webnovel

Walang Pakinabang ang Sinuman

Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos ay tumalikod na si Shen Ru para umalis. Kailangan na niyang agad na umalis dahil hindi na niya gusto pang makita ang kahit na sino mula sa Lin family!

"Xiao Ru, kung hindi ka naniniwala sa akin, maaari tayong pumunta para magsagawa ng isang paternal DNA test sa ngayon," tumayo si Elder Lin at inanunsiyo ng may patagong pagbabanta. "Sumusumpa ako, ikaw ang anak kong babae, ito ay isang katotohanan maniwala ka man o hindi. Ibig sabihin nito ay isa kang parte ng pamilyang ito, kapag tapos na ang lahat para sa amin, ay tapos na din ang lahat para sa iyo. Kung ang balita ay lumabas na hindi ikaw ang ikalawang anak na babae ng Shen ay naibunyag, ano sa tingin mo ang mangyayari?"

Tumigil sa paghakbang si Shen Ru at nanigas siya. Isang hindi maipaliwanag na takot ang sumunggab sa kanyang puso; pakiramdam niya ay bumabagsak na ang kalangitan at ang lupang kanyang tinatapakan ay yumayanig. Ang buhay niya ay nabaliktad. Naiintindihan ni Shen Ru ang konsikuwensiya na mangyayari kapag naibunyag ang kanyang katauhan!

Sa wakas ay nakapagdesisyon si Shen Ru na isagawa ang DNA test kasama ang Lin family. Matapos niya itong gawin, hindi niya namalayan kung paano na siya nakauwi, at ang katulong ay nagbalita sa kanya, "Madam, tumanggi na namang kumain ang young miss at marami na siyang binasag na mga bagay."

Mula nang maisailalim sa house arrest si Tong Yan, ay hindi ito maalo. Gusto niyang lumabas para makita si Lin Xuan pero wala sa kanyang pamilya ang pumapayag. Maliban doon, ikinukulong nila ito na tila isang bilanggo at ito ang nagpasiklab ng husto ng kanyang galit.

Dati ay nilulunok niya ang kahihiyan dahil may ginawa siyang kasalanan- siguro- pero matapos ang ilang araw, napatid na siya. Nang walang tao sa bahay, nagsimula na siyang manggulo.

Marami siyang binasag na mahahalagang bagay at pinagbantaan pa ang mga katulong at mga butler, "Sino ba kayo sa tingin ninyo na nangangahas na ikulong ako? Umalis kayo sa daraanan ko sa sandaling ito kung hindi ay papatayin ko kayo. Ako ang young mistress ng Tong family; walang mangangahas na hatulan ako sa ilalim ng batas kahit na patayin ko kayong lahat. Kung pinahahalagahan pa ninyo ang buhay ninyo, lumayas kayo sa harapan ko!"

Sa sandaling natapos ni Tong Yan ang kanyang talumpati, pumailanlang ang malamig na boses ni Shen Ru, "Makakaalis na kayong lahat."

Nakahinga ng maluwag ang lahat ng manggagawa dahil sa wakas ay nakauwi na ito.

"Yes, madam." Mabilis na naglabasan ang mga ito ng silid, hindi na gustong magtagal pa ng kahit isang segundo kasama ang spoiled brat na ito.

"Mommy, bakit kailangan mo akong ikulong at tumangging palabasin ako?" Naiiritang reklamo ni Tong Yan. "Ang bagay ay naresolba na at ang sabi ng Xi family ay hindi na nila palalawigin pa ito, kaya bakit lahat kayo ay pinipilit pa din na ikulong ako? Mommy, lumabas naman tayo para magshopping o gumala, mamamatay na ako sa pagkainip!"

Pinag-aralan ni Shen Ru ang mukha ng kanyang anak nang may blangkong ekspresyon, ang puso niya ay napupuno ng iba't ibang emosyon.

Wala na siyang enerhiya o oras para aluin ang kanyang anak, kaya mahina niyang sinabi, "Ito ay para sa kabutihan mo na din. Makakalabas ka din ng malaya pagkatapos ng ilang araw pero hindi sa ngayon."

"Bakit hindi?" Pangungulit ni Tong Yan, hindi niya maintindihan kung bakit ginagawa nila ito sa kanya. "Mommy, wala akong pakialam, kailangan kong lumabas ngayon. Kung hindi, gugutumin ko ang sarili ko hanggang sa mamatay ako dahil wala naman ni isa sa inyo ang may pakialam sa akin!"

Kung noon, gamit ang pagbabantang iyon, ay mapapahinuhod ni Tong Yan ang kanyang ina at papayagan siya na gawin ang lahat ng gusto niyang gawin, pero sa ngayon ay wala talagang lakas si Shen Ru para pagbigyan ang mga kagustuhan nito.

"Kung ganoon, sumige ka, pero sa pagkakataong ito ay hindi ka maaaring lumabas ng pamamahay na ito. Kapag tumanggi kang makinig, ipapadala kita sa military school at hindi ka na magiging malaya pa kahit kailan."

Nanlalaki ang mga matang napatingin si Tong Yan sa kanyang ina. Inisip niya na aaluin siya ni Shen Ru at pagbibigyan ang kanyang mga kahilingan. Hindi niya inaasahan na ipagsasawalang-bahala siya ni Shen Ru at bantaan siya na ipapadala siya sa military school.