webnovel

"Estranghero"

Samantala pinalabas na sa kanilang mga selda ang mga kasamahan ni Mang Ben kasama siya. Pinapunta sila sa banyo upang maglinis dahil sa nagawang pambabastos ni Mang Ben. Kasalanan ng isa, kasalanan ng buong selda, 'yan ang patakaran nila. Sa loob ng banyo na pwedeng palikuran pwede ring paliguan na siyang ginagamit ng mga preso ay hinarap nina Mang Ben ang kanilang parusa.

Preso 1: Ano ba yan? Bakit kasi ayaw na lang tumayo kanina. Tingnan tuloy.

Tolits: Maglinis ka nalang.

Wika ng siga ng selda na biglang nanlambot nang dumating si Mang Ben sabay tingin sa matanda. Hindi lang pinansin ng matanda ang sinabi ng kanyang kasamahan maging ang pinapagawa sa kanila. Kumilos lang siya ng kusa suot ang napakaseryosong mukha. Wala siyang emosyon, maging ang mga mata niya, hindi mo mababasa. Kinuha niya ang isang timba at brush at pumuntang gripo. Nilagyan niya ng tubig ang naturang lalagyan sabay tingin sa labas ng banyo. Pagkalingon na pagkalingon niya ay biglang may dumaan na matanda na kasing tanda niya, nakasuot ng pang janitor na uniform. Nakatingin rin sa kanya, pero panandalian lamang ang pagtitigan nila dahil lumagpas din ito ng pintuan. Dumaan lang kung baga.

Kiniskis ni Mang Ben ng gamit niyang brush sa sahig na gawa sa tiles maging ang dingding ng banyo. Basang basa na siya ng kanyang pawis at idagdag mo pa ang tubig na ginagamit niya. Punong puno na rin siya ng bula sa kanyang mga kamay at konti sa kanyang damit at tuhod sa kakayuko niya. Abala ang lahat sa kanikanilang mga gawain, nais nilang matapos kaagad ang kanilang ginagawa para makabalik na sila sa kanilang selda at makapagpahinga. Umabot din ng isang oras ang paglilinis ng mga preso sa loob ng banyo hanggang sa dumating ang isang pulis.

Pulis 2: Hoi, tama na 'yan. Magsibalik na kayo, maliban sa'yo.

Sabay turo kay Mang Ben. Tumingala lamang ang kawawang matanda sa nakatayong pulis sa kanyang harapan habang nagkikiskis siya ng sahig.

Pulis 2: Tapusin mo 'yang ginagawa mo, hala sige. Kayo naman sige na umalis na kayo dito at bumalik na kayong selda at maghahapunan na kayo maya-maya lamang. Tapusin mo yan ha, dapat malinis ang buong paligid at dapat walang dumi kahit katiting sa bawat tiles. Naintindihan mo?!

Hindi sumagot ang matanda. Sa halip binaling na lang niyang muli ang kanyang tingin sa nililinisang sahig at nagpatuloy sa pagkukuskos. Napakamot na lang ang pulis sa kanyang noo nang hindi makatanggap ng sagot mula sa kanyang kinakausap at umalis na nang tuluyan.

Pagkaalis na pagkaalis ng pulis ay biglang dumating ang kaninang janitor sa loob ng banyo at sinamahan ang matanda.

Janitor: Bilib din ako sa'yo, ang tapang mo rin noh?

Sabay kuha ng mop at nagsimulang ipunas ito sa sahig.