webnovel

Kabanata 1

Nararamdaman kong may yumuyugyog sakin, pero di ko ito pinansin dahil PUYAT AKO! Puyat ako dahil tinapos ko yung love alarm season 2! nakakainis lang dahil halos 2 years ako nag intay na irelease yung season 2 tapos hindi nag katuluyan si jojo at sun-oh! NAKAKAINIS!!

"ATE!! GIGISING KABA O BUBUHUSAN KITA NANG TUBIG NA MALAMIG?!"

Napabalikwas ako nang bangon, dahil sa oras na hindi ako bumangon malamang na basang basa na ako ngayon! Tinignan ko nang masama si Angeline dahil ang sarap sarap nang tulog ko at puyat ako kagabi! Gigisingin ba naman ako nang maaga?! Ghad!

"Ano ate? Hindi ka babangon? Malalate na tayo sa school" inis na sabi nang gaga.

Namilog ang aking mata dahil nakalimutan ko na may pasok na nga pala ngayon!! MY GHAD KATE! GAGA KA TALAGA KAHIT KELAN!! Nag madali akong bumangon dahil baka ma late nga kami!!6:15 na at ang pasok ay 7:30.

Pagtapos ko maligo ay naka bihis na ang gaga kong kapatid.

"Baka gusto mong bilisan? Anong oras na ate!" masungit na sabi ni angeline.

"eto na, eto na! Mamadali ka ghorl?" ayaw niya nga pala kasing nalalate sa school at unang araw pa naman namin ngayon.

Paalis na kami nang bahay at nag paalam na kay mom at dad.

"Mag ingat kayo mga anak!"sigaw ni mommy, dahil naliligo siya at si daddy naman ay hinalikan namin sa pisngi bago umalis.

6:55 na nung nakaalis kami sa bahay, 20mins naman papunta sa school. Nag pahatid kami kay mang kaloy (driver namin)

"Ate san building niyo?" tanong ni angeline.

"Sa Pangatlong building ako, Ikaw ba saan?"

"Sa Pang una ate" tumango nalang ako dahil medyo mag kalapit pala ang building namin.

Papasok na kami sa school nang hinarang ako nang guard.

"Miss asan ID mo?" tanong sakin nang guard

pag kapa ko saaking dibdib napamura ako dahil nakalimutan ko yung Id ko! Shit Lang! Umagang kay malas.

Pinapasok naman ako dahil sinabi ko na estudyante ako dito! buti nalang at tinulungan ako ni angeline.

"Ate una na ako, Malalate na ako sa klase"sabay halik sa aking pisngi, tumango nalang ako at sinabing mag kita nalang kaming mamayang lunch.

7:25 na pala! at 5mins nalang Malalate na ako sa klase! Punyemas.

7:35 na at Simula na ang klase, late na ako nang 5mins shit! Kumatok ako sa room namin at humingi nang tawad kay sir josh dahil late na ako, nag introduce na pala sila at nagpapasulat na si sir.

Ngumiti si sir sakin at sinabi na "introduce yourself Ms?"

"My name is Kate Nicole De Guzman and i'm 16 years old, you can call me kate"

"You may seat Ms. De guzman"ngiting sabi ni sir, buti nalang at hindi masungit si sir kundi mapapagalitan ako ghad!

Paupo na ako nang may kumausap saakin.

"Hi Kate!"

"Hello?" awkward kong sabi

tumawa siya nang onti at sinabing " I'm Athena Nathalie Reyes" ngiti niyang sabi

"Nice to meet you Athena!" ngiti kong sabi at nag shake hands kami.

Wala naman masyadong pinagawa dahil first day of school palang naman. Yung Ibang teacher nag pa sulat lang, at yung iba nag pa introduce yourself lang din.

Nagliligpit na ako nang gamit dahil lunch time na at magkikita pa kami nang kapatid ko.