webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
463 Chs

Kabanata 260

10am sa Condo ni Patrick,

"Ding... Dong..."

Nakailang doorbell na yung staff ng condominium bago pa man nagising si Patrick "Mmm... Ang ingay!"

Pag mulat niya napansin niyang wala syang pantaas at pambabang kasuotan "Hmm?"

"Ding... Dong..."

"Andiyan na!!!"

Pag angat niya ng kumot doon niya nakita si Kelly na undies lang ang kasuotan tapos tulog na tulog.

Sa gulat ni Patrick nahulog sya sa kaniyang kama ng makita niyang walang suot na damit si Kelly.

"A— Anong..."

"Ding... Dong..."

"A— Andiyan na."

Pandalas na kinuha ni Patrick yung unan at tinakip sa down part ng kaniyang katawan at kinuha ang bathrobe at sinuot kumuha na rin sya ng mask at pinuntahan na agad yung nag doorbell "Good morning po Sir pasensya na po sa abala nais ko lang po na ibigay sa inyo at sa asawa niyo itong result ng swab test niyo." Ang sabi ng lalaking staff.

Pero nakatulala lang si Patrick at di nakibo "Sir? Sir!!!"

"Ha? Ano yon?"

"Here's the results of the swab test that we made to you and to your wife."

"Wi— Wife? Sinong wife?"

"Hmm? Hindi po ba asawa niyo yung kasama niyo diyan sa condo niyo?"

"Oh... Ah... Ye— Yes yung asawa ko!!!"

Bigla namang nag panic si Patrick at kinuha na yung results dun sa staff at pumasok agad "Anong nangyari dun? Siguro nasa honeymoon stage palang sila. Sighh... sana all may partner na sa buhay." Ang sabi nung staff at umalis na rin.

Itinapon na lang ni Patrick yung brown envelope na bigay nung staff at dali-dali syang pumasok sa kwarto at nakita niyang tulog pa rin si Kelly na wala ng kumot. "Naku po jusko!" Yun agad ang nasabi nya tapos ipinikit niya agad ang mga mata niya at dahan-dahang kinumutan si Kelly.

Nanlambot ang mga tuhod niya sa nakita niya kaya na out of balance nalang sya at napaupo sa sahig at para bang nawalan sya ng energy "Ano ba ang ginawa ko??? Bakit naka hubad si Kelly? AHHHHH!!! Bakit wala na naman akong maalala?" Ang sambit ni Patrick habang sinasampal ang sarili.

"May nangyare kaya samin? Ano na ang gagawin ko? Baka mapatay ako ng mga kuya niya. Pero... kung may nangyare samin dapat may..."

Pandalas ng tumayo si Patrick at lumapit sa kama at may sinisipat syang kung ano "siguro naman virgin pa sya kaya sure akong kung may nangyare samin may dugo dapat ang bedsheet." Dahan- dahan niyang iniuusod si Kelly para hindi magising pero natatakot syang magising ito kaya di na niya hinanap kung may stain ba yung sheet.

Nag pasya nalang sya na tawagan ang ate May niya "Hello ate..."

May: Aba! Buti naman at marunong ka pang gumamit ng cellphone mo lintek ka! BAKIT NGAYON KA LANG TUMAWAG?!"

Nabingi naman si Patrick at lumabas sa may balcony para doon kausapin ang ate niya .

"Ate..."

May: Alam mo bang nagpunta dito ang mga kuya ni Kelly at galit na galit sayo kaya siguraduhin mong wala ka talagang ginawang kung anong kababalaghan! Dahil sigurado akong pati sila daddy magagalit sayo!"

Patrick: Pero Ate...

May: Wait, bakit ganyan ang tono ng pananalita mo? Don't tell me...

Patrick: Pero hindi ko naman sinasadya.

May: PATRICK!!!

Patrick: Ano ang gagawin ko ate?

May: Ano? So, may nangyari sa inyo?

Patrick: Ah... eh...

May: Sandali, nasan si Kelly?

Patrick: Tulog pa sya.

May: Ano? Tulog pa? Tanghali na ah! Ano ba kasing ginawa mo?

Patrick: Ate maniwala ka hindi ko talaga alam.

May: Anong hindi mo alam? Bwiset ka, pinagod mo si Kelly kaya ganyan tulog pa sya tapos sasabihin mo di mo alam kung anong nangyari? Makakatikim ka talaga sakin ng sampal kapag nakita kita!!!

Patrick: Pero ate... Anong gagawin ko? Natatakot ako.

May: Anong natatakot? Ginawa mo yan tapos natatakot ka? Don't tell me pinilit mo si Kelly? Nako Patrick!!! Mapapatay ka talaga ng mga kuya ni Kelly.

Patrick: Pero ate, wala talaga akong ginawa hindi ko nga maalala kung meron man.

May: Hayyyysss... kahit kailan talaga sakit ka ng ulo!!! Pupunta ako diyan bukas na bukas siguraduhin mong di aalis si Kelly naiintindihan mo?

Patrick: Oo ate pero bakit bukas pa? Ngayon ka na pumunta dahil sigurado akong pag nagising si Kelly baka mag wala ito.

May: Alam mo naman na pala ang drill eh kaya magpabugbog ka muna! Bwiset kang bata ka 21 palang si Kelly di ka nakapag intay!!! Masyado kang hayuk sa laman."

Patrick: Pero ate wala talaga akong ginawa! Maniwala ka naman!!!

May: Ah basta! Meron man o wala kailangan mo na yang panagutan kasal na rin naman kayo sa mata ng batas siguraduhin mo lang na pakalmahin mo si Kelly ako ng bahala bukas. Last day na ng quarantine niyo kaya di ako makakapunta diyan ngayon kaya mag tiis ka muna.

Patrick: Si— Sige ate.

"THUD!"

May: Ano yung ingay na yon?

Patrick: Teka lang ate mukhang nagising na si Kelly.

May: Pa— Patrick...

Dali-dali namang pumasok si Patrick sa kwarto at iniwan ang phone niya pero wala doon si Kelly nakita niya nalang ito sa cr na nakahiga na sa sahig pero bihis na "A— Anong nangyare?"

"Aww... my back hurts."

Nakita ni Patrick na may sabon sa sahig at marahil nayapakan ito ni Kelly at nadulas kaya humantong sya sa ganoong sitwasyon at nung palapit na sya dito "Wa— Wag kang lalapit!!!"

"But I just want to help you."

Dahan- dahan namang tumayo si Kelly kahit masakit ang likod nya sa pagkabagsak niya ngunit na out of balance siya dahil hindi niya maitapak ng ayos ang kanang paa niya pero na salo naman syang agad ni Patrick "I think na sprain ang right ankle mo."

"Lemme go!"

Binuhat siya ni Patrick at sinabing "No! Hindi ka nga makapaglakad ng ayos ganyan ka parin pwede ba kahit ngayon lang ibaba mo muna yang pride mo? Wala akong gagawing masama sayo kaya mag behave ka kung ayaw mong dito ka lang mag hapon sa cr."

Natahimik nalang si Kelly at dinala na sya ni Patrick sa kama at iniupo "Dito ka nalang muna kukuha lang ako ng hot compress para diyan sa paa mo."

"Hindi na kailangan kaya ko na."

Hinawakan ni Patrick ang injured na paa ni Kelly at napasigaw ito sa sakit "See, yan ba yung kaya? Hinawakan ko lang ng bahagya yang paa mo namilipit ka na agad sa sakit."

"Humph!"

Patrick sighed "mag intay ka lang diyan at wag mag likot!"

"Whatever!"

Lumabas nalang ng tahimik si Patrick at kumuha agad ng hot compress para sa paa ni Kelly "Aww... dahan-dahan naman!"

"Sorry wag ka kasing malikot."

"Ako na nga!"

"Okay sige ikaw na kukuha lang ako ng gamot para sa paa mo."

"Wag na nga mamaya ayos na rin ito."

"Heh!"

Hindi nakinig si Patrick kay Kelly at kumuha na nga sya ng maaaring pwedeng ilagay na gamot sa paa nito "Ito lang patches ang nakita ko sa medicine cabinet ko pero tumawag na ako sa staff dito at magpapadala na sila ng doctor para sayo. Kaya endure mo muna yung sakit okay?"

Matapos niyang sabihin ang linyang iyon napatingin siya kay Kelly at hindi niya inaasahang nakatitig pala ito sa kanya habang nilalagay niya yung patches "Is there something wrong? May masakit pa ba sayo?"

"Ha? Wa— wala na."

Tumayo si Patrick at naupo sa tabi ni Kelly sa kama pero hindi gaanong malapit "Ahm... yung ano... kagabi..."

"Stop!!!"

"Ha?"

"Ahem... ayokong pag usapan."

"O— okay pero pangako hindi ko sinasadya yung nangyari."

"I said stop it!"

"Pero... gusto ko lang na malaman mo rin yung side ko dahil wala akong maalala sa mga nangyari."

"Oo ganyan ka naman! Lagi ka nalang walang maalala tapos ang rason mo may amnesia ka."

"Pero... I will take the responsibility pangako magiging mabuting daddy ako sa magiging anak natin."

"Ano? Anak?"

"Oo."

Hinawakan pa ni Patrick ang mga kamay ni Kelly para malaman nitong sincere sya "kaya simula ngayon pagsisilbihan na kita bilang asawa at magiging ama sa anak natin."

"Anong pinagsasabi mo? Bitawan mo nga ko!"

Binitawan naman Patrick si Kelly sa takot niya "Pero hindi ba may nangyari satin kagabi?"

"What? Baliw ka! I'm still virgin no! At hinding hindi ko ibibigay ang puri ko sa hindi ko asawa."

"Pero asawa mo na nga ako. Kaya wag ka ng mahiya dahil pangako paninindigan ko ang lahat ng nangyare." Inilagay niya pa ang kamay ni Kelly sa dibdib niya na nakatapat sa puso pero tinulak siya nito.

"Ano ba!!! Wala ngang nangyare!!! 21years old palang ako at hindi pa ako ready na mag ka anak at gawin yung gross na...basta ayoko!!! Kaya wag kang mag assume diyan!!!"

"Pero... nagising ako na nakahubad ako tapos ikaw naka ano lang..."

"Heh! Wag mo ng ituloy! At sinasabi ko sayo oras na ipagkalat mo yung about dun malilintikan ka talaga sakin! Mata mo lang ang walang latay!"

"So, wala talagang nangyare satin?"

"WALA NGA!!! LABAS!!!"

"Pero... Bakit..."

"LABAS!!!"

Pandalas naman ng lumabas si Patrick ng kwarto sa takot niya sa sigaw ni Kelly "Bwiset na yon anong akala niya sakin easy to get girl? Kapal niya! May nangyare daw eh tulog na tulog nga sya. Ungas talaga!"

Pagkalabas naman ni Patrick ng kwarto "Wala nga kayang nangyari samin? Sa bagay, kung meron nga iiyak na sya panigurado at yung tipo naman ni Kelly yung babaeng di talaga nag sisinungaling pero ano ba talaga ang nangyare kagabi?"

***

Ang nakaraang pangyayari kagabi...

Nagising sa katotohanan si Kelly na kapag may nangyare sa kanila ni Patrick baka di niya mapanindigan ang pagiging ina gayon rin ang pagiging mabuting asawa. She actually love Patrick but Kelly was undeniable to her feelings towards him.

"I love you Kelly."

"Thanks..."

Walang pag aalinlangan ang sagot ni Kelly na thanks kay Patrick "Why do you love me?" Dagdag pa ni Kelly.

Parang lasing si Patrick kung umasta "I love you for who you are. Mahal kita kasi asawa kita you're my wife, so you're mine."

Tinangka ulit halikan ni Patrick si Kelly pero tinulak siya nito "stop, mali ang ginagawa natin hindi pa ko ready at lalong hindi ka pa handa para sa responsibility lalo't may amnesia ka. Ayoko ng ganito gusto ko bumalik ang dating ikaw bago tayo mag sama gusto kong maalala mo ang mga ipinangako natin sa isa't isa noon."

"Pero hindi pa ba sapat na mahal kita? I will take the responsibility pangako hindi ako magiging iresponsableng asawa."

Niyakap ni Patrick si Kelly "bitawan mo nga ko!" Tinulak na naman niya si Patick at sumalagmak na ito sa sahig ng banyo. "Ni hindi mo nga alam ang ginagawa mo ngayon may sakit ka at sigurado akong makakalimutan mo ang mga ito!" Dagdag pa ni Kelly.

Nanghihina na si Patrick at pasuray suray ito sa pag tayo "No, I'm okay!!!"

"Huh! Okay? Pero ni hindi ka nga makatayo ng ayos diyan." Tinulungan niya sa pag tayo si Patrick.

"Sorry..."

Kelly sighed "oo na puro ka nalang sorry naiirita na ko."

Hinawakan ni Patrick ang mukha ni Kelly at niyakap niya ito at humingi muli sya ng tawad "Sorry... dahil di kita maalala... sorry dahil parati nalang kitang nasasaktan at pinaiiyak. At sorry dahil ako ang gagong si Patrick."

"Hayyyys... oo na sige pag bibigyan kita ngayong gabi pero umayos ka ang bigat mo!!!"

Pero di na kumibo si Patrick dahil nakatulog na pala ito "Patrick? Hoy! Patrick!!!"

Hok... Hok... Hok...

"Ayyyyssss... tinulugan na niya ko!!!"

Bigat na bigat si Kelly kay Patrick kaya ng makarating sila sa kama hingal na hingal sya kaya binitwan niya na ito without any care "Asar! Napaka bigat niya dalawang taon ba syang tumira sa gym? Bakit kasi kailangan niya pang mag palaki ng katawan? Sasali ba sya sa boxing or something. Buset!"

Dahil sa pagod hindi na niya binihisan ng damit si Patrick at tinggal nalang din niya ang suot nitong shorts habang may taklob itong kumot "Kainis! Si Jacob nga kaya na niyang mag hubad at mga bihis ng damit niya tapos dito sa lalaking ito magiging babysitter ako nakakauma na!" Tinapon niya nalang basta yung short ni Patrick na may kasamang pandidiri.

"Hayyyyyyyy....Pagod na ko at inaantok."

Hinubad nalang ni Kelly ang suot niyang damit at short habang nakaupo sa kama at nung tatayo na sya bigla namang gumalaw si Patrick at hinila siya "Hoy! Pervert!!! Bitawan mo ko!!!"

"Mmmm... wag kang malikot baka magalit si Kelly."

"Ano? Ungas na ito sinong kinakausap mo sa panaginip mo ha?" Tinulak niya si Patrick pero dahil nga pagod na sya at inaantok wala syang sapat na lakas dahil ang higpit na rin ng pagkakayakap sa kaniya ni Patrick.

Pero biglang nalang may naramdaman siyang kung ano sa bandang baba na kagagawan ni Patrick "A— Ano yung..."

Pandalas na sa pag pupumiglas si Kelly dahil hindi maganda ang posisyon niya at alam niyang walang suot na kahit ano si Patrick pero pagod na sya kaya hindi sya makalayo dito "Haaaaaaa... bakit ganito ang nangyayare sa buhay ko? 21years old lang ako pero bakit may ganito? Masyadong SPG!!! Dadddyyyyyy..."

Sa antok at pagod nga ni Kelly nakatulog na sya habang yakap sya ni Patrick at hindi na rin niya alintana ang kanyang kasuotan.