webnovel

Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino)

Girls-Gays Inlove Series Series #1 Mikael (Mimi) Edwards & Chloe Mendoza In a relationship at 15, Engaged at 16, And broke up before turning 17. After 2 years, Chloe came back after realizing it will always be Mikael. But what if pagbalik niya nag-iba na ito. Hindi lang sa pag-uugali kungdi kasama na 'yong sexual orientation nito. Oh, no! **Namali ako ng unang post sa story na to. mygash, first time kasi ajejeje**

Aybeeming · perkotaan
Peringkat tidak cukup
62 Chs

Chapter 35

Pagkatapos buhatin nina Johann at Christopher si Henry at ilabas doon sa kwarto ni Mikael ay agad silang nagbihis ni Mikael. Hindi siya makatingin dito at nahihiya siya sa nangyaring paghuli sa kanila ng mga kaibigan nito sa aktong mag-sesex.

Kakatapos niya lang i-zipper ang pantalon niya ng nagsalita si Mikael. Tapos na itong magbihis. Nakatingin ito sa kanya na parang sobrang guilty.

"I'm sorry." Iyon lang ang sinabi nito at bigla siyang iniwang mag-isa doon sa loob ng kwarto nito.

Sorry? Sorry for what? Sorry sa muntik nang mangyari sa kanila? So, pinagsisisihan ni Mikael 'to? Ano iyon? Bugso lang ng damdamin? Na sa sobrang galit nito sa kanya ay nagawa nito iyon? Iniwasan na niya ito eh. Ito naman ang lapit ng lapit! Tapos ngayon siya na naman ang may kasalanan? Mabilis na namalisbis ang mainit na mga luha sa mga mata niya. Naiinsulto siya. Galit siya. Nahihiya siya sa sarili niya. Feeling niya tuloy siya talaga ang nagseduce dito kaya muntik ng may mangyari sa kanila.

Napaupo siya sa kama nito habang patuloy na lumuha. Ayaw tumigil ng luha niya. Ang sakit sakit ng pakiramdam niya.

Nang tumigil na ang luha niya pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na siya sa kwarto nito. Narinig niya ang ingay galing sa sala ni Mikael na parang nagdedebate ang mga ito. Pagkapasok niya sa sala ay agad tumahimik ang mga ito. Hindi niya tiningnan ang mga itong nakaprenteng nakaupo sa sofa at taas noo siyang lumakad at dumaan sa harap ng mga ito. Gising na si Henry nakikita niya ito sa gilid ng mga mata niya. Alam niyang lahat sila ay nakatingin sa kanya.

Ineexpect niyang sisigawan siya ng mga kaibigan nito at laitin pero malapit na siya sa elevator ay walang tunog na maririnig na galing sa mga ito. Ni si Mikael ay hindi man lang siya pinigilan.

Hindi ba nito nakikitang nasaktan siya sa pagsorry nito sa kanya kanina? Hahayaan na lang siya nitong umalis pagkatapos ng muntik na niyang pagbibigay ng sarili dito?

Pagkatapos niyang pindutin ang pababa na button sa elevator ay agad bumukas iyon. Sumakay agad siya pero nagulat ng sumunod din si Mikael sa kanya sa loob ng elevator. Pagkasarado ng pinto ay nagbigay ito ng distansya sa kanila pagkatapos nitong pindutin ang pinakahuling floor kung nasaan ang parking lot.

Nakakabingi ang katahimikan nilang dalawa sa loob ng elevator. Akmang pipindutin din niya ang UG kung nasaan ang lobby ng bigla siyang pigilan ni Mikael.

"Ihahatid kita." Sabi nito.

"Huwag na. Magtataxi ako." At tuluyan na niyang napindot ang gusto niyang babaang floor.

"I insist!" Mariin na sinabi ni Mikael.

Hindi na niya sinagot ito. Bubukas na ang pinto ng nakarating na ang elevator nila sa UG, nang bigla siyang hawakan ni Mikael sa braso at matigas na hinila sa tabi nito para hindi siya makagalaw. Maraming tao sa lobby at halos lahat ng mga empleyado ay kuryusong nakatingin sa elevator nila. Private elevator 'to ah. Ngumiti ang mga ito noong nakita si Mikael pero agad ding sinarado ni Mikael ang pinto at tuloy tuloy ng nakababa ang elevator sa parking area.

Gusto niya sanang itanong kung sa kanila 'to ang building, pero mabilis siya nitong hinila papunta sa sasakyan nito. Binuksan nito ang passenger's seat at tinulak siya papasoķ sa loob. Ito din ay pumwesto na sa driver's seat at agad pinatakbo paalis doon ang sasakyan nito.

"Saan kita ihahatid?" Tanong nito sa kanya, pagkatapos ng siguro'y sampung minuto na katahimikan.

"Sa school." Iyon lang ang sinabi niya at hindi na ito sumagot.

Chineck niya ang oras sa relong pambisig niya. Its 2:35. Tamang tama sa 3pm na exam nila. Napabaling siya kay Mikael. Gusto niya sanang itanong kung hindi na ito kukuha ng exam? Last exam na nila iyon sa araw na iyon at classmates sila. Itong 1pm kanina is iyong irregular niyang subject, kakausapin na lang niya ang teacher niya kung kelan siya pwedeng makakuha ng make-up exam.

Napalingon din sa kanya si Mikael pero agad din nitong binalik ang tingin sa daan, siguro naramdaman nito ang titig niya dito. "Bakit?"

"Hindi ka kukuha ng exam? At alam mo ba kung saan dinala ni Z si Georgette?" Tanong niya dito.

"Kukuha. Hindi ko alam." Tipid na sagot nito.

Napabuga siya ng hangin at umiwas na lang ng tingin dito.

"Naghugas ka ba?" Gulat siya ng nagtanong ito bigla.

"Huh?" Naghugas ng ano? Gusto niya sanang idagdag.

Tumawa ito bigla. FCK! Namiss niya ang tawang iyon. Way back in highschool noong naging sila, parati itong tumatawa ng ganoon kapag binubully siya. Namimiss niya ang Mikael niya. Ang babe niya. Kailan kaya sila babalik sa dati? Maibabalik pa ba iyong dating sila? May pag-asa pa ba?

Tawa pa din ito ng tawa pero agad ding tumigil ng nakitang umiiyak siya.

Napatiim bagang ito. At hindi na ulit gumawa ng ingay hanggang sa nakarating sila sa school nila. Agad nitong inunlock ang pinto pagkatapos magpark kaya walang salita siyang lumabas habang nagpupunas ng mga luha. Hindi niya alam kung sumunod ba ito sa kanya, ayaw niyang lumingon. Nakita niyang marami ang nakatingin sa kanya, may nagbubulungan pa nga, pero wala siyang pakialam. Tuloytuloy siyang pumasok hanggang sa nakarating siya sa classroom nila. Wala pa din si Georgette, kaya pagkaupo niya ay tinawagan niya agad ito.

Nakaapat na ring na ng sinagot nito iyon, "Hello, girl?" Sabi niya pero katahimikan lang ang naririnig niya sa kabilang linya.

"Girl?" Tanong ulit niya ng wala pa ding sagot galing kay Georgette. Mayamaya lang ay may ingay siyang naririnig na parang galing sa pag galaw ng kama at bedsheets, tapos mayamaya lang ay may mahihinang mga ungol ng umalingawngaw sa kabilang linya.

Oh, fck!! Agad niyang pinatay ang tawag at napalunok siya ng laway.

Oh my ghad.. don't tell me.. gusto niyang magtitili pero tinakpan na lang niya ang bibig niya para mapigilan iyon. Hindi niya alam kong sa sobrang saya para kay Georgette or kinilabutan siya sa pagkakarinig ng milagrong ginagawa nito at ni ano.

Nakatulala pa din siya habang nanatiling nakatakip ang kamay niya sa bibig niya ng may tumabi sa kanya sa upoan na siyang upoan dapat ni Georgette. Napalingon siya doon at agad lumaki ang mga mata niya sa gulat ng nakitang si Mikael pala iyon. Parang wala lang dito ang pag-upo sa tabi niya at natural na umayos ng upo at naglabas ng review papers nito para sa magiging exam nila sa oras na iyon.

Hindi rin nito pinansin ang mga bulungan ng mga classmates nila na nagulat din sa ginawang pag-upo nito sa tabi niya. Nakatingin pa din siya dito ng nag-angat ito ng tingin sa kanya.

"What?" Sabi nito at nagsimula ulit na basahin ang reviewer nito.

"Why are you sitting here?" Bulong niya dito.

"What's wrong with me sitting beside you?" Tanong nito na hindi inaangat ang tingin sa binabasa.

Napabuga siya ng hangin at nag-iwas ng tingin dito. Mayamaya lang ay tinaas nito ang braso nito papunta sa armchair niya na parang sinasadyang masangga ng braso nito ang braso niyang nakapirmi doon.

Muntik na siyang mapaungol ng parang may naramdaman siyang kuryente sa pagkadikit ng balat nilang dalawa.

"Mikael!!" She hissed at him.

"What? Pwede ba huwag ka distorbo! I'm trying to review here!" Inis na sagot nito sa kanya.

What the hell!! Siya pa pala ang distorbo. Bigla itong napangisi habang pinagpatuloy ang pagrereview kuno nito. Napaangat siya ng tingin sa mga classmates nila at nakita niya sina Sasha at ang iba pang babae na nag-raise ng kamay dati noong groupings nila sa isang subject na lumalaki ang mga mata at nakanganga ang bibig na nakatingin sa kanila ni Mikael.

Hay! Mikael! Ano na naman ba ang trip nito.

Mayamaya lang ay dumating na ang teacher nila at agad pinaayos sa kanila ang upo-an. One seat apart daw. Sumunod naman silang lahat. Pero nanatiling nakaupo si Mikael sa silya nito na malapit sa kanya.

Pinilit niya ang sariling huwag muna ito isipin at baka hindi na siya makasagot sa exam nila. Pero paminsan minsan din siyang napapatingin dito habang nagstart na ang pagsusulit nila. Seryosong seryoso ito sa pagsagot. Napabuntong hininga siya at pinilit magconcentrate sa papel niya. Habang iniisip niya ang answer sa isang question na nahirapan siya ay biglang sumagi sa isip niya ang nangyari sa kanila kanina sa penthouse nito.

Dammit! Nagiging malaswa na yata ang pag-iisip niya at hanggang dito sa school ay naiisip niya iyon. She's in the middle of answering her exam papers for crying out loud!

Pinukpok niya ang ulo niya at hindi iyon nakaligtas sa teacher nila.

"Ms. Mendoza? Are you okay?" Sabi nito sa kanya.

Nakaramdam siya ng hiya ng tumingin din ang ibang mga classmates nila sa kanya, kasama na doon si Mikael na nakangisi ng nakakaloko.

"Y-yes, Ma'am.. Nahirapan lang po ako sa isang question." Sagot niya dito.

Tumingin siya kay Mikael at inirapan ito. Tumawa ito ng malakas kaya mas lalong pumula ang pisngi niya sa hiya.

Hindi man lang ito sinaway ng teacher nila. Fine! Siya na ang paborito! Siya na ang top 1!

"You don't have to hurt yourself, Ms. Mendoza. Maalala mo din yan." Their teacher smiled at her. "Continue with your exams, everyone. You only have an hour left."

Shit! Malapit ng matapos at may natitira pa siyang 74 questions na hindi na nasagutan. Kaya pinagpatuloy na niya ang pagsagot at pinilit ang sariling huwag mapatingin kay Mikael.

35 minutes before matapos ang oras ng exam nila ay tumayo na si Mikael. Tapos na ito sa pagsagot. Agad nitong binigay ang papel nito sa teacher nila. Bumalik ulit ito sa upo-an nito sa tabi niya at akala niya'y kukunin lang nito ang bag nito at aalis na din. Pwede na kasing lumabas if tapos ka na.

"B ang sagot." Mahinang sinabi nito na pasimple pa lang tumingin sa papel niya. Tumayo na ito. "Aantayin kita sa baba." Huling sinabi nito bago tuluyang lumabas sa room nila pagkatapos magpaalam sa teacher nila.

Napabuga siya ng hangin. Hindi niya alam na kanina pa pala siya hindi nakahinga. Damn, Mikael! Pero naging inspired siya sa pagsagot sa papel niya at 10minutes before 5pm ay natapos na din niya ang pagsagot. Kalahati na lang pala sila ang nasa loob ng classroom.

Nagmamadali siyang bumaba ng hagdanan ng building at agad niyang nakita si Mikael na nakaupo sa isang bench doon. Kasama nito sina Henry, Johann at Christopher. Tumaas ang kilay ni Henry at paismid na nag iwas ng tingin sa kanya. Si Johann ay nakangisi at si Christopher ay nakapoker face lang. Pagkakita ni Mikael sa kanya ay agad itong tumayo at lumapit sa kanya.

"Tara." Sabi nito pagkatapos nitong pinagsalikop ang kamay nila. Napatingin siya doon at agad siyang namula ng nakarinig siya ng mga singhap sa paligid nila.

"Una na kami. Kita na lang tayo mamaya." Paalam nito sa mga kaibigan nito.

Iniwas niya ang tingin niya sa mga ito at nakayukong nagpatianod sa hila ni Mikael. Papunta sila sa parking lot. Binuksan siya nito ng pintuan bago ito umikot sa driver's seat.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya dito ng nagsimula na itong magdrive palabas ng school nila.

"Secret." Sagot nito at nakakalokong ngumiti habang ang mga mata ay nakadiretso lang sa kalsada.

Hay naku! Bahala na nga! Tumahimik na lang siya at umiwas ng tingin dito.

Mayamaya lang ay nagring ang cellphone nito na nakalagay sa dashboard ng sasakyan nito. Napabaling siya doon at nakitang si Z iyong tumatawag. Napatingin siya dito pero nanatili itong nakafocus sa pagdrive, hanggang sa mamatay na ang tawag. Nang dumaan sila sa stoplight at may traffic agad nitong kinuha ang cellphone nito at kinonect sa wireless headset nito.

"Hello, Z?" Bati nito sa kabilang linya.