webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Fantasi
Peringkat tidak cukup
86 Chs

Tahanan

Di nagtagal ay nakabalik na si Ye Song sa kanilang bahay.

Pagbukas niya ng pinto ay may biglang sumalubong na sipa sa kanyang tiyan.

"Pak!"

Si Ye Song ay nagulat at napahawak sa kanyang sikmura sa sakit.

habang siya ay namimilipit sa sakit ay may narinig siyang boses.

"San ka ba nagpunta! akala namin ay kinain ka na ng mga halimaw!"

Tumingala si Ye Song at nakita niya ang isang batang babae na nasa 12 years old ang edad na umiiyak.

Ang batang ito ay may magandang itsura at pwede mong mapagkamalang kpop idol.

Ito ay ang kanyang nakababatang kapatid na ang pangalan ay Ye Ri.

Si Ye Song ay napangiti habang nakatingin sa kanyang kapatid at sinabing,

"Pasensya ka na Ye Ri, lumabas lang si Oni-Chan para kumuha ng rasyon sa bayan.."

Habang sila ay nag uusap ay may biglang lumabas na magandang babae sa kusina.

Meron itong pagkakahawig kay Ye Ri pero mas muka itong matured.

Ito ang nanay ni Ye Song, si Yuna.

"Mabuti naman at nakabalik ka na, meron bang nangyari habang nasa labas ka? may nakita kaming portal malapit dito sa lugar natin kaya nag aalala kami at baka may nangyari sayo.."

Pag aalalang sinabi ni Yuna kay Ye Song.

"Okay lang naman ako ma, wala naman nangyari saken"

Nakahinga na ng maluwag ang nanay ni Ye Song at sinabing.

"Akala ko aatakihin ng mga halimaw itong lugar natin. malayo tayo sa bayan at kakaunting tao lang ang may lakas ng loob para lumaban sa mga halimaw dito satin dahil ang pinaka "lowest class" lang ang namumuhay dito.."

Paiyak na sinabi ni Yuna.

"Naisip namin na umalis kaso nag aalala kami sayo dahil dalawang oras kang late sa usual na uwi mo kaya akala namin ay.."

Tumingin si Yuna sa kanyang anak na may luha sa kanyang mga mata.

Nang marinig ito ni Ye Song, niyakap niya ang kanyang nanay at sinabing.

"Pasensya ka na ma, at pinag alala kita.."

"Okay lang basta ang mahalaga walang nangyari sayo anak.."

Nang medyo kumalma na ang kanyang nanay, tinanong niya si Ye Song.

"Siya nga pala, nakita mo ba yung kidlat na bumagsak? Akala namin ay magugunaw na ang mundo sa lakas ng kulog at kidlat pero nagtaka kami dahil nakita namin na pinupuntirya lang nito ay ang mga halimaw.. nakakapagtaka.."

Napaisip ng malalim si Ye Song sa narinig niya at sinabing.

"Hindi ko alam kung ano yun, Siguro meron malakas na "Chosen" ang nag evolved."

Tinitigan ni Yuna si Ye Song ng ilang segundo bago sabihing.

"Mag iingat ka, dapat laging tama sa oras ang pagbalik mo dahil mag aalala kami ni Ye Ri pag wala ka pa dito sa bahay.."

"Sige ma."

Tiningnan ni Ye Song ang kanyang nakababatang kapatid na nasa sulok, ngumiti sya at dahan-dahang nilapitan si Ye Ri at nilambing.

"Nag-alala ka ba para kay Oni-Chan? :)"

Biglang nahiya si Ye Ri dahil sa tanong ni Ye Song at dali-dali niyang sinagot.

"Hmph! sinong nag-aalala para sayo! iniintay lang kita dahil nagugutom na ako!"

Pagkasabi niya nito ay bigla siyang tumakbo paakyat sa hagdan.

Habang tumatakbo ay sinigawan niya si Ye Song at sinabing.

"At tigilan mo pagtawag sa sarili mong Oni-Chan! hindi ka Japanese Bleh!"

Napatulala si Ye Song at napagtanto niyang masyado na siyang nalulong sa anime na akala niya na siya ay isang Japanese.

Makalipas ang isang araw na pagpapahinga, Nagmadali si Ye Song papuntang bayan para kumuha ng rasyon na kakainin nilang pamilya sa buong araw.

Habang nasa daan, sinabi niya sa kanyang sarili,

"Magpaparegister ako bilang Chosen para makalipat na kami sa bayan nila mama, Sosorpresahin ko sila pagbalik ko sa bahay mamaya. ano kaya magiging itsura nila pag nalaman nilang isa na akong Chosen. Hehe"

Habang naglalakad ay nakikipag usap rin siya sa System sa kanyang kaisipan.

"System, Alam mo ba kung paano ako makakapatay ng mga halimaw?"

*Ding*

*Nag uupdate pa ang iyong stats pero madali ka na makakapatay ng mga halimaw. Kailangan mo lang magkaroon ng experience sa pakikipag laban. Dahil sa espesyal na pangyayari kung paano ka nag evolve, nakakuha ka ng basic reflex at iba pang kailangan para masigurado ang iyong kaligtasan sa oras ng panganib*

"Sige, subukan natin kung gaano ako kalakas"

Nagpunta si Ye Song sa tabing ilog at tumakbo ng mabilis patungo sa tubig.

Sinusubukan niyang tumakbo sa tubig..

Sa sandaling iyon, Ang imahe niya ay mistulan naging malabo sa sobrang bilis ng kanyang galaw.

Sa tunog na Splash! ang tubig ay nahati sa gitna at nakarating siya sa kabilang parte ng ilog.

Pati si Ye Song ay nagulat sa nangyari at hindi niya matago ang tuwa sa sarili.

"Para na akong si Superman! o kaya si Saitama pero may buhok! haha!"

Masayang sinabi ni Ye Song sa kanyang sarili.

-

Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na rin si Ye Song sa bayan.

Ang tawag sa bayan na ito ay Everest. Isa ito sa mga bayan sa huling kontinente ng mundo na hindi pa nasasakop ng mga halimaw.

Mayroong dalawampung bayan ang nakakalat sa paligid ng Freedom Land.

Bawat bayan ay may kanya kanyang jurisdiction, ang ibig sabihin nito ay kailangan nilang ipagtanggol ang lugar na nasasakupan nila para sa mga taong naka survive sa invasion ng mga halimaw.

Pero ang mga Chosen lang at ang kanilang mga pamilya ang pwedeng makapasok at tumira sa loob ng bayan na tulad nito.

Dahil prayoridad ng mga namumuno sa bayan ang ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga halimaw kaya mas inuuna nilang asikasuhin ang mga napiling tao o mga Chosen na tumira sa loob ng bayan.

Para sa mga karaniwang tao, pwede lang sila mamuhay sa labas o sa paligid nito. Kahit na pare-parehas silang nakaligtas sa pananakop ng mga halimaw ay iba ang trato sa kanila.

Nakakalapit lang sila sa bayan para makakuha ng rasyon. Hindi sila pwedeng magtagal at kailangan nilang umalis kaagad.

May mga sabi-sabi na ang mga Chosen daw ay naaasiwa sa mga taong nanghihingi ng pagkain sa bayan at hindi nila ito masikmura.

Kahit nagagalit ang mga karaniwang tao tungkol dito ay wala silang magagawa kung hindi lunukin ang kahihiyan na ito para maka survive.

Katulad ni Ye Song, naninirahan sila malayo sa bayan pero ngunit wala isya magawa tungkol dito.

Kailangan ay nasa limang kilometro ang layo nila sa bayan bago sila makapagtayo ng kanilang sariling tahanan. ito ay napakalayo pero pinili pa rin ng mga karaniwang tao na dito tumira. kumakapit sila sa pag asang ang mga Chosen ay tutulungan sila kung sakali mang umatake ang mga halimaw.

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

yamceecreators' thoughts