Mary Point of View...
Wakas: I love you goodbye
Nanatili akong nakatulala saking kwarto. Ilang oras na akong nakahiga sa kama at hindi manlang mapakali. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Una ang mga kilos ni Ivony, pangalawa ay si Matteo, pangatlo si Rocky na galit parin sakin.
Hindi mawala saking isipan ang nangyari kanina. Si Matteo na umalis agad kasama si Ivony at si Rocky na iniwan akong mag-isa sa gym. Iniwan na ako ng lahat, hindi kaya masyado lang akong naging oa? Sa totoo lang ay nasasaktan ako at hindi ko alam kong kanino sa dalawa. Masyado na akong nalilito sa pagkakataong ito. Kailangan ko munang magpahinga.
Madalian akong bumangon at naglinis saking sarili. Ilang minuto rin akong nagbabad sa mainit na tubig mula sa shower. Kanina pa sobrang bigat ng damdamin ko. Naiisip ko si Ivony at Matteo kanina. Bakit nga ba ako nagkakaganito? Bakit ako naaapektohan? Bakit naman ako magagalit sa kanilang dalawa? Hindi ko alam dahil ito ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maintindihan kong ano-anu ang mga ito. Nagseselos ba ako? Nag-seselos ba ako sa masyadong pag-alala ni Ivony kay Matteo.
Hindi. Basta hindi ko alam!
Napagpasyahan kong magpahangin mula sa lobby. Bibit ang isa bote ng boracay ay gusto kong palamigin ang aking utak. Gusto kong kumalma at mag relax. Umupo ako sa kulay itim na sofa at inilapag ang cellphone mula saking gilid. Ang daming nangyari sa araw na ito. Naalala ko ang halik ni Matteo nong nasa park kami. Bigla ko nalang nakagat ang aking ibabang labi. Bakit hindi ko manlang sya nagawang itulak sa mga oras na yon? Bakit hindi manlang ako pumalag?
Hindi ko alam.
Tinitext at tinawagan ko si Rocky subalit hindi niya ako sinasagot. Kanina pa ako kinakabahan at hindi ko alam kong bakit ko ito nararamdaman ngayon. Para bang hindi ako mapakali.
Napasinghap ako bago tumingala sa langit. Bigla nalang sumikip ang dibdib ko habang inaalala si Nanay at Tatay. Siguro kong buhay pa sila ngayon ay paniguradong nasasaktan at nagagalit sila sa pinag-gagawa ko. Matagal ko ng kinalimutan ang paghihigante. Matagal ko naring napatawad si Venus at Mr. Francisco. Hindi nawawala ang communication naming tatlo. Gustohin ko mang sumama sa kanila sa America ay hindi ko magawa. Hindi pumayag si Mr. Francisco na sumama ako sa kanila dahil nandito ang buhay ko sa pinas. Napaisip ako sa sinabi niya. Nandito ba talaga ang buhay ko? Sa pagkakaalam ko ay masaya akong namuhay sa America noon. Bumalik lang naman ako para mag higante.
Humugot ako ng malalim na hininga. Sana ay gumaling na si Mr. Francisco dahil ganon paman, ama ko sya at anak niya ako. Minsan na akong nawalan ng ama at ayaw kong mangyari iyon ulit.
Naputol ang pag-iisip ko ng may nag doorbell. Napatingin ako saking relo gabi na pala at maaga pa naman. Dali-dali akong tumungo sa pinto at binuksan iyon. Hindi ko lubos inaasahan ang bumungad sakin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko syang umiiyak at namamaga ang mga mata.
Bakit sya nandito? Natatakot ako sa puntong ito. Nangi-nginig ang kamay ko.
"Riza----?" saad ko. Hindi ko alam kong ano ang sasabihin. Nanatili syang umiiyak sa harap ko. "Riza, anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? Hali ka pumasok ka sa loob." sunod-sunod kong saad na kinakabahan.
"A-Ate," nanginginig ang boses ni Riza. Lumapit sya sakin at niyakap niya ako ng mahigpit. Mas lalo akong kinabahan. Hindi ko alam pero parang may mali. Parang may nangyayaring hindi ko alam.
"Riza, please anong nangyayari? Bakit ka naparito sa bahay? Sinong kasama mo? Nasan ang kuya mo? Ikaw lang ba ang mag-isa?" sunod'sunod kong tanong. Dahan-dahan syang kumalas saking yakap. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge. Hinawi ko ang kanyang mga luha. "R-Riza naman oh, kinakabahan na ako. Bakit ka umiiyak?" dahan-dahan kumalma si Riza sa harap ko.
"A-Ate kailangan mong sumama sakin." biglaan niya akong hinila palabas ng aking condo. Wala sa sarili akong sumunod sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil patakbo ang paghila sakin ni Riza.
Maging sa elevator ay alingasa ako, hindi ako mapakali at panay tanong ko kay Riza.
"R-Riza sabihin mo nga sakin ang totoo? Ano ba talaga ang nangyari? Nag-aalala na ako sayo." naging marahas ang boses subalit tinignan niya lang ako ng walang ekspresyon ang mukha.
"A-Ate Mary hindi ito ang tamang oras sumama na po kayo sakin, please!" pagmamakaawa nito. Wala na akong nagawa kundi ang tumahimik nalang. Subalit hindi ko mapigilang nerbyosin sa sitwasyong ito.
Maging sa kotse ay nakahawak si Riza sa kamay ko. Nanatili syang umiiyak na may hinahon. Hindi ko alam pero kakaiba ang pakiramdam. Hindi naman mabilis ang pagmamaneho ng kanyang driver. Parang may mali na hindi ko alam kong ano ang mga ito. Dahan-dahan akong humarap kay Riza na may kabang nararamdaman.
"Riza," lumingon sya sakin at dahan-dahang hinawi ang kanyang mga luha. "Ano ba talaga ang nangyayari? Pwede mo namang sabihin sakin diba? Handa kitang tulongan Riza kong ano man iyon," tila lumiwanag ang kanyang mukha sa sinabi ko. Hinawakan niya ang mag kabila kong kamay ng mahigpit.
"Tutulongan mo ako ate?" tanong niyang pabalik na ikinatango ko. Lumapad ang ngiti niya na tila sobrang saya. Ang kaba ko kaninay ay naibsan.
"Tutulongan kita Riza kahit ano pa yan. Sabihin mo sakin? Nag-away ba kayo ng mommy mo? Inaway ka ba ng kuya mo?" sunod-sunod kong katanongan na ikina-iwas ng kanyang titig. Bumalik ang kaba ko. Siguro naman mali ang iniisip ko na baka buntis sya o di kaya'y pinagbawalang magka boyfriend, hindi ako sigurado pero masyado naman sigurong immature 'tong naiisip ko ngayon.
Binalik niya ang tingin sakin na may lungkot sa kanyang labi.
"Ate Mary, malalaman mo rin ang lahat pagdating sa bahay. Sana ay tulongan mo ako, pangako?" nakagat ko ang ibaba kong labi sa binitawan niyang salita. Hindi ako sigurado sa iniisip ko pero napamahal na sakin si Riza. Parti na rin sya ng buhay ko.
"Pangako, Riza." saad ko na ikinayakap niya sakin. Napasinghap ako bago sumandal sa upoan. Sa puntong ito ay kailangan kong tulongan si Riza sa problema niya.
Isang oras din kami sa byahe patungo sa tagaytay kong saan ang bahay nila. Nagsimula ulit akong kabahan ng bumukas ang gate at bumungad sakin ang madilim na bahay nila.
"Riza bakit madilim?" lingon ko sa kanya. "Nasan ba ang kuya mo? Si Tita? Wala ba dyan?" tanong kong nag-aalala. Hindi naman pwedeng mag-isa lang si Riza sa ganitong oras.
"Hindi ko nga rin alam ate eh. Mabuti pa eh pumasok nalang tayo sa loob," anyaya nito na ikinatango ko. Sabay kaming lumabas ng kotse. Pinark narin ni manong ang kotse sa loob ng parking lot. Dahan-dahan kong naramdaman ang malamig na kamay ni Riza sa kamay ko. Hinawakan niya ako ng mahigpit.
"Huwag kang mag-alala nandito lang ako para sayo, Riza." pangako ko na ikinangiti niya.
"Alam kong matutulongan mo ako ate," sambit nito bago ako hinila patungo sa main door. Bawat yapak namin papalapit sa pintoan ay pa bilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Bakit nga ba ako kinakabahan?
Sobrang dilim ng paligid at tanging buwan lang ang nagbibigay liwanag sa buong bahay. Dahan-dahan itunulak ni Riza ang pintoan na nakakabuo ng nakakatakot na tunog. Halos wala akong makita dahil sobrang dilim.
"May flashlight ang phone ko, sandali lang," saad ko at dali-daling hinanap ajg phone sa bulsa.
"Ate Mary sorry," nabigla ako sa biglaang pagtulak sakin ni Riza sa loob sabay ng malakas na pagsira ng pinto. Namilog ang mata ko sa ginawa niya. Tumakbo ako patungo sa pinto at itinulak iyon ng mahina.
"Riza!" sigaw ko. "Riza bakit mo sinara itong pintoan. Riza buksan mo ito. Riza please hindi magandang biro ito." patuloy kong sigaw habang kinakatok ang pintoan ng paulit-ulit. Halos maiyak ako sa takot at kaba dahil sa sobrang dilim ng bahay nila.
Ano bang balak ni Riza? Bakit niya ginagawa ito? Bakit niya sinara ang pinto? Bakit sya biglang umalis?
Natigilan ako sa pag-sigaw ng biglang isa-isang lumiwanag ang iilang siries light sa buong paligid. Napasandal ako sa pintoan habang nakakapit saking dibdib. What is the meaning of this? Halos mapatalon ako ng bumungad sakin ang iilang pulang oras sa sahig. Ang mga iilang balloon sa kisame ay halos nagisiskipan sa dami. Ang iilang pula at puting series light ay kay sobrang gandang panuorin.
Sa puntong ito ay alam ko na kong bakit ginawa ito ni Riza.
Halos hindi ako makagalaw saking kinatatayuan ngayon ng biglang tumunog ang isang musika na nang gagaling sa itaas ng hagdan. Namilog ang mata ko sa nakita. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa isang makisig at matangkad na lalaking kumakanta sa harap ko. Napahawak ako ng mahigpit saking dibdib.
"R-Rocky?" halos paos ang boses ko sa tuwa at saya. Bakit ganito ang aking nadarama? Parang kakaiba at tila bumabalik ako sa dating mahinang Mary pagdating kay Rocky.
Dahan-dahan syang bumaba ng hagdanan habang kumakanta. Bitbit ang isang rosas sa kanang kamay ay nakapamulsa syang nakakatitig sakin. Ang kulay itim na long sleeve niyang suot ay mas lalong nagpapakisig kay Rocky. Sobrang linis ng kanyang gupit na nagpapabagay sa kanya.
Hindi ko alam na may buo at magandang boses si Rocky. Matagal na kaming magkakilala ngunit bakit ngayon ko lang sya narinig kumanta?
Now playing: SECRET LOVE SONG
When you hold me in the street
And you kiss me on the dance floor
I wish that it could be like that
Why can't it be like that? 'Cause I'm yours.
Natatawa ako sa kinanta niya. Halos tugma kong pano niya ako sinusundan noon sa states. Natawa ako na may halong kilig.
We keep behind closed doors
Every time I see you, I die a little more
Stolen moments that we steal as the curtain falls
It'll never be enough
It's obvious you're meant for me
Every piece of you, it just fits perfectly
Every second, every thought, I'm in so deep
Hindi ko nalang namalayan na isa-isang tumulo ang luha ko habang tinititigan sya mula sa itaas. Napakagwapong lalaki ngunit bakit ko pa nagawang i reject?
But I'll never show it on my face
But we know this, we got a love that is homeless
Why can't you hold me in the street?
Why can't I kiss you on the dance floor?
I wish that it could be like that
Why can't we be like that? 'Cause I'm yours
Dahan-dahan syang lumapit sakin ng makababa na sya ng hagdanan. Hinawi ko ang mga luha ko saking pisnge. Bakit nga ba ako umiiyak ngayon? Dahil deserve ni Rocky ang mga luhang ito. Sobrang swerte ko sa kanya ngunit nabalewala ko ng ilang taon.
"Cause I'm yours, Mary." nakagat ko ang ibabang labi ko sa binitawan niyang salita. Bumagsak ang mata ko sa hawak niyang pulang rosas. Nakikita ko mula sa kamay niya ang pangi-nginig. Hindi ako makapagsalita sa harap niya, nanatili akong nakatutula at literal na nagulat sa puntong ito.
"When you're with him, do you call his name. Like you do when you're with me? Does it feel the same? Would you leave if I was ready to settle down? Or would you play it safe and stay? Mary you know this, we got a love that is hopeless." Dinugtongan niya ang kanta na may emosyon at naluluhang mata. Kitang-kitang sa gilid ng mata ni Rocky ang mga luhang gusto ng bumagsak.
"Rocky why you surprise me now?" sinuntok ko sya sa dibdib na ikinangiti niya. Isang ngiting tila nang-aasar.
"Love is full of surprises, Mary." malamig niyang boses. Dahan-dahan kong ibinaba ang aking kamay mula sa kanyang didib.
Oo nga pala, siguro nga ay tama si Rocky. Full of surprises and
unexpected moments. But some times
I can't accept the fact that even though that im really love some one there is an action happen even i cant understand.
It's all you know the love is fade
And gone. Siguro nga't wala na akong nararamdaman para kay Matteo. I'm done and it's all gone. My feeling is already fade.
Bumalik ang diwa ko ng dahan-dahang lumuhod si Rocky saking harapan. Itinaas nya ang kanyang kanang kamay kong saan hawak niya ang rosas. Napayakap ako saking sarili. Hindi sa takot kundi sa kaba na halos akong matumba.
"Mary matagal na akong nanliligaw sayo, matagal na akong patay na patay sayo. Sana ito na rin ang panahon para marinig ko ang matamis mong OO," natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na may itinatagong ka cornyhan pala ito si Rocky.
"R-Rocky--," sambit ko na ikinailing niya. Bakit hindi ako makapagsalita? Bakit hindi ko sya magawang sagotin? Bakit parang may takot sa puso ko?
"Please Mary," naging paos ang boses niya sa puntong ito. "I know im not the best, not the most perfect but i promise to love you with whole of my heart." napapikit ako sa sinabi niya. Dinaramdam ko ang bawat patak saking luha. Dahan-dahan akong huminga ng malalim. Yumuko ako na may takot na tinitigan si Rocky.
"R-Rocky the best ka para sakin, perfect kana para sakin." saad ko na ikinapikit niya. Bawat patak ng luha ni Rocky ay sobrang sinseryo. Nasasaktan ako sa mga luhang dumadaloy sa kanyang dalawang mata.
"Why you cant love me, the way i love you?" napatiim bagang ako sa binitawan niyang salita. Nasampal ako sa pagkakataong ito. Napakasakit nasampal gamit ang bibig ni Rocky. Bakit ako nagugulohan? Na kay Rocky na ang lahat ano pa ba ang hinanap ko?
"R-Rocky mahal kita at alam mo yan," sagot ko na ikinayuko na. Bagsak ang magkabila niyang balikat sa binitawan ko.
"Bilang isang kaibigan?" ma awtoridad niyang sagot na ikinaatras ko. Anong problema sakin? Sa pagkakaalam ko ay may nararamdaman ako para kay Rocky, bakit biglang naging takot nalang ang mga ito? "Why you cant do the same thing for me Mary? Do you love me, right?" dahan-dahan syang tumayo sa harap ko na may luha sa dalawang mata. Sobrang perpekto ni Rocky, para saktan.
"R-Rocky mahal kita subalit natatakot akong masaktan ka." tulak kong bibig na ikinalingo niya ng ilang ulit.
"Matagal na akong nasasaktan Mary, pero ito parin ako patuloy nagmamahal sayo." bitaw niyang ngiti subalit may sakit. Ilang ulit ko ng sinasabi sa sarili ko na may nararamdaman na ako kay Rocky, ilang ulit ko naring napatunayan sa sarili ko na may gusto narin ako sa kanya.
Matagal na niya akong minamahal at kailanman hindi niya ako iniiwan, siguro panahon na para mahalin ko sya ng buong-buo. Dahan'dahan akong lumapit kay Rocky na may ngiti sa labi. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge at isa-isang pinunasan ang kanynag mga luha.
"I already found you, Rocky. Ano pa ba ang hahanapin ko? Sobrang tagal mong nag tiis sakin. Sobrang tagal mong naghintay sakin. Bakit mo kinaya iyon? Ganon mo ba talaga ako kamahal huh?" pinisil ko ang magkabila niyang pisnge na ikinatawa niya ng mahina. Mas lalong napagkikitaan ang ka gwapohan ni Rocky ngayon.
Hinawakan niya ang kamay ko mula sa kanyang pisnge.
"Its better to wait than to find. Because perfect love needs a perfect time," napanguso ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang pamumula saking pisnge.
"Talaga lang huh?" taas kilay ko. Umawang ang labi niya at dahan-dahan akong hinila sa may bewang. Nakagat ko ang labi ko sa kahihiyan. Naiisip ko si Riza o kayay si Tita Reina. Sigurado akong nasa paligid lang sila ngayon. "R-Rocky baka nandyan mommy mo, nakakahiya makita pa tayo ni Riza." itinulak ko ang makisig niyang dibdib subalit mas hinila niya pa ako sa may bewang. Mas idiniin niya ang kanyang katawan saking katawan.
"Wala sila dito Mary trust me." nag taas ako ng kilay sa sinabi niya. Hinayaan ko syang hawakan ako. Dahan-dahan kong ipinulupot ang aking kamay sa kanyang batok.
"So planado na pala ito lahat huh?" ngiwi ko na may inis. "Dinamay mo pa talaga si Riza sa kalokohan mo," pinitik ko ang noo niya at hinuli niya agad ang kamay ko. Dahan-dahan niyang ibinaba ang aking kamay sa kanyang bibig. Sobrang ramdam ko ang mainit na labi ni Rocky.
"Kalokohan ba ang magmahal?" nguso niya na ikinatahimik ko. Dahan-dahan akong napasinghap. Ilang segundo kaming naglaban ng titigan. Sobrang bango ng hininga ni Rocky halos hindi ako makagalaw dahil sa nararamdaman ko ngayon. Ibinalik ko ang aking kamay sa kanyang batok.
Pinag-aralan ko ang bawat anggulo niya. Ibang-iba si Rocky kay Matteo. Mag-kaiba sila ng paraan kong pano mahal. Ngayon alam ko na kong sino sa kanilang dalawa.
"Thank you, Rocky. Thank you for everything. Thank you for the acceptance and love. Thank you for being patient with me when I can't even be patient with myself. Thank you, Rocky!" wika ko na ikinailing niya ng ilang ulit. Nagulat ako ng biglaang may tumunog na musika.
Dahan-dahan niya akong isinayaw na may ngiti.
"No, Mary." sambit niya. "Thank you for giving me a reason to wake up every day. Thank you for inspiring me to keep trying to be a better person. Thank you for giving me that faith I need when there seems to be no hope. Thank you, Mary." Dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko. Ramdam na ramdam ko ang nagsisiliparang paru-paro saking dibdib. Ramdam na ramdam ko ang kiliti saking dibdib.
Mahal ko si Rocky at alam iyon ng puso ko. Hindi ako nagkakamali. Mahal ko sya!
Sabay ng musika ay tila lumulutang ako habang kayakap si Rocky. Sobrang sarap sa pakiramdam. Sobrang nakakagaan sa loob. Sobrang sarap magmahal lalo na't mas mahal ka ng taong mahal mo.
Nanatili syang nakahalik saking noo.
"Mary....Please be in my life. Will you stay in my life forever?" natigilan ako sa pagsasayaw bago tinitigan si Rocky. Napalunok ako sa huli niyang sinabi.
Forever?
The truth is I don't believe in just a simple forever, even in infinity beyond. Because everything has an ending. But i do believe in forever an a day. Because when that forever ends it still has a day, a day to start a forever again. And yes, i already found my forever. I found him and he already found me.
Ngumuso si Rocky dahil hindi ako nakasagot.
"Please say yes for me," tanong niyang may paos at takot. Nagbuntong hininga ako sabay ng paglabas ni Riza mula sa isang pintoan kasama si tita Reina. Namilog ang mata ko dahil nandito sila. Sinundan ni Rocky ang tingin ko mula sa likuran niya. Sabay kaming humarap sa mommy niya at kay Riza.
"Ate Mary remember you said lately? Tutulongan mo ako sa kahit ano?" napatango ako sa katanongan niya. Kitang-kitang sa dalawang mata ni Riza at Tita kong gano sila kasaya ngayon. "Please ate tulongan mo akong pasiyahin si kuya ulit. Make him happy again ate, Mary." lumapad ang ngiti ko sa wika niya. Dahan-dahan akong humarap kay Rocky na may kilig na hindi ko alam kong pano ko ilalarawan ang aking mukha ngayon.
Sobrang saya dahil ako ang rason ng kasiyahan nilang lahat.
"Yes, i already said yes." walang pag alinlangan kong sagot. Napatalon si Rocky sa tuwa at tila wala ng bukas.
"Yes, yes, yes." halos hindi ko mapigilan sa tuwa si Rocky. Patuloy ang talon niya sa saya. Lumapit sakin si tita at Riza niyakap nila ako ng mahigpit. Hindi ko kayang ipagkait ang kasiyahan na gusto ni Rocky. Para narin sa kanyang pamilya.
Matagal na akong pinapasaya ni Rocky at sa puntong ito ay papasiyahin ko rin sya. Iniwan kami ni tita at Riza sa sala. Nakaupo kami ni Rocky sa kulay puting sofa na may maraming kalat na rosas. Nakahiga ako mula sa kanyang dibdib at sabay naming pinapanuod ang mga siries light sa kisame na may iilang pictures namin mula highschool hanggang sa ngayon.
Inangat ko ang aking noo at nahuli ko syang nakapikit. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang tangos ng ilong ni Rocky, ang mapupula niyang labi ay nakakaantig. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Umayos sya ng upo at hinarap ako na may tamis at lambing.
Nagsimula ulit akong kabahan.
"I received my ultimate gift that i will treasure forever. I promised to myself that i will do anything and everything to make you happy, Mary. A life that full of love and happiness that i will protect and fight for you. I will not let anyone to hurt you. I promise!" sobrang sarap pakinggan ng bawat bigkas ni Rocky.
Kusang pumikit ang dalawa kong mata ng dahan-dahan syang lumapit sakin. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang mainit ang matamis niyang labi. Bawat halik na idinidiin sakin ni Rocky ay may galak at saya. Hindi ko alam pero kusang bumitaw ang katawan ko sa makisig niyang katawan. Dahan-dahan akong napahiga sa sofa at ipinulupot ang dalawang kamay sa kanyang batok.
Sinong makakapigil kong pareho namin itong gusto.
Rocky really know how to make me happy. Thank you for your unending surprises Rocky. Thank you for loving me through my darkest days and being patient with me through thick and thin. Thank you for always making me feel like a Princess everyday, for being my bestfriend and for being the best man today and tomorrow until forever!
Ikaw ang pinili ko Rocky at ikaw lang wala ng iba pa.
I love you Rocky and goodbye Matteo.