webnovel

Mahal Kita, Severino

Magkaibang pamumuhay Magkaibang pamilyang pinanggalingan. Langit, lupa kung ihahalintulad Pag-iibigang susubukin at pagtitibayin Pag-iibigang iikot sa dalawang panahon. Sa mapait at mapaglarong mundo, ganito ang mararanasan ni Emilia at Severino, dalawang taong magmamahalan ngunit maituturing na sa maling panahon ipinagtagpo. Mapipigilan ba ng panahon ang kanilang pag-iibigan o mas lalo lang nito pagtitibayin ang sinisigaw ng kanilang mga puso? "Naniniwala akong isinusulat ng tadhana ang ating pag-iibigan tulad ng aking paniniwala na tayo'y magkikita at magsasamang muli sa kabilang buhay." -Emilia "Sa panahon na iyon, pareho na nating makakamtan ang inaasam nating walang hanggan na kaligayahan. Ikaw at ako sa panibagong panahon. Ikaw at ako hanggang sa kabilang mundo." -Severino I love you Series 1~ Date started: June 13, 2020

hazel_partosa · Sejarah
Peringkat tidak cukup
41 Chs

Author's Note

Hello mga puso! Tapos na tayo! Maraming salamat sa lahat ng mga nagbasa, kung meron man.

Ang daming pinagdaanan ng kwentong ito. Nawa'y mayroon kayong natutunan.

Samu't saring emosyon ang nilaan ko rito, maging ako ay naiiyak sa tuwing nagsusulat ako ng malulungkot na senaryo.

Ngunit paumanhin, ang 2nd series nito na "Te Amo, Cinco" ay hindi ko na itutuloy kahit nasa chapter 9 na ako. Hindi ko alam pero hindi ko nararamdaman ang kwento. Paramg kulang sa emosyon.

Marahil ay na-overwhelmed lang ako sa idea na hangang-hanga ako kay Inang Mia sa paggawa ng historical fiction kaya sinubukan ko.

Sobrang hirap gumawa ng kwentong hindi mo pa nararanasan, kulang sa pagsasaliksik kaya hindi ko na itinuloy.

Pero...pero...pero...

Bilang kabawian, may ginagawa akong kwento ngayon pero ipupublished ko siya kapag tapos ko na lahat. Gusto ko tuloy-tuloy na update ko.

Paumanhin kung nabigo ko kayo. Sadyang hindi ko lang nararamdaman ang kwento at ang mga characters kaya hininto ko. Wala rin kaseng saysay kung ipagpapatuloy ko pa, magiging panget ang kalalabasan kaya mas minabuti kong hindi na lamang ituloy.

Hindi ko alam kung i-uunpublished ko ang kwentong "Mahal kita, Severino" o gagawin ko na lamang na one stand novel para hindi masayang.

Abangan niyo na lamang ang aking bagong kwento. Nawa'y magkita tayong muli roon mga puso ko.

Paumanhin at maraming salamat!

Kung nababasa mo man ang liham na ito, maraming salamat sa iyong pagbabasa. Ingat ka palagi.

Nagmamahal,

Heyyze (Hartsley