webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

-End

Si Aldrix ay anak ni Kenneth kay April, apat na taong gulang.I don't know the whole story kung bakit sila nagkahiwalay at kung bakit nasa kanya si Aldrix at hindi kay April.

~flashback~

"May anak at asawa kana pala bakit gusto mo pang pasukin ulit ang buhay ko. Para ano? Para wasakin ulit ako?"

Nanggalaiti sa galit na sambit ko nang malaman kung anak niya pala ang batang lumapit sa akin at tinawag akong nanay. Kung walang bata na naka kandung sa akin baka kanina ko pa ito pinagmumura. Kutang-kuta na siya sa pananakit sa akin tapos gagawa na naman siya ng panibago? Ul*l niya!

"Hindi. Ano kasi."

"Ano?" singhal ko sa kanya.

Tinakpan ko ang tainga ng bata. "F*ck you!"

Nagtagis ang ngipin niya ng murahin ko siya sa harap ng anak niya. Ul*l niya. Sapakin ko pa siya e.

"Ri."

May pagbabanta sa boses niya. Tinaasan ko siya ng kilay at pinakita kong galit ako sa kanya.

"Huwag ka munang magalit-,"

"At bakit hindi?"

"Teka lang naman. Magpaliwanag ako."

"Hindi na. Huwag ka ng magpaliwanag. Wala kang dapat na ipaliwanag. Hindi naman tayo."

Kita ko kung paano siya nasaktan sa huling sinabi ko. Na konsensya ako. P*st*ng bunganga 'to.

"Hin-di mo na-man kai-langan magpaliwanag Ken," mahinang usal ko.

"Nag -aaway po ba kayo?" inosenteng tanong ni Aldrix. " Ayaw niyo po ba sa akin? Ayaw niyo po ba ako maging anak? Kaya po ba kayo nag-aaway ni papa? "

" No. Hindi baby." tarantang sagot ko dahil mukhang iiyak na siya.

" Aldrix, pumunta ka muna doon kay tito Dale mo, " utos ni Kenneth sa anak niya.

" Akala ko kapag nagka-usap na kayo ni papa maging okay na kayo at maging nanay na kita, " naluluha na wika niya at bakas ang lungkot sa kanyang mukha. " I'm sorry po. "

Niyakap ko siya. Hindi ko alam kung bakit niya iyon na sabi pero ramdam ko sabik siya na magkaroon ng isang ina.

"Alam mo naman na may totoong nanay ka diba?" tumango siya at mahigpit na yumakap sa akin. " So, ibig sabihin hindi mo ako pwede maging nanay."

Sh*t.Paano ko ba ito ipaliwanag na hindi siya iiyak. Tiningnan ko ng makahulugan si Kenneth buti naman at na gets niya.

"Anak,balik ka muna doon kay tito Dale mo ha mag-usap muna kami, " mahinahon na utos niya.

Nagpunas muna siya ng mukha bago umalis sa aking kandungan.

"Don't worry,gusto ka ni mommy Ri."

Lumapad ang kanyang ngiti sa aking sinabi at patalon-talon na bumalik siya kay Dale. How I wish na sana may anak na din ako.

"A-nong nangyari sa inyo ni April?"

"Nangsawa raw siya sa akin kaya humanap siya ng iba," diritsang sagot niya habang tinititigan ang anak.

"Tsss. Siguro ito na yong sinasabi nila na karma," dugtong niya at mapait na ngumiti sakin.

~end of flashback ~

Kung karma nga ang tawag dito sa nangyari sa buhay niya,subra naman ang karma na'to.Oo, sinaktan ako ni Kenneth, dinurog at oo hiniling ko noon na sana maranasan niya rin ang naranasan ko pero nang malaman ko ang sitwasyon niya na awa ako kasi pamilya niya ang nasira may anak siyang nawalan ng nanay. Kung si Kenneth lang ang nasasaktan at nahihirapan siguro sa puntong ito humahalakhak na ako sa tuwa.Tipid akong ngumiti habang hinahaplos ang buhok ni Aldrix na malalim ang tulog sa aking bisig.

"Alam mo sa tuwing titigan kita nasasaktan ako," wika ko sa natutulog na bata. "Kasi kamukhang-kamukha mo ang nanay mo at sa tuwing titigan kita na aalala ko kung paano ako sinaktan ng papa mo. "

How I wish na sana kami nalang ni Kenneth ang nagkaroon ng anak. Na sana totoo nalang iyong sinabi ko noon na buntis ako.Sana kami nalang ang nabigyan ng pagkakataon na magsama sa iisang bubong pero ang lahat ng iyon ay hanggang sana na lang dahil imposible nang mangyari iyan ngayon.

Pinagbigyan ko ang hiling ni Aldrix na tawagin niya akong mommy dahil iyon lang ang maibigay ko kasi hindi pa ako handa na maging parte ulit ng buhay ni Kenneth. Ayos na sa akin ang ganito, walang special feeling at ginagawa ko lang ito dahil naawa ako sa bata.

Kahit pabor na sa akin ang pagkakataon hindi parin ako kampante. Kahit ilang beses pa akong sabihan ni Kenneth ng katagang I love you hindi parin mawala dito sa puso ko ang takot na baka isang araw kapag nasa akin na siya ay bigla na naman siyang mawala. Paano kung bumalik ang mama ni Aldrix? Paano ako? Ipaglaban mo ba ang sariling kasiyahan mo laban sa kasiyahan at pananabik ng anak mo sa ina niya? Ang hirap kalabanin kaya ako nalang ang umayaw kahit pa mahal ko siya.

Isang taon na ang nakalipas mula noong huling beses siyang nakipag-balikan sa akin at hindi na iyon na ulit pero may kasabihan nga 'ACTION SPEAK LOUDER THAN VOICE ' hindi naman ako manhid na hindi ko mahalata na nanliligaw siya ulit sa akin dinadahilan niya lang ang anak niya na gusto akong makita at makasama.

"Ken, itigil mo na itong ginagawa mo hindi na ako natutuwa."

"Ri."

"Hindi naman ako manhid para hindi malaman na may ibang kahulugan itong mga ginagawa mo."

"Ri , pwede mo ba ako bigyan ng isang pagkakataon, please?" he pleaded. " Promise,huli na'to."

" Itigil mo na yang ginagawa mo dahil wala ka rin namang mapapala. "

After i said those word ay tinalikuran ko siya katulad noon kung paano niya ako tinalikuran noong ako ang nagmaka-awa sa kanya.

________

"Tama na yan at matulog na tayo. Ilang ulit mo na iyan basahin Kenneth," sita ko sa kanya at kinuha ang librong binabasa niya.

"Hindi ako magsasawa na basahin ang libro na ito bhe," sumandal siya sa headboard ng kama kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon.

" Ang librong ito ang nagpaalala sa akin kung gaano ako ka g*g*," hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. " And, I'm really sorry for hurting you that much. I'm really sorry bhe. "

" Sampong taon na ang lumipas Ken,kasal na tayo,may mga anak na.Napatawad na kita matagal na kaya tama na,ha? Patawarin mo na ang sarili mo at please lang huwag mo ng basahin itong libro. "

Sumiksik pa ako sa kanya nang yakapin niya ako at pinugpog ng halik ang akong mukha.

Noong panahon na tinalikuran ko siya ang akala ko ay susuko na siya pero hindi, kundi pinatunayan niya sa akin na seryoso siya na kahit ilang beses ko siyang talikuran, pagtabuyan ay hindi siya susuko. Na alala ko pa ang sinabi niya sa akin noon, susuko lang siya kapag may iba na akong mahal at kapag kasal na ako sa iba. Paano ko naman gagawin iyo kung simula noon hanggang ngayon siya parin ang mahal ko.

"Salamat dahil binigyan mo ako ng isa pang pagkakataon para iparamdam sayo kung gaano kita ka mahal."

"Because I'm madly Inlove with you my Mr. playboy. "

Saad ko at siniil ng halik ang kanyang mga labi.

Kaya siguro hindi tumalab sa akin ang kasabihang FIRST LOVE NEVER DIES BUT TRUE LOVE CAN BURY IT.

Because he is my first love and my true love.

How i wish nasa ganitong tagpo tayo nagtapos dalawa. Ngunit hindi. Iniwan mo ako ng walang paalam. At ngayon may sarili na tayong pamilya. Nakikita ko na masaya ka sa kanya. Ako? Hindi ko alam. Hindi ko masabing masaya ako. Hindi ko masabing kontento ako dahil ang puso't isip ko ikaw ang nais at gusto.

Sinara ko ang librong binabasa ko. Libro na ako ang may akda. Libro kung saan nakasulat ang kwento naming dalawa. Kwento ko lang pala dahil sa buong relasyon namin ako lang ang nagmahal. Ako lang ang nagpahalaga.

Isara ko man ang libro ngunit patuloy parin ang nais ko na sana sa tamang panahon pagtagpuin tayo ng tadhana na naaayon sa panahon. Ikaw at ako.

End