Dumating ang birthday party ni Gino. Medyo nagpahuli ng konti si Markus dahil naisip niya na kung magiging abala ang kaibigan sa pag-eestima sa maraming bisita ay hindi siya nito masyadong pagtutuunan ng pansin.
"Oh, there you are. I've been looking for you."
Nakita niya si Joanne na papalapit sa kanya. Napakaganda talaga nito at napakaelegante sa simpleng damit. Ganito siguro talaga ang mga celebrity naisip niya. Kahit simpleng damit kayang-kayang dalhin lalo at may finesse sa pagkilos. Ngunit hindi nito kayang pakabugin ang dibdib niya kahit pa anong ganda nito. Nagpapasalamat siya sa pakikipagkaibigan nito sa kanya at natutuwa siyang mukhang masaya rin naman ito na kasama siya.
"Alam mo namang ikaw lang ang ka-close ko sa school. Everybody treats me as a celebrity except you," pagpapatuloy nito sa pagsasalita.
"Pasensiya ka na kung ngayon lang ako dumating. Nanggaling pa kasi ako sa trabaho ko," paliwanag niya. Habang nagsasalita siya ay umiikot din ang mga mata niya sa paghahanap sa dalawang importanteng tao sa buhay niya. Hayun at magkasama ang mga ito at kausap ang ibang kaklase ng mga ito.
Niyakag na niya si Joanne papunta sa grupo ng birthday celebrant.
"Happy birthday, 'tol. 'Yung promise mong ako ang last dance mo kokolektahin ko mamaya," pagbati niya sa kaibigan na may kasamang biro na sinakyan naman nito.
"Sige ,'tol, I'll save it for you." Umani ng tawanan ang palitan nila ng biruan ng kaibigan. Pero mukhang hindi naman natutuwa si Karina.
Ngayon na nga lang niya ito nakita ng malapitan pagkatapos galit na naman ata sa kanya. Miss na miss na niya itong makasama at makausap kahit pa palagi lang naman itong nakaangil sa kanya. Wala naman siyang balak magtagal sa grupo ng mga ito. Siyempre kailangan din naman niyang batiin ang celebrant.
"Tol, makiki-mingle lang muna kami ni Joanne sa iba. Enjoy your night. Hi Karina, good evening."
Atas ng kagandahang-asal ay sumagot naman ito ng pagbati. Mukhang nagkakilala na ito at si Joanne dahil nakita pa niyang nagngitian ang dalawa.
"I smell something and it spells romance," nanunuksong pahayag ni Joanne habang naglalakad sila palayo sa grupo nila Gino.
"Ah, oo. Matagal ng gusto ni Kari si Gino. Magkababata sila at balang-araw ay magiging sila din," parang bale-wala lang na sagot ni Markus kay Joanne.
"That's not what I saw."
Kunot-noong napatingin siya kay Joanne. "What do you mean?
"I saw how you lovingly look at Karina. And you call her Kari, huh?," pagpapatuloy nito sa panunukso.
Magsasalita pa sana siya subalit pinigil siya nito. "Don't ever try to deny. You are so transparent. You love her, don't you?"
Hindi na nga siya nag-deny. "Yes," malungkot niyang sagot.
"You look so sad. Bakit hindi mo ipaglaban ang nararamdaman mo?"
"Wala namang dahilan para ilaban ko ito. Wala akong maipagmamalaki. Wala ako sa kalingkingan ng kahit na sino sa mga manliligaw niya. Kahit na alam ko naman na pagtinging-kapatid lang ang kayang ibigay ni Gino sa kanya, hindi ko pa rin gugustuhing ipagpilitan ang damdamin ko sa kanya. Hindi ako karapat-dapat sa kanya. Deserve niya 'yung kapareho niya ng estado sa buhay. Sabi ko nga kay Gino sana sila pa rin sa huli. Magiging masaya ako kung sila ang magkakatuluyan," malungkot niyang pagtatapos sa sinasabi.
She saw pity on Joanne's eyes. Hindi naman niya ito masisisi. Naaawa din naman siya sa sarili niya. Maraming beses na rin namang iniwasan niya si Karina kapag nakikita nitong magkasama sila ni Gino. Gustung-gusto niya itong nakikita palagi. Eh, ito, mukhang kulang na lang paalisin siya sa unibersidad na pinapasukan nila. Sinisikap na lang niya minsan magkubli sa isang sulok masilayan lang ito. Kasi kapag nagtatama ang mga mata nila sa hindi inaasahang pagkakataon, kung hindi siya tataasan ng kilay ay hindi naman siya nire-recognize. Mas gusto pa niya 'yung pagtataas nito ng kilay kaysa dinededma siya.
Siguro kapag naging ito na at si Gino hindi na siya nito pagseselosan. Susubukan niyang kausapin ito na tutulungan niyang maging boyfriend nito ang kaibigan nila. Baka sakaling matuwa na ito sa kanya at matanggap na rin niya sa sarili niya na hindi ito para sa kanya.