webnovel

Mary's Sweet Revenge

-BOOK [2] OF THE VIRGIN MARY- Di kailangang matalo para mapatunayang matatag akong tao. Minsan mas mabuting manahimik di dahil takot ako, kundi hinahayaan kong sila mismo ang magpapabagsak sa kanilang pagkatao. Virgin, Innocent, Tahimik at Mahin-hin. Oo, yan ako three years ago. Ang apat na bagay na bumabalot saking pag-katao ay bigla nalang naglaho. Inaapi, nagpapa-api at lalong hindi lumalaban. Lahat ng bagay may hangganan. Lahat ng tao ay nagbabago. Lahat ng sakit ay naiibsan. May umaalis pero napapalitan. May nawawala meron ding bumabalik. Umalis ako para palitan at bagohin ang aking sarili. At nawala ako para paghandaan ang pagbabalik sa mga taong nanakit. Im Virgin Mary and im back for my Sweet Revenge. [MARY's SWEET REVENGE] WRITTEN BY: Mommy_J (All rights reserved 2016)

Mommy_J · perkotaan
Peringkat tidak cukup
43 Chs

KABANATA 24

Mary Point of View

Naalimpungatan nalang ako sa kama ng makaramdam ako ng init saking buong katawan. Dahan-dahan kong binuksan ang isa kong mata habang ang isa ay nakapikit. Dahan-dahan narin akong umupo sa pagkakahiga.

Sobrang tahimik ng paligid at tanging ingay lang ng aircon ang bumabalot ng ingay sa kwarto ko. Kinusot ko ang aking mata bago sulyapan ang alarm clock saking mesa. 4:30pm? Ganoon ba kahaba ang tulog ko? Maybe, I'm just tired.

Napagdesyonan kong bumangon at dumirekta sa banyo. Inaliw ko ang aking sarili sa bawat bagsak ng tubig saking katawan. Napapikit ako habang hinimas-himas ang batok. Gumugulo parin sa isipan ko si Matteo. Okay lang kaya sya? What about he's allergic? Oh my ghad. Why I am thinking of him again?

Naipilig ko ang aking ulo. I hate starting my day with someone else's and thinking for nothing. I just want to clear my mind from all random thoughts. Siguro ay nag-aalala lang ako sa allergic na iyon, not about him.

Napagpasyahan kong maligo nalang. Pagkatapos kong linisin ang aking sarili ay naghanap ako ng komportableng susuotin. Beside, ako lang naman ang nandito. I decide to wear a sexy short again, and matches with the white spageti strap. Lumabas narin ako ng kwarto at nagluto para sa haponan ko ngayon.

Napasinghap ako habang nagluluto. Sobrang tahimik ng condo ko at halos mabingi ako sa katahimikang ito. Pagkatapos kong magluto ay nag-simula na akong kumain. Simple lang ang niluto ko. Palagi ko itong kinakain sa State before. It's Pumpkin Bread Pudding with Vanilla-Rum Custard Sauce. Siguro ay namimiss ko lang ang mga pagkain roon.

Minsa nga ay naiisip ko. Pag nasa State ako ay namimiss ko ang pagkain dito sa Pinas, but when I am at here? Bigla ko nalang na miss ang pagkain sa State. It's maybe, madali lang akong mag-sawa sa isang bagay. Lalo na't mag-isa lang ako dito.

Wala sa sarili akong kumain. Pinaglalaruan ko ang akin kobyertos habang nakahalumbaba.

Bakit hindi pa kaya dumadating si Meo? I have to check my phone. Dali-dali akong bumalik sa kwarto at hinanap ang aking phone. Nakita ko ioyn sa desk at agad kong kinuha. May iilang message ang bumungad sakin.

Minabuti kong halungkatin iyon. Sakto ay ang pag tawag ni Meo. Mabilisan ko iyong sinagot agad.

"H-Hello Meo?"

"Ma'am nasa labas na po ako ng condo unit nyo. Paakyat na po ako." sagot nito at mukhang hingal na hingal.

"Okay Meo. I'll wait you here." pinatay ko agad ang tawag saka bumaba sa highchair.

Dali-dali akong nagtungo sa pintoan. Sakto sa pag bukas ko ay bumungad sakin si Meo na nakangiti. Sobrang kapal mg make nito at halatang may pawis sa kanyang noo. Oo, isa syang bading. Mas gusto kong mag hire ng bading dahil madaldal, lalo na sa lahat full of confident.

"Good afternoon, Ma'am." bati nitong yuko. Bumagsak ang mata ko sa dala niyang puting box. Ito ay mahaba at may ribbon sa gitna.

"Pumasok ka muna sa loob, Meo." anyaya ko ngunit umiling lang ito.

"H-Hindi na po ako magtatagal Ma'am. May pinapagawa pa kasi sakin si Ma'am Russel." sagot nito. Napatango ako bilang sagot. "Ito na po 'yong gown nyo, Ma'am." tinanggap ko iyon na nakangiti.

"Sige Meo salamat. Anyway, just tell Russel I have to see the finance papers of my restaurant. Hindi pa kasi sya sumasagot sa tawag ko. Pakisent nalang sa email ko ang lahat ng details at update." saad ko. Tumango agad si Meo.

"Acknowledge po, Ma'am." yumuko ulit si Meo bago sya tuluyang umalis.

Napasinghap ako bago napatitig sa hawak na box. Isinara ko ang pinto bago pumasok sa kwarto ko. Inilapag ko 'yong box sa kama at agad binuksan iyon. Napahimas ako sa kulay pulang long gown. Backless ang likod nito habang mahaba ang tela sa likuran. Ang sa harap naman ay hanggang tuhod lang. Perfect choice. Hindi ako nag-sisisi sa pagpili ng kulay pulang gown na ito.

Red, is symbolize of love, anger and revenge. Magkikita ulit tayo Mr. Francisco. Na miss mo kaya ako? Kilala mo pa kaya ako? Kong hindi? Well, I want you to inroduce the new Mary.

Sobrang lapad ng ngiti ko sa pagkakataong ito. Panay himas ko sa tela ng gown habang nag-iisip ulit ng panibagong plano. Pababaliwin ko si Matteo, ibabagsak ko ang Tatay ko at aagawan ko si Venus. May kulang pa. Hindi ko alam kong ano-----

Oo nga pala. Ang Mommy ni Matteo. Kumusta na kaya iyon? Bakit hindi ko sya nakikita sa office ni Matteo. Gusto ko syang makakita at nginitian lang ng nakakaasar.

Bumalik ang diwa ko ng tumunog ang aking cellphone. Inabot ko iyon sa kama at bumungad sakin ang numero lang. Bahagya akong nag-taas ng kilay bago iyon binasa.

From: Unknown number

May your request be accepted today and be accepted for that business matter. Claim and work for me, Mary. I already reschedule my important meeting. Lets begin your work, my work.

Matteo,

Kumunot ang noo kosa nabasa. Is this a paslm? Napasinghap ako bago nag-simulang mag tipa. Nireplayan ko agad sya. I've been waiting for this, at ngayon niya pa talagang naisipang tanggapin ang reguest ko?

Me: Accepted. Thank you!

Iyon lang ang tangi kong naireply. Dahan-dahan akong napaupo sa kama. Minsa naiisip ko. Ang hirap palang mag-isa hindi naman bago sakin ito, sanay na akong iniiwan. Miss na miss ko na si Nanay. Siguro kong nakikita niya ako ngayon? Paniguradong galit na galit sya sa ginawa ko. Sorry Nay, pero nasaktan lang ako.

Nag-sisisi ako kong bakit naging Ama ko si Mr. Francisco at kong bakit ako pa ang anak niya. Alam ko kahit bali-baliktarin man ang mundo ay anak niya ako at Ama ko sya. Ang dugo niya ay nananalaytay sa dugo ko. Kahit ganon paman. Wala akong Ama na katulad niya. At hindi ko kapatid si Venus.

Kong hindi nila ako matanggap? Mas lalong ayaw ko sa kanila. Tignan lang natin kong hanggang saan ang pride nyo at kong hanggang saan yang pinapanghawakan nyong malinis at masayang pamilya.

****

Venus Point of View

Dali-dali akong pumunta sa hospital dahil sa sinabi ni Lorin sakin. Pumunta ako sa office ni Matteo kanina ngunit wala sya roon. But nalang at nakita ko si Lorin and she told me about Matteo. What the hell is happening? Matteo is in there at hindi ko alam kong bakit sya nasa hospital.

Hindi ito ang unang pagkakataong ma hospital sya. Hindi ko alam kong anong sakit ni Mattoe dahil hindi niya naman sinasabi sakin. Pati si Tita at Tita ay walang alam. They just know that Matteo is just allergic in that fucking mango. Pero bakit pabalik-balik sya sa hospital? Did Matteo hidding for something?

Kinakabahan ako. Kahit hindi niya ako mahal ay mahal ko sya. Kahit hindi sya nag-aalala sakin ay nag-aalala ako para sa kanya. Kahit palagi niya akong denidedma ay pilit ko paring ipinagsiksikan ang sarili ko sa kanya. Dahil mahal ko sya, hindi lang mahal. Sobrang mahal na mahal.

Bakit ganon? Mahirap ba akong mahalin? Bakit lahat ng taong gusto ko ay ayaw sakin? Bakit lahat ng taong gusto ko ay iba ang gusto? Saan ba ako nagkulang?

Matteo was my first evertyhing. I remember the day when I first met him. I never thought the day would come we'll be more them friends , He made me smile when I was down turned my world around, the way he give me love I feel so right.

Nasira ang relasyon naming dalawa dahil lang sa isang mali. Isang kamaliang pinag-sisihan ko. Pinag-sisihan ko ng paulit-ulit. I make love with Clark that time, Matteo younger brother. But fuck! I was drunk that night. Hindi namin sinasadya ni Clark ang lahat.

Napamura nalang ako habang nagmamaneho. Tila bumabalik lang saking isipan ang nangyari samin ni Clark. Sobrang malaki ang pag-sisisi ko. Mahirap ng ibalik ang tiwala ng isang lalaki, dahil marunong din silang mapagod. Kaya gagawin ko ang lahat bumalik lang ang tiwala ni Matteo sakin.

Napasinghap ako ng maaninag ko na ang hospital.

Pinark ko agad ang kotse sa parking lot. Dali-dali akong pumasok sa loob ng hospital. Honestly, I hate this place. Everytime I came here it would always be like this. Natatakot, nangi-nginig, nangangamba at nasasaktan. I lost my Mom in this place, kaya ayaw ko ring mawala si Matteo sakin.

Dali-dali akong lumapit ako sa information desk.

"Excuse me, Miss. May I know the room number of Matteo Vion Edelbario? I'm his girlfriend." dali-daling hinalungkat ng babaeng Nurse ang computer sa harap niya.

"Room number 146, Ma'am." sagot nito na agad kong tinalikuran. Dali-dali akong sumakay ng elevetor.

Maging sa elevator ay nangi-nginig ako. I hate this place so much. Mariin akong pumikit sabay ng pagbukas ng elevetor. Dali-dali akong lumabas at hinanap ang private room ni Matteo. Nakita ko iyon mula sa gitna kaya minabuti kong lumapit agad.

Napahigpit ang hawak ko saking sling bag. This is hilarious! Kanina pa ako kinakabahan. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sakin si Matteo na nakahiga sa kama habang kausap ang isang Doctor.

Aakmang papasok ako ng ma statwa ako sa narinig mula sa Doctor na kausap niya.

"Expects to start therapy next week. Just be here at the morning. I had some lab work done that day, will see dermatologist tomorrow." therapy? Cardiologist? Para saan? Tika lang?

"I can't go, I'm busy person, Doc. I don't have time for that shit theraphy of yours." namilog ang mata ko sa sinagot ni Matteo. Hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Tila may bumara saking lalamunan dahil sa narinig.

"You have too. Make some time for yourself, Mr. Edelbario." natawa si Matteo sa sinabi ng Doctor. Ang kanyang ngiti ay sobrang lapad na di umano'y hindi sang-ayon sa narinig.

"I hate that fucking cancer, Doc. I don't deserve to deal with it. I'm not sick. So please shut-up." namilog ang mata ko sa narinig. Ang kamay ko ay halos ayaw bumitaw sa hawak kong doorknob.

Cancer? I dont understand. Why? What cancer they talking about? Hindi ko halos masabi ang gusto kong sabihin.

"You just have to remove people without warning, Mr. Edelbario. You already old to be explaining what I am already know what is going wrong. Malaki kana at nasa sayo lang ang desisyon kong gusto mo pang gumaling. It's up to you, I'm just helping you young man." sobrang sikip ng dibdib ko sa sinabi mg Doctor. Unti-unti kong pinoproseso ang lahat ng narinig. Sa pagkakataong ito ay alam ko na ang katotohan. Alam ko na kong bakit pa balik-balik si Matteo sa hospital na 'to.

"I hate fucking cancer. Damn man! Hope it ain't there. Not me but can say who? It hurts me a lot . Bullshit! Bakit sa dami-daming tao ay ako pa? Ako pa talaga?" napahilot si Matteo sa kanyang sentidu. Sa puntong ito ay isa-isang tumulo ang aking mga luha. Sa narinig kong paulit-ulit na mura niya ay alam ko na. Alam ko na ang buong katotohanan.

"May cancer ka?" isang paos na boses ang binitawan ko. Sabay silang napalingon sakin. Ang Doctor na may pagtataka at si Matteo na sobrang gulat sa nakita.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob na may luha sa mga mata.

"M-Matteo? May cancer ka?" humikbi ako. Napapikit si Matteo habang napahilot sa kanyang magkabilang noo.

"What are you doing here, Venus? Bakit mo nalaman na nandito ako? Who told you?" sunod-sunod niyang tanong sakin na may pagbabanta.

Humalukipkip akong lumapit sa kanya.

"I want to know. Mali ang narinig ko diba? Mali ang narinig ko tungkol sa sakit na iyan? Sabihin mo sakin? Saan ako nagkamali sa pandinig?" humikbi ako sa iyak. Halos hindi ko na sya makita dahil sa mga luha ko.

Ibinaling ko ang tingin sa Doctor.

"Doc? Tell me? Is this true?" hinawi ko ang mga luha ko saking mata. Napasinghap ang Doctor bago ako sinagot.

"He have a skin cancer." bumagsak ang magkabila kong balikat sa narinig. Napatakip ako saking bibig.

"Skin cancer? Pero bakit? Saan nya ito nakuha?" sunod-sunod kong tanong.

"Bar, smoke, drugs, drink in moderation. Anyone can get skin cancer, and the sun isn't the only cause of this disease. That's why skin cancer may be found in places on the body never exposed to the sun." napapikit ulit ako sa narinig. Palaging nasa opisina si Matteo. Halos hindi sya matamaan ng init dahil gabi na syang lumalabas. Halos hindi sya naiinitan ng araw dahil sa palagi syang busy at wala ng halos oras para makapag relax manlang.

Skin cancer may be found in the places on the body never exposed to the sun?

"D-Doc? Ano ang dapat naming gawin?" humagulgol ako ng iyak sa harap niya.

"The best way to get your vitamins is through a healthy diet. Exercise to keep your system performing at its optimal best, keep away from the drugs, drink in moderation and so important, keep a positive and light attitude while here on the planet." wika nito.

"D-Doc." isang bagsak boses ang binitawan ni Matteo. Ma awtoridad niyang tinignan ang Doctor. "Please, iwan mo muna kami." nagkatinginan kami ng Doctor ng panandalian.

"Okay. Excuse me,"

Tuluyan kaming iniwan ng Doctor. Binalotan kami ng katahimikan sa loob ng silid. Sumandal si Matteo sa dash board ng kama habang nakapikit. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya na may luha.

"M-Matteo," humikbi ako. Dahan-dahan niya akong tinignan na masama.

"Can you please stop crying. I'm not dying, Venus." bulyaw niya sakin. Dahan-dahan akong napayuko.

"Gagaling ka pa diba?" humagulgol ako sa harap niya. Tinignan ako ni Matteo na nag-aalala. Sa puntong ito ay kitang-kita ko sa mata niya ang pagod.

"I have to take my medicine. Yon lang naman ang importante. And after that, my skin tone back to normal. Dont worry I'm okay, Venus. I'm okay. Just please!" itinaas niya ang kanyang hintuturo bilang pag pigil sakin.

Hinawi ko ang luha ko. Hanggang ngayon ay mas pumangibabaw parin sa kanya ang pagiging ma pride.

"Stop the stupid pills Matteo. Eat the right food, poultry, fish, mushrooms, whole grains, dairy and eggs, and fruits. Hindi 'yong aasa ka lang sa gamot na iyan. Mag painit karin sa araw. Please makinig ka naman sakin oh." inabot ko ang kamay niya at hinawakan 'yon ng mahigpit. Dahan-dahan niyang binawi ang kamay niya na hawak ko.

"Alright. Just leave me alone. I am going to sleep," dahan-dahan syang humiga sa kama bago ako tinalikuran patagilid.

Napapikit ako. Ramdam na ramdam ko ang mainit kong luha saking mga mata. Napadpad ang tingin ko sa balat niyang sobrang puti. Hind ito 'yong normal niyang balat. Hindi sya ganito kaputi. Bakit hindi ko nahalata ito? Bakit hindi ko manlang namalayan na kumakalat na ang puting balat niya sa kanyang braso.

Hindi ko sya iniwan sa loob ng limang oras. Panay titig ko kay Matteo kahit natutulog pa sya. Pagkatapos niyang ma confined sa hospital ay sabay kaming umuwi. Hinatid niya ako sa bahay. Sobrang saya ko sa araw na ito dahil nakasama ko sya, ngunit may bahid saking lungkot dahil sa sakit ni Matteo. Ang sabi ng Doctor ay madali lang itong gagaling pag laging pinapahid ni Matteo ang ibinigay na ointmint ng Doctor. May symptomas ang sakit ng skin cancer. Pagkahilo at pananakit ng balat. Tila mahapdi lalo na't may makakain kang allergic sayo.

Bagsak ang magkabila kong balikat ng pumasok ako sa bahay. I am thinking of Matteo for now. Natatakot ako, natatakot na mawala sya sakin. Oo nga pala't matagal na syang wala sakin. Matagal na syang lumayo sakin at ito ako pilit pinagsik-sikan ang sarili sa kanya. Ang sakit lang kasi. Habang sya ay nakalimot na sakin, ako naman itong nahihirapang limutin sya.

"This is bullshit!" bumalik ang diwa ko ng marinig ko si Daddy na sumigaw sa loob ng kitchen.

Dali-dali akong pumasok sa kitchen. Bumungad sakin si Daddy na sobrang lasing na. Ang iilang bote ng alak ay nagkalat sa sahig.

"Dad?" bahagya syang lumingon sakin na namumula. Tila frustrated. "Oh my ghad, Dad. What is happening to you?" dali-dali akong lumapit sa kanya.

Hinilamos niya ang kanyang mukha at tila may problema.

"Dad? Anong problema? Bakit kayo umiinom? Bawal sayo ang alak diba?" sunod-sunod kong tanong. Napasandal si Daddy sa sink habang hilot-hilot ang kanyang magkabilang noo.

Iginala ko ang aking mata sa buong paligid.

"Nasan si Yaya Doreng?" umiling si Daddy bilang sagot. "Wait. I have to call her. Kailangan niyang linisin ang kalat dito." aakmang aalis ako ng hinila ako ni Daddy.

Tinignan niya akong pagod na pagod. Halos kinuyom ang puso kong nakikita si Daddy ng ganito.

"She's been here. Pinaalis ko. I want to be lone," sagot niya na ikinakunot ng noo ko.

"But why Daddy? Is there something wrong? Sabihin nyo sakin. Ayaw kong nakikita kayong ganito Dad. Please I want to know what is happening to you," halos magalit ako.

He's lung cancer survivor at ito nanaman sya? Iinom ulit? Kailan ba niya ako pakikinggan? His too old, and I need him. Hindi ko na kayang mawalan ulit ng minamahal. Just like Mommy did. She already past away and it's been three years passed.

"Daddy. Please! Tell me," ulit ko at hinawakan ang kamay niya. Rinig na rinig ko ang malalim niyang buntong hininga.

"Pumunta ako sa St. Peters hospital kanina. I've been there for the important meeting. As I heard my nag donate ng isang billion peso sa hospital. Nag donate din sya ng mga gamot, shelter, at equipements." nanlaki ang mata ko sa narinig. Isang billion? How could it be?

"Isang billion? Ganoon kalaki, Dad? Is that a big time person? Mayaman? Kilala? Whose that person Dad?" halos malaglag ang panga ko pagkatapos sabihin iyon. Hinilot ulit ni Daddy ang kanyang sentidu.

"We dont know him or her, yet. Maging si Mr. Almadin ay walang alam kong sino ang taong iyon. That person donate big money to fund for toys kids." kumunot ang noo ko sa narinig. This time ay ramdam ko ang galit. "Tila may balak syang agawin ang pwesto ko sa Hospital." napamura ako sa narinig. Sino mana kaya iyon? Bakit niya aagawin ang pwesto ni Daddy sa hospital.

"Huwag kayong pumayag Daddy. You need to do something." usal ko. Hindi maaari. Mahal ni Daddy ang posesyon niya sa St. Peters.

"I know hija. Hindi ako papayag na maagaw lang ang pagiging isang co-chairman ko sa hospital. I want meet that person. Gusto ko syang makilala. The staff and the director of hospital they plan to having a great reason to meet that person. May ginawa silang introducing and welcome party nextweek para makilala namin kong sino ang taong iyon." wika ni Daddy ngunit may pait at balak ang kanyang mga titig sakin.

"Pupunta ka?" tanong ko na ikinatango niya. "Sasama ako sayo, Dad. I want to meet that person, too. Gusto ko syang makilala at makaharap." hamon kong igting panga. Dahan-dahang tumango si Daddy bilang sagot.

Naikuyom ko ang aking kamao. Kong sino ka man ay siguradohin mong mas mayaman ka pa samin. Siguradohin mong mas angat ka pa samin. Siguradohin mong kaya mong itulak pababa at agawin kong ano man ang posesyon ngayon ni Daddy.

Pag-sisihan mo kong bakit kami ang kinalaban mo. Kong sino ka man!

Bumulagta ako sa kama habang iniisip si Matteo. I'm sure his parent didn't know about he's situation. Kong sana ay nandito si Tita Torria. Sigurado akong magagalit iyon at aalagaan si Matteo.

Hindi ko nalang namalayan na tumulo ang luha ko sa mata. Hindi ko lang matanggap na may sakit si Matteo. Sana ay nanaginip lang ako. Sana ay isa lang itong masamang gunita. Sana ay sa pag-gising ko hindi pala 'yon totoo. SANA!

I always hope even the hopes don't alwasy prove.

Continue...