ikaw gagawa ng project ko ha." ang sabi ni Mark kay Kevin habang ibinababa niya ang isang case ng beer na may nakapatong na pitsel at isang plastic bag ng tube ice na mukhang sa seven eleven pa niya binili sa town proper ng lugar namin.

"Kelan ka pa nagsimulang uminom, Kevin?" ang tanong ko sa kanya dahil di ako sanay na eto na magiinuman kami at ni minsan noon hindi namin naisipang gawin ito kahit madalas may inuman sa kanila pag may bisita sila sa kanilang bahay.

"Ngayon lang." sabay halakhak na parang demonyo. "Trip ko lang tol."

"Ngek! tapos ako na marunong nang uminom eh niyaya mo? tapos isang case ng grande pa? pano kung hindi ako dumaan dito eh di ikaw ang umubos non? Parang ikaw ang may problema kesa sa akin eh" ang pabiro kong sabi sa kanya na nakapagpangiti sa akin dahil sa natatawa ako sa yabang niya sa paginom.

"Malay mo diba? Isa pa kung di ko maubos yon eh di stock ko na lang siya sa ref ko." pangangatwiran niya. "Hindi na kita nakakasabay sa biyahe papunta at pauwi ng maynila ah. Busy ka siguro no? Ako rin busy eh sobra lagi na nga sumasakit ulo ko mas madalas nga lang ngayon."

"Oo, busy din sa pag-aaral at... sa girlfriend na rin." hindi ko maitago ang pait ng sakit nang sabihin ko ang salitang girlfriend kaya napaluha na lang ako ulit ng di ko namamalayan. Mababaw yata talaga mga luha ko.

"Ayon, hmmm... parang alam ko na ang problema ng tropa ko.. girlfriend no?" sabay kuha ng isang grande at buhos ito sa isang pitsel na nauna na niyang lagyan ng yelo.

" Tsk! Naman! pano ko bubuksan to eh walang bottle opener na sinama utol ko? ... saglit lang Jeremy ha? kuha lang ako sa kusina." bigla niyang excuse para mabuksan na ang unang bote na aming iinumin,

"Teka pare, ako na." sabay kuha ko ng bote sa kanya at ginagat ang tansan upang mabuksan ito. Mabilis ang mga pangyayari kaya natulala si Kevin sa akin ginawa.

"Pucha pare nangilo ipin ko sa ginawa mo! Galing mo pre! tumador ka nga!!" ang proud na proud niyang nasambit sa nasaksihan sabay haplos sa aking balikat. Magkatabi kami sa bench kaya hindi kami nakaharap sa isa't isa.

"Marami ka na nga pa lang hindi alam sa akin no? sige magkwentuhan muna tayo ng mga nangyari sa akin at mamaya na ang problema ko. Magenjoy tayo tol!" ang sabi ko sa kanya dahil unti-unti akong nakaramdam ng saya dahil magpakalasing ako.

Nagkwentuhan kami ng aming mga buhay parang catch-up kumbaga. Nakwento niya na naghiwalay na sila ng girlfriend niya isang taon na rin ang nakakalipas at hindi na siya nagkagirlfriend ulit dahil sa pagsusunog ng kilay. Nakwento niya na sumama siya sa choir at volleyball team sa Mapua. Hindi niya kasi gusto ng basketball kahit sayang ang tangkad niya dahil ayaw lang niya. Nang kami ay nakaubos na ng tatlong bote at pareho nang lutang sa kalasingan. Humahagulgol na, nagpasya na akong magkwento nangyari sa amin ni Camille ngunit hindi ko nakwento ang banda ng kwento sa nangyari sa amin ni Alex.

Napuno siguro ng katanungan ang pag-iisip ni Kevin. "Eh san mo nga naman kasi nakuha yang mga marka mo sabay turo niya sa aking leeg na puro kiss mark."

Hindi ko na napansin na bumaba na pala ang kwelyo ng turtleneck ko dahil nakatagilid ako palayo sa kanya at nakasandal sa arm rest ng bench na inuupuan namin.

Umupo na lang ako ng maayos at nagpunas ng pawis. Pinapawisan na ako dahil maiinit na walang hangin noon dahil isang linggo na lang sem-break na namin at summer na ng mga panahon na iyon. Sinuklian ko na lang siya ng isang ngiting nakakaloko.

"Tol, ngayon pa't nagkakausap na tayo ng ganito na parehas na tayong matured ay itatago mo pa ba yan. Isa pa normal lang yan!! " ang paguudyok niya sa akin upang ibigay na ang detalye.

"Nga pala baka basang basa na ng pawis yang suot mo maghubad ka na kasi ng pangtaas mo." sabay niyang sabi na agad ko namang sinunod.

"Kevin, sana galangin mo ang aking desisyon na wag muna itong sabihin sa iyo. Basta balang araw kukwento ko rin sa iyo to pag tanggap ko na sa sarili ko ang lahat ng mga ito." ang paiwas kong pagsagot sa kanyang katanungan habang siya ay nakangisi na parang nangigigil at nakaturo sa kagat sa aking balikat. Marahil ay nakita na niya ang mga ito dahil sa wala na akong pangitaas.

Nakaliyad na si Kevin sa kanyang sandalan at nasa pang apat na bote na kami ng makaramdam ako na naiihi na ako. Nagpaalam ako kay Kevin na pupunta ng CR ngunit sa aking pagtayo ay naout of balance ako at biglang napauposa kandungan ni Kevin.

"Sorry tol nadulas ako." ang nasabi ko na lang sa kanya sabay tayo muli upang tumungo sa kanilang CR sa loob ng bahay sa ibaba. Lumingon ako sa kanya nang makalayo at nakita kong nakangiti siya.

"Gago lasing ka na" sabay bitiw ng ngiti sa kanya.

Pagpasok ko sa loob ng bahay nasa sala pala ang kanyang mama na si tita Mel. "Magandang gabi po! Nagiinuman po kami ni Kevin sa itaas makikigamit lang po ng CR." bigay galang ko na lang sa kanya.

"Ay ikaw pala yan Jeremy! Ang tagal mo nang di bumibisita dito kahit ang lapit ng bahay niyo. Kamusta na mga kapatid mo?" ang pangangamusta niya sa akin.

"Okay naman po graduating na yung isa tapos ung isa yung classmate pa rin ni Mark next school year graduate na rin." ang matipid kong sinagot sa kanya habang pinipigil ang aking ihi.

"O hala sige. Tumungo ka na sa banyo at ako ay matutulog na. Nagpapaantok lang ako jiho. Huwag ka na mahiya. Amoy alak ka na dito ka na lang matulog maraming aso sa kalsada natin ng ganitong oras pinalabas nanaman ng mga amo nila." sabay patay sa TV, ngumiti at tumungo na sa kanyang silid.

Nang ako ay matapos at makabalik na agad sa aming inuman ni Kevin. Napansin kong hindi na maalis ang kanyang mga tingin sa akin kaya natanong ko siya.

"Ano? Bakit?" natatawa kong sabi sa kanya. Umiling lang siya at naglagay ng beer sa baso dahil naubos na niya ang laman nito. Nakaisa na yata siya nang magCR ako nang biglang may tatlong magkakasunod na text messages ang pumasok sa aking telepono. Nalaman kong nagtext sa akin si Camille, si Alex, at sa aking gulat... si Dexter after these years nagparamdam.

Inuna kong basahin ang kay Camille. Puro pagmumura ito at pagsumpa sa akin na sana raw ay pagdusahan kong lubos ang aking ginawa sa kanyang panloloko at magsama daw kami ni Alex. Bumalik ang galit ko kay Alex matapos kong basahin iyon. Sinunod kong basahin ang text niya, malambing, nagmamakaawa, nagsosorry, humihiling na sana ay mapatawad ko siya at marealize ko ang damdamin ko para sa kanya. HIndi ko sinagot parehong mensahe nila.

Nasa listahan na ako ng mga mensahe sa telepono ko ngunit hindi ko mabuksan ang kay Dexter. Tinitigan ko lang mabuti ang kanyang pangalan sa listahan at kinakabahang buksan ito. Napawi lahat ng galit at lungkot bigla sa pagkakataong iyon at napalitan ng damdaming miss na miss ko na siya. Nagflashback sa akin ang masaya naming paguusap sa telepono.

"Hoy!! tulala ka na jan? buti nagkasignal ka mahina reception dito. Uy, bati na sila ng girlfriend niya, sex na yan! make-up sex!" ang nakakalokong biro ni Kevin sa akin,

"Hindi, wala, inaaway pa rin ako." ang tanging sagot ko na lang sa kanya sabay tagay at inubos lahat ng beer na nilagay ko sa baso dahil sa aking nadarama habang hawak ko pa rin ang cellphone ko. Binuksan ko ang message ni Dexter at isa isang binasa ang kanyang mga sinabi.

"Bunso! namiss kita! sorry sa lahat. nagkamali ako sa nagawa kong pagiwas sa iyo. bukas na ang isip ko ngayon. kamusta ka na? miss ka na ni kuya Dex mo."

Lubhang naglulundag ang dibdib ko sa saya sa aking nabasa ngunit hindi na ako nakapagreply pa dahil hinablot ni Kevin ang cellphone ko at itinago na sa kanyang bulsa.

"Huy! teka magrereply pa ako kay Kuya!" yun lang ang nasabi ko sa pagkabigla na parang batang inagawan ng laruan.

"Kuya? pinsan mo? Ako muna kausapin mo mamaya na yan pinsan mo lang naman yun eh." ang sagot ni Kevin habang nakakunot pa ang mga noo.

Nagpaubaya na ako at itinuloy na lang ang aming nabitin na inuman hanggang sa matumba namin ang lahat ng bote.

"Tol nakita ka ba ni mama kanina nung nagCR ka?" ang tanong niya na sinagot ko ng pagtango lang.

"Dito ka na matulog, lasing ka na tapos marami aso sa labas. Isa pa pagagalitan ako ni mama pag pinayagan kita umuwi dahil delikado na sa labas."

"Sige na nga." yun na lang ang nasabi ko sa kanya sa sobrang pagkalasing na tinawanan lang ni Kevin. Halatang kaya pa ni Kevin tumayo at maglakad ng tuwid kaya ako ang inalalayan niya papunta sa kanyang silid.

"Kala ko ba ikaw tong mas may karanasan na sa atin sa pag-inom? bakit mas laing ka pa sa akin?" ang tanong sa aking ni Kevin na sinasabayan pa niya ng pigil na pagtawa.

Pagdating sa kuwarto ay agad akong bumagsak sa kanyan kama ng pahilata. Walang pinagbago ang kanyang kwarto mula nung huling pumunta ako doon maliban sa pinturang lightblue nito na medyo nangungupas na. Nandoon pa rin ang lumang aparador niya na gawa sa kahoy na may malaking salamin. Sa tabi ng aparador ay ang kanyang desktop computer at sa computer table ay nakalagay ang kanyang mga stuff toys.

Sa pagikot ng aking paningin habang sinusuri ang kanyang silid ay nawalan na ako ng malay sa pagkalasing, Ang huling nakita ko na lang ay ang pag tayo ni Kevin mula sa pagkakayuko niya nang ibaba niya ako sa kama niya at nakangiting nakatingin sa akin. Sa loob ko bumalik sa akin ang ala-ala ng ginawa namin ni Alex ngunit hindi ko na masyado pa iyon naisip. Nakatulog na nga ako diba.

Naalimpungatan akong nakatagilid na sa kama at yakap ang isa pang unan ni Kevin na parang tao lang ang aking niyayakap. Napatingin ako kay Kevin na nakaharap sa kanyang computer at kumakanta sabay sa kanyang pinatutugtog sa chorus na ng Back to Me ng Cueshe.

Napakaganda ng kanyang boses malamig sa pandinig at binatang binata. Para akong hinehele na bata sa kanyang kanta. Naalala ko ulit si Dexter. Nakatulog na ulit ako matapos ang ilang linya ng kanta dahil sa lasing na lasing pa rin ako.

Nang ako'y magising na ng tuluyan nagulantang ako sa posisyon ko sa kama sa kanang tabi ni Kevin. Hindi na unan ni Kevin ang aking kayakap kundi si Kevin na mismo, Nakapatong sa dibdib niya ang aking ulo at nakayakap sa kanyang tiyan habang ang kamay naman niya ay naiyan sa aking noo na para bang nakatulog siya habang hinahaplos ang aking buhok.

Nagising si Kevin sa aking biglang pagbangon. Gulat at nagmarka sa aking mukha. Takot at nahihiya kay Kevin.

"Tol sorry uwi na ako umaga na pala. Yung cellphone ko nga pa..." natigil ako ng mapansin kong nakabrief na lang ako at natulala na lang kay Kevin. Tinitigan lang ako ng inosenteng inosenteng mukha ni Kevin.

"Tol sorry talaga." umalis na ako sa kama at kinuha ang cellphone kong nakapatong sa ibabaw ng computer table niya na napansin ko habang ako ay nagbibihis ng madalian.

Umalis ako kila Kevin ng nagmamadali nang bigla kong maalala ang text ni Dexter. Tinawagan ko siya sa halip na itext. Sobrang namiss ko siya at nagbabakasakaling marinig ko muli ang boses niya.

Agad naman niyang nasagot ang aking tawag matapos ang ilang ring.

"Hello? kuya!! miss na miss na kita! ang dami po nangyari sa buhay ko na hindi ko nakuwento sa iyo at salamat sa sinabi mo kagabi dahil nagkaroon ako ng lakas ng loob na sa iyo na lang ikuwento ang mga problema kong naganap lang nung Biyernes." Derederetso ako sa aking pagsasalita at nakalimutan nang pakinggan ang kanyan boses.

Nagmamadali akong umuwi habang kausap siya sa phone at nakuwento ko naman sa kanya ang lahat pati kay Alex bago ako makauwi ngunit..

"Ikaw naman kuya. Kamusta ka na? nagwowork ka na ba? parinig naman ng boses mo please." ang nagmamakaawa at nanlalambing kong pakikipagusap sa kanya.

Hindi siya sumagot at binaba lang ang kanyang linya. Natulala ako. Napaisip. Sigurong dapat hindi ko na lang sa kanya ikinuwentong lahat. Ngunit ilang saglit lang ay may dumating na mensahe sa akin mula sa kanya.

"Gusto mo ba si Alex? Kayo na ba ni Alex?" ang laman ng kanyang mensahe.

Nagreply ako ng "hindi po. yun lang yung nangyari sa amin. hindi kami. pero dahil sa pangyayaring yun at sa aking pagiisip kagabi masakit man sa aking sarili pero tanggap kong nagustuhan ko yon at ngayon parang hinahanap-hanap ko na".

"Magpray ka lang bunso. Magpray ka ha? I love you!" yun lang ang kanyang sinabi ngunit nagulantang ako sa sinabi niyang "i love you". In so many levels and so many different ways pwedeng maging iba ang ibig sabihin noon pero hindi ko binigyang kahulugan iyon. "Baka nilalambing lang ako ni kuya." ang sabi ko na lang sa aking sarili.

Sa aming bahay, ako ay agad naligo at nagpalit na ng pambahay. Ilang minuto lang ay biglang nagrin ang aming landline at ako na ang nakasagot dahil nagbabakasakaling si Camille ay napatawag ngunit ito ay...

"Tol! Sana dito ka na nagbreakfast ako lang magisa a bahay tuloy ngayon. Umalis kasi silang lahat pumunta ng Enchanted Kingdom." ang kwento sa akin ni Kevin.

"Ah eh. Sorry baka kasi hinahanap na ako nila mama kaya umuwi na agad ako." ang alibi ko na lang sa kanya at di balak banggitin ang pangitain kanina nang kami ay gumising.

"Sayang naman. Balik ka naman dito samahan mo naman ako. Wala akong ibang gagawin kung hindi ang magbasa ng blogstories kung di ka pupunta." ang nanyayayang pangimbita ni Kevin na bumalik ako sa kanila.

"O sige na nga. Basta siguraduhin mong hindi ako mababato jan ha? uuwi na lang ako sige ka." ang napipilitan ko na lang na sagot sa kanya.

"Daanan kita sa inyo sunduin kita may bibilin muna kasi ako sa kanto ninyo. Yung rekado ng lulutuin ko para sa tanghalian. Dito ka na rin magtanghalian ha? Masarap ako magluto..."

"Okay. Sige na. Dumaan ka na lang dito." ang sinagot ko na lang para matapos na ang usapan. Maya-maya ay may padalang LBC na dumating para sa akin. Nakalagay sa sender ay:

Dexter Chua

Venice St., BF Homes, Las Pinas