KABANATA 6: Anger
Sinamahan ako ni Rocky umuwi ng Gregoria. Nalaman niya lang ang nangyari sa bahay namin nong umalis ako papuntang state. Maging sya ay nagulat sa pagkasunog ng bahay dahil dito rin sya galing non. Naaawa nga ako sa kanya eh, dahil nagawa niya pang pumunta dito sa probinsya kahit malayo.
Panay iyak ni Ante dahil ilang taon akong hindi nag-pakita sa kanila. Halos hindi sya makapaniwala sa nakita. Marami ngang nag-bago sakin dahil lahat ng mahal ko sa buhay ay 'yon ang nakikita nila.
"Mary anak...sobrang nag-aalala kami sayo, halos mamatay ako sa kakaisip kong saan ka pumunta." Kanina pa umiiyak si Ante. Panay punas ko sa kanyang luha. Should I regret everything? bakit hindi ko nagawang mag-paalam sa kanila nang ganon-ganon lang? nag-sisisi na ako sa biglaan kong pag-alis dahil marami pala akong pinag-alalang tao, at isa na dun ay asi Ante.
"Patawarin nyo sana ako Ante," Niyakap ko sya agad. Sobrang sikip ng dibdib ko. Miss na miss ko na sila!
"Saan ka ba pumunta, Mary? Bakit bigla-bigla ka nalang nawala?" Biglaang sambit ni Becky. Kumalas kami sa yakap ni Ante.
"Pumunta ako sa state at doon ako nag-aral," Sagot ko na ikinalag-lag ng panga nila. Gusto kong ikwento sa kanila ang lahat-lahat.
"State? tika pano ka nakapunta doon? Si Rocky ba ang nag-paaral sayo doon?" Gulat na tanong ni Becky. Lumingon ako mula sa lampasigan kong nasan si Rocky at Regienard, kasama si Dodong at mga kaibigan nila. Sila ang magkakabarkada noon at ngayon lang sila ulit nag kita-kita.
Binaling ko ang tingin kina ante at becky.
"Dahil nagkita na kami nang totoo kong tatay, Becky." Mas lalong silang nagulat. Maging si ante ay hindi makapaniwala.
"Hinanap mo si Francisco?" Si ante. Dahan-dahan akong tumango. Bigla ko lang naalala ang lahat ng nang-yari sakin noon, ang binitawang salita ng totoo kong tatay ay nakabaon parin sa utak ko. "Anong sabi niya? tinanggap ka ba niya?" Dugtong ni ante.
Thats what I asking for myself many times. Why he can't accept me?
"Pinagbawalan niya akong makipagkita sa kanya, Ante. Binigyan niya ako ng mahigit isang bilyon at ang kapalit non, ay ang pag-lisan ko sa buhay niya." Natigilan silang dalawa. May namumuong luha sa mata ko, ngunit kaylangan ko maging matapang sa harap nila. Matagal ko ng ipinangako saking sarili na ayaw ko ng lumuha pa.
"Diyos ko, bakit nagawa ni Francisco sayo yon?" Si Ante. Isa lang ang alam ko!
"Ayaw niyang malaman ng pamilya niya na may anak sya sa labas. May kapatid akong babae at minsan ko na syang nakilala sa bar na pinag-tatrabahoan ko noon." Salaysay ko. May malaking question mark parin sa sa mukha nilang dalawa.
"Aba...kong ako sayo Mary ay mang-gugulo ako sa pamilya ng tatay mo. Hindi nabibili ng pera ang presensya mo. Bakit mo tinanggap 'yon?" Iritang wika ni Becky. Sa totoo lang ay nag-sisisi na ako pero wala na akong alam na paraan.
"Gusto kong lumayo at mag bagong buhay," Agaran kong sagot. Inabot ni Ante ang kamay ko.
"Pwede ka namang mag bagong buhay dito sa Gregoria, Anak. Nandito naman kami ng Ninong mo kasama si Regienard at Becktor." Marahang samabit ni ante. Napasinghap ako.
"Sorry ante huh kong hindi ako nakapag-paalam. Pero sa ginawa kong pag-alis ay sobrang worth it ang lahat. Ang daming nag-bago sakin ante," Ngumiti sakin si ante habang si Becky ay sobrang taas ng kilay.
"Oo nga eh, ang daming nag-bago sayo. Mula sa pananamit mo at isa na dun ang buhok mo. May mga alahas kana sa buong katawan, tapos mas gumanda ka pa lalo. Super na'iingit na ako sayo huh. Sabihin mo nga samin, nakapag-asawa ka ba ng Amerikano doon?" Sunod-sunod na tanong ni Becky. Natawa kami ni ante. Siguro ay kaylangan kong sabihin sa kanila ang lahat.
"Oo nga anak," Si ante. "Ano bang nang-yari sayo sa Amerika?" Dugtong niya.
Suminghap ako bago sila sinagot.
"May sarili na akong kompanya ante," Nalaglag ang panga nila sa sinabi ko. Nagkatinginan silang dalawa.
"Oh my gosh...For real?" Maarteng saad ni Becky. Natawa ako ulit!
"May mga Hotel at Restaurant na ako sa state." Sagot ko na mas lalo nilang ikinagulat.
"T-ika lang...tatlong taon ka lang nawala. Pero kay dali naman ata?" Nag-tatakang suhestyon ni Becky. Yan din ang naiitanong ko saking sarili. Sobrang bilis ng pang-yayari.
"Alam nyo naman ang Amerika diba? Hitech, at sobrang advance ng mga teknolohiya nila doon. Mabilisan ang pag-gawa nila ng gawain doon at isa nadun ang pagpapatayo ng mga building," Sagot ko. Unti-unting pinoproseso ni ante at Becky ang lahat ng sinabi ko. Tila hindi sila makapaniwala. Di umano'y, hindi naman talaga kapani-paniwala dahil isa lang akong simpleng probinsyana at bigla nalang naging ganito. Siguro ay may rason ang lahat ng pag-iisa ko sa buhay. Tyaga, tiwala at pag-pupursegi ang lagi kong isinasaulo noon. Aral sa umaga, trabaho sa gabi. Waitress man o, janitress. Tuwing Linggo at sabado ay nag-tuturo ako sa isang private school kong saan nag-aaral ang mga taiwanese at Japanese na gustong matutong mag english.
Nanatili silang nakatitig sakin.
"Oh my gosh..Sobrang yaman na pala ng kaibigan ko. Hindi ako makapaniwala Mary," Gulat parin si Becky. Binaling ko ang tingin kay ante na nakatitig parin sakin.
Inabot ko ang kamay niya.
"Ante, pwede ko po kayong isama lahat sa manila. Gusto kong makasama kayo ni ninong pati na si Becky at Regienard," Nag-katinginan si Becky at ante. Tila nag-uusap ang kanilang mga mata. Sila nalang ang natitira kong pamilya. Bestfriend ni nanay si ante at ang mommy ni Rocky kaya sila malapit sakin.
"Anak may kaylangan kang malaman." Mahinang boses ni ante. Hindi ko alam dahil bigla nalang akong kinabahan. Maging si Becky ay nalungkot. Parang may mali sa mga titig nila sakin.
"Ante may problema po ba?" Kinakabahan kong tanong. Nag-katinginan ulit silang dalawa.
"Pinapaalis na kami dito sa Gregoria," Namilog ang mata ko.
"Ho? pero bakit?" Naikuyom ko ang aking kamao. Ilang taon na sila dito at napamahal na sa kanila ang lugar na 'to.
"May bumili sa buong lupa ng Gregoria, Anak." Mas lalo akong nagulat. Ang buong akala ko ay ang lupa lang na tinitirahan nila ante. Pero ito talagang buong dalampasigan?
"Sinong bumili? bakit pumayag si kapitan? diba ibinigay niya ang lupang ito para sa taong bayan? binawi niya?" Inihampas ko ang kamay ko sa mesa dahil sa galit. Hindi pwede dahil dito ako lumaki, at ang dagat na ito ang lagi kong binabalik-balikan. Ramdam ko na ang init ng katawan ko sa galit.
"Mary anak, huwag mo sanang mamasamain huh? Sa pagkakarinig ko ay pamilya ng Edelbario, ang bumili sa buong Gregoria. Isa raw 'yon sa pamilya na mayaman sa Manila." Edelbario? nakagat ko ang aking ngipin sa galit. Ang puso ko ay sobrang bilis ng tibok nito.
"Sa pagkakatanda namin ay Edlebario si Matteo diba? 'yong boyfriend mo. Hindi kaya sya ang bumili ng Gregoria, simula nong iniwan mo sya?" Natahimik ako sa sambit ni Becky. Si Matteo? hindi ko ma proseso ang lahat lahat ng nalaman kong 'to. Lumingon ako sa dalampasigan kong nasan sina Rocky. Binalik ko ang tingin kina ante.
"Alam ba ito ni Regienard?" Tanong ko na ikinatango nilang sabay. Napahilamos ako sa mukha. Sa pagkakataong ito ay alam na kaya ni Rocky? "Baka sinabi ni Regienard kay Rocky ang tungkol dito." Naging mahina na ako sa pagkakataong ito.
"Sa tingin ko ay hindi pa alam ni Rocky," Suhestyon ni Becky. Lumingon ulit ako sa dalampasigan. Tila nagkakatuwaan silang mag-kakaibigan. Siguro ay hindi pa nga sinasabi ni Regienard. Sana nga!
"Kaylan kayo lilipat ante?" Putol ko sa katahimikan namin.
"Binigyan kami ng limang buwan ni kapitan. Pinapalipat niya kami sa kabilang baryo. Ang iba nga't nag sisilipatan na sa kabila at nagpapatayo na ng kanilang bahay." Malungkot na sabi ni ante. Kaya pala pakiramdam ko ay sobrang tahimik ng dalampasigan dahil wala nang mga tao sa mga iilang bahay dito. Mas lalo kong naramdaman ang galit kay Matteo. Bakit niya binili ang lupa dito? para saan? hindi ko lubos maisip na magagawa niya sakin ito. Pero bakit hindi nga ba? sinasaktan niya nga ako sa di ko malaman kong anong dahilan, ito pa kayang pagbili ng lupa?
Kaylangan kong tulongan ang mga tao dito.
"Ante gusto kong makausap si kapitan." Suhestyon ko. Nagkatinginan ulit silang dalawa. "Kaylangan nating mabawi ang lupa ng Gregoria, bibilhin ko ang lupang 'to kahit magkano basta't hindi kayo aalis dito," Naging ma awtoridad ang boses ko. Pangi-ngisda ang kabuhayan ng mga tao dito at ganon din si ninong.
Nag-paalam ako kay Rocky at buti nalang at nakalusot si ante sa pagsisinungaling niyang pupunta kami ng palengke, nang sa ganon ay hindi na sumama si Rocky.
Pagdating namin sa bahay ni kapitan ay bumungad samin ang katulong niya sa labas. Naabotan namin itong nagwawalis sa bakuran kaya minabuti naming lumapit agad.
"Leleng?" Si Ante at dali-daling lumapit kay leleng (daw) ang pangalan.
"O-h aleng Marta? bakit kayo napa rito?" Sumulyap sakin si Leleng at agad iyong ngumiti sakin. "Magandang araw po ma'am," Pormal niyang bati. Bumati din ako pabalik sa kanya. Hindi ko sya kilala at mukhang bagong katulong ito ni Kapitan.
"Leleng..nandyan ba si kap? Gusto lang namin syang makausap," Diretsahan ni ante. Sumulyap ulit sakin si Leleng.
"A-h Oo andito sya. Hali kayo pasok...pasok," Anyaya nito. Sumunod kami sa kanya papasok sa loob. Malaki ang bahay ni kapitan at gawa ito sa marmole at noybles ang bahay niya. "Umupo muna kayo saglit..pupuntahan ko muna si Kap sa oposina niya." Paalam nito.
Nag-hintay kami ng ilang minuto. Sana ay makumbensi ko si Mr. Ararro. Ilang sandali lang ay bumaba na si kapitan. Simple lang ang suot nito ngunit ka aya-aya sa paningin.
Tumayo kami ng makalapit ito samin.
"Magandang araw Mr. Ararro," Inilahad ko ang kamay ko saka niya 'yon tinanggap. Kumunot ang noo niya.
"Montano's daughter right?" Pagpapaalala niya.
"Oo Kapitan. Sya ang anak ni Floora, at Agoncillio." Si Ante ang sumagot.
"Hmmhmh I remember you hija...Sige maupo muna kayo," Umupo kami. Nasa kabilang couch si Mr. Ararro. Kanina pa niya ako tinititigan head to toe. "Bakit kayo na pa rito? Tungkol ba ito sa lupang ibeninta ko?" Naramdaman ko ulit ang init saking katawan. Nagagalit ako habang paulit-ulit na tumatatak sa isipan ko ang lupa ng Gregoria.
"Kapitan bakit nyo ibinenta ang lupa? Alam nyo namang kaylangan ito ng taong bayan diba?" Naging iritasyon ang tono ko. Hindi ko matanggap ang pagbenta ng lupa. Bahagya syang tumawa kaya nag'eecho ito sa bahay niya.
"I'm sorry Ms. Montano. I already sale the lots. Malaking halaga ang binayad nila sakin at hindi ko kayang tanggihan." Natawa rin aki sa sinabi niya. Pabalik-balik ang tingin nila ante saming dalawa.
"Mas importante sayo ang pera, kesa sa mga taong umaasa sa lupa nyo?" Sarkastiko kong saad. Tumawa ulit sya at tila naging tigre ang kanyang titig sakin. "Last time I check, tinulongan ka ng mga taong bayan para manalo sa election Mr. Arraro. Tapos ngayon? parang bola lang ang lahat at tila kinalimutan mo sila?" Mas lalong gumuhit ang iritasyon sa mukha ni Kapitan. Naramdaman ko ang kamay ni Ante sa kamay ko bilang pag-pigil. Pero tila ayaw kong kumalma. This is unfair! "Kaya kong bilhin ang lupa higit pa sa gusto mo, Mr. Kapitan." Natawa sya sa sinabi ko. Ang kanyang tawa ay nang-aasar sa pandinig ko.
"You can buy the lots? Sa pag-kakaalam ko ay mangi-ngisda lang ang tatay mo noon. May hinabilin ba syang kayamanan sayo at bigla-bigla ka nalang yumaman? It's impossible. Mahigit isang million ang ibinayad nila sakin, Ms. Montano. May pera ka bang ganon kalaki?" Halakhak niya. Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. Inayos ko ang sarili ko bago sya nginitian.
"I have," Natigilan sya sa kakatawa. Kumunot ang noo nito. "I can pay you're barely needs Mr. Ararro, I can buy everything you want, even yourself. Yes, you know my name, but not what I've been through." Nag-kaumbabaga ang kanyang kilos sa sinabi ko. Tila napahiya sya sa nabitawan kong salita.
Inayos niya ang kanyang sarili.
"I'm very sorry Ms. Motano. I already sign thier paper, at nasa kanila narin ang titulo ng lupa." Napasinghap ako sa sinabi niya. Wala na akong magagawa dahil malaking gulo kong babawiin ang lupa. But why not? I can do that, but in the right thing, anyway. "And beside Ms. Montano. Sigurado akong matutuwa ang mga taga rito, dahil gagawin nilang Resort ang Gregoria. But don't worry about the people here. May lupa ako sa kabilang baryo at pwede silang magpatayo ng kanilang bahay dun. It's free, anyway." Humble nitong sagot. Tila proud na proud sa kanyang ginawa.
Padabog akong tumayo sa iritasyon. Kanina ko pa pinapahaba ang pasensya ko dahil sa galit.
"Free? are you sure with that? Then, after a years? what will be happen? kong may nag-ka interest sa lupa mo. Diba bibigay mo ka agad lalo na't malaking halaga ang nasa harap mo?" Napatayo sya sa sinabi ko. Ang daming gumuguhit na galit sa mukha niya. "I'm sorry to say these, but I think you are not deserving this position, Mr. Captain Ararro. Ang dami mong sinasabi sa election, tapos kinalimutan muna ngayon? Did you ever know were you belong?" Lumapit ako sa kanya. Nirerespeto ko sya pero sa pagkakataong ito ay nawala. "You belong to a money changer." Natahimik sya sa sinabi ko. "Excuse me." Huli kong sabi saka sila tuluyang iniwan.
Narinig ko pa sila ante at Becky na nanghingi ng paumahin kay Mr. Ararro. Lumabas ako sa bahay niya na may galit. Panay pikit ko saking mata bilang pakalma.
"Mary, Anak." Lumingon ako sa likuran. Papalapit sakin si Ante at Becky. Dali-dali silang lumapit sakin.
"I'm sorry Ante hindi ko napigilang magalit," Kalmado kong sabi. Inabot niya ang kamay ko.
"Naiintindihan kita, alam kong mahalaga sayo ang lupa dito. Pero wala na tayong magagawa. Siguro ay kaylangan nanaming umalis sa dalampasigan at lumipat nalang sa kabilang baryo." Naging malungkot ang ngiti ni ante. Sa kabila ng masasakit na salita ni Kapitan ay nagagawa niya pang umitindi.
"Pero Nay..pano ang pangi-ngisda ni Tatay?" Sambit ni Becky. Sobrang sikip ng dibdib ko dahil dito.
"Siguro ay lilipat ang tatay mo sa pangi-ngisda sa kabila. Dahil pinagbabawalan na tayong mangisda sa Gregoria," Nasasaktan ako sa mga ekspresyon ng mukha nila ante. Kong pumayag lang sana sila na dalhin ko sila sa Manila, ngunit mas gusto nilang manatili dito. Wala na akong ibang maisip na paraan.
"Ante..bakit di nalang sa lupa ni nanay at tatay kayo magpatayo ng bahay?" Sabay silang lumingon sakin.
"Naku, Anak. Nakakahiya kay Floora at Agoncillio. Hanggang ngayon pa naman ay hindi parin nalalaman ng mga pulis kong sinong sumunog sa bahay nyo," Naalala ko ang kabuohan ng bahay. Sobrang sakit man sakin pero nangyari na ang lahat. Naghirap si tatay non para lang mapaganda ang bahay na yon. Pero ito?! Wala manlang akong nagawa.
"Hindi naman kayo iba sakin Ante eh. Lalo na kay nanay at tatay. Sana po ay huwag nyong tanggihan ang alok ko." Dahan-dahang sumilay ang ngiti ni Ante.
"Salamat, Anak." Niyakap niya ako agad.
Napagdesyonan naming bumalik sa bahay nila. Buti nalang at tinanggap ni Ante ang alok kong tulongan silang magpatayo ng bahay. Bibigyan ko rin sila ng panghanap-buhay nang sa ganon ay hindi mahirapan si ninong. Gustohin ko mang bigyan sila ng komportableng pamumuhay pero ayaw ni Ante. Sapat na sa kanila ang simple at masaya.
Pagdating namin sa dalampasigan ay naabotan namin si ninong kasama sina Rocky at mukhang nagkainoman sila. Sobrang saya ni ninong ng makita niya ako, pero kabaliktaran 'yon sa mukha ni Rocky. Lumapit kami sa kanila!
"Can I talk to you," Unang lumabas sa bibig ni Rocky. Tinignan ko muna saglit sila at nasa amin ang atensyon nilang lahat.
"Sige," Saad ko saka sya tumayo. Tumungo sya sa dalampasigan at agad akong sumunod. Hindi ko alam kong anong awra ang meron kay Rocky ngayon dahil iba ang titig niya sakin.
Sabay naming tinanaw ang dagat.
"Binili ng pamilya ni Matteo ang lupain dito diba?" Nagulat ako sa diretsahan niyang sinabi. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"P-pano mo nalaman?" Agaran kong tanong. Dahan-dahan syang lumingon sakin na walang ekspresyon ang mukha.
"Sinabi sakin ni Manong Junior," Napasinghap ako sa sagot niya. Lumingon ako mula kina ninong at napagkikitaan kong lasing ito.
Binalik ko ang tingin kay Rocky.
"Hindi ko alam kong bakit ginawa 'yon ni Matteo. I don't even know his motivation, about this." Naging paos ang boses ko. Sobrang lalim ng mata ni Rocky dahil sa galit.
"Anong balak mo? makikipag-kita ka sa kanya?" Direkta niyang tanong. Bahagya akong yumuko sa tanong niya. Siguro ay dapat ko naring aminin sa kanya ang balak ko.
"Rocky..I'm sorry," Basag ang boses ko. Kumunot ang noo niya!
"Sorry? para saan? may itinatago ka ba sakin, Mary?" Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo. Nahuli ko ang pag igting ng kanyang panga.
"I sent a request to them, for my arrangement business to discuss the service that they can offer about my shop." Natigilan si Rocky sa sinabi ko. Marahan akong pumikit. "They already accept my request and he requested to meet with me," Salaysay ko na ikinasabunot ng kanyang buhok.
"Damn, Mary. Why you didn't tell me about this. Bakit mo itinago sakin ito?" Galit ang tono ng boses niya. May namumuong luha sa mata ko ngunit pinipigilan ko lang ito. "You've been asking them for some supplies? Why you just don't asked me for it? I'am Engineer, Mary. And I can build a more than shop you want. Fuck..." Isinipa niya ang kanyang paa sa buhangin. Napaatras ako! Halos hindi maguhit ang iritasyon sa mukha ni Rocky.
"Rocky, I am doing this because----"
"Because you want to see him again?" Namilog ang mata ko sa putol niya sa sasabihin ko."Right," Pagtatama nitong dugtong. Nakagat ko ang aking labi.
"R-rocky is not that, I want to---"
"You wan't too, Mary. Ginagawa mo ito because you still love that fucking man, right?" Nahuli ko ang pamumula ng magkabilang gilid ng kanyang mata. Ang pabalik-balik niyang adams apple ay ikukubling nagagalit sya sa nalaman mula sakin.
"I don't love him anymore, Rocky. Matagal ko na syang kinalimutan." Natawa sya sa sinabi ko. Tinalikuran niya ako habang hinilot-hilot niya ang kanyang sentidu. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon.
Nasasaktan ako!
Lumapit ako sa kanya saka hinawakan ang braso niya.
"R-ocky," Bahagya syang lumingon sakin na walang ekspresyon ang mukha. Marahan niyang hinawi ang kamay ko mula sa kanyang balikat. Nasasaktan ako sa titig niya sakin ngayon.
"I'm sorry but Im mad, Mary. Fucking mad. Be specific to you're decision, just make sure your not doing these in the same content," Biglaan niya akong nilagpasan. Nakagat ko ang aking labi at tila pinipigilang umiiyak.
Dahan-dahan akong lumingon kay Rocky at nanatili itong nakatayo sa likuran ko.
"I've been protecting you for three years, at hindi ako papayag na masaktan ka pang muli. I'm really sorry for being rude, I just can't fool myself how much I really care for you, Mary." Huli niyang sabi saka ito tuluyang nag-lakad paalis.
Bagsak ang magkabila kong balikat sa binitawan niyang salita. Nasasaktan ko ang sarili ko, at ganon din ang nagagawa ko kay Rocky. I know this is kind of unfair, but I think Rocky is more than important rather than my plan.
I also really care for you, Rocky. You have mean a lots for me.
Continue...