webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · perkotaan
Peringkat tidak cukup
388 Chs

Got It!

"Naka handa na po yung mesa!" Sabi ni Martin ng tuluyan na siyang naka lapit sa amin. Pero inabot parin niya sa akin yung dala niyang isang basong tubig na ininom ko naman.

Tumayo na yung Lola at Mommy niya para pumunta na sa dinning table samantalang ang Lolo at ang Daddy niya kasama si Elena ay papasok narin habang masayang nagkwekwentuhan.

Naunang naupo ang Lolo niya sa dulo ng lamesa bilang head of the family sa kanan naman niya ay ang Lola niya yung umupo. Sa kaliwa naman ay ang Daddy niya katabi ng Mommy niya.

"Elena dito ka umupo sa tabi ko!" Utos ng Lola niya kaya agad sumunod si Elena.

"Dito ka Hon!" Sabi ni Martin sa akin habang hinila yung upuan sa tabi ng Mommy niya para sa akin. Nung masigurado niyang naka upo na ko ng maayos saka niya hinila yung upuan sa tabi ko para umupo pero di pa siya nakakaupo ng magsalita yung Lola niya.

"Dito ka umupo Matin sa tabi ni Elena masyado ka ng malayo sa pagkai kapag andiyan ka. Saka hindi na balanse yung dining table." Napatingin ako sa Lola ni Martin di ko maiwasang masaktan paano ba naman harap-harapan niyang ipinapakita sa akin na mas gusto niya talaga si Elena kaysa sa akin.

"It doesn't matter Lola kung malayo sa akin yung pagkain pwedi naman ipakisuyo kay Michelle na iabot isa pa di naman lulubog yung dining table if ever di tayo proportion. I want to sit beside my girlfriend." Sagot ni Martin at tuluyan ng umupo sa tabi ko.

"Kain na tayo!" Utos ng Lolo ni Martin at sinimulan ng maglagay ng kanin sa pinggan niya. Dahil dun ay nagsimula ng kumuha ng pagkain ang lahat.

"Tama na sobrang dami nanaman ng nilagay mo! Baka di ko na yan maubos." Saway ko kay Martin paano malapit nanaman niyang mapuno yung pinggan ko.

"Okey lang kapag di mo naubos ako kakain!"

"Okey na yan kukuha na lang ako kapag gusto ko pa!"

"Sige, Kain na!" Utos sa akin ni Martin kaya nagsimula na kong kumain di ko na inisip yung nangyari kanina.

"Kumain ka nito Elena alam ko namang favorite mo ito saka ni Martin kaya nga sinadya kong magpaluto nito kay Mang Ising." Sabay lagay ng laman ng steam Lapu-lapu sa pinggan ni Elena.

"Kumuha ka rin Martin." Sabay abot sa direksyon ko ng pinggan ng Lapu-lapu na agad ko naman tinanggap dahil nga mas malapit ako. Lalagyan ko na sana sa pinggan niya si Martin ng magsalita ito.

"Di ko na yang favorite mas gusto ko na yung adobo." Sagot ni Martin at kinuha yung pinaggan sa akin at muling ibinalik sa lamesa. Di na ko kumibo dahil dun kasi nga adobo yung favorite food ko so ito na rin yung favorite niya kaya di ko mapigilang mapangiti dahil dun.

"Ngayon ko lang nalaman na bumaba na pala yung taste mo pagdating sa pagkain!"

Muling patutsada ng Lola ni Martin.

"Di naman bumaba Lola sa pagdating kasi ng panahon nagbabago yung taste ng isang tao. Nakakasawa rin kung puro ganun."

"Kumain na nga kayo!" Saway ng Lolo ni Martin. Buti na nga lang nag sinaway na niya kasi kung nagkataon di pa sila titigil at malamang pare-pareho kaming mawawalan ng gana sa pagkain. Kaya di na uli pang nagsalita yung Lola ni Martin kaya naging tahimik na yung pagkain namin. Ang ending wala akong nagawa kundi ubusin yung pagkain na nilagay ni Martin kaya busog na busog nanaman ako uli.

Nung matapos kaming kumain niyaya ko si Martin na maglakad lakad para sana bumaba yung kinain ko "Ewan ko na lang kung magtutuloy tuloy ito kundi ako maging baboy.

"Dito kami naglalaro nung kabataan namin." Sabi sa akin ni Martin nung naglalakad kami papunta sa malawak nilang garder.

"Anong nilalaro niyo?"

"Kung ano-ano lang minsan nagtataguan kami, naghahabulan minsan nagbabahay-bahayan or usual na laro ng mga bata."

"Ah so malamang ikaw ang tatay at si Elena yung nanay sa bahay-bahayan niyo?" Casual kong sabi.

"Inaakyat rin namin itong mangga na ito. Tamang-tama may bunga kuha kita saglit." Di na hinintay ni Matin na sumagot ako ng umakyat siya sa puno na parang unggoy. Napa iling na lang ako paano di niya sinagot yung tanong ko sa halip ay iniwasan niya pa ako. Pero sympre alam ko naman na yun talaga ang sitwasyon paano nung kabataan ko ganun din naman yung laro namin ng kabataan ang di ko lang maisip bakit di niya kayang sabihin sa akin.

Lumapit ako sa puno ng mangga kung saan umakyat si Martin para tingnan kung nasaan na siya. Paglapit ko doon agad ko siyang nakita sa bandang tuktok at may inaabot ng isang pung-pong ng bunga. Di ko maiwasang mapahawak sa trunk ng puno paano baka kasi mahulog siya.

"Ingat ka!" Sigaw ko.

"GOT IT!"

Sagot niya sa akin habang ipinakita pa sa akin yung napitas niya.

"Tama na yan baba ka na!"

"Sige!" Agad naman siyang sumunod sa sinabi ko. Paalis na sana ako sa may puno para bigyan siya ng daan sa pagbaba ng may mapansin akong naka ukit doon. "MARTIN LOVE ELENA ONLY FOREVER AND EVER." Bold letter pa ang pagkakaukit. marahil matagal narin iyon kasi nag heal na yung pinagukitan pero makikita mo parin ng malinaw ang naka sulat doon.

Tuluyan ng naka baba si Martin sa puno ng makita niyang tinitingnan ko yung naka ukit doon.

"Matagal na yan! Hayaan mo ipapabura ko yang kay Mang Berto mamaya." Paliwanag sa akin ni Martin. Sabay hila sa akin para matanggal ang tingin ko dun sa puno.

Muli kaming pumasok sa loob ng bahay nila. Pagpasok namin rinig na rinig namin yung tawanan mula sa living room kung nasaan ang mga Parents, Grandparents at si Elena.

"Ang cute niyo ditong dalawa oh hahahha! Naalala ko pa ito yung third birthday niyong dalawa at malang ito rin ang first kiss niyo hahaha!" Narinig kong sabi ng Mommy ni Martin habang hawak-hawak yung photo album. Marahil pinag-uusapan nila yung kabataan ni Martin at Elena sabi ko sa isip ko.

"Doon tayo sa kwarto ko!" Sabi ni Martin sa akin habang hinila ako paakyat sa second floor di na kami tumuloy sa living room.