webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
463 Chs

Kabanata 207

"Pa— Paano mo nalaman?"

"Instinct tita instinct."

"Pero baby, wag kang maingay kila kuya ha? Ayoko pang mabalatan ng buhay."

"Pero hindi po ba nag promise na kayo na di na po tayo mag sisinungaling kila daddy?"

"Ehhh... Oo nga pero baby magagalita talaga sila kuya kapag nalaman nila na mag bf na ko baka nga mag wala pa sila. Gusto mo ba yon papagalitan na naman ako?"

"Hindi naman po sa gusto ko kayo g mapagalitan pero..."

"Wag kang magalala promise last na ito at hindi na mauulit kaya please baby hell mo si tita."

"Sige na nga po pero sa isang kondisyon."

"Kondisyon? Ano naman?"

"Kayo na po mag ligpit ng pinagkanan na natin ayoko po talaga ng magliligpit eh."

Hinaawakan ni Kelly ang bubonic ni Jacob and she strokes it "Luko kang bata ka kala ko kung ano na sige na nakain pa naman ako eh ako ng bahala dine umakyat ka na at maligo."

"Ayos! Thankies tita Kelly."

Samanatala,

Habang nagba bike yung tatlo nakiwanan si Patrick dahil hindi siya marunong mag bike kaya nag pasta si Vince na huminto nalang "Bakit ka tumigil?" Ang sabi ni Dave.

"Sabihin mo hindi marunong mag bike si Patrick ano?"

Napa tingin si Dave sa likod at napakamot sya sa kaniyang ulo "Pre, pasensya na bungol talaga kasi yan pag dating sa bike marunong sya mangabayo at mag drive ng mga sasakyan pero weak talaga yan sa dalawang bulong."

"Ganyan ba talaga pag mayayaman? Sige na intayin na lang natin siya dine."

At pumagilid nga silang dalawa at naupo sa may damuhan habang inaantay si Patrick "Don't tell me bago pa yang mga bike niyo?" Ang sabi ni Vince.

"Ah... Eh... sa kagustuhan ni Patrick na maka sama kang mag bike nagpabili pa sya sa assistant niya agad agad ayaw niya kasing napahiya sayo kasi nga pinsan ka ni Master. Pero pre, wag mong sasabihin kay Master na di marunong mag bike si Patrick ah nako malilintikan ako."

"Gaano mo kakilala si Patrick?"

"Ha?"

"Naka ilang gf siya bago ang pinsan ko?"

"Ha?"

"O baka may tinatago na syang anak na hindi alam ni Kelly?"

"Ano? Bro, kalma single at NGSB si Patrick at wala syang anak."

"NGSB? As in No Girlfriend Since Birth?"

"Oo, takot kasi sya sa commitment ayaw niyang magkaroon ng gf hangga't di pa sya nagiging matagumpay gaya ng daddy niya bata palang kasi sya idol na idol na niya ang tatay niya kaya gusto niya itong gayahin."

Napa tingin si Vince sa pa semplang-semplang na si Patrick "So, kahit pala mayayaman may drama rin sa buhay?"

"Bakit mo nga pala na itanong?"

"Wala lang, gusto ko lang i-background check yang bff mo."

"Bakit nga pala kayo mag kaaway ni Master?"

"Wag mo ng alamin di mo rin naman mage gets ikaw kayo na ba ni Mimay?"

"Ha? Hindi pa o baka nga hindi na."

"Eh? Bakit naka hanap ka na ba ng bago?"

"Hindi naman sa naka hanap na pero baka hindi naman kami para sa isa't isa ni Mims ang layo ng ugali namin parang hindi kami meant to be. Higit sa lahat sobrang layo ng Capiz sa Manila."

"Well, you have a point pero kilala ko si Mimay hindi yun papayag na di siya naka balik dine sa Manila kay sure akong babalik at babalik rin yon kaya wag kang mawalan ng pag asa sa lukaret na yon."

"Bakit ikaw hindi mo sya niligawan nung nalaman mong mag gusto ka sakaniya?"

"Alam mo minsan kahit na malapit ka pa sa isang tao kapag ang tingin mo lang sa kaniya ay parang kapatid mahirap ng baguhin yon. Lalo na kung hanggang doon nalang talaga yon."

"Ang makata mo ata ngayon?"

At sa wakas dumating na si Patrick na hingal na hingal at puro galos na ang balat "Gu— Guys...."

"Patrick!!!" Ang pagulat na sambit nila Vince at Dave dahil bigla nalang natin ba si Patrick.

"."

Sa Hospital,

"Ate Faith!!!" Ang bungad ni Kelly.

"Oh baby girl! Wala kang pasok?"

"Wala, pasensya na ngayon lang po naka dalaw."

"Hi Tita Faith kamusta po?"

"Oh? Kasama rin pala si Siopao miss mo na ba ako?"

"Opo, wala na po kasing cookies sa bahay eh."

"Lukong bata ito, nga pala ere mah dala kaming fruits para sayo nasan si Keith?" Ang sabi ni Kian at naupo naman na si Kelly at Jacob sa may sofa.

"Salamat kuya, lumabas lang saglit naubusan na kasi kami ng tubig na inumin dine bumili muna sya."

"Bakit di niya pa tinext sakin edi sana kami nalang ang bumili si Keith talaga."

"Nahihiya na kasi kami sayo kuya ikaw na ang sumagot ng bill namin ni baby Tum-Tum dito sa hospital kaya kahit man lang tubig eh makabili kami."

"Wala yon kayo pa ba? Pamilya tayo dine kaya kailangan nating mag tulungan."

Tumayo naman si Kelly at lumapit sa kama ni Faith kung saan ito nakahiga "Oo nga ate Faith, eto o konting tulong binuksan ko ang alakdang sya ko eh para naman makatulong sa inyo ni kuya."

"Ano? Bakit pa? Kelly naman..."

"Ayos lang yan ate maliit nga lang yan kumpara sa bigay nila kuya Kian sa inyong nag anak hayaan mo kapag naka pag trabaho na ako tsaka ako babawi."

Napaluha si Faith at niyakap niya si Kelly "Maraming salamat sa inyo... At pasensya na rin kung naging pabigat na kami."

"Wag mong alalahanin yon hangga't kaya naming tumulong tutulong kami." Ang sabi ni Kian."

"Oo ate wag kang mag alala magiging okay din ang lahat. Ano nga yung sasabihin Siopao?"

"Aja fighting!"

At napatawa sila "Ang cute cute talaga ng baby na yan pa yakap naman si Tita Faith miss ko na ang fluffy texture mo eh."

"Tita Faith talaga diet na nga po ako eh."

"Sus! Diet raw naka ilang bulos ka nga ng kanin kaninang umaga." Ang sabi ni Kian.

"Ehhh... daddy naman."

"Ayos lang yan cute ka naman."

May biglang nagbukas ng pintuan "Check lang po... Oh? Andito na pala kayo." Ang sabi ni Kevin.

"Ikaw naka assign na nurse kay Ate Faith kuya?"

"Ahhh... Oo ni request ko kasi na ako na para mabantayan ko sila ni baby Tum- Tum."

"Nice..."

"Kanina pa ba kayo? Asan pala si kuya Keith?"

"Bakit? Andito na ko... Oh? Andito na rin pala kayo kuya di niyo ko tinext? Na andine pala kayo?" Ang bungad ni Keith na may dalang isang gallon ng tubig.

Bineltukan naman siya ni Kian "Ikaw ang hindi nag text di ba sabi ko sayo kapag may kailangan kayo dito sabihin no sakin para hindi ka na aalis walang kasama ang asawa mo dito."

"Pero kuya nakakahiya na kasi sa inyo kung pati pag bili ng tubig eh iaasa pa namin sa inyo."

Niyakap sya ni Kian at sinabing "Wag kang baliw! Magkakapatid tayo kaya dapat nagtutulungan malalagpasan rin natin ang ganireng pagsubok."

Napa iyak naman si Keith at binago naman ni Kelly ang usapan "Oh, tama na yan sandali lang tawagan na natin si Mama para alam niyang andito na tayong lahat."

"Pero wala pa po si Tito Kim." Ang sabi ni Jacob.

Samantala, kararating lang ni Kim sa hospital at may napansin siyang kakilala,

"Vince? Si Vince ba yon?"

Nilapitan ni Kim yung akala niyang si Vince at nung nakita niya sa malapitan "Oh? Ikaw nga!!! Vince."

"Kuya Kim?"

"Anong ginagawa mo dine? Dumalaw ka ba kay Faith?"

"Ha? Andine si ate Faith? Bakit nanganak na?"

"Eh? So andine nga hindi para kay Faith?"

"Ahhh... Oo si Patrick kasi biglang nahimatay kaya ayun dinala namin sya dine ni Dave kilala mo naman sila di ba?"

"Oo naman bakit ko naman makakalimutan si Patrick? Pero bakit siya nahimatay? Anong nangyare sa kaniya?"