webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
463 Chs

Kabanata 284

Umuwi muna sa Dela Cruz Residence itong si Kelly gaya ng sabi ni Patrick sa kaniya...

"Tita Kelly…"

"Oh, kanina ka pa ba dumating?"

"Kararating ko lang po pero kanina ko pa po kayo tinatawag kaya lumapit na po ako sa inyo. Ayos ka lang po ba? Nakatulala ka po kasi samantalang hindi naman po bukas ang tv."

"Ahh…sorry may iniisip lang ang tita sige na umakyat ka na at mag palit ng damit."

"Sige po bababa po ako agad."

"Um…"

Tumaas na nga sa kwarto nila itong si Jacob "si Jacob ba yung dumating?" Ang sabi ni Rica na may dalang mirienda para kay Kelly.

"Oo ate mag bibihis lang daw muna sya."

"Kapag talaga andito ka nalilimutan niya ng andito rin ako."

"Ahh…nako sorry ate."

Umupo naman si Rica sa sofa at inilagay niya sa lamisita ang dala niyang mirienda "ayos lang super close kasi sya sayo nga pala gumawa ako ng puto ayan tikman mo."

"Salamat ate pero hindi pa kasi ako nagugutom..."

"Nag aalala ka sa biyenan mo?"

"Um…hindi ako mapalagay kaso ayaw akong papuntahin ni Patrick sa sa hospital."

"Wag kang mag alala magiging ayos rin ang lahat mag tiwala ka lang." hinawakan niya ang kamay ni Kelly.

"Sana nga ate kaso nag aalala talaga ako sobrang weak na ng katawan ni daddy hindi ko alam kung makakayanan pa niya ang operation."

"Mukhang naging malapit ka sa biyenan mo."

"Mabuti po kasi ang pakikitungo ng pamilya sakin ni Patrick lahat sila inaalagaan ako kaya sobrang masasaktan rin talaga ako kung ang isa ko pang daddy ay mawawala."

"Wag kang masyadong mag isip bawal ma stress ang buntis kaya kumalma ka muna."

"Opo ate pero kasi…"

"Inhale… exhale…gawin mo yon ng ilang beses sabayan mo ko para kumalma ka."

"O—Opo."

At nag inhale,exhale nga yung dalawa ng limang ulit "ganyan kasi ako nung ipinag bubuntis ko si Jacob inaalala ko kung paano ko sya palalakihin ng ako lang mag isa."

"Bakit nga po pala hindi niyo hinanap si kuya Kian nung nabuntis nya kayo?"

"Hindi ko rin kasi talaga alam kung paano litong lito ako ng mga panahon na yon naisip ko nga noon na ipalaglag nalang si Jacob pero sabi ng kapatid ko si renz ipagpatuloy ko raw dahil wala namang kasalanan si Jacob sakin kaya yun naisip ko na tama sya at mali ako."

"At buti nalang po at itinuloy niyo dahil tignan niyo naman yang batang yan kung gaano ka cute."

Nakatingin lang sa kanila si Jacob bago sya mapansin ng tita Kelly niya "halika kanga dito papisil si titan g pisnge nga tabachingching na yan."

Lumapit naman si Jacob sa tita Kelly niya at pinisil pisil nito ang pisnge ng pamangkin "hala, ako po ba ang pinaglilihian niyo?"

"Ha?"

"Ahhh…na kwento ko kasi sa kaniya kagabi kasi ayaw niya pa ng matulog about sa pag lilihi tinatanong ka kasi niya samin ng daddy niya. Kaya naalala nya siguro."

"Ganun pala. Bakit gusto mo bang maging kamukha ang baby ko?"

"Um…gusto ko po para parehas na kaming chubby para hindi na po lang ako ang pinanggigilan ng lahat."

"Ahh…ahahahaha…ikaw bata ka talaga bakit si Tum-Tum rin naman chubby ah."

"Kaso medyo baby pa po sya eh kaya iyakin sya kapag pinipisil ang pisnge niya."

"Hehe…ikaw talaga nasan nga pala sila ate Faith?"

"Ahhh…tumawag kasi ang kuya ni Faith gusto raw nila na umuwi muna doon ang kapatid nila kasi may bagong bukas na gym na naman ata doon sa lugar nila yug mga kapatid ni Faith tsaka gusto rin nil ana makita yung bago nilang pamangkin."

"Ohhh…kasama si kuya Keith?"

"Ah, hindi may pasok kasi pero susunod ata sa weekend."

Napatingin naman si Kelly kay Jacob na may hinahanap sa shelves ng mga cd's "baby anong hinahanap mo?"

"May assignment po kasi ako sabi ng teacher ko mag hanap raw po kami ng lumang cd."

Nagkatinginan naman yung mag hipag at sabay nilang sinabi "para san?"

"Assignment nga po hindi niyo po ba ako narinig?"

"Jacob!"

"Ah…eh…mommy kasi assignment nag po naming para kay Ma'am Yumi sya po yung music teacher naming."

Pabulong bulong si rica kay Kelly "yan ang na mana niyang ugali sa kuya mo parehas silang mainitin ang ulo."

"Hehe…actually lahat ata kaming mag kakapatid ate mabilis uminit ang ulo."

"Pansin ko nga. Hehe…"

"Tita Kelly, ditto ka po ba tutulog?"

"Ah…eh…oo dito may inaasikaso kasi ang tito Patrick mo. Bakit may kailangan ka ba?"

"Gusto ko po sanang mag paturo ng math and science sa inyo."

Napatingin si Kelly kay Rica na parang bang sinasabi na "bakit hindi sayo sya mag paturo?"

"Ba—Bakit sa tita Kelly mo pa ikaw mag papaturo andito naman si Mommy ah. Ayaw mo ba sakin magaling naman ako sa math at science baby."

Busy pa rin na pumili ng cd nya itong si Jacob "mommy, hindi ko naman po sinabing hindi kayo magaling don ang sakin lang po kapag kasi kayo ang nag tuturo sakin hindi po ako nakakatapos sa assignment ko."

"Ha? Bakit naman?" Ang tanong naman ni Kelly.

"Paano po imbes na math o ibang subject pa yan napupunta at napupunta lang po kami sa isang subject parati kahit wala naman po akong assignment doon."

"Anong subject naman yon kung ganon?"

"English po alam niyo na call center si mommy kaya gusto niya perfect ang diction ko tapos dapat rin daw po right yung grammar ko."

"Baby naman gusto ko lang na maging fluent ka."

"Oh, yun naman pala eh ayos lang yun kaso nga lang ate hindi niya natatapos yung assignment nya. Ha…Ha…Ha…"

"Oo nga eh ending sa daddy niya nalang sya nag papaturo."

"Kaya mommy wag na kayong umasang sa inyo ako mag papaturo ng iba kong subject. Tandaan niyo grade 2 palang po ako at 8years old."

"Hahaha… hindi pa rin sya nag babago napaka matured niyang bata nung 5years old sya ganyan na sya eh para ka parin talagang 50years old, baby."

"Tita naman sinabi niyo na pong para akong 50years old tapos dinagdagan niyo pa ng baby sa dulo?"

"Hahaha…ang cute mo talagang bata ka."

"Alam ko po yun since birth."

Natawa naman yung dalawang mag hipag kay Jacob at dumating na rin noon si Kevin.

"Andito na ko."

"Tito Kevin!!!" Ang salubong ni Jacob.

"Oh, andito ka? Kala ko weekend pa ang uwi niyo ni Patrick dito?"

"Yeah…something happened eh kaya napaaga ang uwi ko dito."

"Are you okay?"

"Oo ayos lang ako kuya ang daddy ni Patrick ang hinde."

"Hmm? Why?"

"Ahh…nasa DLRU nga pala yang kuya mo kaya hindi niya alam na nasa DLRH sila Patrick."

"Wait, ano bang nangyare?"

"Nahimatay si daddy kanina habang nag me-meeting sila."

"Ha? Walang nabanggit sakin si May."

"Busy kasi sya kuya eh inaayos na nila yung will ni daddy."

"Eh?"

"Gusto ko nga pumunta sa hospital para makamusta ko man lang si daddy kaso ayaw akong payagan ni Patrick."

"Tama naman sya delikado rin sayo kasi nga buntis ka kung anu-anong sakit ang nandun."

"Pero gusto ko makita si daddy baka kasi mamaya huli na ang lahat hindi ko na sya makitang…"

"Wag kang mag salita ng ganyan magiging ayos rin si tito."

"Tama ang kuya Kevin mo Kelly magiging ayos rin ang biyenan mo mag dasal lang."

"Oo ate pray lang pero kasi inaalala ko si Patrick baka magalit sya sakin kapag nalaman niyang alam ko yung tungkol sa kondisyon ng daddy niya."

"Ano?" Ang pagulat na sambit ni Patrick at nagulat rin naman sa kaniya sila Kelly.

"Pa—Patrick? Kanina ka pa ba diyan?" Ang sabi ni Kevin na nauutal utal pa.

Walang anu't anuman lumapit si Patrick kay Kelly at ang higpit ng pagkakahawk nito sa braso ng asawa niya "kailan mo pa alam ang kondisyon ni daddy? Bakit hindi mo sinabi?!!!"

Takot na takot si Kelly kay Patrick na talaga namang galit na galit dahil yun ang unang pagkakataon na sinigawan sya nito at ang mga mata rin nito ay nanggigil sa galit "na---nasasaktan ako bitawan mo ko."

Itinulak naman ni Kevin si Patrick dahil nakita niyang ang higpit ng hawak nito sa kapatid niya at natatakot na "ano bang nangyayare sayo Patrick? Sinasaktan mo na ang kapatid ko!"

"So—Sorry po kuya hindi ko na kasi alam ang gagawin ko."

Nag simula ng umiyak si Patrick at nilapaitan siya ni Kelly at niyakap "wag ka ng umiyak ayaw ni daddy na malungkot kaya nga hindi niya pinasabi sa inyo ang tungkol sa kondisyon niya hindi ko naman talaga ginustong mag lihim sayo pero hindi ko matanggihan si daddy. Sana mapatawad mo ko."

Niyakap naman sya ni Patrick at humingi sya ng tawad kay Kelly sa nagawa niyang mali "sorry pangako hindi na mauulit."

"Wag mo ng alalahanin yun naiintindihan kita kamusta si daddy?"

"Nagising pa sya kanina pero ngayon…"

Doon na humagulgol ng humagulgol si Patrick sa kakaiyak dahil nawalan na nga ng buhay ang daddy nila at sobra talaga ang pag hihinagpis na nararamdaman ni Patrick dahil parehas sila ni Kelly na malapit sa kanilang mag daddy.

***

Kinabuksan nakaitim ang lahat at naiuwi na rin sa bahay ng urn na may lamang abo ni Mr. Ricardo dahil na rin sa sa kahilingan nito noong nabubuhay pa lamang sinabi niya na kay Patricia na gusto niya ng solemn na family at mamalapit na kaibigan lang ang magsasama sama kapag sya ay yumao na kaya cremation ang gusto niya. Dahil alam niyang kapag open public ang burol niya mag sisidalo pa pati ang media at alam nyang ayaw ng mga anak niya ng ganon.

"Are you okay?" Ang tanong ni Kevin kay May na inaalalayan niya.

Nagdaos ng misa sa bahay ng mga Santos ng maiuwi nag urn ni Mr. Ricardo sa bahay nila.

"Um…ayos lang ako wag mo kong alalahanin."

Inaalalayan naman ni Richmond ang mommy nila na si Patricia na tahimik lang at nakaupo sa unahan.

Samantala nasa likuran naman nila sila Kelly at Patrick "hubby, gusto mo bang kumain muna? Hindi ka pa nakain simula kagabi."

"I'm okay... Lalabas lang muna ako gusto kong makalanghanp ng sariwang hangin."

"Samahan nakita."

"Hindi na gusto ko lang muna sanang mapag isa."

"O—Okay."

At lumabas nag muna si Patrick nilapitan naman ni Richmond si Kelly "hayaan mo na muna sya."

"Oo kuya."

Bumalik namang agad si Richmond sa tabi ng mommy nila habang nakamasid parin si Kelly kay Patrick na patungong hardin "bata palang kami ganyan na sya kapag nalulungkot sya gusto niyang mapag isa." Ang sambit ni Dave na lumapit kay Kelly.

"Oh, nasan si Mimay?"

"Umuwi na iniwan lang kasi namin si Meinard sa tita niya eh may trabaho pa yun kaya yun."

"Ahh…eh ikaw?"

"Sabi niya dito na muna ako baka kasi kailanganin ako ni Patrick pero sa tingin ko kahit ikaw hindi niya muna papansinin."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nung namatay kasi yung aso niyang si Cusaire sobrang na depressed siya gusto niya lang palaging nag iisa ganyan yung hardin kasi ang comfort zone niya ilang oras sya diyang tatambay bago sya lumabas. Pero nung namatay ang bunso nilang kapatid na si Paula akala ko magiging okay na sya kapag nag punta na sya sa hardin kaso hindi umalis pa sya ng bahay nila at samin nanuluyan ng ilang taon."

"Sabihin mo paano ko maibabalik ang dating Patrick? Ilang taon palang kaming nagsasama at kumpara sa kaalaman ko mas higit parin ang nalalaman mo sa akin about sa kanya."

"Well, sigurdo nga oo perosa tingin ko hayaan mo nalang muna sya tsaka wag mo syang masyadong alalahanin baka ma stress ka makasama sa baby niyo."

"Inaalagaan ko naman ang sarili ko kaya wag kang mag alala kaso ang inaalala ko ang tatay ng baby ko."

"Wag kang mag alala master sa tingin ko naman magiging okay rin sya eventually ngayon pa at mag kakanak na kayo. Pero sana lang intindihin mo sya kung biglang mag bago ang mood niya."

"Um…sige tatandaan ko yan. Kahit na sanay naman na ako sa mood swing niya pero… alam ko magiging doble pa ang pagiging angry mode nya kaya hayaan mo hahabaan ko pa ang pasensya ko."

","

Lumipas ang ilang araw wala parin sa mood si Patrick hindi pa rin siya yung dating Patrick na sobrang energetic na talagang sinasabayan ang toyo ni Kelly.

"Nasan ang ang papel dito sa ibabaw ng kama?" Ang pagalit ng tanong ni Patrick sa nag susukalay na si Kelly dahil kapapaligo niya palang.

"Yung contract ba? Itinago ko na nasa vault na natin nakita ko kasi nasa kama lang baka ka ko mawala eh kaya tinago ko na."

"Sa susunod mag tatanong ka muna!"

"O—Oo sorry."

Hindi na kumibo si Patrick at nag punta nalang sa study area doon rin mismo sa kwarto nila "hi—hindi ka pa ba matutulog?"

"Mauna ka na may tatapusin pa akong pipirmahan na mga papeles."

"Si—Sige gusto mo bang ikuha kita ng hot choco?"

"Hindi na matulog ka na nga!"

"Si—Sige…goodnight matulog ka narin agad ha?"

"Oo na ang ingay mo hindi ako makapag concentrate ditto."

"So—Sorry…"

Parang nabaliktad ang sitwasyon ngayon ang dating Kelly na sisiga siga pag dating kay Patrick ngayon si Kelly na ang nag papakumbaba para sa dating Patrick na parating nahingi ng sorry sa kaniya.

***

Kinaumagahan,

Nagising nalang si Kelly na bihis na si Patrick kay dali-dali syang bumangon para ayusin ang necktie ni Patrick kahit hindi pa sya nakakasuklay o toothbrush man lang.

"Bakit hindi mo ko ginising sana naiayos ko ang isusuot mo."

"Hindi na kailangan may kamay at paa ako hindi ako baldado kung inaantok ka pa matulog ka muna alis na ko baka gabihin na ako ng uwi kaya wag mo na akong itayin."

"O—Oh sige bukas nga pala check up ko sa OB sasama ka ba?"

"Hindi ko alam ngayong ako na ang bagong Chairman sa SM Corp.marami na ang mag babago satin kaya sana maunawaan mo. Tawagan mo nalang si Mimay o Aliyah para samahan ka kung gusto mo pasasamahan nalang kita kay Ms. Maricar."

"Ah…hi—hindi na kaya ko naman andiyan naman sila kuya na kahit sobrang busy they make sure na may time parin sila para sakin."

"Kelly naman! Ang aga mo kong dramahan."

"Huh! Drama? Okay fine, simula ngayon hinding hindi na ko mag sasalita kapag nandito ka. Baka kasi kailangan ko pang mag pa appointment para makausap ka MR. CHAIRMAN!" Nag walked out si Kelly at niyapakan niya pa ang paa ni Patrick.

"Aw…aw…aw…Kelly! Bumalik ka dito!"

.

.

.

.

.

"Minsan sa pag mamahal yung akala mong sobra na kulang parin pala. Kaya matuto tayong makinig sa isip natin wag puro puso ang pairalin."

Intense ba ang sagutang KelRick? Magiging masaya ang sagutan kung sasabihin niyong bet niyo yung quotable quote ko sa last part. WAHAHAHAHA... emote pa more nadadala ako sa bugso ng damdamin ng KELRICK. >_<

lyniarcreators' thoughts