webnovel

MALTA FORMOSA SERIES 1: To Fall (Tagalog Novel)

She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, until the day Ran Emannuel Maldecir decide to break up with Simon Louise Tabone. For what reason did they break up? It's you to find out.

mefitaku21_ · perkotaan
Peringkat tidak cukup
42 Chs

Chapter 37

Ang tahimik nang byahe namin habang pabalik sa Café. Hindi ako kumikibo, ni hindi ko siya sinusulyapan. Panay lang ang baling ko sa labas at inaaliw ang mga mata sa mga kotseng nauuna o kaya naman nahuhuli.

Ang bigat nang pakiramdam ko para kausapin siya. Baka kasi bigla nalang akong iiyak. Hindi alam ni Simon pero kinakastigo ko ang sarili nang palihim.

Naiinis ako sa sarili ko dahil naging over acting ako kanina.

I am emotionally stressed for nothing. And I don't know what the reason behind these tantrums I am feeling right now. Not use to be like this before, ngayon lang talaga.

Alam kong napapalingon siya sa gawi ko sa tuwing bumubuntong hininga ako nang malalim. Hugot iyon na sobra talaga ang stress kong nararamdaman.

"Babe-"

"Don't talk... Hindi ko gustong marinig ang boses mo."

Ngayon na naman naiinis ako sa boses niya. Anu ba to! Baka bukas ayoko na siya makita ganun? This is really bad!

Nauna akong lumabas nang kotse niya at dali-daling tumawid upang makapunta sa Café.

"Ang bilis niyo naman-" nilampasan ko lamang si Shakesmette. "Anyari du'n?" hindi ko alam kung sino ang tinanong niya, pumasok ako sa office at nahiga sa maliit na kama.

I chose not to speak or makausapin sila.

I close my eyes and then ginamit ko ang isang kamay upang takpan ang mga mata. Maraming tumatakbo sa isipan ko ngayon na kay gulo.

Iniisip siguro ni Simon sa oras na 'to ang aksyon na ginawa ko kanina. Alam kong mali pero ginawa ko parin. Hindi ko kasi mapigilan ang biglang pagbago nang emotion ko.

Kailangan ko lang sigurong ipagpahinga ang sarili ko. Kailangan lang nang katawan at isip ko ang pahinga. Right!

As I woke up an hour after nasa loob na ako nang kwarto. Laking pagtataka iyon sakin dahil medyo madilim sa loob nang kwarto at ang lampshade na maliit lang ang mistulang nagbibigay ilaw, kakarampot ngalang. Madilim na sa labas nang tignan ko ang bintana habang nakaupo sa kama.

Ang pinagtakhan ko ay hindi ito ang kwarto ko kaya ibig sabihin lang nito, wala ako sa kwarto ko. Obvious naman! Duh!

Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Simon na mataman akong tinitigan. Bigla nalang akong napairap dahil nakita ko na naman ang pagmumukha niya!

"Kamusta ang tulog mo babe? You sleep like a baby a while ago." he said nung nakalapit siya at akma akong hahalikan sa noo, pero umiwas lang ako.

"Ang baho mo..." inignura ko ang tanong niya saakin. May kakaiba talaga sa kanya ngayon, ang baho niya.

"What?" salubong ang kilay at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nakuha pa nitong amuyin ang sarili at tumingin saakin na nagtataka. "Kakatapos ko lang maghalf-bath Ran....At....hindi ako mabaho alam mo yan, gustong gusto mo pa nga akong amuyin e." nakakaloko niya akong nginisihan na ikinagalit ko at pinaghahampas siya.

"Ang baho mo! Ang baho-baho mo! Umalis ka nga!" hindi ako nakikipagbiruan sa kanya ngayon dahil hindi maganda ang pang-amoy ko ngayon.

"Sh*t! Stop it babe! You hurt me!" panay ang ilag niya habang patuloy ko siyang hinahampas o kaya naman sinasabunutan.

"I hate you!" umuusbong ang bigat na nararamdaman ko at feeling ko anu mang oras iiyak ako. "Ayaw kitang makita! Umalis ka! I hate you! Ang baho mo Simon! I hate you! Galit ako sayo!" at doon na bumuhos ang luha sa mata ko.

"Ran!" aniya na hindi narin natutuwa sa ginagawa ko sa kanya kaya mas naiyak pa ako, wala talagang kwenta ang ginagawa ko pero ako pa ang may gana na umiyak, e siya iyong nasasaktan ko.

"Ano bang nangyayari sayo? What's wrong with you hmm?" niyakap niya ako nang mahigpit at pinapagaan ang nararamdaman ko. "Nasaktan ba kita? Sorry na okay? Sabihin mo saakin kung may hindi ako magandang nasabi o kaya naman ginawa na ikinaayaw mo babe, para alam ko dahil ayokong nagagalit ka saakin..." malalim at buo ang boses niya habang binubulong iyon saakin. Patuloy din akong inaalo dahil sa iyak.

"Hindi ko mapigilang makaramdam nang galit sayo Simon..." walang pag-aalangan kong sabi sa kanya na ikinatingin niya saakin. Malamlam at para siyang nasaktan.

"Bakit ka galit saakin?" malambing at pilit akong inintindi. "Sabihin mo kung bakit ka nagagalit saakin?"

"Hindi ko alam kung bakit ako galit sayo Simon. Bigla nalang akong nakaramdam nang ganito ngayon." totoo ang sinabi ko at hindi iyon kasinungalingan lang, talagang hindi maganda ang pakiramdam ko. Hindi ko alam ang rason sa galit ko sa kanya.

"Hindi mo alam kung bakit? That's new babe- Aray!" natatawa siya habang hinahaplos ang tagiliran na kinurot ko dahil nakuha pang magbiro saakin.

"Nakakainis ka! Hindi ako nakikipag biruan sayo!"

"Ngayon naman naiinis ka? What's wrong with you Ran? Kanina pa kita napapansin sa pagiging moody mo. Mahiga ka nga at magpahinga..." siya mismo ang nag-alalay saakin na ihiga.

Hindi naman ako tumutol pero ang tinging ibinibigay ko sa kanya ay nakakamatay.

"Kanina pa ako nakahiga at nakapag pahinga tapos papahigain mo ulit ako! Kainis ka talaga!" kung nakikita ko lang siguro ang mukha ko ngayon para siguro akong kinakawawa.

"Oh e ano bang gusto nang babe ko?" sabi niya sa malambing na paraan pero hindi ako kinikilig, naiinis ako.

"Di bagay sayo ang pangit mo! Tumigil ka nga!" nagkunwari siyang parang nasaktan sa sinabi ko.

"Kotang kota na ako ngayong araw ah! Sinabihan mo ako kanina na mabaho! Tapos nagagalit ka saakin at ngayon naman naiinis kana! Tapos sinabihan mo na naman akong pangit! Babe naman! Hustisya naman sa kagwapuhan ko babe!"

Magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin sa kanya, hindi ko nagustuhan ang sinabi niyang gwapo siya! Para saakin sa oras na 'to pangit siya! Pangit!

Pero hindi rin tumagala. bumuhos ang tawanan sa loob nang kwarto dahil sa sinabi niya. Halos mamilipit ako sa sakit nang tyan kakatawa. It's a lame joke but then for me parang iyon na ang nakakatawang sinabi niya. What's wrong with me?

---------

"Naku naman Manuela! Anu ba ang nangyayari sayo? Bakit panay ang pagsusuka mo? Jusko teka at mag-iinit ako nang tubig!"

The next day was very odd because I kept on vomiting as if there's no tomorrow. The worst part is that I just ate the dish cooked by Nay Lusing. Ang sabi niya saakin hindi naman daw panis yung niluto niyang ulam kasi nga kakaluto lang. But then for me parang hindi na maganda ang amoy!

"Nay Lusing!" masama talaga ang tama nito sakin. Para bang hinahalukay ang tyan ko, hindi ko alam ang gagawin, kaya panay si Nay Lusing ang tinatawag ko.

Wala si Simon, hinatid lang niya ako dito kagabi kasi nga nagpumilit akong umuwi, ayokong pinag-aalala ang matanda dahil gabi na.

"Ano Mauela! May masakit ba sayo maliban sa nagsusuka ka?Jusko naman!" hindi mapapantayan ang pag-aalala sa mukha ni Nay Lusing habang nakatingin saakin at dinadaluhan ako.

"Nag-aalala na talaga ako sayo anak! Naalala ko pa noong nakaraan ganyan ka rin! Ang sabi mo pa nun panis ang kape e hindi naman panis yun! Hindi kaya may deperensya iyang tyan mo?"

Umiling-iling ako. Napahilamos ako nang tubig dito sa loob nang banyo sa kwarto pagkatapos, pakiramdam ko kasi init na init din ako matapos magsusuka.

"Wala pong problema ang tyan ko Nay Lusing. Hindi lang po talaga maganda ang pakiramdam ko." Lumabas ako nang banyo at pumunta sa kama habang pinupunasan nang tuyong towel ang mukha ko. "Matanong po kita Nay Lusing." Sabi ko nu'ng nakaupo na ako sa kama.

"Ano yung tanong mo anak?"

"Naranasan mo na din po ba ito? Iyong magsusuka tapos hindi magustuhan ang pagkain kasi akala mo panis pero hindi naman? Tapos nagiging moody-"

"Anong yung moody anak?"

"Pabago-bago po nang ugali. Minsan masaya, minsan nagagalit, o kaya naiinis sa mga bagay na dating gusto mo naman tapos ngayon naging ayaw mo. Mga ganun po!" sabi ko sa kanya, she didn't talk after that. Mukhang malalim ang iniisip niya kaya naghintay ako sa isasagot niya.

"Dalawang beses kong napagdaan yang sinasabi mong pagsusuka, pabago-bago nang ugali at masama ang pakiramdam nang pinagbubuntis ko noon ang panganay kong anak at ang tatay ni Begail." Sabi niya saakin na nakakunot ang noo at mataman akong tinitigan. "Hindi kaya buntis ka Manuela!"

"Nay Lusing..."napatakip ako nang bibig sa pagkabigla. Agad akong kinabahan sa sinabi niya.

"Jusko! Buntis ka nga kung ganun Manuela?" maging siya ay hindi rin makapaniwala.

"Pero-"

"Naku! Teka at tatawagan ko ang Papa at Mama mo!"

"Sandali lang po Nay Lusing!" napatayo ako at pinigilan siya. Taka niya akong binalingan. "Nay Lusing hindi pa po tayo sigurado kung totoo ngang buntis ako." Na-uutal na sabi ko.

"Hindi pa ba sapat iyong pagsusuka at pagiging moody mo kanina at noong nakaraan pa?" mahigpit niyang hinawakana ng dalawa kong kamay. "Maging kay Simon hindi mo rin ipapaalam yan?Naku Manuela ha!"nagmamakaawa akong tumingin kay Nay Lusing. Ayoko muna ito ipaalam kahit kanino e! Siguro naman nakikita niyang ayoko pang ipaalam sa magulang ko ito dahil hindi pa ako sigurado.

Napabuntong hininga si Nay Lusing. "Okay, sige.... Hindi ko muna sasabihin sa magulang mo, ganun rin kay Simon. Pero! Kailangan mong magpacheck-up para makasigurado tayo dyan!"

"Iyon naman po talaga ang balak kong gawin Nay Lusing. Ayoko munang magconclude na buntis nga ako sa oras na 'to, gusto ko pong doctor mismo ang magsasabi kung totoo nga." hindi naman sa wala akong tiwala kay Nay Lusing, gusto ko lang talaga makasigurado.

Tipid lamang na ngumiti si Nay Lusing mukha naiintindihan din ang gusto kong gawin.

"Hayaan mo't sasamahan kita.Ngayon naba tayo aalis? Kung ngayon na ay magpapalit lang ako nang damit, teka ha?" iniwan ako nang matanda at lumabas na nang kwarto.

Napasandal ako sa pintuan at napapikit nang mata. I was in tears because of what I just found out. Tears of Joy! Pero hindi pa ako pwedeng magalak sa nalaman ko. I want to make sure first if I am pregnant or not. Ayokong din umasa, baka kasi kapag-umasa ako sa huli malalaman kong hindi naman pala, masasaktan lang ako.

"Bukas na ba ito?" parang atat si Nay Lusing nang makababa kami nang kotse. Dala ko at ako na mismo ang nagdrive nito, kasama din namin si Begail kaya walang tao sa bahay ngayon.

Sa mismong bayan kami pumunta dahil doon lang naman may hospital at Ob-gyn Clinic for pregnant woman. Isang beses lang ako nakapasok sa clinic noong pinagbubuntis ni Moma ang bunso kong kapatid. Ngayon naman ito ang pangalawa ko nang punta at ako ngayon ang magpapacheck-up kung buntis nga ako.

Hindi rin maalis sa isipan ko na baka nga totoong buntis ako. Oo, alam kong umaasa talaga ako dahil iyon din naman ang gusto ko.

Magiging masaya ako kung totoo ngang buntis ako. Naisip ko narin 'to matagal na, na gusto ko na talagang mabuntis. Hindi na ako pabata, nadadagdagan na yung edad ko kaya siguro naman ito na 'yung oras para magkaroon na ako nang sariling pamilya, sariling anak.

I will be glad, really glad if this check-up will be proven right that I am truly pregnant. Ps.

"Pumasok nalang po kayo sa loob Nay." Sabi noong bodyguard kay Nay Lusing. Nakukulitan na siguro dahil panay ang tanong nito sa kanya. "Magtanong nalang po kayo sa loob may mag-aassist naman po sa inyo."

"Ah Salamat! Halika na Mauela! Magtanong daw tayo sa loob sabi nung gwardya!" inulit pa nito, akala niya siguro hindi ko narinig.

Nang makapasok kami sa loob napahinto ako dahil bumugad saakin ang hindi naman kahabaang pila nang mga buntis na babae tapos may hawak na papel. Parang hinihipo ang puso ko habang tinititigan ang mga buntis na nakaupo habang hinihintay na tawagin sila.

Tinignan ko ang tiyan kong flat at wala pang umbok katulad nang mabuntis na nakaupo. And at the same time iniimagine ko ang sarili ko na malaki ang tiyan!

Para akong pinagpawisan at hirap lumunok. "Tibayan mo ang loob mo Ran... Ito na yun! Gustong gusto mo na mabuntis hindi ba?" pakikipag-usap ko sa sarili.

Kinakabahan ako sa oras na ito, unang-una wala akong alam kung ano ba ang gagawin, ano ba ang uunahin? Saan ako kukuha nung papel na hawak-hawak nang ibang nakapila. At kinakabahan ako dahil sa mga taong panay ang baling nang tingin saakin. Nagtataka.

"Ano bang tinatayo-tayo mo diyan Mauela! Huwag mo silang tignan! Tara na at magtanong tayo sa isang nurse."

Sumunod ako kay Nay Lusing, kung saan siya nagtatanong at kung saan pupunta, doon din ako kasama si Begail.

Noong maassist kami binigyan ako nang number sa papel at pumila na. Ang sabi pa kay Nay Lusing sa loob na daw ako iinterviewhin nang Doctor.

Pinaupo ako nang matanda pangatlo sa dulo, mga siyam na buntis ang nakaupo bago ako. Panay nga ang baling nang naunang buntis saakin at nginitian ako. Hindi ko namang maiwasang ngimiti rin.

"Nauuhaw kaba Manuela? Bibili ako nang tubig sa labas." sabi ni Nay Lusing. Tumango ako at naintindihan niya. "Oh siya! Iiwan ko si Begail dito para may kasama ka-"

"Hindi na po Nay, isama nyo nalang po si Begail para may magdala nang bibilhin mo. Kaya ko naman po dito..." paninigurado ko sa kanya.

"Oh siya! Mabuti pa nga, huwag kang mag-alala mabilis lang naman kami."

"Sige po Nay Lusing."

At ayun nga naiwan ako doon kasama nang mga nakaupong buntis na naghihintay tawagin para sa check-up.

"Hi. First check-up mo ba?" napalingon ako dahil doon.

"Ah, Oo e. Kabado nga ako. Ikaw?" napansin kong malaki na ang tiyan niya. Hinaplos pa niya ito, siguro napansing nakatuon doon ang mga mata ko.

"Pangatlong Check-up ko na 'to..." masaya niyang saad na ikinangiti ko. Nahawa ako sa masaya at maaliwalas niyang mukha. "Ano nga pala ang pangalan mo? Ako nga pala si Shelania! Nice to meet you..." nilahad niya ang kamay para makipag shakeshand, syempre nakipag shakeshand naman ako.

"Ran Emannuel ang name ko. Nice to meet you din. Nakakatuwa naman yung tiyan mo, sobrang mabilog." hindi ko maiwasang pansinin ang tiyan niya. Pinipigilan ko rin ang kamay ko na hawakan ang maumbok niyang tiyan.

"Gusto mo bang hawakan? Alam mo ba malusog ang baby sa tiyan ko, mahilig kasing manipa. At sabi pa nang doctor sa pangalawang punta ko dito noon, malakas daw ang kapit ng baby..." napapahagikgik siya. Tinitigan ko ang mukha niya sobrang saya.

"Talaga? Anong feeling na may laman yung tiyan mo? Hindi ba nakakatakot?" namamangha ako habang pinagmamasdan ang mabilog niyang tiyan, inilapat ko rin ang kamay ko sa tiyan niya na ikinagulat ko dahil may bigla nalang sumipa. "Gumalaw siya!"

"Oo nga e! Masakit kapag sumisipa pero nakakatuwa siya!Nakakaramdam narin ako nang bigat kasi malaki na at sa una lang naman nakakatakot, hindi na ngayon. Nakakatuwa na nga!"

"Ganun ba? Ako kasi....kaya ako nandito gusto kong makasigurado kung buntis nga ako o hindi."

"Hindi kaba gumamit nang home TP? Para alam mo agad kung buntis ka o hindi. Nagsayang kapa nang pera para magpacheck-up. Pero kung tutuosin mas maganda ngang kumunsulta na agad sa doctor para siguradong sigurado ka." aniya na ikinatango ko. Tama siya, iyon talaga ang gusto kong mangyari kaya nga andito ako ngayon.

"Tama ka..." nakangiti parin siya habang sinasabi ko iyon at panay ang pagmamasid ko sa maumbok niyang tiyan. Hindi ko alam pero para akong naaaliw kapag nakikita iyon, naiimagine ko na ang sarili kong malaki ang tyan.

"Ano palang gender nang bata ang gusto mo?" aniya na ikinabaling ko sa kanya. "Sakin kasi babae at salamat sa Diyos dininig niya ang panalangin namin. Gustong gusto kasi nang ama ng pinagbubuntis ko na babae ang magiging anak niya. Anak namin."

Hindi ko narin naman kailangan pang mag-isip kung ano bang gender ang gusto ko o ni Simon. Ang importante magkakaanak kami.

"Depende sa resulta kapag lumaki na ang bata. Okay lang naman saakin kung babae o lalaki ang bata. Tsaka sa ngayon gusto ko munang manigurado kung buntis nga ako."

"Hay naku! Panigurado buntis ka na niyan! Regular ka naman siguro tuwing period mo diba?"

"Ah! Oo, regular naman ako. Pinagtatakhan ko nga na hindi ako dinatnan. Lumagpas na sa petsa na dapat kabuwanan ko."

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay, ngumiti siya at wari pinapakita saaking tama siya na buntis ako. "Buntis ka nga. Masaya ako para sayo! Alam ba nang asawa mo 'to?" hindi ko pinahalatang nagulat ako, I remain myself relax while looking at her.

Tinanggal ko ang kamay ko na hawak niya at umupo nang maayos. "Hindi pa kami mag-asawa. Ang totoo.....nililigawan niya ako....ulit. And it happens....umm... I didn't know na ito yung bubungad sakin." sinabi ko ang totoo at least hindi ako nagsinungaling, ano pa kasing use kung magsisinungaling, siguro naman maiintindihan niya iyon dahil babae rin siya.

"Nililigawan ka ulit? Bakit hindi mo pa sinabi sa kanya? Sa'kin kasi pinaalam ko na agad para walang kawala!" humahagikgik pa siya. "Don't get me wrong ha! We're married na, ayoko lang na maghanap siya nang iba that time dahil hindi pa ako buntis. Pero noong may nangyari saamin for the first time, tsumamba! Nag home PT agad ako, kaya ayun! Nalaman kong buntis ako at sinabi ko kaagad sa kanya. Edi wala nang kawala! haha" maloko din pala 'to. Natawa tuloy ako sa kwento niya.

Hindi rin tumagal bumalik sila Nay Lusing at nagpaalam si Shelania saakin dahil siya na ang tinawag nung nag-aassist na nurse. Hindi kalaunan ako naman ang sumunod. Laking kaba ang nararamadam ko dahil first time ko 'to.

After the check-up, nalaman din ang resulta. Positive! Hindi ko lubos maisip na buntis nga ako, though may kutob na kami una palang. Bumalik din sa alaala ko ang mga nangyari last week at hanggang ngayong week. Mga symptoms pala iyon nang pagbubuntis.

(Babe still there?)

"Ha?"

(You're out of space na naman babe. What is really going on? Tell me. Or maybe puntahan nalang kita sa shop para icheck ka.)

Napahilot ako nang noo.

"Wala ako sa shop ngayon Simon, nasa bahay ako."

(May sakit kaba? I'll go there. Just rest I'll buy you medicine-)

"Wala akong sakit Simon..." buntis lang ako wala akong sakit. Gusto ko sanang sabihin kaso baka kumaripas agad nang punta yun dito. Kalaunan, bigla nalang akong naghahanap nang saging kaya sinabi k okay Simon na bilhan niya ako. Pagkatapos nang call na iyon, nagpalit na ako nang damit.

Nakaupo ako sa kama at matamang tinitignan ang TP na binigay nang doctor saakin kanina. Binigyan niya ako nito kasi mukha pa daw akong nagdududa, so to make sure na buntis nga ako binigyan niya ako nito.

"Baby? May takot akong nararamdaman ngayon alam mo ba iyon?" hindi ko alam kung naririnig ba iyon nang bata pero kinakausap ko na agad. Ang sabi nang doctor two weeks palang akong buntis. "Alam kong hindi mo pa ako naririnig sa ngayon pero kahit may takot akong nararamdaman, masaya ako dahil magkakaanak na ako..." napapunas ako nang luha.

"Hindi ako umiiyak dahil nasasaktan ako baby, masaya lang si mama, sobrang saya..."

Nakatulog pala ako sa kama nang hindi ko namalayan. Siguro isa din ito sa symptoms nang pagbubuntis? Napabangon ako sa kama at laking gulat ko nang makita si Simon na hawak-hawak ang TP sa kamay niya. Naihilamos niya ang mukha gamit ang isa niyang kamay pagkatapos ay tumingin saakin na parang hindi makapaniwala.

Nagsisimula nang mamula nang ilong niya maging at kanyang mata ay nagsisimula nang manubig. Unti-unti ring sumilay ang ngiti sa kanyang labi, napakagat labi ako habang nakatingin sa kanya. Kung sobra ang saya ko, mas nangibabaw ang saya niya sa oras na ito.

"Is it...umm...you...we?"nauutal at halos hindi makapag salita sa saya. "Sht! Sht! Sht!"Ganito ba talaga ang mga lalaki kapag masaya? Nakakataba nang puso. "I'm gonna be a father! Woah!" natutop ko ang bibig nang bigla na lamang siyang tumalon-talon at napapataas pa ang kamay niya sa ere kasama ang home TP.

Naiiyak ako na tumatawa dahil sa ginagawa niyang pagtalon. Pumasok bigla sila Nay Lusing sa kwarto akala siguro nila may masamang nangyari. Ang epic!

"Nay Lusing I'm gonna be a father! Yes!" he's so proud that even Nay Lusing couldn't react that much dahil bigla nalang niyang isinayaw ito.

Tawa ako nang tawa dahil sa masayang mukha ni Simon. He's so proud to be called Father, a father of my child, and soon become my husband. I won't let him go na.