webnovel

Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino)

Girls-Gays Inlove Series Series #1 Mikael (Mimi) Edwards & Chloe Mendoza In a relationship at 15, Engaged at 16, And broke up before turning 17. After 2 years, Chloe came back after realizing it will always be Mikael. But what if pagbalik niya nag-iba na ito. Hindi lang sa pag-uugali kungdi kasama na 'yong sexual orientation nito. Oh, no! **Namali ako ng unang post sa story na to. mygash, first time kasi ajejeje**

Aybeeming · perkotaan
Peringkat tidak cukup
62 Chs

Chapter 55

Kakarating lang nila sa high class restaurant kung saan sila magdidinner kasama ang family ni Mikael. Kanina pa siya pinagpapawisan ng malamig kahit na sinarado na niya ang aircon sa harap niya. Nakarating na daw kasi sa resto ang pamilya ni Mikael.

Fck! This is it!!

Naunang lumabas si Mikael at agad siyang pinagbuksan ng pinto. Gentleman ang loko! Napangisi ito noong hinawakan nito ang kamay niya pagkatapos nitong ibigay ang susi ng sasakyan niya sa valet.

"Babe! You'll be fine! Parang 1st time mo makikilala sina mommy sa lamig ng kamay mo!" Sabi nitong natatawa.

Napapout siya, "Kinakabahan ako eh!" Sabi niya dito.

Ngumisi lang ito at agad na siyang giniya papasok ng resto. Hinarap sila ng maitre d' nang resto at agad hinatid papunta sa vip room na nakatalaga sa kanila.

Pagkabukas ng pinto ay napahinga muna siya ng malalim bago nag angat ng tingin para matingnan ang lahat ng tao sa loob. Kompleto nga sila katulad ng inaasahan niya. Pero ang hindi niya inaasahan ay kahit si ate Michelle ay nakataas ang kilay sa kanya katulad ng sa mommy ng mga ito. Sina ate Mikaella at daddy lang nila ang nakangiti sa kanya.

Damn!

"G-good evening po.." Bati niya sa mga ito pagkatapos sinarhan ang pinto sa likod nila.

"Good evening." Nakangiting tugon ni daddy.

"Good evening sis-in-law!" Maligayang bati naman ni ate Mikaella sa kanya.

Habang nanatiling seryoso lang sina mommy at ate Michelle. Hinila siya ni Mikael sa kamay. Tinapik nito sa balikat si daddy at nakipaghandshake naman siya. Noong nakipagbeso ito kay mommy nila ay nagsmile lang siya dito.

"Hmp!" Dinig niyang anas ng mommy nito.

"Mom!" Sabi ni Mikael.

"You can't blame mommy to act like that brother." Biglang anas ni ate Michelle. "So its really true. Nagkabalikan nga kayo ni Chloe." Sabi nitong ngumiti ng pait sa kanya.

Napakagat labi siya at naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Mikael sa kamay niya.

Magsasalita sana si Mikael nang naunahan siya ni daddy. "Let's eat first shall we?"

Agad nang tinawag ni daddy ang waiter na naka assign sa kanila para iserve na ang dinner nila. Hinila siya ni Mikael sa isang silya na katabi ng kay ate Mikaella at ito naman ay umupo sa katabi lang din niya pero paharap kay daddy. Kaharap naman niya si ate Michelle na nanatiling nakamasid sa kanila ni Mikael. Palipat-lipat ang tingin nito. Agad siyang napayuko para makaiwas sa tingin nito.

"So? How are you, Chloe?" Seryosong tanong nito sa kanya.

"I..I'm fine po." Tipid na sagot niya.

"So? Bakit bumalik ka dito sa pilipinas? I thought for good ka na sa..." napatingin ito kay Mikael. "What country was that again?"

"Italy." Sagot naman ni Mikael. "She's here because she still loves me. That's why." Sagot ni Mikael na inabot ang isang kamay niyang nakapatong sa hita niya.

Napabaling siya dito at tumingin kay ate Michelle para ngumiti. "I'm sorry for what happened years ago, ate, tito.. t-tita.." sabi niyang ikinataas ng kilay ng mommy ng mga ito.

"See. She called me tita!" Nagpalatak ito at agad umirap sa kanya.

"Mom!" Saway ulit ni Mikael dito. And he faced her and mouthed the word 'mommy' to her.

"I.. I'm sorry m-mommy." She corrected herself. Nahihiya kasi siyang tawagin ang mga itong ganoon.

Like seriously? She's fcking intimidated right now. Its not the same like it was years ago. Ang sobrang warm ng pakikitungo ng mga ito sa kanya dati. Now? Its just too cold.

"Whatever!" Sabi naman ni mommy.

"Hon.." si daddy naman ang nagsaway dito sa malambing na paraan.

"Are you here for good? Baka naman aalis ka ulit and iiwan na naman itong si Mikael! You don't know what my only brother had gone through when you left him! And when he decided to be gay? Damn! That was so shocking in my part! And hindi ko iyon tanggap! Just because of a heartbreak and he decided to change his sexuality? Damn!" Sabi naman ni ate Michelle.

"Ate.. Mommy.. Daddy.. We're engaged again. And we wanted to make it official. That is the reason why I decided to plan this dinner for us. To tell you guys about this." Sabi naman ni Mikael.

"You bought another ring? How sure are you na hindi ka niya iiwan? You know what! I was really having chills noong nagplano ka ng dinner na 'to. I was even thinking you have a boyfriend or something!" Sabi ni ate Michelle.

"No, ate. I'm not really into boys. Though, I decided to be gay I'm still anticipating for Chloe to come back.." sabi nitong napatingin sa kanya. "And she did." Ngumiti ito. "I tried to deny it to myself and even ignored and rejected her in the early days after she came back and run after me. But I really do love her. And there is no doubt about that." Masuyong sinabi ni Mikael.

"Mahal na mahal din kita." Sagot naman niya dito at bumaling naman sa mga pamilya nito. Its her time to say her part here. Hindi pwedeng i-asa lang kay Mikael ang lahat since this is all between them. "I'm really sorry.. I know nasaktan din po kayo noong umalis ako and iniwan ko si Mikael." Tinaas niya ang daliri niya. "I'm still wearing the same engagement ring that he gave me years ago, ate. I brought it with me when I went to Italy. Hindi ko talaga kayang wala si Mikael sa buhay ko. That's why bumalik ako dito. For him. For us to be together again. And I'm not going to do the same mistakes again." Mahabang litanya niya.

"Pero nakaya mo for 2 years, right? Well, whatever!" Si mommy ang nagsalita.

Nakita niyang may naglalaro nang ngiti sa labi ni Ate Michelle habang nanatili namang nakasimangot si mommy.

"If you say so. I'm not against your relationship, anyway! From the very first moment that I saw you I knew you were the right one for my brother. Siguro mga bata pa lang talaga kayo noon. Now, I can see that you're both ready to face the reality of life together. Both of you matured. So, welcome to the family again, sis." Sabi nitong kumindat sa kanya.

Napahinga siya ng malalim sa sinabi nito. "Thank you, ate!" Sabi naman niya at naramdaman na lng niyang tumulo ang luha niya sa mga mata. Humigpit ang hawak ni Mikael sa kamay niya at napatingin din siya dito, nakangiti pala ito at agad pinalis ng daliri nito ang luha sa mata niya.

"Mom?" Sabi naman ni ate Mikaella since nanatiling seryoso ito.

"What?" Inis na anas nito. "Nagtatampo pa din ako! You can't blame me! She left without even saying goodbye! And I really liked her as my daughter-in-law but she disappointed me!"

"I'm sorry, mommy.." sabi niya dito.

She rolled her eyes at her kaya agad siyang napakagat labi. Mommy was about to say something noong dumating na ang mga waiters para iserve ang mga pagkain nila. Appetizers muna.

Nagkekwentuhan si ate Michelle at ang daddy nila and its about their business. Habang si ate Mikaella naman ay napatulala lang habang kinakain ang serve nito. Si mommy naman ay palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Mikael habang kumakain sila ng tahimik.

Noong natapos na ang pagkain nila ay agad na ding sinerve and main course nila. Pinaghiwa pa siya ni Mikael ng steak niya.

"Kaya ko na, babe. Kumain ka na." Sabi niya dito.

"No, let me. Para diretso ka ng kumain." Sabi naman nito.

Nakikita niya sa peripheral vision niya ang pagsusulyap sa kanila ng mga kasama nila. And she heard ate Mikaella sighed kaya napabaling siya dito.

"I should get a boyfriend." Sabi nito.

"Finally!!" Anas naman ni daddy na tumatawa pa.

"Dad!" Sabi ni ate Mikaella.

"You're getting old! Don't follow the footsteps of your older sister, baby. But it seems like my youngest is the first one to get married!" Sabi ng daddy ng mga ito na ngumiti sa kanila. "Anyway, when is the wedding, son, Chloe?"

"8 months from now, dad. On Chloe's birthday." Sagot naman ni Mikael.

"Bakit 8 months pa?!" Anas ng mommy ng mga ito. "If you want me to forgive you, you should get married on our wedding anniversary! Para double celebration!" Sabi ng mommy nito na ikinagulat niya.

Oh, oh!

"Mom! That's 3weeks from now!" Sabi naman ni Mikael. "And Chloe wants it on her birthday para makapagprepare kami ng maayos."

3 weeks? Its not that easy to prepare for a wedding.

"So? We have money, anak! Why? Anong problema? Is it because Chloe have second thoughts again about you and your marriage?" Parang paghuhuli ni mommy sa kanya. Nakataas pa ang isang kilay nito sa kanya.

"H-hindi po sa ganoon, mommy. Kaso po.. baka mahirapan po kami sa pagplano ng wedding." Sabi niya dito.

"I'll help!" Prisinta nito. "Fine! I'm not going to pressure you! Baka sabihin mo evil mother-in-law mo na ako!" Sabi nito at agad siyang napailing ng sunod sunod dito. "But I really want it on that specific date! I would be really glad if papayag kayo sa gusto ko! But if not! Then its okay! Anong magagawa ng isang matandang babae di ba?" Madrama nitong sinabi at napamulagat siya ng nakitang namasa ang mga mata nito.

"M-mommy.." sabi niya dito. Nagpunas pa ito ng mata at umiwas ng tingin sa kanila.

Tumawa naman sina ate at si Mikael sa inaksiyon ng mommy ng mga ito.

"Drama queen! My drama queen." Malambing na sabi ng daddy ng mga ito at agad inabot ang kamay ni mommy at hinalikan iyong likod niyon.

Napakagat labi siya at agad nag-isip. Hindi naman masama di ba? Kaso 3 weeks? Ang bilis.. but.. sabi nga niya sa sarili niya she's going to do everything para mapatawad ng pamilya ni Mikael. And marrying him right now is totally fine. She's extravagantly sure of herself that she really loves Mikael. Para kay mommy she's going to make the most important decision in her life..

"Sige po. Payag na po ako." Sabi niya kay mommy na nakangiti.

"Babe? Are you sure?" Tanong naman ni Mikael sa kanya na kahit bakas sa boses nito ang pag-aalala na baka napilitan lang siya ay kitang kita sa mga mata nitong masaya ito.

Tumango siya at agad nagulat ng biglang tumili si mommy.

"Oh, my ghaaad! Kaya gustong gusto talaga kitang maging daughter-in-law eh!" Sabi nitong napatayo pa at agad naglakad palapit sa kanya. Tumayo na din siya at agad sinalubong si mommy para yakapin.

"Thank you, mommy!" Sabi niya dito.

"No! Thank you!" Sabi nito at agad siyang bineso. "I missed you anak!" Masuyong sabi nito. "Welcome to the family! Again! And please don't you ever leave again!"

"I miss you too mom." Sabi niya dito at agad pinalis ang naglandas na luha sa mga mata niya. "I promise po! Thank you po ulit."

Nagulat siya ng nagpalakpakan sina ate Mikaella, ate Michelle at daddy.

She feels like home with the family of Mikael. And it feels so good to be welcomed by their whole family and to be forgiven from all the mistakes that she had done in the past.

Natapos ang dinner nila na nakangiti na ang lahat. Hinatid na naman siya ulit ni Mikael sa bahay nila. At pagkatapos nilang mag make-out sa loob ng sasakyan nito ay umalis na din ito. Actually, pinilit niya itong umalis. She knows he's dead tired from all the driving that he had done since this afternoon.

Damn!

Sobrang excited siya! Next saturday ay pinagplanuhan na nilang sa araw na iyon i-heheld ang engagement nila. Sa friday na daw mamamanhikan ang pamilya ni Mikael sa bahay ng mommy at tito Rey niya to make it more traditional.

Agad niyang binalita ang naganap kanina sa mommy at tito Rey niya na nanonood ng tv sa sala ng bahay nila pagkarating niya. Ang sobrang saya ng mommy niya and as what she expected her mom agreed at her decision. Tatawagan na lang niya ang daddy niya bukas para ibalita din dito at kay aunt Lei ang mga plano nila ni Mikael. She's readying herself for the possiblity of the negative comment from her dad. But she knows papayag din ito, eventually.

Hindi mawala ang ngiti niya sa mga labi niya at agad hinanap ang cellphone niya sa loob ng dala niyang bag noong nagpunta sila sa Ilocos. Hindi niya na kasi dinala iyon sa dinner. Baka mamaya ay tatawag na si Mikael sa kanya kaya ichacharge muna niya ang phone niya bago siya mag shower.

Pagkabukas niya ng cellphone niya ay nagulat siya ng may 3 messages siyang natanggap. Pagkabukas niya ay napalunok muna siya ng laway.

All of the messages came from one person. And that is Mike.

Damn! Kailangan niya pa palang makausap si Mike. She needs to do it as soon as possible. And this time ay isasama na niya si Mikael. She learned her lesson. And she's not going to make the same mistake again!

Agad niyang tinipa ang sagot niya sa mga messages ni Mike. Bago siya dumiretso sa banyo para mag shower.