webnovel

KABANATA 21

KABANATA 12: Confess

Iniwan ako ni Matteo na may init sa pisnge. I just look away, then look at myself patiently. Damn! Oo nga't sobrang ikli ng short ko. Hindi ko naman aakalaing pupunta sila dito. Hindi ko naman kasalanan kong bakit bigla-bigla nalang silang pumupunta dito ni Rocky.

Its not my fault anymore why I'm sexy.

Napasinghap ako habang nagtitimpi. Hindi ko maintindihan si Matteo. Sinaktan na niya ako noon at niluko, tapos magagawa niya pa akong balikan ngayon. Para saan pa? Para mang-asar? Mang good time ulit? Well, I dont want it happen. Uunahan na kita Matteo. Kong gusto munang laro ay kaya kong sumabay sayo. I'm back for my revenge, not to get you back.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Tila nagpipigil sa galit at inis.

Nagpatuloy ako sa ginawa ko. Hiniwa ko ang penya at hinog na mangga. Wala sa sarili akong naghiwa. Hindi ko alam kong bakit nawawala ako sa sarili kong pag-iisip. Naalala ko lang si Ante at Ninong. Kumusta na kaya sila? Nakapatayo na kaya sila ng bahay sa Gregoria? Gusto kong tanongin si Matteo tungkol sa lupa sa Gregoria. Gusto ko syang sampalin at pagalitan. Bakit niya nagawa sakin ito? Alam niya namang importante sakin ang lupa ng Gregoria. At nagawa niya talagang bilhin ang lupang iyon? What he's motive? Hindi ko alam pero kailangan kong dahan-dahanin ang lahat. I want to confess him everything, but not now. May naiisip pa akong ibang plano.

Babalik pa ako sa tunay kong ama, and I know malapit na kaming magkita. Let see kong anong reaksyon niya pag nakita ako. Ano kaya ang sasabihin niya pag nasa harap na ako?I can't wait, but I have to be patient.

Napaangat ang ulo ko ng bumukas ang pinto ng kitchen. Bumungad sakin si Rocky na nakangiti. Hindi ko magawang ngumiti pabalik sa kanya.

Bahagya akong yumuko at nagpatuloy sa paghihiwa ng mangga. Tila nawawala ako sa konsentrasyon. Naramdaman ko ang init ng kanyang palad sa likod ng aking bewang. Ang mainit niyang haplos ay nagpapaumbabaga sakin. Ang matigas niyang dibdib ay natamaan ng aking braso. Sobrang lapit niya sakin. Pati ang amoy ng kanyang hininga ay ramdam na ramdam ko.

"I'm sorry," saad niya. Hindi ko sya magawang tignan. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. "Sorry kong nasasakal na pala kita." sa pagkakataong ito ay sinulyapan ko si Rocky.

Nag tama ang mga mata naming dalawa. His eyes blazing and asking for my response. Nanatiling nasa likod ko ang kamay niya. Tila ayaw akong paalisin.

"Let's forget about it, Rocky. Sorry din huh." napanguso ako. Hindi ko manlang naisip ang magandang nagawa sakin ni Rocky. I'm so selfish. He's just worried about me.

"You dont need to say sorry. Ako nga dapat ang mag sorry sayo eh. Naging over protective lang ako sayo, Mary. Ayaw kong masaktan ka pang muli, dahil nasasaktan din ako." nakagat ko ang ibabang labi ko sa sinabi niya. Di umano'y may bumara saking lalamunan. Napapikit ako. I dont expect this. He already confessed his feeling for me.

Bahagya akong yumuko. Bumagsak ang mata ko sa hawak kong kutsilyo at pinaglalaruan nalang ito.

Nagulat ako sa ginawa niyang paghawak saking pisnge. Inangat niya ang baba ko para matitigan syang muli. This time ay ramdam na ramdam ko ang init ng aking pisnge.

Nanatiling nakahawak ang kanyang kamay saking pisnge. Sobrang lalim ng titig niya sakin. Napalunok ako!

"Yong sinabi kong mahal kita. Totoo iyon. I love you Mary and its true." sa pagkakataong ito ay ramdam ko ang panginginig ng aking kamay.

Hindi ko lubos maisip na maririnig ko ito sa kanya. Bestfriend ko sya noon hanggang ngayon, crush ko sya noon ngunit hindi na ngayon. Pero bakit sa bawat bitaw na salita ni Rocky ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Minsan na kaming naghalikan sa dagat. I just lost that time. Alam kong ginusto ko rin iyon.

"M-Mary. Matagal na kitang mahal, noon hanggang ngayon.  I like you so much. Now, I ain't losing you. I don't want to happen it again." hinawi ko ang kamay niya saking pisnge. Gusto ko ng epasyo sa pagitan namin dahil nangi-nginig ako.

Bahagya akong umatras. Mas lalong lumalim ang titig niya sakin.

"P-Pero bakit mo itinago sakin ang lahat, Rocky? Bakit hindi mo sinabi sakin noon na may nararamdaman ka pala sakin? Bakit?" naging mapakla ang boses ko. Bumagsak ang mata niya sa counter.

Sobrang lalim ng hininga niya.

"I am willing to give up my smile, for the sake of your happiness, Mary." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "I give up my feelings for the sake of your happiness. Naalala mo 'yong panahon na pinapili kita saming dalawa ni Matteo? You choose him, than me. Pano ko nanakawin ang puso mo kong naunahan na ako ni Matteo? Nakikita kitang masaya sa kanya, thats why I choose to leave and letting you happy in his arms." wika niya na ikinabagsak ng aking mata sa sahig.

Bakit hindi ko alam? Bakit?

Kong pinili ko ba sya noon kesa kay Matteo. Hindi ba ako masasaktan ng ganito ngayon? Masaya sana ba ako ngayon? Hindi ko ba sana nararamdaman ang sakit at paghihirap ko ngayon? Hindi ko alam. Hindi ko alam. I choose the man, who can possedly hurt me. I blame myself for this. I remember that I was the one who stupid to choose to love Matteo, than Rocky.

"I asked you that time. Tinanong kita kong totoo ba 'yong sinabi sakin ni Riza. Pero anong sinabi mo? Hindi diba? Ang sabi mo sakin mahal mo ako dahil kabigan mo ako." naging galit ang boses ko. May namumuong luha sa mata ko ngunit pinipigilan ko lang iyon.

Kuyom ang magkabila kong kamay. Bakit nga ba ako nagagalit? Wala namang kasalanan si Rocky eh. Nasasaktan lang ako, dahil patago ko syang minahal noon. Hindi ko rin pala alam na nagtatago rin pala sya ng nararamdaman para sakin. Naging huli narin ang lahat dahil bigla nalang akong nahulog kay Matteo.

Nanatili syang nakatiig sakin ng malalim.

"Ang sabi sakin ni Riza, mahal mo raw ako higit pa sa isang kaibigan. Pero anong isinagot mo sakin? Mahal kita Mary, dahil kaibigan kita. It's damn hurt, Rocky. You're lying!" naging bulyaw ang boses ko. Tila inipon ko lahat ng galit ko kay Matteo at sa kanya.

"Dahil nakita ko kayong naghahalikan sa bar." natahimik ako sa sinabi niya. Yong luha kong gustong tumulo ay tila bumalik saking kaloob-looban ng aking mata. "I want to tell you everything I was, and my feeling. But fuck, Mary. I see you kissing him. I see you kissing him with my own eyes. I was hurt, angry, pissed that night. I want to punch Matteo that night, but I cant. You know why?" napalunok ako sa sinabi ni Rocky. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa kahihiyan. "Because you kiss him back, Mary. That was the most hurt I've ever seen in my whole life. That feeling you see your love one kissing another man. Habang masaya kang kasama sya ay nasa sulok lang ako at nasasaktan. Ang iyong mga ngiti ay sobrang sakit pag masdan, lalo na't hindi para sakin." napapikit ako sa kahihiyan. Bakit di niya sinabi sakin agad na mahal niya ako? Edi sana. Edi sana hindi ko sya nasaktan at hindi ako nasaktan.

Hindi ko matandaan kong kailan iyon, pero tanda-tanda ko pa ang bawat detalye na sinabi sakin ni Matteo that time. Bakit nga ba kay dali akong nabihag sa kanya? Bakit kay dali kong sumuko sa lalaking hindi ako sigurado? Hindi ko magawang tignan si Rocky dahil nahihiya ako. Nahihiya ako sa sarili ko.

"R-Rocky. Bakit ngayon lang? Bakit mo hindi sinabi agad?" iyon lang ang tangi kong nabitawan. Napasinghap sya sa katanongan ko.

"Kong sinabi ko ba agad sayo noon ang tunay kong nararamdaman ay kaya mo bang iwan si Matteo? Sasama ka ba sakin?" Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Tila sumakit ang ulo ko at natamaan sa sinabi niya.

What if? What if sinabi niya sakin noon ang naramdaman niya. Sasama ba ako sa kanya? Iiwan ko ba si Matteo para sa kanya? Bakit ang hirap? Hindi ko alam kong anong isasagot ko dahil sa totoo lang ay nalilito ako. Ang hirap sagotin dahil lumipas na iyon at nakaraan na iyon.

Napayuko ako. Naiinis ako sasarili ko.

Rinig ko ang bawat yapak ng kanyang paa sa sahig at alam kong papalapit sya sakin. Inangat ko ang ulo ko at nahuli ko ang mapanuya niyang titig. Inabot niya ang kamay ko at hinawakan niya iyon ng mahigpit.

"I don't know why I keep on loving you despite the fact that I'll get hurt again just like before. Sa bawat patak ng iyong mga luha ay ako ang pumupunas. Sa iyong pag-iisa ako iyong kasama. Sa gabi-gabi mong pag lalasing noon ay ako ang laging umiintindi sayo. Maging sayong pagtulog ay ako iyong katabi." sa pagkakataong ito ay isa-isang tumulo ang aking mga luha. Sa bawat salitang binitawan ni Rocky ay alam kong nasasaktan sya.

Hinawi niya ang mga luha saking mata. Napapikit ako.

"Bakit?" humikbi ako. "Sa tatlong taon nating pagsasama sa State? Bakit hindi mo manlang inamin ang lahat sakin?" mas lalo akong napahikbi. Panay punas niya saking mga luha. Sobrang sikip ng dibdib ko. Halos hindi ako makahinga sa sobrang sikip nito.

"Pano ako aamin? Kong si Matteo ang palagi mong bukambibig?" hindi ko alam pero mabilisan ko syang niyakap ng mahigpit. Ang sakit lang kasi. Kong sana ay hindi ako nag padalos-dalos hindi sana ako nasasaktan ngayon.

I lost everything to me. Even my virginity. Pano ako matatanggap ni Rocky? Kong hindi na ako virgin? Pano niya ako mamahalin kong hindi sya ang unang nakatikim sakin? Nahihiya ako sa sarili ko.

Mas lalo kong niyakap si Rocky. Humagul-gol ako sa bisig niya.

"I choose to love you in silence, because in silence I feel no rejection. Sorry, Mary." napapikit ako sa sinabi niya.

Sa mga panahong umiiyak ako at nawawala sa sarili ay sya ang palaging nasa tabi ko. Halos hindi ko sya napapansin noon dahil si Matteo ang palagi kong iniisip.

"R-Rocky sorry. I'm sorry." paulit-ulit kong sabi.

Kumalas sya sa yakap. Hinawi niya ang mga luha saking mata. Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge bago ako tinititigan nito mata sa mata.

"Bumitaw ako noon. Hinding-hindi na kita bibitawan ngayon. I will hug you when you are hurt. Kiss you when your broken, love you when you are lonely. I'm still strong to fall for you over and over again. Please, Mary. Let me court you. Let me prove you that I'm worth it." nakagat ko ang ibabang labi ko sa sinabi niya.

Liligawan niya ako? Kaya niya kaya akong tanggapin? Natatakot ako. Natatakot akong masaktan muli. Alam kong hindi niya ako magagawang saktan ngunit natatakot ako pag nalaman niyang wala na ako. I'm not still a virgin anymore.

Tinititigan ko si Rocky. Hindi sya mahirap mahalin. Sobrang perpekto ni Rocky. Bakit nga ba ako natatakot? Bakit nga ba ako nangangamba? Sa mga panahong takot ako ay naryan sya. Sa mga panahong nangamba ako ay pinapaibsan niya.

I think its time to love again. I think it's time to open my heart again. It's time to love again, and forget who hurts me. Should I forget my revenge?

Dahan-dahang hinalikan ni Rocky ang noo ko. Sabay ng pagbukas ng pintoan sa kitchen.

"Oh my gosh. Nadisturbo yata natin sila guys." bahagya kaming lumingon sa likuran ko. Sobrang laki ng mata nang tatlo. Tila nagulat sa nakita.

Lumipat ang tingin ko kay Matteo. Bahagya akong umatras bago inayos ang sarili. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa kahihiyan. Sinulyapan kong muli si Matteo. Sobrang sama ng tingin niya kay Rocky. Halos sumalubong ang kanyang magkabilang kilay sa galit.

"No, we're not. Were on the right timing." Si Matteo ang sumagot habang nakatitig parin kay Rocky. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Naglaban ang kanilang titig at tila gusto ng sumugod sa isat-isa.

Continue...