Mary Point of View
Sobrang ingay ng paligid. Ang init-init ng panahon sabayan mo pa sa mga nagsisiliparang alikabok sa labas ng tent. Ilang oras na ako dito sa mismong renovation ng shop. Nakasanayan ko naring pakinggan ang mga maiingay na machine na ginagamit ng mga construction workers.
Nakatulala akong nakatitig sa mga iilang papelis na pipermahan ko. Hindi ko alam kong bakit ako nawawalan ng gana sa pagkakataong ito. Tila nanawala ako sa sarili kong pag-iisip. Ang dami kong iniisip ngayon. Una si Rocky, pangalawa si Matteo, pangatlo ang lupa sa Gregoria, pang apat si Venus at si Mr. Francisco.
Pano kaya pag nalaman ni Venus ang totoo? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Ano kaya ang mararamdaman niya? Magkapatid kami sa ama at na e'excite na akong malaman niya ang lahat tungkol sakin at sa kanya. Beside ako naman talaga ang unang anak ni Mr. Francisco. Mas matanda ako sa kanya at kahit magalit pa sya sakin ay wala na syang magagawa. Kong ayaw niya sakin, mas lalong ayaw ko sa kanya. Nananalaytay ang dugo niya sa dugo ko at kahit ganon paman ay mag-kaiba kami ng ugali.
Halos mapunit ang hawak kong papel sa harap ko. Hanggang ngayon ay nanatiling presko sakin ang sakit na ginawa nilang lahat. Hindi pa ako tapos, dinahan-dahan ko lang naman para dahan-dahan rin nilang maramdaman ang sakit.
Napasandal ako sa back rest ng upoan. Nilalaruan ko ang aking ballpen. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa nangyari kagabi. Bakit ganito ang nararamdaman ko? May itinatago kaya si Rocky sakin? May itinatago din kaya si Matteo? Hindi ko alam pero kakaiba ang nangyari kagabi. Parang may mali sa dalawa.
Bumabalik parin sa isipan ko ang nangyari. Nagugulohan ako!
~Flashback~
Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Hinila ako ni Matteo ngunit hindi naman ako binibitawan ni Rocky. Kong hihilahin naman ako ni Rocky hindi naman ako binibitawan ni Matteo. Sobrang sakit na nang magkabila kong braso. Halos mabali ang buto ko dahil sa paulit-ulit nilang paghila sakin.
"Bitawan mo si Mary, Matteo. Wala kang karapatan sa kanya." pagbabanta ni Rocky. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Sumulyap ako kay Matteo at igting panga niyang hinamon si Rocky.
"Wala karing karapatan sa kanya. I dont own any rights to her, but I have the rights to express my feelings for her." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Matteo. Halos hindi ako makahinga sa sinabi niya. Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Rocky.
"Nagpapatawa ka ba Matteo?" halakhak ni Rocky na may halong pang-aasar. Nahihilo na ako dahil sa palipat-lipat kong tingin sa kanilang dalawa.
"Am I laughing Rocky? Stupid." bagsak boses ni Matteo na ikinahalakhak ulit ni Rocky. Bakit hindi ko sila magawang pigilan? Para bang may gusto pa akong marinig.
"Express your feelings huh!? Iyon ang pinaka nakakatawang narinig ko ngayong gabi. Nagagawa mo pa talagang mag express ng nararamdaman mo? Gano ba kakapal yang mukha mo Matteo?" namilog ang mata ko sa sinabi ni Rocky. Gusto ko silang awatin ngunit hawak nila ang magkabila kong braso. Tila nanghihina ako sa eksenang ito.
"Kong gano kakapal yang mukha mo, ganon din sakin." mas lalo kong naramdaman ang galit ni Rocky dahil sa sarkastikong sagot ni Matteo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Para bang may mangyayaring masama. Para bang may nararamdaman akong mali.
"A-Anong sabi mo? Putang'ena mo Matteo," sobrang bilis ng pangyayari. Lumapat ang kamao ni Rocky sa mukha ni Matteo. Napaatras ako dahil sa takot. Napahawak ako saking dibdib.
"Pareho lang tayong dalawa Rocky. If I am a coward? You're a bastard." napasigaw ako sa nasaksihang eksena. Nagpalitan ng kamao ang dalawa. Halos manginig ang tuhod ko sa nakita. Hawak-hawak ko ang bibig ko sa takot. Halos maiyak akong nakikita silang nagkakasakitan.
"Tama na please. Rocky, Matteo tama na." sumigaw-sigaw ako sa takot. Halos mapaos ang boses ko sa panghihingi ng tulong. Patuloy parin ang suntokan ng dalawa. Bawat suntok ni Matteo ay napapaatras si Rocky. Ganon din si Matteo. "Please, tama na. Itigil nyo na yan. Matteo stop it, maawa ka kay Rocky. Ano ba! Tumigil na kayong dalawa." tumalon-talon ako habang sinasabi iyon. Gusto kong magwala at lapitan sila ngunit natatakot akong matamaan isa sa kamao nila.
Hindi ko nalang pala namalayan na umiiyak na ako. Nanginginig ang kamay ko habang nasasaktan ang dalawa. Bakit ginagawa nila ito para sakin? Bakit sila mag-aaway ng dahil lang sakin?
"Just fuck you dude. Fuck you!" mura ng ilang ulit ni Matteo habang umiilag sa suntok ni Rocky. Naikuyom ko ang aking kamao. Gusto kong mag walk out at hayaan sila ngunit ayaw ko namang iwan silang nagpapatayan sa isat-isa.
"I'm just protecting Mary. If you don't like it? Then fuck you too. Asshole!" nagulat rin ako sa sinabi ni Rocky. Sa unang pagkakataon ay narinig ko syang magmura. Napailing ako sa bawat mura ng dalawa. Hindi ko alam kong bakit hindi sila nasasaktan sa bawat suntokan nilang dalawa
"I don't care about yours. If you can, I can. I can be a locker to protect and love Mary, until mylife is over. Bastard!" nanlaki ang mata ko dahil sa malakas na suntok ni Matteo rason kong bakit tumilapon si Rocky sa sahig.
Dali-dali akong lumapit kay Matteo at itinulak-tulak sya ng paulit-ulit sa dibdib.
"Ano bang problema mo huh? Bakit mo ginawa iyon kay Rocky? Ano bang gusto mong mangyari Matteo?" sinuntok-suntok ko sya sa dibdib. Bawat suntok ko sa kanya ay napapa atras si Matteo. Halos maiyak ako sa galit. Ito ang gusto kong mangyari ang saktan sya ng paulit-ulit.
"Tama na!" hinawakan niya ang magkabila kong kamay. Hingal na hingal ako sa pagkakataong ito. Naglaban kami ng titig. "I love you. That's why I'm acting like this. I don't want that your attention will be in someone else, thats why I'm jealous and mad. Did you ever understand me, Mary?" namilog ang mata ko sa narinig mula sa kanya. Halos hindi ako makagalaw. Nanatiling hawak niya ang aking magkabilang palapulsohan.
"M-Matteo!" isang malumanay ma boses ang binatawan ko. Tila nanghihina ako sa narinig mula sa kanya. Bakit ganito? Bakit ganito ka bilis ang tibok ng puso ko.
"M-Mary.. Ah! Sobrang sakit ng ulo ko." bumalik ang diwa ko ng marinig ko ang boses ni Rocky. Dali-dali kong tinalikuran si Matteo.
Tumakbo ako patungo kay Rocky. Nanatili syang nakahiga sa sahig habang hawak-hawak ang ulo. Lumuhod ako sa harap niya.
"Rocky okay ka lang? Masakit pa ba? Dalhin na kita sa hospital." halos hindi makasagot si Rocky dahil nakapikit ito. Kinakabahan ako dahil sa itsura niya ngayon. Namumutla ang kanyang labi.
Dahan-dahan syang tumayo habang inalalayan ko. Inilagay ko ang kanyang braso saking balikat. Nanatiling hawak niya ang kanyang ulo habang nakapikit parin.
"M-Mary," lumingon ako sa likuran kong nasan si Matteo. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Please Matteo. Umalis kana, huwag ka ng sumunod samin. Pwede ba, tigilan muna ako dahil kahit ano pa ang sabihin mo. Wala na akong nararamdaman para sayo!" sigaw ko bago sya tinalikuran. Hindi ko alam kong bakit nanatiling tahimik si Rocky.
Dali-dali ko syang ipinasok sa kotse niya. Umikot ako patungo sa driver seat ng biglang sumigaw si Matteo mula sa unahan.
"Fuck! Ahhhhh.. Huwag ngayon." kumunot ang noo ko dahil panay himas niya sa kanyang braso. Dali-
syang tumakbo papasok ng kotse niya. Hindi manlang niya ako tinignan. Dali-dali niya itong pinaharurot paalis ng walang lingon-lingon samin. Napahawak ako saking dibdib. Kinabahan ako sa inasta ni Matteo? Bakit sya nagmura at sumigaw ng ganon?
"M-Mary," bumalik ang diwa ko ng marinig ko ang boses ni Rocky. Dali-dali akong pumasok sa kotse niya. Nanatili syang nakahawak sa kanyang ulo.
"Dadalhin na kita sa hospital." dali-dali kong pinaandar ang kotse sabay ng pag pigil niya sakin. Nagulat ako dahil halos bulyaw iyon.
"No, I want to go home. Please, bring me home. I just want to need my bed." kumunot ang noo ko sa binitawang salita ni Rocky. Ang nararamdaman kong pag-aaalala kanina ay napalitan ng pangangamba.
"P-Pero kailangan mong mag pa check-up. Ilang ulit na yang sumasakit ang ulo mo, Rocky. Please!" dahan-dahan syang lumingon sakin na may masamang tingin. Ikinurap ko ang aking mata baka nagbabasakaling nagmamalikmata lang ako. Sobrang galit ng kanyang mukha sa puntong ito.
"I said I want to go home. Hindi ka ba nakakaintindi?" nagulat ako sa sigaw ni Rocky. Bahagya akong yumuko habang nakapikit. Hinawakan ko ng mahigpit ang manebela. Walang pag alinlangan kong pinaharurot ang kotse pauwi sa condo niya.
Inaamin ko, nagalit ako sa sinabi niya. Hindi ko sya maintindihan. Minsan ko na syang nakikitang galit ngunit kakaiba ngayon. Mas lalong lumala. Hindi ko na naiintindihan ang ugali ni Rocky. Ibang-iba sa ngayon kesa noon.
~End of Flashback~
Natulala ako ng panandalian. Tila nawala ako saking sariling pag-iisip. Nilalaro ko ang hawak kong ballpen habang nakahalumbaba. Malalim akong nag buntong hininga. Hindi ko lubos maisip kong anong meron sa dalawa. Kong anong itinatago nila. Napasandal ako sa backrest ng upoan. Sobrang sakit ng ulo ko sa kakaisip sa dalawa.
Bakit umalis si Matteo ng ganon nalang? Bakit nagalit bigla sakin si Rocky?
"Excuse me, Ma'am." bumalik ang diwa ko ng tumambad sakin ang malalim na boses ni Anthon. Isa sa mga construction workers ni Matteo.
"Oh Anthon? May problema ba sa labas?" tumayo ako sabay ng pag-lapit niya. Dahan-dahan niyang hinubad ang kanyang kulay dilaw na helmet.
"Wala naman po, Ma'am. Nais po sana naming mag paalam. Kanina pa kasi namin kayo hinihintay lumabas. Tanghalian na po kasi. Babalik po kami mamayang hapon." napahilot ako saking sentidu. Sa hinaba-haba ng iniisip ko ay hindi ko manlang naisip ang mga tao sa labas. Tinignan ko ang aking relo at tanghalian na nga.
"Sorry Anthon . Hindi ko kasi namalayan ang oras. Sige na't kumain muna kayo. Sorry talaga!" paumahin ko na ikinakati ng kanyang batok. Natawa tuloy ako sa ginawa niya.
"Sige po Ma'am. Maraming salamat po, excuse me." yumuko ng paulit-ulit si Anthon bago niya ako tuluyang iniwan. Dahan-dahan akong napaupo sa silya. Nawawala na pala ako sa sarili. Hindi manlang ako nakaramdam ng gutom. Why I am acting like this? Bakit pati ako ay naapektohan sa nangyayari? Halos wala akong tulog kagabi dahil sa kakaisip sa kanila. Halos hindi ko na nga naaasekaso ang sarili ko sa pagpunta dito eh.
Got a lot on my mind sitting at home day in and day out so depressed. I can barely get dressed. When do I get a break when do I get my life back I'm tired of trying trying and trying and yet nothing I seriously sleep my days away getting to the point of just giving up---- ngunit hindi ko kaya. Gusto kong ipagpatuloy ang labanang ito.
Sorry Rocky. Hayaan mo muna ako ngayon. Siguro ay pag nakita ko silang nasasaktan? Hihinto na ako sa mga plano ko. Gusto ko lang namang gumapang sila sa hirap at sakit. Lalo na ang Mommy ni Matteo. Hindi ko nga alam kong bakit hindi ko iyon nakikita sa kompanya ng Edelbario. Parang may mali, maging ang Daddy ni Matteo na si Mr. Antonio ay hindi ko narin nakikita. Saan nga ba sila ngayon? Gusto ko sanang harapin ang Mommy niya.
Nagulat nalang ako ng biglang tumunog ang aking phone. Dali-dali ko iyong inabot at bumungad sakin ang pangalan ni Rocky.
From: Rocky
Sorry lastnight Mary. I'm already okay. Pwede na ba akong pumunta dyan sa renovation? Miss na kasi kita. Please!
Napangiti ako sa nabasa ngunit may bahid sakin ang pag-aalala. Nagsimula narin akong magtipa para mareplayan sya.
Me: Rocky, as I told you. Mag rest ka muna dyan. Okay lang ako dito and beside pupuntahan din rin naman ako ng apat mamaya. Dont worry about me. I'll be okay here. I promise. Okay?
Napasinghap ako bago sumandal sa backrest. Hinihintay ko nalang ang kanyang reply. Isang minutong dumaan ay may reply na galing kay Rocky. Siguro ay naging busy sya.
From Rocky:
I'll be alright as along as Matteo is not there.
Napapikit ako sa nabasa. Nakagat ko ang ibaba kong labi bago nagtipa at nireplayan si Rocky. Ayaw kong pag-awayan namin ulit ito. Ayaw kong magalit ulit sya dahil iyon ang rason sa pananakit ng kanyang ulo.
Me: He's not here. Dont worry if nandito sya? I can protect myself Rocky. You know me!
Napahilot ako saking sentidu. Sa pagkakataong ito ay alam kong nagagalit na iyon si Rocky. Gusto ko lang namang magpahinga sya sandali dahil bigla-bigla nalang sumasakit ang ulo niya. Ang sabi niya naman sakin ay kulang lang daw sya ng tulog o di kaya'y stressed sya sa trabaho. Ayaw ko munang distorbohin si Rocky. Gusto kong alalanin niya muna ang kanyang sarili bago ako.
"M-Mary," agaran kong inangat ang aking ulo. Namilog ang mata ko ng tumambad sakin si Matteo na may dalang boquet. Kumunot ang noo ko. Again? Flower na naman?
"What are you doing here?" taas kilay ko. Dahan-dahan akong tumayo at dali-daling niligpit ang mga gamit. Ayaw ko syang kausapin. Parang nawawalan ako ng gana. Gusto ko lang naman syang higantehan ngunit nawawala ako saking sarili lalo na't sobrang lapit niya.
"Gusto ko lang mag sorry. About what happen lastnight. I am sorry, Mary." natigilan ako sa ginagawa ko. Naikuyom ko ang aking kamao pag nakikita ang pagmumukha niya. Ang mukhang ito ang sumira sa buhay ko.
"Okay. Sorry accepted! You can go now." taboy ko. Dali-dali ko syang tinalikuran at tumungo sa drawer at ipinatong ang mga papel mula sa ibabaw. Nagulat ako sa pagharap ko. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko dahil nasa harap ko na sya.
"I am Sorry. I let everything down. I let down.... please forgive me." nakagat ko ang aking ngipin sa galit. Napapikit ako. Sorry? Anong gagawin ko dyan? Makakain ba iyan? Kahit ilang sorry pa iyan ay wala na akong balak patawarin sya. Well, dapat nga masaya ako dahil nakikita ko syang nahihirapan ngayon.
"After you have done? Ganon nalang kadali iyon? Sorry? Anong gagawin ko dyan?" natatawa kong sabi na ikinayuko niya. Ang sarap mong pag masdan Matteo. Ano? Masakit ba? Bagay lang sayo yan. Maghabol ka sakin ngayon hanggang sa madapa ka.
"Nagsisisi na ako sa lahat ng nagawa ko sayo. I am truly sorry for all the pain I have caused you. I regret every decision I made.." bahagya akong nag-iwas ng tingin sa sinabi niya. Inangat ko ang aking ulo. Tila pinipigilang lumuha sa pagkakataong ito. No, Mary. Huwag kang maawa sa lalaking ito. Hindi nga sya naawa sayo noon diba?
Tinignan ko sya laban sa mata. Nanatiling hawak niya ang isang boquet ng bulaklak. Araw-araw nalang ba? Ano ako patay? Nagsasayang lang sya ng pera.
"I hated hearing the word sorry especially when it came from the lips of the person who promised not to hurt me. Ngayon? Anong pakiramdam ng nasasaktan?" ngisi kong may pang-aasar. Bumagsak ang magkabilang balikat ni Matteo sa sinabi ko. Bakit ganito? Bakit konektado sa puso ko ang expresyon ng kanyang mukha? Tila nasasaktan din ako.
"I wish I could change the fact that I cheated on you. I never really thought about the word cheated until now. Dahil hindi ko iyon magagawa sayo. I never cheat, Mary. It's just part of my plan." kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Hindi ko sya maintindihan. Parang may gumugulo sa isip ko. WTF! Matteo, you make me foolish again.
"What are you trying to say? Anong plan? Anong plano yang pinagsasabi mo? Please Matteo kong mag dadrama ka lang naman sa harap ko? Sorry, hindi ako natatablahan sa mga ganyang drama. Pwede ka ng umalis." sigaw ko bago sya tinalikuran. Sobrang sikip ng dibdib ko at hindi ko alam kong bakit ganito ka sikip. Nasasaktan ako pag nakikita sya.
Hindi pa ako nakakalayo sa kanya ay naramdaman ko bigla ang kamay niya sa bewang ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa biglaan niyang pagluhod sa harap ko. Niyakap niya ang tyan ko ng mahigpit. Halos matumba ako sa ginawa ni Matteo. Ikinulong niya ako sa bisig niya.
"Mary baby please. Please listen to me." inangat niya ang kanyang ulo sabay ng pag bilog ng aking mata. Ang mga luha sa mata ni Matteo ay isa-isang bumagsak sa kanyang pisnge. Nakagat ko ang aking ibabang labi. Pinipigilan kong maiyak ng makita syang ganito. Halos sumabog ang puso ko ng makita syang umiiyak. Hindi lang ito ang unang pagkakataong makita ko syang umiyak sa harap ko. Bakit? Bakit niya ginagawa ito sakin ngayon?
"Matteo bitawan mo ako. Tumayo ka dyan! Ano ba." gustohin ko mang kumawala sa kanya ngunit mas lalo niya lang akong niyakap. Ang kanyang baba ay nasa puson ko. Ang kanyang magkabilang kamay ay nakapulot saking bewang at niyakap ako ng mahigpit habang nakaluhod sya. "Please tumayo kana dyan. Aalis na ako Matteo. May gagawin pa akong trabaho." naging mahina ang boses ko. Boses na natatakot at naiilang sa posesyon namin ngayon.
"I never cheated you out of your trust for me. I never cheated you out of a sense of security with me. I never cheated you out of your happiness. I never cheated you out of so many things. For this I am truly sorry, Mary. I never cheat!" paulit-ulit niyang sabi. Natawa ako na para bang isang baliw. Ang galing niyang umakteng at pani-paniwala talaga ako ngayon. Nahuli ko sila ni Venus sa kwarto niya, ipinahiya niya ako sa maraming tao lalo na sa bar. Mas pinili niya si Venus kesa sakin? Ano ako tanga para maniwala ulit sa mga pinagsasabi niya? No way.
Itnulak-tulak ko sya ng mahina ngunit hindi niya parin ako binibitawan. Napapikit ako sa galit. Tila nagtitimpi.
"I deserve someone who knows how to make things up, after hurting me. Not someone who is very good with just the word, sorry." padabog kong sabi. Kuyom ang kamao ko sa galit. Hindi ako makapaniwalang luluhod sya sa harap ko ngayon.
Mas lalong bumuhos ang luha niya sa sinabi ko. Halos mabasa ang damit ko sa mga luha ni Matteo. Bawat patak ng kanyang mga luha ay sobrang laki.
"Mary baby. Hindi ko alam kong pano mo ako mapapatawad. Hindi ko alam kong ano ang aking gagawin kapag nawala ka pa sakin ulit. I'm searching you all the time and now your here? Hindi na kita muling papakawalan pa. Please Mary, please." napapikit ako ulit sa sinabi ni Matteo. Itinaas ko ang aking noo. Ayaw kong makita niya akong umiyak. Ayaw kong makita niya akong nasasaktan. Dahil gusto kong makita niya akong palaban at matigas pa sa bato.
Ang bawat indayug ng adams apple ni Matteo ay napagkikitaang pagod na sya. Ang magulo niyang buhok ay tila nahihirapan sa posesyon niya ngayon. Kahit puno ng luha ang kanyang mukha ay mas pumangibabaw ang mapupula niyang pisnge. Nanatili akong nakadungaw sa kanya habang sya ay nakatingala. Minsan ko na syang minahal ngunit ayaw ko ng masaktan pa.
"Sorry Matteo. Hindi na kita mahal. Isa kang masakit na nakaraan na dapat ko ng kalimutan at hindi na pwedeng balikan. Sorry!" dahan-dahang yumuko si Matteo at humagul-gol sa harap ko. Isinubsob niya ang kanyang mukha saking tyan. Rinig na rinig ko ang bawat hikbi niya. Sa pagkakataong ito ay gusto ng tumulo ng aking mga luha. Gusto ng pumatak ngunit pinipigilan ko nalang.
Dahan-dahan syang tumingala ulit. Nagtama ang aming mga mata.
"I can not change yesterday, but I want to make it up to you tomorrow and every day for the rest of my life. There are no words to explain how sorry I am. I love you so much, Mary. So much! Mababaliw na yata ako kapag mawala ka pa sakin." nakagat ko ulit ang aking ibabang labi. Gusto ko syang itulak ngunit may pumipigil sakin. Naawa na ba talaga ako sa kanya? Bakit ganito kalambot ang puso ko?
Oo nga pala noh? Ito nga pala ang plano ko. Ang mahulog sya sakin ng sobra-sobra para masaktan ko sya ng sobra pa.
Mariin akong huminga ng malalim. Kong anong drama ito Matteo. Pwes, sasabayan kita.
"Fine. Pinapatawad na kita. Tumayo kana dyan baka may makakita pa satin dito." umaliwalas ang kanyang mukha sa narinig. Tila nag ningning ang kanyang mga mata.
"I pray to God and beg you that you can find it in your heart to forgive me. Thank you, Mary. Thank you." dahan-dahan syang tumayo at dali-daling pinunasan ang kanyang mga luha. Bahagya akong umatras. Hindi ko alam pero para akong nakawala sa malaking hawla. Para bang kahit hindi totoo yong sinabi ko ay bigla ko nalang gumaan ang aking nararamdaman.
Nabigla ako ng hinawakan ni Matteo ang magkabila kong kamay. Sa nakikita ko ngayon ay para syang batang masiyahin. Napasinghap ako dahil sa namamaga niyang mata.
"Salamat at pinatawad mo ako. I promise ipapakita ko sayo lahat ng sinasabi ko ay totoo." dali-dali kong binawi ang kamay ko na hawak niya. Bahagya akong umatras ulit.
"Must do it!" sagot ko. Sobrang laki ng ngiti ni Matteo ngayon. Parang kakaiba ang ngiti niya at tila .ahahawa ka. Ngunit nanatili akong naka poker face.
"I will, baby. Please allow me to date you." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napakalmot sya sa kanyang batok ng ilang ulit.
Date? Hindi ako sigurado at sana ay hindi ako magsisisi sa plano kong ito. Date ang gusto niya? Sige pagbibigyan ko. Sigurado akong aasa lang sya sa wala. Goodluck Matteo. Tignan natin kong hanggang saan yang hininga mo.
Continue...
(PS) Hanggang 40 chapter lang ito. Hintayin ang napalapit na pasabog.