Isang malakas na bosena ang umalingaw-ngaw saking tenga. Nabibingi ako sa sigawan ng mga tao sa labas. Ang mag iilang bosena na di umano'y tunog iyon ng mga jeep. Wala sa sarili akong nakapikit ngunit ramdam na ramdam ko ang kamay ko sa manebela.
Am I dead? Am I dreaming? I don't know dahil may naririnig pa akong sigawan sa labas ng kotse ko.
"Hoy, lumabas ka dyan." boses ma awtoridad ang umalingaw-ngaw saking tenga. I sunddenly open my eyes. Namilog ang mata ko ng may iilang tao ang nakapalibot saking kotse.
They all waiting me outside.
"Hindi ka ba lalabas dyan? O baka gusto mong basagin ko itong salamin ng kotse mo?" isang malakas na katok ang bumulagta sakin. Shit! The traffic inforcer. Panay katok niya sa labas at mukhang kanina pa ito.
Bumagsak ang mata ko saking paahan. Napahawak ako sa bibig sa gulat. I pull the break? Pero pano? Hindi ko maalalang tinapakan ko ang break. Nakakakilabot pero wala na akong oras para mag-isip nang kong anu-ano.
"Hoy! Lumabas ka dyan. Magbibilang ako hanggang sampo. 1, 2 , 3, 4, 5."
Dali-dali kong inayos ang aking sarili. Kumuha ako ng tissue sa may dashboard at minabuting pinunasan ang iilang make up na kumalat saking mata mukha. Inayos ko rin ang buhok ko bago tuluyang lumabas ng kotse.
Nakakahiya dahil marami akong naabalang tao daan. Maging ang mga kotse.
"Hoy Miss. Kong gusto mong magpakamatay huwag mong abalahin ang mga---" natigilan ang traffic inforcer ng makita ako. Dali-dali akong lumapit sa kanya na nakahalukip-kip.
"Sir, I'm sorry. Sorry sa abala. Hindi na po ito mauulit muli. Nawala ako sa sarili ko habang nagdadrive. Sorry talaga Sir." saad ko ng ilang ulit. Dahan-dahang sumilay ang ngiti niya sakin. Kumunot ang noo ko dahil maging ang mga tao sa paligid ay natahimik.
"Ok ka lang ba Miss? Nasaktan ka ba? Nasugatan ka ba? Baka gusto mong dalhin ka namin sa hospital?" Huh? This time ay nagulat ako sa sinabi niya. I thought he will be angry at dadalhin niya ako sa jail? But I was wrong. Tila nakakakita siya ng multo. I suddenly look at myself and there is nothing wrong with me.
"I'm okay, Sir." agaran kong sagot.
"Miss beautiful. Mukhang hindi ka okay. Mabuti pa at dalhin ka nalang namin sa hospital. Para masigurado naming okay kalang talaga," sa pagkakataong ito ay nagulat ako sa inasta ng traffic inforcer. Ako ang may mali subalit parang pinapahiwatig niyang, sila ang may mali.
Iginala ko ang aking mata. Bumobosena na ang iilang kotseng hindi makadaan. I have to go. I don't have time to talk with this stupid mine. Ako ang may kasalan. Wala ng iba pa!
"Sir okay lang ako. Sorry talaga sa abala. So can I go Sir? Mukhang hindi makakadaan ang mga kotse dahil sa kotse ko sa gitna," salaysay ko ulit. Nanatiling nakangiti ang traffic inforcer.
"Sigurado ka ba talaga miss na okay ka lang?" ulit niya at mukhang ayaw akong paalisin. Hinawakan ko ang kamay nito.
"Thank you for your concern, Sir. Okay lang talaga ako. I am very sorry for the mess. Mag-iingat na ako sa susunod. I have to go!" Agaran ko syang tinalikuran na nakatulala. Isa-is kong tinignan ang mga tao sa paligid. "Sorry guys. Sorry talaga," ani ko.
"Grabe ang ganda niya. Parang Anghel!"
Iyon ang huli kong narinig bago pumasok sa loob ng kotse. Dali-dali kong pinaandar ang kotse para makaalis sa gitna ng daan. God, Mary. Ano bang nasa isip mo at naisip mo talagang magpakamatay kanina?
Naipilig ko ang utak ko. Sigurado akong pinigilan ako ni Nanay at Tatay sa ginawa ko kanina. It's not my time yet to leave these world. I am very sorry to myself. Nababaliw na yata ako.
Padating ko sa condo ay dumirekta ako agad sa kitchen. Nag-salin ako ng alak sa baso. Napasandal ako sa sink habang iniisip ang dalawa. Ayaw ko munang kausapin si Rocky. Ayaw ko munang makita si Matteo. I have to refresh first, before I continue this plan. Napasinghap ako sa pagod.
Nilinis ko ang aking sarili bago napagdesyonang humiga sa kama. Hanggang ngayon ay naiisip ko parin ang dalawa. I don't know if Matteo is sincere, and I don't know if Rocky is telling the truth. He loves me? And that's what I dreaming for before. Bakit ngayon pa?
Napayakap ako sa unan ko. Gusto ko munang mag-isa. Ayaw ko munang magpakita sa dalawa. I have to rest my mind and my heart. I wan't to washed away my problem. I want to be close my eyes and wish to have a dream. Gusto kong makita si Nanay at Tatay. If I can do that. Siguro ay palagi nalang akong matutulog pag ganon.
I don't understand with mylife. Ganon na ba talaga ka unfair ang mundo? Am I become difficult to love? Everyone leaves me aching. I don't know whether this is gud for me or not? I don't feel happy with it or anymore. May nang-iiwan pero may dahilan, may nanatili ngunit may rason. Hindi ko maintindihan!
Sometimes I wanna back at the time when I was still alone. Do anything which I like to do. I need to be happy inspite of everything. I dont understand some issue in mylife. I have to be completely happy. I love myself and thats the best achievement I've got. Ayaw ko ng magtiwala muli. I don't trust boys anymore.
Everything will be okay. But I just feel something I don't understand. Why do I feel somewhat empty? Parang may kulang na hindi ko malamang kong anong dahilan.
Kong ano man iyon ay kaylangan kong punan.
******
Kinabukasan ay tinawagan ko ang apat para anyayahang pumunta sa condo ko. Minabuti kong maglinis at magluto ng iilang pagkain na gusto nila. Tama lang siguro ang disesyon kong papuntahin sila dito dahil kaylangan kong ngumiti at tumawa. Sila lang naman ang rason ng bawat ngiti ko pag nakikita sila.
Matapos sa paghahanda ay napagpasyahan kong magpahangin sa lobby. Kaylangan ko ng masarap na simoy na hangin. Kaylangan kong sumimsim ng mariing hininga. Nakakagaan sa pakiramdam pag lagi kang nakapikit sa ganitong bagay.
Naalimpungatan ako ng tumunog ang aking cellphone. Dinukot ko iyon sa bulsa at tumambad sakin ang dalawang message sa screen. Hindi ko alam pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
From: Rocky
I'm sorry. Please forgive me, Mary. Hindi ko kayang magalit ka sakin.
Napahigpit ang hawak ko sa phone. Ewan ko Rocky. Sa puntong ito ay bigyan muna ako ng oras para mag-isip. Wala ka namang kasalanan pero naging unfair ka sakin.
Binuksan ko ang huling message. Kumunot ang noo ko sa nabasa.
From: 09758894590
Mary. I'm sorry. Sana naman ay paniwalaan mo ako. Please! Please. Gusto kitang makita. Gusto kitang makausap. I want you, Mary. I need you. I know it's hard to believe but I swear. I am not going to give up on you. I promise. I don't giving up on you to anyone else or even Rocky.
~Matteo.
Napahawak ako ng mahigpit sa phone bago ito ibinalik sa bulsa ko. I don't need your expalaination Matteo. You've hurt me, and once is enough and I don't make it twice. Dahil di ko na iyon kakayanin.
Napasinghap ako. Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib.
Ilang sandali lang ay tumunog ang doorbell. Dali-dali akong tumulak sa pintoan at binuksan iyon. Tumambad sakin ang mga ngiti ng mga kaibigan ko at tila abot langit sa saya.
"Maey," si Ivony saka ako niyakap nito. Sumunod namang yumakap si Jessica at Grace. Kumunot ang noo ko.
"Si Erika?" tanong ko na ikinanguso nilang tatlo.
"Kaarawan kasi ni Diego ngayon kaya may date ang dalawa. Nagpapasabi nga sayo na babawi nalang sya sa susunod," ngumisi ako sa sagot ni Ivony. Naiintindihan ko. Masaya ako para kay Erika. Matagal na silang may relasyon sa lalaking pinakamamahal niya. Sana ay hahantong na sila sa kasalan.
"Okay lang. Hali kayo..pasok!" may ngiti silang pumasok. Pinanunuod ko silang gumala sa condo ko.
"Grabe ang ang ganda ng condo mo. Ang sarap sigurong tumira dito," si Grace na agad pinalo ni Ivony. Natawa ako dahil hanggang ngayon ay para parin silang bata.
"Sigurado akong mamahalin itong mga kagamitan mo, Maey. Ang yaman-yaman muna talaga. Akalain mo 'yon oh!" si Jessica na sinusuri ang mga iilang kagamitan sa drawer.
"Feel at home guys. Maiwan ko muna kayo dito,"
Hinayaan ko silang tatlo sa sala. Tumungo ako sa kusina at inihanda ang maari naming kainin. Hindi ako magaling pagdating sa kusina. Marunong ako pero kaunti lang.
"So ikaw lang ang mag-isa dito?" biglaang sulpot ni Jessica sa likod ko. "Tulongan na kita dyan," hinayaan ko syang tulongan niya ako. Sumunod sya sakin palabas ng kusina bitbit ang mga pagkain.
May mini table ako sa sala's at mas gusto ko ritong kumain araw-araw dahil nakakasabay ako sa panunuod ng Tv.
"Minsan bumibisita si Rocky dito," agaran kong sagot na ikinalapit ni Grace.
"Talaga? Oh my gosh. Anong ginagawa nyo dito?" natawa ako sa tanong niya. I know what she's thinking for. Sorry but she's wrong.
"Hoy Grace. Personalan na yang tanong mo huh...Ikaw talaga. Masyado kang pakialamera!" si jessica na tawang-tawa. Hindi ako nagkamali mukhang mananakit yata ang panga ko sa kakatawa ngayon. "Oo nga Maey? Ano pala ang ginagawa nyo dito?" dugtong ni Jessica na ikinagulat ko. Napailing ako sa tawa. This time ay nananakit na ang tyan ko sa pagpigil ng tawa.
"Talking, watching movie. Anything." sagot ko na wala sa sarili. Sa totoo lang ay namimiss ko si Rocky. Saan na kaya sya ngayon? Bumalik kaya sya sa Tagaytay pagkatapos ng nangyari?
Hindi manlang sya nag text sakin.
"Anything?" sambit ni Ivony. Sabay kaming napalingon sa kanya. "So It means? Kasama na 'yong ano. Yong ano! Basta yon na yon," humalakhak ang dalawa sa sinabi ni Ivony. Ramdam na ramdam ko ang pangi-nginit ng magkabila kong pisnge.
"Eh ano pa ba? Initiative na 'yon noh." halakhak ni Grace na mukhang may masilang iniisip. Mukhang naging pulotan na yata ako ngayon ah.
"Kayo talaga. Kumain na nga lang tayo," saad ko bago umupo.
Sumunod sila sakin at di umano'y titig na titig sila sakin.
"Ang sarap naman ng buhay mo Maey. Araw-araw kang kumakain ng ganito kasarap na pagkain," wika ni Grace. Halos mapuno ang kanyang bibig sa kinakain. Pinagluto ko sila ng simple pagkain na may dalang pagmamahal.
"H-hindi naman. Minsan ay nagluluto din ako ng gulay. Nakakasawa rin kasi minsan ang ganitong pagkain." agaran kong sagot. Nagkatanginan ang tatlo at di umano'y hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Nagsasawa ka sa ganitong pagkain? Ang sarap kaya nito tapos pagsasawaan mulang?" ngumisi ako sa sagot ni Jessica.
Napainom ako ng tubig bago sya sinagot.
"May mga bagay talagang pagsasawaan nalang bigla. Lalo na't pa ulit-ulit ka nalang nakakatikim nito. Hindi mo maiiwasan iyon. Maybe iba-iba ang panlasa ng mga tao. May madaling magsawa, meron din namang hindi." salaysay ko. Ramdam na ramdam ko ang paninitig nilang tatlo.
Isa-isa ko silang tinignan na may ngiti.
"Hugot ba 'yan, Maey?" natatawang tanong ni Grace. Umiling ako. Hindi ko iyon naiisip. Naging hugot ba iyong sinabi ko? Bakit di ko alam?
"Parang love diba?" sambit ni Ivony na ikinalingon namin.
"Love?" sabay ni Grace at Jessica. Gumuhit ang question mark sa kanilang mukha at tila nagtataka.
"Oo parang love. Minsan nakakasawa. Pero pag tumagal? Ay bigla mo nalang hahanapin." nagtawanan kami sa wika ni Ivony. Bakit napasok ang love na iyan sa pagkain?
"Ang sakit besh," maarteng saad ni Grace habang hawak-hawak ang kanyang dibdib. Napailing ako sa ngisi.
Nagpatuloy ako sa hapag.
"Parang si crush. Masarap, subalit hanggang tingin lang ako." biglaang dugtong ni Jessica. Kumirap ang mata ko. Hindi ko lubos maisip na maikokonekta niya iyon sa pagkain.
"Oo nga noh? Ang galing mo dun, Jessica ah." nakipag high five si Grace sa kanya.
"So ikaw Ivony? May naiisip ka ba?" ngisi ni Grace. Ngumunguya ng pagkain si Ivony habang may iniisip. Ano nanaman kaya ang naiisip nito. "H-Hoy Ivony. Okay ka lang?" dugtong ni Grace. Napainom ng tubig si Ivony bago ito ngumiti samin.
"Sorry. May iniisip lang ako!" aniya.
"Iniisip? Sino? Yong lalaking naka one night stand mo?" biglaang nabilaokan si Ivony. Dali-dali ko syang binigyan ng tubig. Mabilisan niya itong ininom habang tawang-tawa ang dalawa.
"H-Hindi no. Si Alyana ang naiisip ko," natigilan ako sa hapag. Si Alyana? Yong isa sa mga waitress sa Sweet bar?
"Bakit mo iniisip ang babaeng iyon?" si Jessica.
"Para kasi syang pagkain. Panis," nagulat ako sa sinabi ni Ivony. Nagtawanan ulit ang dalawa at tila nasisiyahan.
"Kayo talaga. Dinadamay nyo yong taong nanahimik," putol ko sa tawanan nila.
"Totoo naman Maey eh. Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin sayo. Buntis si Alyana, at si Josson ang ama. Amazing diba?" napabitaw ako sa kobyertos. Nagulat ako sa narinig. Si Alyana buntis?
"P-Pano?" ako.
"Anong pano? Edi they haven't sex," padabog niyang sagot. Inabot ko ang kamay ni Ivony.
"Sorry Ivony huh..Okay ka na ba ngayon?" napasinghap sya sa tanong ko. Dahan-dahan syang tumango.
"Okay na ako, Maey. Masakit isipin, mahirap tanggapin. Pero wala eh. Magkakaanak na sila. Magkakapamilya na sila. May alas pa ba ako para bawiin si Josson? Wala na Maey. Dahil hindi ko na sya kayang tanggapin at lalo sa lahat!? Hindi ko kayang lumabas ang baby ni Alyana na walang ama. Mahirap mawalan ng ama. Dahil napagdaan ko din iyon." may namumuong luha sa mata ni Ivony. Sa tatlong taon kong nawala ay marami palang nag bago. Oo minsan na syang sinaktan ni Josson pero palagi niya itong pinapatawad dahil sa mahal na mahal niya ito.
Inabot ko ang kamay ni Ivony. Hinawakan ko iyon ng mahigpit.
"Proud na proud ako sayo, Ivony. Kahit alam mong masasaktan ka ay nagawa mo paring mag paraya. Ang bait-bait mo," may tumulong luha sa mata niya kaya agad ko iyong pinunasan. Alam na alam ko ang pakiramdam ng pinapalitan at nirereject kaya naiintindihan ko si Ivony.
"Naman kasi eh. Ang sakit parin hanggang ngayon. Ang kirot dito oh!" tinuro-turo niya ang kanyang dibdib gamit ang tinidor. Nasasaktan ako sa mga luhang umaagos sa mata ni Ivony. Nakikita ko ang aking sarili sa kanya noon.
Pero pano ko nga ba nakaya iyon mag-isa? Ewan ko. Basta't binusy ko lang ang sarili ko sa mga panahong iyon.
"Ganyan talaga ang love," napasulyap ako kay Grace. "Parang pagkain. May expiration date," tinapunan sya ng masama ni Ivony.
"Tsaka Ivony. Hindi deserve ni Josson ang mga luha mo. Huwag ka ngang umiyak dyan. Ito ang tatandaan mo, marami pang naka brief sa mundo kaya huwag mawalan ng pag-asa. Tiwala lang besh. Dahil yang pagmamahal mo ay parang pag-kain. Hindi dapat sinasayang," mas lalong naiyak si Ivony sa sinabi ni Jessica. Panay himas ko sa kanyang likod dahil humihikbi na ito. Hindi ako makapaniwalang magkakatuluyan si Josson at Alyana. Sana lang ay magbago na si Josson dahil magkakapamilya na sya.
Ang hirap talagang masaktan.
"Ano ba yan. Ayaw ko ng umiyak eh. Mabuti pa't kumain nalang," hagul-gol ni Ivony. Halos mapuno ang ng pagakain ang kanyang bibig. Tila frustrated. Halos inubos niya ang pagkain sa gita ng mesa.
Nanatili parin syang umiiyak.
"Ito ang tatandaan mo Ivony. Ang pagmamahal ay parang pagkain. Share your blessing. Natatandaan mo ba 'yong sinabi ni Jollibee sa mga bata?" umiling si Ivony sa sinabi ni Grace. "Sabi niya. Ibigay ang pinaglumaan sa mga taong nangangailangan. Kaya besh. Ang bait-bait mo dahil ibinigay mo si Josson kay Alyana. How to be you po?" sa pagkakataong ito ay umalingaw-ngaw ang boses namin sa kakatawa. Natigilan sa pag iyak si Ivony at napalitan ito ng ngiti.
Tawang-tawa parin kami kahit nanakit na ang tyan ko. Natigilan lang kami sa pagtawa ng tumunog ang doorbell mula doorpost. I don't expect someone else except sa apat. Wala akong naalalang may bibista sakin sa ganito ka aga?
Nagkatinginan kami.
"Ako na ang magbubukas," suhestyon ni Grace at hinayaan ko lang ito.
Nagpatuloy kami sa hapag.
Panay lingon ko kay Grace ng buksan na niya ang pinto.
"Oh my God. Hi Sir," mabilisan akong tumayo sa narinig. Sir? Agaran kong sinulyapan ang matangkad na lalaki mula sa labas ng pintoan. Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib. Maging si Ivony at Jessica ay kinikilig sa gilid ko at panay tili. "Pumasok kayo Sir. Feel at home po," si Grace at mukhang kilig na kilig din.
Bumagsak ang mata ko sa bitbit niyang bulak-lak. Kumunot ang noo ko.
"Mary," saad niya ng makalapit sakin. Nag-iwas ako ng tingin. Ayaw kong tignan sya dahil lumalambot lang ang puso ko.
"Anong ginagawa mo dito, Rocky." sagot kong ma awtoridad. Maging ang mga kaibigan ko ay nagulat saking inasta. Wala silang alam tungkol dito at wala rin akong balak sabihin sa kanila.
"Kitchen muna kami," dali-daling umalis ang tatlo na nagtatawanan nay may halong kilig. Iniwan nila kami dito sa sala.
"I'm sorry. I am here to apologize. Sorry at naabala yata kita." dahan-dahan akong humarap sa kanya. Bagsak ang magkabila niyang balikat ngunit may ngiti sa labi. Isang ngiting pinipigilan. Naging maamo ang kanyang mata at tila nagmamakaawa akong tinititigan.

Mariin akong napapikit. Bumagsak ang mata ko sa bitbit niyang boquet. Aakmang tatanggapin ko iyon sabay ng pagtunog ng door bell.
"Ako na ang magbubukas," biglaang bulyaw ni Grace sa likod namin. Gusto kong matawa pero umaapaw sakin ang galit kay Rocky. Sumulyap ako sa pintoan kong nasan si Grace. "Oh my gulay. Hi Sir. OMG! Para sakin yang bulaklak?" sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa narinig.
Bumungad sakin si Matteo na may dalang bulaklak at isang stuff toys. Sumulyap ako kay Rocky ngunit walang ekspresyon ang kanyang mukha.
Anong meron? Bakit nandito silang dalawa?
Continue...