webnovel

Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino)

Girls-Gays Inlove Series Series #1 Mikael (Mimi) Edwards & Chloe Mendoza In a relationship at 15, Engaged at 16, And broke up before turning 17. After 2 years, Chloe came back after realizing it will always be Mikael. But what if pagbalik niya nag-iba na ito. Hindi lang sa pag-uugali kungdi kasama na 'yong sexual orientation nito. Oh, no! **Namali ako ng unang post sa story na to. mygash, first time kasi ajejeje**

Aybeeming · perkotaan
Peringkat tidak cukup
62 Chs

Chapter 5

They're almost done eating ng biglang nag-ring ang cellphone niya sa loob ng purse niya. It was her mom on the other line.

"Hello, mom?"

"Anak, are you done with your date with Mikael?" Panimula nito.

"Mom!" Sagot niya in a frustrated tone, napatawa lang ang ina niya sa kabilang linya. "Katatapos lang naming kumain. Nakauwi ka na po ba?"

"Not yet, anak. I'm just checking on you. Nandito pa ako sa spa. Nagpabody massage ako. But I'm almost done. Do you want me to fetch you or si Mikael na ang maghahatid sa 'yo sa bahay?" Sabi ng mom niya. "He's really goodlooking, anak. Mas lalo siyang pumogi. Bagay na bagay kayo."

Agad niyang hininaan ang volume ng cellphone niya, at agad tumingin kay Mikael. Nahihiya siya at baka narinig nito ang sinabi ng mom niya. Nakangiti lang ito sa kanya habang kumakain ng frenchfries.

'Shet.'

"Mom..." sagot niya sa nagbabantang tono. "You fetch me na lang po, nakakahiya na po kasi kay Mikael." Tumingin siya kay Mikael, tinitingnan niya ang reaksyon nito. Nakangiti lang ito sa kanya, habang patuloy sa pag-nguya ng frenchfries.

"And mom.. mamaya ko na po ikekwento sa'yo sa bahay." Pabulong niyang dinagdag.

Nagpaalam na siya sa kanyang ina at agad binaba ang cellphone.

"Papasundo na lang ako kay Mommy, Mikael. Nakalimutan kong may kailangan pa pala akong bilhin, baka nakaabala na ako sa iyo." Sabi niyang hindi nakatingin dito.

"Babe. Boyfriend mo na ako, hindi ba? Sige, kung ayaw mo talagang magpahatid, but sasamahan kita dito. Sabay tayong uuwi. Wala naman akong gagawin ngayon, hindi ko naman kailangan mag-aral. You should get used to my presence, you know." Sabi nito. "Hey, dapat nga maging proud ka. Dami kayang nagkakagusto sa boyfriend mo. Feeling ko tuloy ang pangit ko kung ganyang iniiwasan mo kong tingnan. But don't worry alam kong pogi ako kaya hindi naman nabawasan iyong self-esteem ko."

Agad siyang napabaling dito. "Hindi ko alam na bully at ang yabang mo pala, Mikael! Super typhoon ka pala?"

Tumawa ito ng napakalakas at agad dumapo ang kamay sa tiyan. "I really like you, babe. I didn't know na slow ka nga eh. And ang bilis mo palang mapikon?"

"Ewan ko sa'yo! Pinagtitripan mo lang yata ako!" Galit niyang sabi sabay tayo at hagilap ng purse niya.

Sumunod ito sa kanya na nakatawa pa din. Binilisan niya ang lakad niya, pero nakahabol agad ito. Sa haba ng biyas ba naman nito compared sa kanya. Inabot agad nito ang kamay niya. Akmang babawiin niya ng hinigpitan nito lalo ang pagkahawak.

"Sorry na." Masuyong sabi nito.

"Tse!" Lumakad pa din siya at hindi na pinilit na mabawi ang kamay.

Pinigilan siya nito sa paglalakad at pinaharap siya. "Sorry na, babe. Nahihiya ka kasi eh. Gusto ko lang maging at ease ka sa 'kin." Sabi nito. "Masaya lang din ako, 'coz you're mine now. Hindi ko kasi alam kung paano umapproach sa 'yo dati. Then, here we are. Girlfriend na kita. Sorry na." Masuyong sabi nito.

"Ang torpe-torpe kuno pero ang bilis mo ah! Ni hindi ka nga nanligaw. Tapos iniinis mo ko agad." Sabi niyang inis pa din pero sa totoo lang kinikilig na siya. 'Shet lungs!'

"Cute mo nga kasi, babe. Sorry na, ha? Takot ko lang. Baka mamaya hindi pa tayo naka isang araw na mag boyfriend, eh, makikipagbreak ka na agad." Sabi nito na may tuksong ngiti.

"Ewan ko sa 'yo!" Inis pa din siya! Promise! Pero shet lungs tlga. Ang puso niya nag aalburuto na naman.

Bigla siya nitong hinalikan sa pisngi niya."Peace na tayo, ah! Tara na. Saan mo gustong pumunta? Anong bibilhin mo?"

Agad siyang napahawak sa pisngi niya. Napatulala na naman siya. '

'Oh, my ghad! 1st kiss ko!!'

OA lang eh sa pisngi lang naman. Duh. Hahaha. Pero ramdam niyang pumula na naman ang mukha niya. Grabe talaga epekto nito sa kanya.

"Babe?" Untag nito sa kanya.

"D-doon lang sa National bookstore." Sagot niyang nauutal na naman. Nawala na iyong inis niya. Agad-agad.

"Alright! Tara!" Sabi nito at agad silang naglakad papunta sa naturang store.

Doon niya lang napansin na ang dami palang nakatingin sa kanilang mga tao. Nakakahiya. Agaw pansin kasi ang eksena nila kanina. Akala may shooting lang? Tapos mukha pa silang artista. Eh di, wow.

Pagkarating nila sa bookstore agad siyang dumiretso sa rack ng mga english pocketbooks. Bibili siya noong Me Before You. Mahilig talaga siyang magbasa. Gusto niya din sana itry basahin iyong Fifty Shades Trilogy. Kaso pinagbawalan siya ng mom niya.

"Mahilig ka pala sa lovestory?" Sabi ni Mikael noong nakapila na sila sa cashier.

Yes, silang dalawa. Ayaw nitong bitawan ang kamay niya eh. At baka mawala daw ako sa kanya. Chos lang.

"Yeah. Oh, bakit? Pagtatawanan mo na naman ako?" Sagot niya at agad itong inunahan.

"I didn't say anything, babe. Don't be too paranoid, okay?" Sabi nito na may nakakalokong ngiti.

Inirapan niya lang ito. Turn niya ng magbayad noong kinuha nito ang libro sa kamay niya at agad inabot sa cashier kasama ang gold card nito. Napa-smile ang cashier dito at agad sinwipe ang card. Hindi na siya nabigyan ng chance umangal.

"May pera ako, Mikael!" Sabi niyang sa frustrated na tono.

"I know. Pero matatagalan pa tayo if kukuha ka pa sa purse mo. And you're my girlfriend. Yokong pabayarin ka, 'pag kasama mo ko." Sagot nito. Ang yabang talaga!

"Baka magalit parents mo sa'yo. Ang laki na ng ginastos mo." Angal niya.

Agad nitong kinuha ang inabot ng cashier na librong binili nila na nakabalot na sa paper bag at binuhat kasama ng pinamili nilang mga damit. Hinawakan ulit ang kamay niya at ginaya siya palabas ng bookstore.

"Babayaran ko naman sila, once na itake-over ko na iyong company namin." Mayabang nitong hayag. "Sisikap talaga ako para sa future natin."

She was astonished sa sinabi nito, kaya hindi siya agad nakasagot. "W-we're just 15 years old, Mikael. Future ka diyan!" Sabi niyang nakasulyap dito.

"Dadating din tayo doon." Sagot nitong nakangiti at bigla siyang kinindatan.

Hindi na siya sumagot at pinamulahan na lang ng mukha. Umikot-ikot pa sila sa mall and sa buong panahon na magkasama sila ay hindi talaga nito binitawan ang kamay niya.

May pagkaclingy pala ito. And she hates to admit it, but she likes it.

It was past 3 in the afternoon when her mom called. Kararating lang nito sa mall. Nasa loob lang ito ng sasakyan at aantayin lang siya sa entrance kasi pahirapang makahanap ng parking space sa naturang mall. Hindi niya namalayang lumipas ang dalawang oras sa pag-ikot lang nila ni Mikael. Kahit nahihiya pa din siya dito at siguro, hindi pa masyadong pumasok sa isip niya na bf niya na ito ay medyo nasanay na din siya kahit paano. He's fun to be with. Tinutukso pa din siya nito, especially noong naglaro sila ng basketball sa arcade. Magkaiba sila ng ring at pataasan daw ng score. She got 5 and he got 89. Eh 'di siya na! Yabang talaga.

Hinatid siya nito patungo sa kotse nila. Nakalimutan niya pa ngang magkahawak kamay pa din sila ni Mikael, kung hindi lang bumukas ang bintana sa side ng mom niya and nanlaki ang mga mata nito na napatingin sa mga kamay nila. Doon lang siya napapiksi at natanggal ang pagkahawak ni Mikael sa kamay niya.

Her mom looked at her with an amused expression. Then, napatingin ito sa kay Mikael. "Hello, hijo. I smell something fishy."

"Mom, don't start." Sabi niyang namumula ang pisngi.

"Hello po, Ma'am." Bati ni Mikael sa mom niya, sabay abot nito sa kanya ng shopping bags niya. "Here."

"Thank you, Mikael ah. S-see you on Monday." Sabi niya.

"No problem. I'll text you later, okay? Bye, Ma'am!" Paalam nito sa mom niya. Ngumiti ito sa kanya at minasdan siya hanggang sa pumasok siya sa loob ng sasakyan nila.

Hindi niya na ito nilingon pagkapasok niya sa kotse nila. Nanlalamig siya, okay? Ghad! And itetext siya nito?

'Fck. Hindi kami nakapag exchanged ng number.'

Nanlumo siya sa naisip, then biglang napaigtad ng hawakan ng mom niya ang kamay niya.

"Marami ka yatang ikekwento sa akin, anak?" Her mom teasefully said, nakangiti ng bongga.