"Dalawang taon na ang nakakalipas, sa isang lugar sa kagubatan. isang lalaki ang bumaril sa iyong kaliwang mata"
Nang marinig ito ni God Yeti ay gumawa siya ng isang nagulat na ekspresyon at tinitigan niya si Ye Song.
Di nagtagal ay naalala niya na rin ang kanyang mukha at sinabi.
"Ikaw pala yan! ikaw yung bata na inabandona ang kanyang ama upang mailigtas ang kanyang sariling buhay haha!"
Kinutya siya ni God Yeti sa mismong harapan niya!
Nang marinig ito ni Ye Song ay pinakawalan niya ang isang hangarin sa pagpatay na direktang naglalayong kay God Yeti.
Sa isang pitik ng kanyang daliri, isang dagger ang lumitaw sa kanyang kamay.
Ito ay isang itim na dagger na naglalabas ng isang pulang aura sa gilid nito.
Ito ay ang [Ashura].
Nang makita ni God Yeti ang dagger na hawak ni Ye Song, ang kanyang ekspresyon ay nanlamig habang ang kanyang hangarin sa pagpatay ay lumabas sa kanyang katawan.
Nang makita ng mga halimaw sa likuran ni God Yeti ang [Ashura], nagsimula silang manginig sa takot.
Nakaramdam sila ng takot sa kanilang puso nang tignan nila ang itim na dagger sa kamay ni Ye Song!
Inutusan ni God Yeti ang mga halimaw na lumayo at huwag makialam sa laban.
Mabilis na lumayo ang mga halimaw sa dalawa at nagpunta sa isang ligtas na distansya.
Ang parehong bagay ay nangyari sa mga LEMONS, inatasan sila ni Ye Song na huwag makialam sa kanyang laban!
Matapos nilang paatrasin ang lahat ay dalawa na lamang silang natira sa gitna pagkatapos ay nagsalita si Ye Song nang walang pigil.
"Pangarap ko na patayin ka sa nakaraang dalawang taon!"
Si God Yeti ay tumawa sa galit na galit na si Ye Song at sinabi niya sa isang mapaglarong pamamaraan.
"Ang tatay mo ay isang matapang na tao. kahit na tinanggal ko ang braso niya ay hindi siya sumigaw at tinitigan niya lang ako — Oohh! iyon ang pinakamagandang reaksyon na nakita ko!"
Matapos na sabihin ni God Yeti iyon ay gumawa ng siya ng isang nakakaasar na ngiti sa kanyang mukha.
Pagkatapos ay tumingin siya kay Ye Song upang makita kung anong uri ng reaksyon ang meron siya nang biglang lumitaw ang isang dagger hindi kalayuan sa mukha niya.
Mabilis na umiwas si God Yeti sa tagiliran upang maiwasan ang dagger ngunit tinamaan pa rin siya ng dulo ng talim nito!
"Swish!"
Dumaloy ang dugo sa kanyang kanang pisngi dahil sa malalim na hiwa na lumitaw sa kanyang mukha. dahil dito ay umungol siya sa galit at naglunsad ng isang mapanirang suntok patungo kay Ye Song!
Dahil sa galit ay walang pigil na sinalakay ni God Yeti si Ye Song.
Nang makita ni Ye Song ang suntok na inilunsad ni God Yeti, ito ay napakabilis ngunit hindi ito kasing bilis upang mapigilan si Ye Song. dagdag pa nito ay nahuhulaan niya ang daanan ng pag-atake nito mula sa pagsisimula ng paggalaw ni God Yeti.
Tumpak na hinuhulaan niya kung saan makakarating ang pag-atake nito, ang pigura ni Ye Song ay nag-flash habang paikot siya sa kanyang likuran!
Sa isang malakas na sigaw, umatake ulit si Ye Song habang iniwasan ang suntok na papalapit sa kanya!
"Whoosh!"
Sa sandaling iyon ay hinawi ni God Yeti ang braso nito kay Ye Song na pumasok sa kanyang saklaw. Sa isang tunog na nakapanlalamig ng buto na pumuputol sa hangin, isang malaking kamao ang pumasok sa kaliwang bahagi ni Ye Song!
Ngunit ang mukha ni Ye Song ay hindi nagpakita ng bakas ng gulat habang siya ay walang kahirap-hirap na umiwas sa pag-atake!
"Swish!"
Si Ye Song ay yumuko at iniwasan ang braso na paparating kanya at ang mga hibla lang ng kanyang buhok ang naputol sa pag atake!
Ito ay katiting na distansya lamang!
Pagkatapos dumaan ng kanang braso ay dumating ang isang bagong panganib. ginamit ni God Yeti ang kanyang kaliwang braso at nagpatuloy sa pag-charge kay Ye Song matapos maiwasan ang kanyang kanang braso.
Ngunit walang kahirap-hirap na iwasan ito ni Ye Song at mabilis na inatake si God Yeti ngunit naiwasan din niya ang papasok na slash papunta sa kanya!
Nagpatuloy ang ganitong labanan ngunit walang sinuman ang makatama sa isa't-isa!
Pero habang nagpapatuloy ang laban ay naging mas kanais-nais ang sitwasyon para kay God Yeti!
Masasabi mo na habang tumatagal ay natatalo si Ye Song laban sa kanya!
Ang pag-atake ni God Yeti ay naging mas mabilis at ang katawan ni Ye Song ay hindi na makasabay sa kanyang mga reflexes!
Isang suntok ang biglang lumabas mula sa kung saan at sinubukan niyang umiwas ngunit hindi niya ito nagawa sa oras.
Isang gasgas ang lumitaw sa kanyang mukha dahil sa swing na ito!
Nang makita ito ni God Yeti ay napangiti siya ng malamig at sinimulang atakihin si Ye Song ng brutal!
Naramdaman ni Ye Song na naging mabagal ang kanyang katawan at mabilis na umatras. tumalon siya palayo ngunit naabutan siya ni God Yeti sa isang iglap!
"Mamatay ka!" sigaw ni God Yeti.
Sumigaw si God Yeti dahil iniisip niya na nanalo na siya, nang malapit na tumama ang suntok sa kanya ay biglang naging mabagal ang buong paligid sa paningin ni Ye Song. Kasabay nito ay narinig niya ang system na nagsalita.
*DING*
*Dahil sa panganib na iyong kinakaharap ay napilitan akong i-activate ang protocol ng system at bigyan ka ng pagkakataon upang makaligtas sa sitwasyon na ito*
Nalilito si Ye Song sa sinasabi ng system kaya tinanong niya ito.
"Anong ibig mong sabihin?"
*Nakalimutan mo na ba na naka limit stats restriction ka pa rin?*
Nagulat si Ye Song nang marinig niya ito at bigla niyang naalala na in-activate niya nga pala ang restriction upang bumaba ang kanyang mga stats!
"Pwede mo ba ibalik ang stats ko ng sapilitan dahil kailangan kong matalo itong halimaw na to"
*Lahat ng bagay ay may consequence. kung pipilitin kong ibalik ang iyong stats ay-*
"Sige! kahit ano pang kapalit niyan wala ako pakialam basta matalo ko siya!"
Bago pa man matapos ng system ang kanyang sasabihin ay inunahan na siya ni Ye Song.
Natahimik ng saglit ang system at ilang sandali lang ang lumipas ay tinanong niya si Ye Song ng huling beses.
*Sigurado ka na ba sa iyong desisyon?*
-
-
-
"Yes!"
Creation is hard, cheer me up!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!