webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 9

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko iyon inasahan. Hindi ko tuloy maipaliwanag ang naramdaman ko. Ngunit may kaunting disappointment dahil biro lang pala iyon. Pwede naman iba ang rason niya bakit iyong biro pa ang binanggit niya.Hmmp!

"Ang bilis mo naman maglakad," reklamo niya.

"Nagmamadali ako e. Bakit ba!?"

Humarap siya sa akin at palalikod na lumakad. Pinisil niya ang kanang pisngi ko. "Huwag mo akong tarayan,naging cute ka lalo."

Imbis na mainis ay pinamulahan ako ng mukha.Yumuko ako at nilampasan siya upang itago ang aking namumula na pisngi.Hindi talaga ito pumalya na pakiligin ako kahit sa maliit na dahilan.Hindi ko siya pinansin ng tawagin niya ako. Nagmamadali talaga ako dahil gutom na ako, pero dahil sumama itong gwapong asungot na'to ay matagalan ako marating sa bahay nito.

"Hanggang dito kana lang," wika ko ng makarating kami sa kanto paliko sa aming barangay.

Hindi niya iyon pinansin at nilampasan pa ako. Naiinis na sinundan ko siya.Napatigil siya ng humarang ako sa dinaraanan niya. Kengenang ngiti na 'yan. Parang may mahika na para ako ay manlambot at manghina. Seryoso ko siyang tiningnan, hindi ako ma akit sa ngiti na 'yan. Hmmp!

"Hanggang dito ka lang, please."

Gustohin ko man na ihatid niya ako ay hindi pwede. Pagod siya at malayo pa ang amin. Panigurado pagbalik niya ay madilim na ang daan, mag-isa pa naman siya. Baka pagalitan pa ito ng mama niya.

"Hindi mo naman ako kailangan ihatid may kasama naman ako. At tsaka pagod kana. Umuwi ka na at magpahinga," pangumbinsi ko.

" Baka may sasabay sayo sa unahan kaya ayaw mong pumayag na ihatid kita e. "

" Wala a, " tanggi ko kaagad dahil wala naman talaga." Meron pala, " hindi naka ligtas sa aking paningin ang pagbago ng reaksyon niya. "Sina Analyn," sabi ko agad.

"Okay."

"Wala naman kasi talaga," ulit ko pa.

"Mmmm," tumango siya at blangkong nakatingin sa akin.

Hindi ko mabasa kung anong emosyon ang nakikita ko sa kanyang mata.Hindi naman malabo na hindi niya malaman ang tungkol sa amin ni Jayvee.Baka ito ang nais niyang iparating dahil iisang daan lang kami ni Jayvee.Hindi naman siguro.Assumera ko naman.

"Sige.A-no ummm una na ako," paalam ko ng hindi na siya muling nagsalita pa.Tumango lang siya bilang sagot.Na saktan ang puso ko,pero slight lang.

Mabigat ang loob ko na tumalikod at umalis palayo sa kanya. Nagsisi tuloy ako kung bakit ko iyon ginawa. Pwede pa naman siguro bawiin. Paglingon ko ay siya ring pagtalikod niya at lumakad pabalik. Hindi ko naituloy ang dapat kong sabihin. Gusto kong sabunutan ang aking sarili, gusto naman pala pa ayaw pa at ngayon magsisi. Ang gulo mo self. Naglakad akong muli, ngayon ako nalang mag-isa. Malayo na sila Analyn at iba ko pang kasama ngunit natatanaw ko sila. Binilisan ko ang aking lakad dahil na gutom na ako kanina pa.

Nasa bukana na ako ng aming barangay ng makita ko ang babae na siyang dahilan ng pagkasira nang aming pamilya. Tumatawa ito habang nagkwentuhan sila ng kanyang kasama. Ayoko man na sisihin siya pero hindi ko magawa dahil pareho silang may kasalanan ni papa.Ang hindi ko matanggap, bakit si papa umalis at iniwan kami habang siya ay nandito parin kasama ang kanyang pamilya? Ang unfair lang,kasi pareho naman sila may ginawang kasalanan ni pala pero bakit kami lang ang nagdusa? Bakit sila ng pamilya niya buo parin?At nagawa pa niyang tumawa kahit may pamilya siyang sinira.May asawa at pamilya na siya ganon din si papa,ano ang pumasok sa isip nila at ginawa ang bagay na ikasira ng kanilang mga pamilya?Kung saan matanda na sila.Kung saan may mga anak na.Doon pa nila naisip na sumiping sa iba at hindi inisip kung ano ang kahinatnan ng kababuyan na ginawa nila.

Pagkarating ko sa bahay ay nakita ko si mama kasama sina ante,nag-uusap.Nanikip ang dibdib ko at hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko habang nakatingin sa kanya.Ang masayahin kong ina ngayon ay hindi na.Hindi ko na rin ito nakitang ngumiti at tumawa.Kung ngumiti man ay pilit lang ito hindi katulad dati. Ang laki narin ng pinagbago ng katawan niya. Payat na ito at halata ang stress , emosyonal at pisikal.Kaya ginawa ko ang lahat upang hindi maka-dagdag sa kanyang iniisip na problema.

Na alimpungatan ako ng marinig ang isang hikbi. Hikbi ni mama na ramdam ko ang sakit. Gabi-gabi umiiyak si mama ayaw niyang ipakita sa amin na mahina siya. Kahit ganito ang nangyari ay hindi sumuko si mama, hindi nagreklamo kahit alam kong pagod na siya sa pagsalo ng responsibilidad na iniwan ni papa. Minsan ayoko siyang iwan dahil iiyak lang siya. Ma alala lang niya ang kasalanang ginawa ni papa, pero ito lang ang kanyang paraan para mailabas ang hinanakit na nararamdaman niya dahil hindi niya iyon mailabas kapag nariyan kami sa harap niya.

"Ma, ang lamig," usal ko at sumiksik sa kanya. Lumingon siya sa aking gawi at kinumutan ako ng kumot na gamit niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Iba man ang dinahilan ko upang makayakap sa kanya ngunit ito ang paraan ko upang iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Gumanti siya ng yakap sa akin, yakap ng isang ina na magparamdam sayo na ligtas ka.

Walang sino man sa pamilya namin ang nagtangka na pag-usapan o banggitin man lang ang pag-alis ni papa alang-alang kay mama. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit umalis noon si papa, nagtanong ako kay mama at ang sagot niya ay nag bakasyon sa Bukidnon si papa. Hanggang sa nakarinig ako ng tsismis sa kababuyang ginawa ni papa. Nagulat ako. Hindi ako naniwala dahil alam ko hindi iyon magagawa ni papa. Ngunit nang marinig ko iyon mismo sa mga kapatid ko ay nanlumo ako. Subrang na disappoint ako kay papa pero lamang ang pagmamahal ko sa kanya. Pero noong nakita ko si mama na umiiyak ay napalitan iyon ng galit at pagkamuhi sa kanya.

Hindi ko matandaan kung ilang minuto ang pag-iyak ni mama, na gising na lang ako na umaga na pala. Nakita ko si mama na naghahanda ng agahan namin. Mugto ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak kagabi. Hindi ko na iyon pinansin at umupo sa harap ng hapag kainan.

"Maayos na ba iyang kamay mo?" tanong nito.' Ako ang dapat ang mag tanong sayo ma, kung ayos ka lang ba, pero alam ko naman na hindi ka okay ma.' Nais ko sanang isatinig .

"Opo. Nanibago lang kahapon, matagal na kasi ako hindi nakalaro."

"Talian mo ng panyo kapag maglaro ka mamaya para hindi 'yan ma maga, " tumango ako bilang sagot dahil kumakain ako. " Nilabhan ko ang panyo na ginamit mo pangtali sa kamay mo kahapon,tuyo na siguro iyon."

Nabulunan ako ng banggitin ni mama ang panyo. Ramdam ko na namula ang pisngi ko ng maalala ko ang pagtali ni Kj ng panyo sa kamay ko kahapon. Matapos kumain ay naligo na ako . Pag-alis ko ng bahay ay wala si mama. Sa bukirin na siguro iyon. Napabuntong-hininga ako nang maalala ko ang nagyari kagabi.

"Malampasan rin natin ito ma. Darating ang araw na maghilom rin ang sugat sa puso mo, sa buong pagkatao mo dahil sa ginawa ni papa."

mahinang usal ko na nakatanaw kay mama.