webnovel

"Estranghero"

Hindi pinansin ni Mang Ben ang janitor habang wala itong tigil sa kakausap sa kanya. Hanggang sa....

Mang Ben: Anong ginagawa mo?

Janitor: Ha? Ah, naglilinis. Tinutulungan ka. Pinahanga mo kasi ako sa pinakita mong tapang kanina.

Mang Ben: Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng preso na kumalaban at walang takot na tinititigan sila?

Janitor: Oo. Ganun na nga.

Lumipat si Mang Ben ng pwesto at nagsimula muling maglinis.

Janitor: Ano ba kasing kaso mo?

Mang Ben: Hindi mo na dapat malaman.

Janitor: Nako, huwag ka nang mahiya. Marami na akong napakinggan na mga kaso rito. Ano? Rape? Pagnanakaw?

Mang Ben: Pumatay lang naman ako ng tao at itinabi ko ang bangkay niya sa patay na katawan ng anak ko. Dapat lang sa kanya 'yon, kasi dahil sa kanya nawala ang anak ko sa akin.

Janitor: Ganon ba? Sino kasi 'tong lalaki na ito sa buhay ng anak mo?

Mang Ben: Kasintahan niya. Ang dami mong tanong ah. Eh kung ako naman kaya ang magtanong?

Janitor: Sige. Wala naman akong dapat itago. Lahat tayo may kanya kanyang mga baho. Na lalabas at lalabas rin sa bandang huli.

Nagpatuloy ang janitor sa paglilinis.

Mang Ben: Ilang taon ka na ditong nagtratrabaho?

Janitor: Matagal na rin. Bakit mo naitanong?

Mang Ben: Hindi ka ba napapagod? Medyo matanda ka na rin. Parang magkasing edad nga lang tayo eh.

Janitor: Napapagod rin, gusto ko na ngang magpahinga eh. Kaya lang hindi pa panahon, pero alam ko malapit na. May hinihintay lang ako.

Mang Ben: Hinihintay?

Nang biglang may dumating na pulis. Pagdating ng pulis ay pumasok naman ang janitor sa loob ng isa sa mga cubicle.

Pulis 2: Hoi, tama na yan. Buhusan mo na yan ng tubig. Bilisan mo!

Pagkatapos ni Mang Ben maglinis ay sinamahan na siya ng pulis pabalik sa kanyang selda.