Nagkatitigan kami ni Matteo ng panandalian. Sobrang lalim ng kanyang titig sakin. Ang kanyang ngiti ay halos umabot sa kanyang tenga. Itong mga ngiti niya ngayon ay ang ngiting Matteo noon. Bakit ako nahahawa sa ngiti niya? Bakit kay sarap tignan ng mga ngiti ni Matteo?
Naipilig ko ang aking ulo. Damn! Magpapabola ka na naman ba Mary? Alam mo namang sobrang galing ng lalakig ito pambobola. Huwag ka na muling magpapakatanga pa sa isang katulad ni Matteo. It's okay to miss an ex, even if you don't want him back. Here's why? Because once a ex? Always an ex. Isang nakaraan na dapat ko ng ibaon sa limot. Ayaw ko ng bumalik pa sa nakaraan kong gano ako nasaktan. Para saan pa? Hindi ako naniniwala sa second chance na sinasabi nila. Masasaktan lang ako pag babalik ako sa taong nasaktan na ako. Second chance? Some people believe in second chance but for me no, when it comes to relationships. Why? Because if an ex failed to see the true value of a partner, it's so painful and definitely a simple waste of time. Accepting them back is like seeing a blazing fire and you still wanna put your figures through to hell with an ex. Sorry, I dont excepr exes.
"Sige na Matteo. Mamaya nalang tayo mag-usap. May gagawin pa ako!" aakmang tatalikuran ko sya ng bigla niyang hinila ang braso ko. Bumalik ako sa dati kong pisesyon.
"Sigurado ka bang pinapatawad mo na ako?" nanliit ang mata ko sa katanongan niya.
"Ano pa ba ang gusto mo? I already accept your sorry Matteo. What else?" taas kilay ko. Kitang-kita sa panga ni Matteo kong pano ito umigting.
"Sorry is nothing, if I don't feel your sincerity." natamaan ako sa sinabi ni Matteo. Bumagsak ang mata ko sa kamay niyang nakahawak saking braso. Minahal ko ba talaga ang lalaking to? Oo nga pala. I gave him my everything and I think it wasn't good enough.
"Problema mo na iyon. Kong maniniwala ka? Edi gawin mo. Kong hindi? Edi wag. Sige na't kailangan ko ng umalis." agaran kong binawi ang aking braso ngunit hinila niya ako ulit. Nagtama ulit ang mga mata naming galit. Sa puntong ito ay kitang-kita ko kong pano lumalim ang mata ni Matteo.
"Don't play games with a person who can play better, Mary. I know your just pretending." natawa ako sa sinabi ni Matteo. Ang kanina'y mukha niyang seryoso at nagdadrama ay naging tigre na ngayon.
Binabawi ko ang braso ko ngunit hindi niya ako binibitawan. Pagmamahal ba ang tawag dito? Halos masaktan ako sa mahigpit niyang hawak sakin.
"Dont play games with a girl who can play better too, Matteo." ngisi ko na ikinagalit niya. Mas lalo kong naramdaman ang mahigpit niyang pagkahawak saking braso. This time ay mas lalo kong napatunayan saking sarili na laro lang sa kanya ang lahat. "Bitawan mo ako Matteo. Nasasaktan ako. Let me go!" napangiwi ako dahil mas lalong humigpit ang hawak niya. Anong problema niya? Nasasaktan na ako. Pumipiglas ako sa kamay niya. "Matteo ano ba. Nasasaktan ako! Bitawan mo ako sabi eh." itinulak-tulak ko sya ngunit nanatiling nakatitig sya sakin.
"Now you know how it hurts." natahimik ako sa sinabi niya. Tila piniga ang puso ko sa narinig.
"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo, Matteo." sagot kong hamon. Bumagsak ang kanyang kamay sa ere. Napahawak ako saking braso. Halos bumaon ang palad ni Matteo saking balat. Hinimas ko iyon dahil sa sakit.
"Bakit ka nag kakaganyan Mary? Nasaktan ka lang naging bato kana." naikuyom ko ang aking kamao sa narinig. Tinatanong pa talaga? "Nag sorry na nga ako diba? Ginawa ko na ang lahat mapatawad mo lang ako. Bakit mas lalo yatang lumala ang lahat? Habang palapit ako sayo ng palapit. Pilit mo naman akong itinutulak ng paulit-ulit." napa atras ako sa sinabi niya. Gusto ko syang sampalin ng paulit-ulit. Gusto ko syang saktan ng paulit-ulit. Subalit may pumipigil sakin. Pinipigilan ako ng konsensya ko at pagka-awa sa kanya. Kailangan kong mag matigas. Gusto kong maramdaman niya kong pano umasa at masaktan ng lubosan.
Pinipigilan kong huwag umiyak. Kahit gusto ng tumulo ng aking luha.
"Im fucking hurt and don't act like you care. Because if you did, you wouldn't have done what you did. Ngayon magdusa ka sa sakit na ipaparamdam ko sayo, Matteo." saad ko na may ngiti. Gusto kong tumawa habang sya ay nasasaktan. Hindi ko alam kong bakit ginagawa ko ito. Gusto ko lang sundin kong anong nararamdaman kong galit sa kanya.
"Kahit anong sakit titiisin ko. Kahit gaano kahirap, kakayanin ko. Kong saan ka masaya gagawin ko. Alam ko namang masaya ka habang nasasaktan ako diba?" napalunok ako sa sinabi ni Matteo. Bawat bitaw niyang salita ay napakaseryoso. Ang kanyang mata ay nanatiling nakatitig sakin. Kusang bumagsak ang magkabila kong balikat sa itsura niya ngayon. Bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit ako nahihirapan sa ginagawa ko sa kanya? Dapat sya ang naghihirap. Bakit konektado sakin?
Dahan-dahan syang lumapit sakin. Hinayaan kong abotin niya ang kamay ko at inilapat niya iyon sa kanyang pisnge. Ramdam na ramdam ko ang mainit at malambot na pisnge ni Matteo. Sobrang lapit lang ng distansya namin. Nakapikit sya habang dinaramdam ang kamay ko sa pisnge niya. Mas kalo kong nasilayan ang makapal niyang pilik mata. Titig na titig ako sa napaka perpekto niyang mukha.
*Dug dug dug* sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mata. Tumambad sakin ang kulay palubog na araw niyang mata.
"Saktan mo ako." namilog ang mata ko sa sinabi niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay ko sa dibdib niya. "Sampalin mo ako. Suntokin mo ako ng paulit-ulit. Kong saan ka masaya handa kong tiisin ang lahat. Sige na Mary. Punch me, chook me, kick me, job me." pilit niyang ginagalaw ang kamay ko para isampal sa mukha niya. Pilit ko naman itong inaagaw.
"No, Matteo. Bitawan mo ako!" sigaw ko at inaagaw ang kamay ko.
"Bakit hindi mo magawa? Sige na saktan mo ako." isinampal-sampal niya ang aking kamay sa kanyang pisnge. Sa ginagawa niya ngayon ay ako ang nasasaktan. Binabawi ko ang kamay ko.
"Matteo ano ba. Bitawan mo ako sabi eh." sigaw ko at itinulak-tulak sya. "Fuck Matteo. Hindi ko kaya. Please hindi ko kaya." pinatuloy niya paring sinasampal ang kanyang magkabilang pisnge gamit ang kamay ko. Kahit anong pwersa ko ay sobrang lakas ni Matteo. Kahit anong bawi ko ay sobrang higpit ng hawak niya saking kamay.
"Hindi ako titigil hanggat hindi ka nasisiyahan." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. WTF his doing.
"Ayaw ko nga sabi eh. Kong gusto mong saktan yang sarili mo, saktan mo. Huwag muna akong idamay pa. Just let me go, Matteo." ramdam na ramdam ko ang hapdi saking palad. Hindi ko lubos maisip na gagawin niya ito. Kaliwa, kanang tumatagili ang kanyang mukha. Gusto kong sumigaw at umiyak ngunit hindi ko magawa. "Matteo.... bitawan mo ako sabi eh!" sa puntong ito ay napasigaw ako sa galit, inis at takot. Hindi niya parin ako binibitawan. Tila wala syang naririnig mula sakin.
"Mary? Matteo?" natigilan si Matteo ng marinig niya ang ma awtoridad na boses ni Rocky. Nanlaki ang mata ko dahil sa kuyom ang kamao ni Rocky. Hawak-hawak parin ni Matteo ang kamay ko. "Anong ginagawa mo kay Mary? Walang'eya kang gago ka." sobrang bilis ng pangyayari. Parang hangin lang si Rocky at kay bilis makalapit samin.
Isang malakas na suntok ang binitawan ni Rocky rason kong bakit tumilapon si Matteo sa sahig. Napaatras ako sa takot. Kwenelyohan niya si Matteo at itinayo ito.
"Anong ginawa mo kay Mary!?" sigaw ni Rocky at sinuntok ulit si Matteo sa mukha. Napaatras si Matteo habang hawak-hawak ang kanyang labi na may dugo. Ang kanyang pisnge ay namamaga narin.
"Rocky tama na. Walang ginawang masama sakin si Matteo." sambit ko na ikinalingon niya. Nagtama ang mga mata namin. Ang kanya ay galit at sakin naman ay takot. Natatakot akong muling sumakit ang ulo niya.
"Wala? Kitang-kita ng dalawa kong mata kong pano ka niya sinaktan. Like what the fuck, Mary. Pinagtatangol mo ang lalaking ito?" bulyaw niya sakin habang nakaturo ang kanyang hintuturo kay Matteo.
"Fuck you, dude. Huwag na huwag mong sigawan si Mary." napapikit ako sa malakas na suntok ni Matteo kay Rocky. Napaatras si Rocky rason kong bakit natumba ang mga mesa at ang mga upoan sa sahig. Nangi-nginig ulit ako sa takot.
Wala na akong isisigaw pa dahil sa lalamunan kong may bumabara. Nagpalitan sila ng kamao. Halos natumba lahat ng mga kagamitan sa loob ng tent. Kahit sumigaw ako rito ay hindi ako maririnig ng mga nagtatrabaho sa labas dahil sa mga makinang maingay. Nawala ako saking sarili. Tila hinahayaan ko silang mag suntokan sa harap ko. Pagod na pagod na ako sa kanilang dalawa. Gusto ko ng katahimikan. Hindi ko maintindihan kong bakit kailangan pa nila akong pag-awayan. Hindi ako laruan at kailangan pag-agawan.
Naikuyom ko ang aking kamao. This time ay hindi ko na sila pipiglan. Kog gusto nilang magpatayan dito sa harap ko ay wala na akong magagawa. Pagod na pagod na ang katawan ko. Hinang-hina na akong puso ko. Iginala ko ang aking paningin sa loob ng tent. Napadpad ang mata ko sa mga iilang kutsilyo sa isang lalagyan. Dali-dali along lumapit doon at kumuha ng dalawang matutulis na kutsilyo. Hindi ko alam kong anong nakain ko, hindi ko rin alam kong tama itong gagawin ko. Gusto ko lang namang tumigil na sila sa awayang ito.
Pero pano?
"Tumigil na kayo." sigaw ko habang hawak ang dalawang kutsilyo. Patuloy ang suntokan nila. "Sabing tama na eh. Tama na! Tama na!!!!!!!!!!" isang malakas na sigaw ang binitawan ko rason kong bakit pumaos lalo ang boses ko. Sabay silang napalingon sakin na may mga pasa sa kanilang mga mukha.
Nanlaki ang kanilang mata dahil sa hawak kong kutsilyo. Hingal na hingal ako sa galit. Dali-dali akong lumapit sa dalawa. Galit na galit na ako sa puntong ito.
"Ayan," ibinigay ko kay Matteo ang isang kutsilyo. "Oh ayan." padabog kong ibinigay kay Rocky ang isa pa. Pinilit ko talagang abotin ang kamay nila para hawakan ang kutsilyo na gusto kong gamitin nila. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. "Gusto nyong mag patayan diba? Fine. Yan ang gamitin nyo sa awayan nyo ngayon. Magpatayan kayo dito hanggang sa mamatay kayong dalawa. Yan naman ang gusto nyo diba? Pwes. Hahayaan ko kayo ngayon. Go! Ipagpatuloy nyo ang awayan nyong dalawa. Pagod na ako sainyong dalawa! Pagod na pagod na pagod na ako!!!!" sigaw ko habang nakapikit. Isa-isang tumulo ang luha ko sa galit. Sobrang sakit at sukip ng aking dibdib. Nangi-nginig ako sa tensyon.
Hindi ko mapigilang humagulgol. Dali-dali ko silang tinalikuran na umiiyak. Hindi pa ako nakakabot sa pintoan ay sabay nila akong tinawag.
"Mary!" napahinto ako sa paglalakad. Dahan-dahan akong humarap sa kanika na may bahid na luha sa mata. Bakas sakin ang takot ngunit akoy nasasaktan sa palagi nilang pag-aaway.
"Huwag nyo akong susundan kundi ako mismo ang papatay sainyong dalawa!" pagbabanta ko at dali-dali ko silang tinalikuran.
Humagulgol ako ng iyak ng dali-dali akong tumugo saking kotse. May bahid sakin ang takot na baka magpatayan nga ang dalawa roon. Hindi ko alam--- hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Gusto ko munang mapag-isa. Ayaw ko munang makita silang dalawa. Panay hawi ko saking mga luha habang naglalakad ng mabilis. Hindi ko na talaga mapigilang hindi umiiyak. Halos sasabok ang puso ko kapag hindi ko ito inilabas. Gusto kong umiyak ng umiyak kahit ngayon manlang.
Bubuksan ko na sana ang pitoan ng kotse ko ng may pumaradang kotse sa harap. Isa itong kulay pulang Jaguar. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko.
Bahagya akong nag taas ng kilay dahil si Venus ang bumaba mula roon. Sobrang laki ng ngiti nito na may halong pang-aasar.
"Anong ginagawa mo dito?" taas kilay ko. Tinignan ko sya head to toe. Magkapatid ba talaga kami? Sa nakikita ko ay sobrang layo namin. Mula sa pananamit niyang halos makita ang kanyang kaluluwa.
Dahan-dahan syang lumapit sakin na may ngiti.
"Pwede ka bang makausap?" taas kilay nito. Natawa ako!
"Makausap? Anong kailangan mo sakin? Wala akong oras sayo, Venus." sagot ko na may ngiti. Umirap sya sakin pagkatapos ay inayos ang kanyang buhok. Mas lumapit pa sya sakin.
"Ako rin naman. Wala akong oras sa mga hindi ko ka level. Subalit napilitan akong pumunta dito para kausapin ka." ngiti niya rin sakin pabalik. Natawa ulit ako!
"Well. Tama ka, hindi nga tayo ka level dahil wala akong ugaling katulad mo. Hindi nga tayo ka level, dahil aso ka tao ako." namilog ang mata niya sa sinabi ko. Aakmang sasampalin niya ako ng inunahan ko agad sya ng masakit na salita. "Sige. Subukan mo akong sampalin. Siguradohin mo lang na masakit yan, dahil pag ako ang gumanti? Mag handa ka!" pagbabanta ko. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay. Inayos niya ang kanyang sarili bago ngumiti. Isang ngiting pilit.
"You know what Mary. Hindi ipagkakailang isa kang reyna ng mga bitch. Alam mo bang summer na ngayon? Uso ka na ulit girl. Bitch!" kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Kuyom ang kamao ko sa galit. Kailangan kong kumalma. Ayaw kong makita niyang naiinis ako. Wala na akong pakialam kong magkapatid kami. Sino ba namang aangkin bilang isang kapatid sa babaeng ito? Well, not me. Never.
"You call me bitch. But your boyfriend call me baby? Nice huh.." sa puntong ito ay nakita ko kong pano umigting ang kanyang panga. Tawang-tawa ang kaloob-looban ko.
"Talaga?" ngisi niya habang nilalaruan ang dulo ng kanyang buhok. "Well, paki hanap ng paki ko, Mary." nguso niyang may pang-aasar. Mas lalong uminit ang katawan ko sa galit. Relax Mary, hindi mo kalevel ang babaeng ito. I don't usually lose my temper, but if I get angry, it's true I'm scary.
"No thanks. Wala naman akong paki sa paki mo. Your just wasting my time, Venus. Direct me to the point. Bakit mo ako gustong nakausap?" iba ko sa usapan. Baka kasi masuntok ko ang babaeng ito. Nawawala na ako saking sarili lalo na't galit ako..
"Actually I am here to see you." biglaang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit kinakabahan ako? Nandito lang sya para makita ako? "Hey Mary bitch. You didn't know how I hate seeing you around still breathing." umigting ang panga ko sa binitawan niyang salita. Gusto ko na syang sugorin subalit nagtitimpi ako. "Gusto ko lang naman kasing e'check kong buhay ka pa ba o hindi? But I was wrong. Your still breathing pa naman pala. Sorry!" pilit niyang inilapad ang kanyang ngiti habang naka peace sign. Sa totoo lang, nakuha niya akong asarin. Nagawa niya akong galitin sa mga ngiti niyang plastik.
Inayos ko ang aking sarili. Lalabanan kita Venus. Kapatid sa kapatid!
"Really?" ngisi ko bago sya tinignan head to toe. "If you think your words bother me, you are wrong, Venus. Nothing that comes out of your mouth has ever had any value. Walang kwenta, exactly." taas kilay kong sagot bago sya tinawanan ng mahina. Boom! Huling-huli ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. Ang sarap niyang tignang galit.
"Can I kill you right now Mary? I wanna stab you so many times and wringed your neck until you'll die." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ngayon gusto niya akong patayin? Sigurado akong naiinis na sya ngayon.
"Sige papayagan kitang patayin mo ako. Pero---" lumapit ako sa kanya ng kaunti. "Isasabay kita sa kamatayan ko. What do you think? Super great diba?" natatawa kong sagot na ikinaatras niya. Tila nagkakaumbabaga ang kilos ni Venus ngayon.
"Well Daddy is right. Hindi na ako magtataka kong bakit maldita ka." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Venus. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng aking puso.
"A-Ano?" saad kong may pagtataka. Tinawanan lang ako ni Venus. Isang tawang ginagawa niya akong tanga.
"Alam mo Mary galit na galit ako sayo. Gusto kitang itapon sa ibang planeta. Yong sinasamba nilang anghel ay isa palang demonyita." naikuyom ko ang aking kamao sa sinabi niya. Gusto ko na syang samplain pero pinipigilan ko ang sarili ko. "Oh gotcha hehe. I am sorry for being hursh but definitely you deserve it. Dont worry, Mary. I am maldita with a heart." salaysay niyang may ngiti. Umirap pa sya ng ilang ulit habang nag-iinarteng naiinitan. Mainit naman talaga ngayon kaya mas lalo kong naramdaman ang init ng galit.
"I dont care about your shitty attitude, Venus. My attitude depends on you kaya umalis ka sa harap ko kong ayaw mong masuntok sa mukha!" napaatras si Venus sa pagbabanta ko. Biglaan syang tumawa ng maarte. Ang kanyang kamay ay nasa kanyang bibig at tila nag iinarteng natatakot sakin.
"Oh my ghad. Confirm. You're so bad, Mary. Very very bad. And thats exactly what I'm pointing. We're same attitude, Mary." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso. Kong ganon--? Kong hindi ako nagkakamali. "It's really runs in our blood, sister." nalaglag ang panga ko sa narinig. Dahan-dahan akong umatras ng kaunti.
"P-Panong?" utal ko sa paos na tono. This time ay sobrang laki ng ngiti ni Venus. Tila naglalaro ang kanyang labi.
" As what are you thinking for. But don't worry, Mary. Mananatiling nakatago ang sikretong ito. Kaya pala mana ka sakin eh. Half sister. Bye bitch." huling sabi ni Venus bago niya ako tuluyang iniwang nakatulala. Kuyom ang magkabila kong kamao.
Agaran ko syang nilingon at nakapasok na ito sa kotse niya. Hinabol-habol ko ang aking hininga. Dahan-dahan akong napasandal saking kotse. Kong ganon? Alam na niya ang buong katotohan? Pano? Kanino? Bakit niya nalaman? Hindi ko alam. Nagugulohan ako. Buong akala ko ay sasampalin, sasabunotan niya ako kanina. Pero hindi--- hinuli niya lang ang pabarang kong kasagotan.
Bakit hindi ko maramdaman ang galit ni Venus? Bakit pakiramdam ko ay naparito lang sya para inisin ako. What her motive? Damn! Gusto ko ng kasagotan. Kailangan ko syang makausap ulit.
Continue...